bc

DMS: Duke's Possession

book_age16+
1.4K
FOLLOW
4.4K
READ
possessive
friends to lovers
arrogant
goodgirl
drama
sweet
bxg
lighthearted
enimies to lovers
first love
like
intro-logo
Blurb

Duke Xyrus Dela Marcel is the most selfish among all the Dela Marcel boys. Nothing, not even her cousins can tame him except her. The one and only Sophia Careen Clarkson. The love of his life. His possession.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Hindi kita gusto! Ayoko sa'yo! Ang sama ng ugali mo!" inis na sigaw ko kay Duke pero nanatiling walang reaksiyon  ang mukha niya katulad ng kapag ibang tao ang nasa harapan niya. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa loob ng pantalon niya at nakasandal sa sasakyan niya. Nakakainis lang lalo dahil inis na inis at halatang halata na ang inis ko pero siya ay kampanteng nakasandal lang sa sasakyan niya. Sa inis ko ay lumapit ako sa kaniya at pinagsusuntok ang dibdib niya pero wala parin siyang reaksiyon! Kahit sakit lang na dulot ng suntok ko ang makita ko ay walang wala. Hinapit niya lang ako lalo sa kaniya hanggang sa pagkadikit ang katawan namin. Tinulak ko siya palayo pero parang mga bakal na nakaikot sa bewang ko ang braso niya. Pinagitna ko ang dalawang braso ko sa dibdib namin para kahit papaano ay may espasyo dahil kahit ayoko ay may kakaibang epekto talaga sa akin ang bawat galaw niya. Para namang hindi ako sanay na ganito kami kalapit! Malandi ang taong batong ito at ako ang palagi niyang nilalandi! "Bakit ang ganda ganda mo?" hinawi niya pa ang buhok kong tumatabing sa mukha ko gamit ang kamay niya at sa wakas ay nagkaroon na ng reaksiyon ang taong bato! "Ang sama mo Duke. Bakit inaway mo ang mga kaibigan ko? Wala na naman akong kasama" iiling iling na sabi ko at sinandal nalang ang ulo ko sa kaniya. Wala naman kasi akong kawala at imbes na titigan ang nakakainggit niyang asul na mata ay yuyuko nalang ako. "Hindi sila tunay na kaibigan, Sophia. They're talking behind your back!" narinig kong sigaw niya. Alam kong dumidikit lang sa akin ang mga iyon dahil kaibigan ko ang mga Dela Marcel at dahil sikat na Fashion Designer ang Mommy ko habang Lawyer ng mga Dela Marcel ang Daddy ko pero kasi wala naman akong kasama parati dahil magkakaiba kami ng schedule ng mga Dela marcel kaya pinagtatyagaan ko nalang din kaso mukhang wala na din akong pagtatyagaan dahil ang lalaking kontentong nakayakap sa akin ngayon ay tinakot sila. Sino nalang kasama ko? Hihintayin ko nalang si Sacha at Ate Dyka na isang oras ang tagal ng dismissal at lunch break sa akin habang ang iba naman ay mas maaga ang break sa akin. "I don't care! Paano ako magkakaroon ng mga kaibigan kung parati mo silang inaaway, Duke?" maktol ko sa kaniya. Simula ata bata ako ay wala akong naging kaibigan na matino maliban sa mga Dela Marcel. Kung hindi nila ako iiwan at lalayuan, aawayin naman nila ako dahil inaaway ko daw si Duke nila! Eh di sa kanila na si Duke! Kala naman nila gusto kong bumubuntot buntot sa akin 'to! Kala naman nila gusto ko! Napaka-bipolar ni Duke at ang nakakainis pa ay ang mababang temper nito. "Tsk, hindi kita binabawalan magkaroon ng kaibigan, Sophia. Ang sa akin lang, piliin mo kung sino ang magiging kaibigan mo kasi halos lahat ng napipili mo ay iyong mga hindi dapat kinakaibigan" sabi niya na parang Tatay ko kung pangaralan ako. "Sinasabi mo bang pangit ang taste ko, Duke Xyrus Dela Marcel Fajardo?" pinanlakihan ko siya ng mata pero alam mo 'yong parang hindi ka galit dahil iyong taong kinagagalitan mo ay nakangising nakatitig lang sa mukha mo na parang baliw?  "Ang ganda mo talaga!" inirapan ko siya sa sinabi niya. Malanding taong bato. Napansin kong tumingin siya sa orasan bago ako tinignan ulit. "Pumasok ka na, Sophia. Male-late ka na" sabi niya at sa wakas ay binitawan niya na ako. Inis na sinipa ko naman siya sa tuhod. Mabuti nga at medyo naawa ako sa suot kong sapatos dahil kung hindi baka inulit ulit ko pa. "Bad ka parin at ayoko parin sa'yo! I hate you Duke Xyrus dela Marcel Fajardo from earth to pluto and back!" sabi ko bago nag-martsa paalis. "Tss! Iniinis mo ba ako, Sophia Careen?" nanlilisik ang mga matang sabi nito pero imbes na matakot ay inirapan ko lang siya. Sanay na sanay na ako sa ugali nito at hinding hindi ako matatakot sa kaniya. Iniwan ko siya doon na hawak hawak ang tinadyakan ko. Kahit na ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko ay hindi ako lumingon. Bahala siya sa buhay niya. ogue

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook