CHAPTER 4

2608 Words
❤ Magnolia ❤ NAKATINGIN AKO SA kisame na naging kwarto namin ni Ate dito sa bahay ng mga Ford. Hindi ako makatulog dahil namamahay ako at namimiss ko ang bahay namin kung saan napakaraming alaala namin kasama sila Inay. Napatingin ako kay Ate na tulog na tulog na. Napahinga ako ng malalim at maingat na bumaba sa kama para hindi na magising pa si Ate mula sa pagkakatulog. Naisipan ko na bumaba upang uminom ng tubig. Medyo madilim pero may dim lights naman sa hagdan at sala kaya madali akong nakarating ng kusina.. Hanggang ngayon ay namamangha pa ako sa bahay ng mga Ford. Para bang isang bakasyunan pero parang mansyon sa laki tapos malapit pa sa dagat. Hindi ko pa nakikita kung gaano kaganda ang dagat dahil gabi na rin kami nakarating rito pero sabi ni Ate ay maganda daw ang dagat. Asul na asul ang tubig at puting-puti ang buhangin. Binuhay ko ang ilaw ng kusina at nang mapatingin ako sa ref ay nabigla ako dahil nandito rin pala si Samuel. "Sorry. Akala ko walang tao." nahihiyang paumanhin ko. Aalis na sana ako dahil tila meron siyang iniisip at baka maistorbo ko pa. "Tumuloy ka. Iinom ka ba?" Humarap ako sa kanya at tumango, "Uh.. Oo sana." mahina kong tugon na kinangiti niya. "'Wag ka nang mahiya. Parang hindi mo naman ako kilala. Ako kaya ang kalaro mo noon sa inyo, hindi mo ba naaalala?" nakangiti nitong sabi. "Naaalala ko! Akala ko kasi ikaw ang hindi nakakaalala." nakangiti kong sabi at lumapit sa kanya. Inabot niya sa akin ang pitchel ng tubig na kinuha niya sa ref. "You know what. Nang malaman ko kela Daddy na dito na kayo titira ay natuwa ako. Dahil makakasama ko na ang taong nagturo sa akin kung paano bumangon oras na madapa ako." aniya at hinawakan ako sa balikat. "Nakakahiya man na nakikitira kami, pero sa totoo lang ay masaya din ako dahil meron pa palang taong nais kami tulungan ni Ate. Sa totoo lang ay hindi namin alam ni Ate kung paano na kami ngayon lalo't wala na sila Inay." sabi ko sa kanya at hindi ko mapigilan na mangilid ang luha dahil nabanggit ko muli sila Inay. "anyway, masaya ako at naaalala mo pa pala ang paglalaro natin noon. Akala ko kasi ay nakalimutan mo na dahil hindi mo naman ako pinapansin kanina." pag-iiba ko sa usapan para hindi matuloy ang pag-iyak ko. "May iniisip lang ako kanina kaya tahimik ako. Sorry, dahil gano'n pala ang akala mo." nakangiti niyang sabi at humawak sa tuktok ng ulo ko. Napangiti ako dahil naaalala pa niya ako. At least ngayon ay panatag ako na meron na akong bagong kaibigan sa bahay na ito at isla. - ❤ Seige ❤ PABALIK-BALIK AKO ng pwesto sa kama ko dahil hindi ako makatulog. Dahil sa sobrang saya ko kanina ay hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on. Napaupo ako sa kama at binuhay ang lamp shade sa side table. Napahilamos ako ng mukha dahil sa inis. Magnolia! Magnolia! Bakit hanggang sa pagtulog ay ayaw mo akong patulugin? Hay! Bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto. Nang maisara ko ang pinto ko ay napatingin ako sa pinto ng kwarto nila Magnolia. Lumapit ako doon at tinapat ang tenga ko upang marinig kung tulog na ba sila? Wala na akong naririnig na kaluskos kaya tiyak na tulog na sila. Malalim ang pinakawalan kong hangin dahil hindi ko naman gusto na istorbohin sila. Naisipan ko na magpahangin na lang dahil hindi rin naman ako makakatulog. Nakapamulsa na bumaba ako ng hagdan. Pagbaba ko ay napatingin ako sa gawing kusina dahil buhay ang ilaw doon. May gising pa pala. Sino kaya? Tinungo ko ang kusina at papasok pa lang sana ako ng makita ko si Samuel at Magnolia na tila merong pinagkukwentuhan. Napaatras ako at nagtago sa pader. Natulala ako habang pinapakinggan ang halakhak ni Magnolia na ngayon ko lang narinig. Nakaramdam ako ng pagkainis dahil bakit kay Samuel niya pinapakita ang halakhak na iyon? At kelan pa sila nagkakilala? At kelan pa naging close ni Samuel si Magnolia? "Bukas na bukas ay ipapasyal kita rito sa isla. Hindi ka pa naman papasok sa school, 'di ba?" sabi ni Samuel. "Oo. Sige, gusto ko 'yan." masaya namang tugon ni Magnolia. Bullshit! Inunahan pa ako ni Samuel! Pero kung akala nila ay matutuloy ang pamamasyal nila,? iyon ang akala nila. Dahil sisiguraduhin ko na sa akin sasama si Magnolia. Napangisi ako at umalis na doon para bumalik sa kwarto ko. - ❤❤❤❤❤ Kinabukasan... ❤ Magnolia ❤ DAHIL SA PINAG-USAPAN namin kagabi ni Samuel na mamamasyal daw kami kaya maaga akong nagising kahit na inaantok pa ako. Si Ate ay gising na rin dahil may pasok pa siya sa hotel bilang secretary ni Kuya Duke. Pero bago ang lahat ay nilinis ko muna ang pinaghigaan namin dahil nakakahiya baka masilip pa ito ni Ma'am Beatrice at baka madismaya pa iyon dahil hindi namin inaalagaan ang kwartong pinahiram nila. Pagkatapos kong maglinis ay ginayak ko na ang isusuot ko para sa pamamasyal. Isang jumper denim short at ang top ay white sleeve. Kumuha ako ng towel at pumasok na sa banyo na meron mismo sa loob ng kwartong ito. Ang yaman-yaman talaga nila. Sabagay deserve naman nila dahil ang babait nila, lalo na sila Sir Dimitri at Ma'am Beatrice. Ang sarap gamitin ng banyo nila. Malinis at madali akong nakakaligo. May shower tapos may bathtub pa. At napakaraming supply ng shampoo at sabon na imported. Ang bango at ang lambot sa balat gamitin. Gusto ko man na magpatagal sa shower ay hindi ko na tinuloy dahil baka maunahan ako ni Samuel at nakakahiya 'pag nahuli pa ako. Sinuot ko ang hinanda kong damit at kinuha ko sa box ang pinakaiingatan kong rubber shoes na puti. Sinuot ko iyon at tumayo ako habang tinitignan kung bumagay ba iyon sa suot ko. Napatango ako, "Bagay naman." Lumapit ako sa harap ng salamin at binolower ko ang buhok ko at nang matiyo na ay kumuha ako ng hair pin at inipit ko sa harap ng buhok ko. Nagpulbo ako ng mukha at tumingin sa salamin na may malaking ngiti sa labi. Kinuha ko na ang shoulder bag ko na brown leather at lumakad na palabas ng kwarto ko. Sinara ko ang pinto at humarap para sana lumakad na nang mabigla ako ng sumulpot sa harap ko si Seige. Napasandal ako sa pinto habang siya ay lalong lumapit sa akin at pinatong ang dalawang kamay sa pagitan ng ulo ko. "Saan ka pupunta?" seryoso niyang tanong na halos tumama ang hininga niya sa mukha ko. Napabaling ang ulo ko sa kabilang side dahil naiilang ako sa sobrang lapit ng mukha niya. "Uh.. Mamamasyal lang kami ni Samuel." mahina kong sabi at lulusot sana ako ng hawakan niya ako sa baywang at muling sinandal sa pinto. "Hindi p'wede. Marumi pa ang kwarto ko kaya gusto ko na linisin mo." sabi niya habang titig na titig sa mata ko. Hindi katulad nung nakaraan na nakakapagbiro siya. Ngayon ay nakakakaba dahil masyado siyang seryoso. "P-pero kasi.. Baka naghihintay--" "Ngayon na. Naniningil na ako sa pagtulong ko sa 'yo sa paglilinis ng bahay niyo." Nagbaba ako ng mukha at dahan-dahan na tumango. Tumingin ako sa wrist watch na suot ko at meron pa naman akong natitirang oras. Umalis siya sa harap ko at lumapit sa kwarto niya at pumasok. Nakaabang siya sa pinto niya at sinenyasan akong pumasok. Kaya naman pumasok na ako para mabilis kong malinis ang kwarto niya at para mapuntahan ko na si Samuel. Pagpasok ko ay hindi ako makapaniwala na sobrang gulo ng kwarto niya. Nakabagsak sa sahig ang kumot at unan. Ang mga libro ay nakakalat sa isang table. Meron pang mga chips na bumagsak sa sahig. Tumingin ako sa kanya na kumuha ng towel. "Make sure na linis mo na 'yan pagkatapos kong maligo." nakangisi niyang sabi at sumisipol-sipol na naglakad patungo ata sa banyo. Napahinga ako ng malalim at inalis ko ang bag ko sa pagkakasukbit sa katawan ko. Nilapag ko ito sa sofa at tinaas ko ang manggas ng suot kong sleeve para hindi marumihan.. Napailing ako dahil ni-ready talaga niya ang panglinis. Kinuha ko ang vacuum at trashcan. Inuna ko muna na ayusin ang kama niya. Kahit binibilisan ko na ayusin ang lahat ng kalat ay pinapanatili kong maayos para wala siyang masabi. Hingal na hingal ako habang napapangiti nang makita ko na malinis na ang buong kwarto niya. "Very good." Napabaling ako ng tingin sa gawing banyo ng marinig ko ang tinig ni Seige. Napaiwas ako ng tingin dahil naka-towel lang siya. "Marumi ang banyo. Alam mo na ang gagawin." sabi niya kaya napatingin muli ako sa kanya. Lumakad siya patungo sa isang room. Sa tingin ko ay walk-in closet niya. Napatingin ako sa wrist watch ko at alas otso na! Tiyak na hinihintay na ako ni Samuel. Agad akong pumunta sa banyo niya at nilisin ko iyon kahit na hindi naman masyadong marumi. Dahil mga nakabagsak na towel at pang-ahit niya lang ang nakita ko sa lababo ng banyo niya. Nang matapos ako ay humarap na ako para lumabas ng magulat ako ng bigla siyang sumulpot na hindi pa rin nagbibihis. Nagkabanggaan kami at dahil nawalan kami ng balanse ay napahawak ako sa braso niya. Imbes na ako ang bumagsak sa sahig ay siya ang nagpabagsak. Napadagan ako sa kanya habang nakapikit dahil sa sobrang kaba na baka sumubsob ako sa sahig. Matagal kami na nasa gano'ng posisyon nang unti-unti akong dumilat. Sumalubong sa akin ang medyo singkit niyang mata, itim na itim ang kulay ng mga mata nito. May nunal siya sa tabi ng kanyang mata. At ang kanyang ilong mahaba na matangos. "O-ouch!" daing niya kaya dali-dali akong umalis sa ibabaw niya at nag-aalala na tinignan siya. "May masakit sa 'yo?" nag-aalala kong tanong. Tumango siya, "Yes. . . My back. . . Ouch! . . . It's hurt." daing na sabi niya. "Teka! Aalalayan kita." pigil ko sa kanya sa ambang pagtayo. Kinuha ko ang braso niya at sinabit sa balikat ko. Mabigat siya pero pinilit ko na maitayo siya, "dahan-dahan dahil sa maling pagbagsak ko kaya siguro nakaramdam ka ng pananakit ng katawan. Kailangan natin ng first aid kit para maibsan ang dinadama mong sakit ng balakang." sabi ko sa kanya habang maingat ko siyang inaalalayan. Panay ang daing niya at halos mabigatan ako dahil matangkad siya kumpara sa akin at mabigat. Tapos mahigpit pa siyang nakahawak sa balikat ko tila nagpapabigat. "Sandali! Kailangan kong magbihis. Paano na? A-aray! Ang sakit talaga." sabi niya at napadaing ng bigla akong mapahinto dahil sa sinabi niya. Oo nga pala. Pero alangan naman bihisan ko siya? Nakakailang iyon. "Samahan mo ako sa walk-in closet ko. Lalamigin ako 'pag hindi pa ako nagsuot ng damit." Pukaw niya sa akin. Tumango ako at inalalayan siya patungo sa walk in closet niya. "'Yan! 'Yang puting t-shirt na may print na 'Basta gwapo malupit sa kama'. Tapos kuha mo ako ng board short ko at brief na rin." aniya habang nakatayo kami sa harap ng closet niya at sinasabi niya ang dapat kong kunin.. Kinuha ko ang white shirt niya na naka-hanger at may kakaibang print sa t-shirt. Kinuha ko rin ang tinuro niyang board short at kahit nakakailang at nakakahiya ay kinuha ko ang brief niya gaya ng utos niya. Kahit alin doon kinuha ko dahil nakakailang. "Paano ko 'yan masusuot? Ang sakit-sakit ng likod ko." Problemado niyang sabi. "Huh? Si Samuel.. Gusto mong tawagin ko muna siya?" suggest ko. "No! I mean.. Hindi ako ipagsusuot no'n dahil maselang iyon. Wala rin sila Kuya Duke, Diko Diesel, Diko Deo, at Diko Drake. Tapos si Mommy ay tiyak na busy iyon. Si Dad naman ay maaga iyon sa work niya. Si Bettina at Benjamin ay tiyak na tulog pa." sabi nito. "Paano 'yan? Alangan naman ako?" napapatanong kong sabi. Nakita ko ang pagngiti niya pero agad din niyang inalis at nagseryoso. "Siguro ay ako na lang ang magsusuot. Titiisin ko na lang na sumakit ng sumakit ang likod ko." sabi niya at bumitaw sa pagkakahawak ko. Napapangiwi siya na humawak sa pader. "Sige, ako na lang." walang magawa kong pagpayag. "Sure ka?" paniniguro nito. Tumango ako at kinuha ko ang susuotin niya. Nakaiwas ang tingin na lumuhod ako habang sinusuot sa paa niya ang brief niya. "Higher, baby.." aniya dahil hindi ko maitaas dahil naiilang talaga ako. "Ano. . . Ikaw na lang ang mag-abot. Abot mo na siguro 'yan." sabi ko at binitawan na ang brief niya na nasa hita na niya. Tumayo ako at kinuha ang board short niya. "Paano ko nga aayusin ang brief ko kung tuwing gagalaw ako ay masakit sa likod? Sige na. Hindi naman kalakihan ang akin." sabi niya. "Malaki nga, e." sabi ko. "What? Nasilip mo?" gulat na gulat niyang tanong habang nangingiti. Nakapaling siya na kinakunot ko ng noo. "Alin ang nasilip ko? 'Yung brief mo, malaki naman talaga ang size. 'Tsaka bakit ka nakapaling? Akala ko ba masakit?" "Uh.. Ouch! Ouch! Teka, lalo ata nabali." daing niya, "ituloy mo na lang kasi isuot ang brief ko ng makahiga na ako dahil ang sakit na talaga." nahihirapan niyang usal kaya wala akong nagawa kundi lumuhod muli at mabilisan kong sinuot ang brief niya. Agad kong binitawan ang garter no'n dahil baka ano pa ang mahawakan ko. Nag-sign-of-the-cross ako pagkatapos. Pinasuot ko rin sa kanya ang short niya at sinunod ko ang t-shirt. Nang ayos na ay inalalayan ko siya palabas ng walk-in closet at inalalayan palapit sa kama niya. Padapa siyang nahiga habang umiinda ng sakit. "Dito ka lang. Kukuha ako ng yelo para mawala ang sakit pasamantala. Tapos hihilutin ko na lang para mawala ang pilay mo." sabi ko sa kanya na tumango sa akin at hindi na umimik. Dali-dali akong bumaba at sa sala ay nakita ko si Samuel na mula sa pagkakaupo sa sofa ay napatayo siya ng makita ako. "Finally, bumaba ka rin. Let's go." aya niya. "Ano kasi, Samuel. . . Pasensya ka na. Si--" Naputol ang sasabihin ko ng mag-ring ang cellphone niya. "Wait a minute." pigil niya kaya tumango ako. May kinausap siya sa kabilang linya at nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "okay, I'll be there." Binaba na nito ang tawag at tumingin sa akin, "Sorry, Magnolia. Next time na lang siguro. May kailangan lang akong gawin. Pasensya na." paumanhin niya. Ngumiti ako, "Ayos lang. Gano'n din ang sasabihin ko sana. May gagawin din kasi ako." sabi ko sa kanya. "Gano'n ba. Oh, pano, I have to go. Emergency kasi." paalam niya at dali-dali ng umalis sa harap ko. Napabuntonghininga ako at tinungo ang kusina para kumuha ng yelo. Pagbalik ko sa harap ng kwarto ni Seige ay napatigil ako sa pagpasok ng marinig ko siya. "Of course, ako pa. Napaniwala ko siya na masakit nga ang likod ko." Malalim akong napahugot ng hininga dahil isang pagbibiro lang pala ang ginawa niya. Binuksan ko ang pinto at tumingin ako sa kanya na agad tinago sa likod ng unan ang cellphone na hawak niya kanina at um-acting na nasasaktan. "Umayos ka ng higa para maayos ko na mailagay sa likod mo ito." sabi ko. Sasakay na lang ako sa mga trip niya. Kilala ko naman siya, isang palabirong Seige. Kahapon lang ay napagtripan na niya ako. Nilagyan niya ng ipis ang pagkain ko. Bakit nga ba hindi pa ako nadadala sa pang-t-trip niya? Hay, Seige. Hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD