Chapter Twenty Nine

1653 Words

"Hindi ka ba lalabas, Sophia? Isang linggo ka na rito pero hindi pa kita nakitang lumabas." nilingon ko si Mommy bago bumalik sa librong binabasa ko. Wala naman akong pupuntahan bakit pa ako lalabas? May mission si Kian at Zero. Kung hindi ako nagkakamali, nasa Maldives ang dalawa. Hindi naman ako pwedeng pumunta sa mga Dela Marcel na parang walang nangyari at si Duke... Imposibleng hindi ko siya makita. D*mn! Bakit ba ako ang nahihiya na makita nila kung hindi naman ako ang nanakit at nanloko sa aming dalawa! Isang linggo lang! I wonder kung paano niya nagawa iyon! Pwede ko bangand malaman nang matuto naman ako at makawala sa kaniya! "What's wrong, baby?" masuyong tanong ni Mommy bago umupo sa tabi ko. Para naman akong nanigas sa ginawa niya. Pasimple akong umusog palayo sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD