Hindi ako mapakali. Sacha's sleeping beside me. Sobrang peaceful ng tulog niya, nakakainggit. Ni hindi ko magawang makatulog dahil sa mga nangyari at lalo pa 'yong nadagdagan kanina. Umikot ako at niyakap ang unan. Sumilip ako sa baba ng mapansin na may gumalaw din doon. Sa floor kasi natulog si Duke at sa sofa naman si Caleb. Nakadapa si Duke sa yakap rin ang isang unan. Hindi kasi ganun kadilim kaya naaaninag ko siya. I can see myself marrying him, yes, but not now. Lalong hindi kung ganito kagulo. Sobrang gulo. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Bakit ba ang hirap maging masaya. Hindi ba pwedeng mahal niya ako at mahal ko siya tapos ok na? Hindi ba pwedeng wala nalang ganito. Hindi ba pwedeng hindi nalang nila ako mahalin. Alam kong wala silang kasalanan pero ang hirap

