"Sophia Careen! Come back here!" he said with his popular authorative tone but hell I care. Lalo lang akong nabubuwisit sa kaniya. Anong akala niya sa akin? Isa sa mga babaeng susundin lahat ng gusto niya makuha lang ang atensiyon niya?
"Bwisit ka! Ayoko sa'yo!" sabi ko at binato sa kaniya ang kanina'y suot kong pumps. Sinalo lang naman niya iyon ng walang kahirap hirap kaya lalong nadagdagan ang inis ko. Gusto ko siyang patayin ngayon sa inis. Tusukin siya ng nagbabagang karayom hanggang sa magkalasog-lasog ang katawan niya.
"Geez woman. Masusugat ang paa mo!" inisip niya ang paa ko pero ang ginawa niya sa akin kanina di niya iniisip!
Pinahiya niya ako! Akalain mong sabihin niyang 'Sana 'di ka na nagdamit pa, Wala ka namang tinago!' tapos binalot pa niya sa akin ang jacket niya eh wala namang mali sa suot ko. Siya lang itong akala mo ay Daddy ko kung maka-react! Anong mali sa suot kong dress? Uso nga ngayon ang ganito at bagay naman sa akin! Wala namang makikita kundi likod ko lang dahil manipis ang tela sa likod ko!
Akala mo naman nakasuot lang ako ng bra at panty kung makapagsalita siya ng ganoon sa akin!
"Nauubos na ang pasensiya ko, Sophia Careen Clarkson! Babalik ka o babalik ka?" umirap ako at humarap sa kaniya.
"'Wag mo kong daanin sa ugali mong ganiyan kasi wala akong pakialam kung nauubos na ang pasensiya m- Aray ko! Masakit!" hiyaw ko ng maramdamang may tumusok sa paa ko. Halos mapaluha ako ng makita ang dugong lumalabas sa paa ko.
"Sh*t! Tatanga tanga kasi. Sinabi ko na ngang tumigil ka na 'di ba?" mabibilis ang mga hakbang nitong nakalapit sa akin. Hindi na kasi ako gumalaw dahil natatakot akong pati ang isang paa ko ay masugat pa.
"Bakit mo ba kasi ako hinahabol? Kung hindi mo ako hinahabol di hindi ako at maglalakad ng mabilis palayo sayo! Kasalanan mo ito nakakainis ka talaga!" pinagpapalo ko siya pero wala man lang siyang reaksiyon. Tinanggal niya lang ang Jacket niya na binato ko sa kaniya kanina.
Yumuko siya sa harapan ko at bago ko pa nalaman ang gagawin niya ay naipaikot na niya sa may legs ko ang Jacket at nasa balikat na niya ako na para bang sakong basta na lamang niyang sinampay sa balikat niya.
"Ibaba mo ko!" tili ko habang pinagpapapalo ang likuran niya pero diretso lang itong maglakad na para bang wala ako sa balikat niya. Nakaalalay ang isang kamay niya sa mga hita ko habang ang isa ay hawak hawak ang pares ng pumps ko. Tumigil ako sa kakapalo ng maramdaman kong parang malalaglag ako. Kumapit ako sa damit niya at pumikit kahit na gusto ko na siyang kagatin sa inis.
"Ang tigas kasi ng ulo! Napakatanda na pero kung mag-isip parang bata! Sino bang mag-iisip na tanggalin ang sapatos habang dumadaan sa batuhan? Ikaw lang Sophia Carren!" sabi na naman nitong muli na lalong nagpakulo ng dugo ko! Napakakapal niya talaga! Kung hindi niya naman iyon sinabi kanina sana hindi ako umalis! Pinahiya niya kasi ako!
Naramdaman kong unti unti niya akong binaba. Naamoy ko ang pamilyar na pabango ng sasakyan niya. Nakatiim ang mga bagang niya habang unti unting lumuluhod sa harap ko at tinitignan ang sugat ko. Kung hindi lang masakit ay baka kanina ko pa sinipa ang mukha niya!
Kinagat ko ang labi ko ng makitang hanggang ngayon ay dumudugo parin ang sugat sa paa ko. Umalis siya sa pagkakaluhod at basta nalang tumalikod. Saan siya pupunta? Iiwanan niya akong ganito? Pagkatapos niya akong habul-habulin at pagkatapos kong masugat?
"Duke Xyrus!" sigaw ko pero dahil ata sa sobrang layo ay hindi na niya narinig pa. Kumamot ako sa batok ko at tinignan ang kawawa kong paa. Paano ako makakalakad?
Tagaktak na ang pawis ko dahil sa init. Bukas kasi ang pinto sa part ko at hindi parin ako gumalaw dahil feeling ko anytime ay sasakit muli ang paa ko kaya kahit may aircon ay walang kwenta. Kinuha ko ang purse ko na nilagay nalang basta ni Duke Xyrus sa may baba ng passenger seat at kinuha ang tissue sa loob. Pinunasan ko ang pawis ko habang paulit ulit na minumura si Duke! Pagkatapos ko ay kinuha ko ang maliit na pony tail at basta nalang inikot ang buhok ko at ginawang bun. Nagkibit balikat ako at sumandal sa upuan bago tumingin sa orasan sa kanang kamay ko. Ilang minuto na siyang wala! Saan ba siya nagpunta! Naiiyak na ako sa sakit at init!
Kinagat ko ang labi ko ng kumirot na naman ang sugat. Ang dami ng tulo ng dugo sa baba ng sasakyan. Nagulat ako ng may lumuhod doon. Sumimangot ako ng makita si Duke Xyrus iyon at may dalang paper bag na may nakalagay na Mercury drugs. Nanlaki ang mga mata ko at tinaas ang paa ko pero dahil kumirot na naman ay bumalik din sa dati.
"Ayoko 'yan! Masakit 'yan!" sabi ko at hindi ko siya hinayaang buksan ang paper bag. Hawak hawak ko ng mahigpit ang bukasan nito habang sa magkabilang gilid ang mga kamay niya.
"Umayos ka nga, Sophia! Hindi ka na bata! Paano kung ma-infect ang sugat mo? Kung hindi ka magpapagamot sa akin dadalhin kita sa hospital!" sabi nito habang galit na galit na inaagaw ang paper bag sa kamay ko. Inis ko iyong binitawan at nagkibit balikat. Inirapan ko siya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
Unti unti niyang nilagay ang laman ng paper bag at hindi ko mapigilang hindi mapangiwi sa mga maliliit na bottle na nilalabas niya. h'wag mong sabihing lahat iyan ay gagamitin niya sa paa ko? Kinuha niya ang bulak at nilagyan ito ng panlinis ng sugat. Idadampi na sana niya ang bulak sa sugat ko ng pigilan ko iyon ng kamay ko. Masakit 'yon!
Pinilit niyang tanggalin ang mga kamay ko pero binabalik ko rin kaya umangat ang tingin niya sa akin. Nanlilisik parin ang mga mata niya habang nakatiim ang mga bagang.
"Sophia!" nagbabantang sabi niya. Kinagat ko ang labi ko. Nawawala ang pagka-maldita ko tuwing nangyayari ang mga ganitong bagay.
"Masakit 'yan, Duke Xyrus. Ayoko niyan," mahina kong sabi bago ko kinagat ang labi ko at itinuon sa hawak niyang bulak ang mga mata ko.
"I'll be gentle. Hihipan ko para hindi masakit. Kapag hindi iyan nilinis magkaka-impection iyan at paniguradong mas masakit iyon" ngumiwi ako sa sinabi niya bago tumingin sa mata niya.
"Promise? Cross your heart? Hindi mo sasakitan?" nanginginig na ang mga labi ko at nagbabadya na ang mga luha ko. Pumungay ang mga mata niya at unti unting tumango.
"Kailan ba kita sinaktan, Sophia? Hindi kita sasaktan intentionally, kung masaktan ka man hindi ko iyon sinadya," unti unti kong binitawan ang kamay niya at pumikit. Naramdaman kong may humawak sa paa ko at kahit gusto ko iyong tanggalin ay hindi ko na ginawa.
Kahit na gaano ako kainis sa kaniya alam kong hindi niya ako sasaktan. Alam ko. Duke Xyrus is my shield, my protector.