Simot.
Bawat plato na nakikita sa lamesa ay said.
Masasabi ko namang napakasarap nga ng pagkain. Ngayon alam ko na kung bakit iyon medyo pricy.
"Nabusog ka ba?" Tanong ni Alejandro habang nakasandal sa kaniyang upuan at nagtitinga.
"Oo. Busog" tunay namang masasarap ang pagkain.
Bumaling naman si Alejandro sa aking anak. "Ikaw ba 'tol? Nabusog ka?"
"Kaunti lang 'tol. Mas gusto ko pa sa jabee" ngumuso ito.
"Ganoon ba? Gusto mo bili kita fries?"
"Talaga po?" Napapalakpak ang aking anak. "Tsaka yum burger!"
"Oh siya...sige. kung anong gusto mo" mayabang na namang sambit ni Alejandro.
"Da best ka utol!" Lumapit pa talaga si Kokoy kay Alejandro at umupo sa mga hita nito.
Pinagmasdan ko silang dalawa.
Para silang....mag-ama.
Kaagad akong umiling.
Anong iniisip ko?
"Teka. Babayaran pa natin 'to" putol ko sa kasiyahan ni Alejandro.
Tulad ng aking inasahan. Mabilis nawala ang ngiti niya sa labi.
Huminga ako ng malalim bago kami tumawag ng waiter para sa bill. Nakita ko kanina sa ibang mesa kung anong ginagawa nila. Ginawa ko 'yong ginagawa nila at biglang lumapit ang waiter sa amin dala ang bill.
Binuklat ni Alejandro ang bill at tiningnan ang resibo.
"3, 450..." basa ni Kokoy sa numbers. "Tama ba utol? Tama ba basa ko?"
Hindi sumasagot si Alejandro. Napalunok naman ako at medyo nabasa ang aking kamay dahil hindi ako makakuha ng reaksyon kay Alejandro.
Sh*t. Sobra ba?
Ang mahal!
Umabot na agad 'yon ng tatlong libo? Wala kasing prices na nakalagay sa menu.
"Bayad daw" sinipa ko siya sa ilalim ng mesa.
Napakurap si Alejandro bago tumingin sa akin.
"Bayad" aking sambit ulit. Pinanlakihan ko siya ng mata.
Nagpabalik-balik ang tingin sa amin no'ng waiter. Panigurado jina-judge na kami nito.
"Ahh...sure ka bill namin 'to pre?" Tanong ni Alejandro sa waiter matapos makabawi.
"Yes po sir. Ahmm...may problema po ba?"
"Ahmm wala naman" tumikhim si Alejandro. Sinenyasan niya ang waiter na lumapit.
Lumapit naman ang waiter. May binulong si Alejandro pero rinig ko naman.
"Wala na bang tawad? Tatlong libo na lang boss"
Mabilis kong naiiwas ang tingin sa sobrang hiya. Anong tingin niya sa ganitong lugar? Palengke!
"Joke lang" bawi ni Alejandro kasi hindi nakikipagbiruan 'yong waiter e. Parang handa na kami nitong isumbong sa pulis.
Naglabas ng pera si Alejandro. Nakarolyo ang mga isa-isang daan, singkwenta at bente pesos. Nakalaste pa ang mga iyon.
Hindi man lang siya nagpabuo ah?
Nilawayan ni Alejandro ang kamay bago iyon binilang.
"Isa...dalawa...tatlo...apat" bilang ni Alejandro sa mga isang daaan.
"Dalawang libo" aniya bago iyon nilapag.
Nagtungo naman siya sa sikwenta.
Seryoso na nagkwenta ulit si Alejandro. Tinutulungan pa siya ni Kokoy na ayusin 'yong mga isang daan.
"Wantawsand!" Sigaw niya bago nilapag ang mga sikwentang papel at kinuha ulit iyon ni Kokoy at inayos.
"Go. 450 na lang" pinalakpakan ko siya.
"Aabot 'to lalabs" pagkumbinsi niya pa sa sarili habang hawak 'yong mga bebentihin niyang mga papel.
Siguro ito 'yong kinita niya sa pagpapahawak niya ng abs.
"20, 40...60...80...100..."
Kahit ako tensyonado kung aabot ba 'yong bentihin niya na pera.
"300..." huminga ng malalim si Alejandro habang tinitingnan 'yong kapal ng bente.
Parang hindi pa rin abot ah?
"3.....60..." pagtatapos ng pagbibilang ni Alejandro.
"Ako na sa 90" kaagad kong kinuha ang pitaka ko. Buti na lang dinala ko 'yong pitaka.
Sobrang hiyang hiya na ako sa delay at tagal kaya naman pagkalapag ko ng isang daan ay binigay ko na sa waiter 'yong bayad.
"Salamat" ngumiti ako ng matamis sa waiter. "Sorry sa tagal"
"Okay lang po ma'am" yumuko ang waiter bago ito umalis.
Umalis na rin kami sa restaurant na iyon kaagad baka mamaya may fee na rin 'yong pag-upo namin ng matagal.
Nanatiling tahimik si Alejandro pagkapasok namin sa sasakyan. Ilang beses pa siyang bumubuntong hininga.
"Hoy!" Pumalakpak ako sa harapan niya para makuha ang atensyon niya.
Lumingon siya sa akin. "Oh?"
"Bakit ka tulala?" Tanong ko.
"Wala lang. Iniisip ko 'yong mga pera ko" kumamot siya sa batok. "Isang linggo ko iyong pinaghirapan. Nawala lang ng parang bula"
Kinagat ko ang labi dahil sa labis na konsensiya. Bigla tuloy akong na-guilty kasi kung ako tatanungin, nakakapanghinayang na gumastos ng ganoong kalaki para sa pagkain.
Kung kumain kami sa mas mura, edi sana may naitabi pa siya.
"Sorry na okay? Ang totoo niyan, binibiro lang naman kita na sa steakhouse—"
"Ayos lang. 'Yong perang 'yon naman sadyang nilaan ko para dito" bumuntong hininga siya ulit bago lumingon sa akin. "Sorry lalabs. Kinulang pa ako"
"Wala lang 'yon. Ako ang may kasalanan. Ang dami kong inorder"
"Hindi. Sadyang...wala akong pera" tumawa siya pero halatang may mali doon.
Matamlay.
Hindi siya ang Alejandro na kilala ko.
"Kokoy, sorry wala munang Jabee" paghingi niya ng paumanhin sa aking anak. "Kinulang ako e"
"E? Sabi mo Jabee tayo" ngumuso si Kokoy.
Lumingon ako kay Kokoy sa backseat. "Wala ng panggastos Kokoy" giit ko.
Mas lalo lang itong ngumuso at sumiksik sa gilid.
Tumingin ako kay Alejandro. Kita ko ang pagbagsak ng kaniyang balikat at kitang kita na disappointed siya.
Napakurap ako ng ilang beses bago ako napatanaw sa bintana.
Ano gagawin ko? May nagawa ba akong mali?
Naging tahimik ang aming biyahe hanggang makarating kami sa bahay. Nakatulog na si Kokoy sa backseat kaya binuhat na lang siya ni Alejandro papasok.
Pagkatapos niyang mailagay si Kokoy sa kwarto ay lumabas naman kami para ihatid siya palabas.
"Mauna na ako" paalam niya.
Matamlay pa rin ang awra niya. Hindi ako sanay na ganito si Alejandro. Ewan ko, hindi ako mapakali.
Kailangan may sabihin siguro ako.
Tumikhim ako.
Tumingin siya sa akin ng mariin. "Ano 'yon? May sasabihin ka?"
"Ahm.." lumunok ako. "Gusto mo magkape muna?"
Sumingkit ang mata niya bago niya tinuro ang sarili.
"Niyayaya mo ba ako?"
Tumango ako. "Tatanggihan mo ba?"
Napatulala pa siya saglit bago tumango ng maraming beses. "Bakit ko naman tatanggihan ang lalabs ko?"
Sa wakas. Sumilay din ang maloko niyang ngiti.
Inirapan ko siya pero lihim din akong ngumiti pagkatalikod ko at pumasok sa bahay.
Naramdaman ko ang presensiya niya sa likodan ko.
Pumunta kami ng kusina. Pinaupo ko siya sa maliit kong dining area kung saan 4 seater lang 'yong mesa ko.
Nag-init naman ako ng tubig at kumuha ng stock na kape na meron ako.
Habang nagtitimpla, bumaling ako kay Alejandro. Nakatingin lang ito sa nakasabit na orasan at pinagmamasdan niya ang paggalaw ng oras.
Kita pa ring tulala siya at malalim ang iniisip.
"Huwag ka na mag-isip" sambit ko kaya napatingin siya sa akin.
"Ano?"
Dinala ko ang dalawang tasa papunta sa mesa. Ibinigay ko sa kaniya at kaagad niya naman iyong inabot.
Umupo ako sa tabihan niya at hinalo ng mabuti ang kape kong umuusok pa.
"'Yong kanina. Huwag mo na isipin" ulit ko.
"Paanong hindi iisipin? Tatlong libo mahigit..." umarte pa siyang parang iiyak. "Wala akong tulog, walang inom, walang sugal..." iniisa isa niya pa 'yon.
Umirap ako. "So kasalanan ko pa?"
Kaagad siyang tumigil sa pagiging oa niya bago humarap sa akin.
"Siyempre hindi. Ang mahalaga, natupad ko 'yong date hindi ba?" Tumaas-taas ang kilay niya.
"Oo na. Ikaw na!" Umirap ako ulit bago ako bumuntong hininga. "Na-appreciate ko effort mo kahit pagpapahawak lang ng abs ang ikinabubuhay mo"
Mahina siyang tumawa. "Asus. Selos ka naman"
Mabilis na lumukot ang mukha ko. "Wow ah. Kapal talaga ng mukha mo ano?"
"Huwag kang mag-alala. Hindi na mauuulit. Sa'yo lang 'to" pinalo niya pa 'yong tiyan niya.
"Kahit kailan ang hangin mo"
Tumawa siya ng mahina bago siya bumuntong hininga.
"Haist. Hindi ko man lang nabilhan si Kokoy ng fries at yum burger. Ang lungkot no'ng bata" ngumuso siya habang nakatingin sa kape niya.
May kung anong lukso sa puso ko ang nangyari nang sabihin niya iyon.
Nalulungkot siya dahil kay Kokoy?
"Hindi naman mapilit ang anak ko"
"Kahit na" bumuntong hininga siya.
Tumahimik ako bago ko hinipan ang mainit kong kape.
"Pwede ba magtanong?" Tanong niya ulit.
Inangat ko ang tingin bago ako tumango.
Sumimsim muna siya ng kape bago magsalita. "Nasaan pala ang tatay ni Kokoy?"
Natigilan ako. Hindi ko kailanman mahilig magkwento ng buhay ko sa ibang tao.
"Kung ayaw mo, okay lang. Tinanong ko lang naman" kumamot siya ng batok.
Bumuntong hininga ako.
Oh siya. Pinahirapan ko naman siya ng isang linggo.
"Walang kwenta ang tatay ni Kokoy" giit ko.
Napaupo ng tuwid si Alejandro. Halatang gusto niyang makinig.
"Akala ko mahal niya ako. Pinaramdam niya e. Nabaliw nga ako e" kumukuyom ang kamao ko habang naiisip ko na naman 'yong mukha ng lalaking 'yon.
"Tapos no'ng nabuntis ako, aba iniwan ako putcha" nararamdaman kong nababasa ang mga mata ko kaya pinunasan ko iyon. "Bwisit 'yon"
"Tss. Gago pala siya e" pakikisimpatya niya. "Sa ganda mong 'yan? Iiwan ka lang?" Turo pa niya sa mukha ko.
Inirapan ko siya. "Kasi hindi siya marunong humarap ng responsibilidad. Kaya ayoko sa mga lalaking walang responsibilidad na puro sarili lang ang iniisip"
"Aray" humawak si Alejandro sa kaniyang dibdib. "Hinay hinay. Natamaan ako ah?"
"Totoo kasi. Alam mo ba ang hirap ng pinagdaanan ko? Pinalayas ako ng magulang ko dahil kay kokoy. Gusto nila ipalaglag e, e ayaw ko. Kaya dumanas talaga ako ng hirap para lang mapalaki siya"
Muli kong pinunasan ang mata kong maluha-luha na. Hindi nakakatulong 'yong lamig ng simoy ng hangin e.
"Haist. Mas lalo akong nahulog sa'yo"
Tumingin ako kay Alejandro na nakangalumbaba habang nakatitig sa akin. Napakalalim ng titig niya na para bang hinihigop niya ako.
Nakakailang namang tumitig.
"Nakakahanga ka" sambit pa niya. "Hindi lahat ng babae kayang gawin ang ginawa mo. Ikaw na ang tanging ina"
Natatawa ko siyang inirapan. "Tang!na mo"
"Uy ang ganda mo ngumiti. Diyan mo talaga ako nabihag e"
"Wow? Hindi sa kantu tan natin?" Siningkitan ko siya ng mata.
Tumawa siya ng mahina. "Hmm...siyempre isa na rin 'yon"
Umiling ako. "Baliw"
"Hindi ba ako makakaisa?" Nagpa-cute siya.
Inangat ko ang kamao, akmang sasapakin siya. "Eto ? Gusto mo?"
"Joke. Nagbakasali lang. Ang lamig pa naman ng gabi. Sarap magpainit"
"Hindi pa ba ito sapat?" Tinaas ko 'yong kape.
"Pwede na sa ngayon" bumuntong hininga siya. "Dapat pala binigay ko na lang 'yong 2500 sa'yo. Unlimited pa"
Hindi ko na napigilan. Sinuntok ko na talaga siya
"Aray ko" hinimas niya ang kaniyang braso. "Sakit ko manuntok"
"Tigilan mo nga ako Alejandro"
Maloko siyang ngumiti bago bumalik sa pagsimsim ng kape.
"Pero sinasabi ko na sa'yo Alejandro" pagpapatuloy ko. "Kung laro lang ang habol mo, wala kang mahihita sa akin. Layuan mo din ang anak ko—"
"Ayaw ko nga. Gusto ko si Kokoy" putol niya sa akin.
Nakabuka pa rin ang bibig ko sa gulat.
Binaba ni Alejandro ang tasa ng kape sa lamesa. Inisod niya ang bangko palapit sa akin.
Tinikom ko ang bibig lalo na nang abutin niya ang kamay ko.
Napatingin ako doon. Kumabog ng malakas ang puso ko .
"No'ng hindi ko naibigay ang gusto ni Kokoy, nalungkot ako" seryoso niyang sambit. "Ayoko na ng gano'n. Hindi na mauulit pangako 'yan. Magpapakatino na ako"
Nahigit ko ang hininga. Hindi ko alam kung seseryosohin ko ba siya pero parang seryoso e.
"Hindi ko alam ang ginawa mo sa akin" inangat niya ang mga kamay ko sa dibdib niya.
Nanlaki ang mata ko nang maramdamang mabilis ang t***k ng puso niya.
"Hahayaan mo ba akong maging parte ng buhay niyo Betty?" Tanong niya. "Pwede bang maging tatay ni Kokoy?"