❤ Seige ❤
SUMISIPOL-SIPOL ako na bumaba mula sa kwarto ko. Masaya ako dahil napigilan ko ang lakad nina Samuel at Magnolia. Kahit kapatid ko si Samuel ay hindi ko hahayaan na maagawan niya ako.
Matapos akong hilutin ni Mags (na syempre gustong-gusto ko) ay nagtungo siya sa kusina dahil pinatawag ni Mommy. Kaya doon ako patungo ngayon. Pagpasok ko ay masayang nagluluto sila Mommy at Mags.
"Oh, Seige baby, mabuti at bumaba ka na. Gusto mo na bang kumain?" si Mommy habang may hinahalo sa niluluto nito.
Napatingin ako kay Magnolia na nilagpasan ako.
"Mommy, saan pupunta si Magnolia?" tanong ko.
"Sa supermarket. Kulang kasi ang pang sahog ko sa dessert para mamaya."
"Samahan ko na siya, Mommy." sabi ko at hindi ko na hinintay pa na magsalita si Mommy dahil agad na tumalikod ako para sundan si Magnolia.
Hinawakan ko sa braso si Magnolia para tumigil siya sa paglalakad. Napaharap siya sa akin kaya napangiti ako.
"Samahan na kita." Alok ko sa kanya.
"'Wag na. Kaya ko naman." tanggi niya.
"Bakit, alam mo ba kung saan ang supermarket rito sa isla?" paghahamon kong tanong sa kanya.
Napaisip siya at dahan-dahan na umiling. Napangiti ako at hinawakan siya sa balikat at hinarap muli sa nilalakaran niya.
"Kaya nga sasamahan na kita." Bulong ko at inakbayan siya.
Ngiting-ngiti ako dahil dikit na dikit kami sa isa't-isa. Kahit ano pang tanggal niya ay hindi niya maaalis ang braso ko. Mahirap tanggalin kung ako mismo ang may ayaw na maalis.
Bumitaw lang ako sa kanya paglabas namin. Kinuha ko ang bike namin na nasa gilid. May basket iyon sa unahan at merong upuan sa likuran.
"Sakay na." aya ko sa kanya.
"Pero baka hindi ako kayanin n'yan?" nag-aalangan niyang tanong.
"Trust me. I make sure you are always safe with me." wika ko.
"Hindi nga ako safe sa 'yo dahil lagi mo akong pinag-t-tripan." bumubulong siya na hindi ko naman narinig.
"Are you saying something?" tanong ko. Umiling siya at napipilitan na lumapit at sumakay sa likod ko.
"Kumapit ka dahil baka mahulog ka." bilin ko sa kanya. Humawak siya sa baywang ko na kinatibok ng puso ko.
Fuck this heart! Mahawakan lang ako ni Magnolia ay malaki na agad ang impact sa puso ko.
Napailing ako at pinidal na ang bisikleta. Sa bawat nadadaanan namin ay sinasabi ko sa kanya kung ano 'yun. Mangha-mangha siya dahil marami daw pa lang establisyamento rito.
Nagpreno ako nang makarating na kami sa supermarket. Bumaba siya kaya inayos ko ng tayo ang bike at bumaba na rin ako.
"Wow! Ang laki din pala ng supermarket rito. Para akong nasa maynila pero ang kaibahan lang ay merong dagat na tanawin." masayang sabi niya.
Nakatitig ako sa masayang mukha niya na tila ngayon pa lamang nakakita ng ganitong lugar.
Tumingin siya sa akin at nahuli niya ako na nakatingin sa kanya. Syempre hindi ako umiwas. ?
Umiwas siya ng tingin kaya tumikhim ako, "Let's go." aya ko para hindi na siya mailang.
Tumango siya kaya ngumiti ako. Pinauna ko siya habang nakasunod ako sa likod niya.
May mga maangas na lalakeng tourista na pasalubong sa gawi namin. May kanya-kanyang babaeng bitbit pwera 'yung nasa gitna na akala niya siya ang nagmamay-ari ng supermarket na ito.
Agad kong hinawakan sa baywang si Magnolia at hinapit palapit sa akin. Hinarang ko ang kamay ko at pinatong sa dibdib ng lalakeng nasa gitna upang pigilin ito sa paglalakad dahil babanggain sana nito si Magnolia.
"Kita niyong naglalakad kami sa gawing ito, pero tuloy pa rin kayo sa paglakad, ha?" mariin kong sabi at nilagay sa likod ko si Magnolia.
Napangisi ang maangas na lalakeng ito at hinawi ang kamay ko.
"Kung nakita mo na rin kami, edi sana tumabi kayo. Tanga lang, 'di ba, Guys?" ngising sabi nito at binalingan ang mga kasama nito.
"Yeah.." sang-ayon ng mga kasama niya.
Naramdam ko ang paghawak sa akin ni Magnolia sa braso, "Seige, tara na. Hayaan na natin sila." bulong niya sa akin at hinihigit ako, pero hindi ako nagpahila dahil ayokong palagpasin ang mga siraulong ito.
"Sumunod ka sa girlfriend mo, wala ka naman laban sa amin." maangas na sabi ng mukhang kabayong leader ng grupong ito.
"Kung palayasin ko kaya kayo sa islang ito? Baka gusto niyo ring ipakulong ko kayo dahil sa pagnanakaw niyo sa mga chips na kinakain niyo na halatang kinupit niyo lang." seryoso kong sabi.
Napahalakhak ang mukhang kabayo na nasa gitna habang ang mga kasama nito ay nagngisihan, isama pa ang mga babaeng ki-e-iksi ng mga suot at kung tumingin sa akin ay tila ako inaakit. Asa. Hindi sila ang type ko.
"Pinagloloko ata tayo nito, e?" sabi ni kabayo sa mga kasama nito, "alam kong gwapo ka, pero baka makatikim ng kamao 'yang mukha mo dahil sa kayabangan at pagbibintang mo." baling nito sa akin.
"Mabuti at alam mong gwapo ako. At subukan mo lang na dampian ang mukha ko ng marumi mong kamay, magkakamatayan tayo." sabi ko at nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Oscar. Isang ring lang ay sinagot na niya.
"Hello, Oscar. Come here in the supermarket. May gusto lang akong patalsikin na grupo sa isla.." kausap ko kay Oscar. Binaba ko na ang tawag pagkasabi ko no'n at tumingin kay kabayo na humalukipkip pa at napailing.
He's jerk! Well, let's see kung makapagyabang pa siya.
"Wala tayong mapapala sa taong ito. Let's go, guys." aya ni kabayo sa mga kasama nito, pero pinigil ko siya ulit sa dibdib at tinulak ng kaunti pabalik sa pwesto niya.
"Don't you try to move, dahil hindi ko hahayaan na manatili ang tulad niyo sa isla." mariin kong sabi.
"Seige, tama na, baka mapaaway ka." bulong sa akin ni Mags. Ibig na pumalakpak ng tenga ko sa tuwa dahil concern siya pero pinigil ko muna ang sarili ko dahil gusto ko munang harapin ang mga gunggong.
"Gag* pala ito, e!" si kabayo at ambang sasapakin ako ng may ma-muscle na kamay na pumigil rito.
"Nagkakamali ka ng binangga mo, gunggong." sabi ni Oscar. Kasama niya sila Kuya Jeff at Wilson.
"Bakit, sino ba kayo, ha?" maangas na tanong ni kabayo.
"Hindi niyo ba alam na anak ng may-ari ng islang ito ang binangga niyo? Pati itong supermarket na tinatayuan niyo ay ang pamilya niya ang nagmamay-ari." sagot ni Oscar rito at bumaling sa akin, "Seige, anong gagawin ko sa mga ito?" tanong niya sa akin.
"Dalhin niyo sa pulis station sa labas ng isla. Ayokong makita ang pagmumukha ng mga 'yan dito kahit kailan." bilin ko at hinawakan ko sa kamay si Magnolia para akayin na.
"Teka! Boss, sorry. Hindi namin alam. 'Wag niyo kaming ipa-pulis." parang bahag na aso na pakiusap ni kabayo na huminto pa sa harap namin ni Magnolia at lumuhod para magmakaawa. Napahinto tuloy kami ni Magnolia.
Damn! Bakit ba lahat ng nagmamakaawa sa akin ay luluhod at yayakapin ang binti ko? Tss. Nakakabanas!
"Alisin mo ang kamay mo baka lalong lumaki ang atraso mo." sabi ko rito na agad namang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa binti ko. Pinagpag ko ang paa ko dahil kinikilabutan talaga ako 'pag may ibang hahawak sa akin, "kung ayaw niyong makulong, magbayad kayo sa pinagnakawan niyo ng chips at gusto ko na umalis na kayo sa isla at 'wag na 'wag nang makakatungtong rito, kundi sasamain kayo sa akin." banta ko na agad namang kinatango nito.
Sinenyasan ko sila Oscar at 'tsaka ko na hinila si Magnolia.
"Uh. . . S-seige, 'yung kamay ko." mahinang pukaw sa akin ni Magnolia na pilit inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak ko.
"Ano bang pinabibili ni Mommy? Mga prutas, 'di ba?" paglilihis ko para mawala siya sa ginagawa niyang pagpupumiglas. Kanina pakapit-kapit siya sa akin, ngayon na hawak ko na ang kamay niya ay nais pa niyang bumitaw. Nah! Hindi ko bibitawan ito hanggang sa matapos ang pamimili namin. ?
Hinatak ko siya sa stand ng mga prutas ng makapasok na kami ng store.
"Pumili ka ng prutas." malambing kong sabi sa kanya.
"'Yung kamay ko. Paano ako makakakuha kung hawak mo?" sabi niya.
"Right hand ka naman, right? Kaya mo 'yan. Hawak ko naman ang basket. 'Tsaka 'pag binitawan mo itong kamay ko baka magsisisi ka." sabi ko at kumindat sa kanya.
"Bakit naman ako magsisisi?" inosente niyang tanong.
Magnolia, Magnolia, Magnolia. Hindi mo pa rin ba nakikita kung gaano ka ka-swerte dahil ako lang naman ang ka-holding hands mo? Aba! Ikaw palang ang babaeng nakahawak ng kamay ko. Kaya swerte mo.
"Basta. 'Wag ka nang magreklamo." sabi ko na imbes ang iniisip ko ang dapat kong sasabihin sa kanya ay hindi ko na lang tinuloy.
Why is she's so numb? Oh, c'mon! I know she's just playing hard to get.
Ngiting-ngiti ako nang hindi na siya nagreklamo. Patingin-tingin ako sa kamay namin. Sumipol-sipol ako habang unti-unti kong pinagsisiklop ang daliri ng aming kamay.
Palihim na napapasuntok ako sa hangin sa gilid ko dahil hindi niya napansin. s**t! I know this is so gay pero ramdam ko ang sinasabi nilang kilig sa sistema ko.
"Seige, alin ba dito ang laging binibili ng Mommy mo?" tanong niya habang pumipili ng mga prutas.
"Kahit alin d'yan. Take your time." ngiting-ngiti kong sabi.
Napapatingin ang ilang costumer na lalake kay Magnolia kaya binibigyan ko ang mga ito ng pagbabantang tingin.
Makatingin sila para bang hindi ako kasama ni Magnolia. Sasamain sila sa akin, e. Ako lang ang p'wedeng tumitig kay Magnolia. Only me.
"Seige, sa milk section naman tayo." pukaw sa akin ni Mags kaya nakangiti na tumingin ako sa kanya at tumango. Bitbit ko ang basket sa isang kamay ko habang ang isang kamay ko ay hawak ko ang kamay niya.
"Oh! Ang cute ng magkasintahan. Magka-holding hands pa habang nag-go-grocery.." dinig kong sabi ng isang ginang sa asawa nito. Napangiti ako dahil napagkamalan pa kaming magkasintahan.
"Seige, which milk is better? This one or this one?" tanong ni Mags.
"Ikaw." Sabi ko kaya naguguluhan siyang napatingin sa akin, "huh?"
"I mean, ikaw na ang bahala. Basta tignan mo ang level at expiration date." palusot ko.
Tumango siya at tinignan kung alin ang mas maganda sa dalawang gatas na kinuha niya.
You, Magnolia. Ikaw lang ang mas better sa akin.
Pagkatapos niyang pumili ng mga gatas na gagamitin sa dessert ni Mommy ay nagpunta kami sa sugar section. Hanggang sa mapadpad kami sa ladies hair clip. Kinuha ko ang pulang pa-ribbon na hair clip. Tumingin ako kay Magnolia na simpleng clip lang ang nakalagay sa buhok niya.
Binitawan ko ang kamay niya at hinawakan ko ang mukha niya upang iharap sa akin. Nanlalaki ang mata niyang bilugan dahil sa pagkabigla.
Ngumiti ako at inangat ko ang kamay ko upang alisin ang clip niyang suot. Tinapon ko kung saan ang clip niya at inipit ko muna sa tenga niya ang ilang hibla ng buhok niya para maayos kong makabit sa kanya ang hair clip.
"Simula ngayon ay gusto kong isusuot mo ito parati. Malaman ko lang na naiwala mo ito..." nang makabit ko ang hair clip ay tumingin ako sa mga mata niya. "you're dead." pagpapatuloy ko.
Nagbaba siya ng tingin at napahawak sa hair clip na nakasuot na sa buhok niya.
"Tara. Ipabalot na natin ito." aya ko sa kanya at muling hinawakan ang kamay niya.
Ngiting-ngiti ako habang bitbit ang dalawang plastick ng grocery na pinamili namin sa isang kamay. Syempre hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang kamay ni Mags.
What a lucky day!
"Magnolia, gusto mo pagkabigay natin kay Mommy nitong grocery ay ipasyal kita rito sa isla?" tanong ko habang nagsisimula na akong magpidal ng bike.
"Kung ayos lang sa 'yo." mahina niyang tugon.
"Bakit tila ayaw mo na ako ang magpasyal sa 'yo rito sa isla, ha?"
Ramdam ko ang pag-iling niya, "Hindi naman sa gano'n. Baka kasi may iba ka pang gagawin at baka makaistorbo lang ako." Paliwanag niya.
"Hindi ako busy para sa 'yo..." sabi ko at binulong ko lang 'yung huli.
Pagdating sa bahay ay pinauna ko na siyang pumasok. Pagka-park ko ng bike sa gilid ay sumunod na akong pumasok kay Magnolia.
Tinungo ko ang kusina dahil alam ko na doon nagtungo si Magnolia. At naroon na rin pala si Dad, Bettina, at Benj.
"Hi, Dad, Brat, and Baby Benj." bati ko sa mga ito at naupo sa high chair. Nakaupo sa kitchen bar si Benj na nilalantakan ang ice cream.
Susubo sana siya ng ice cream ng agawin ko ang kutsara at sinubo ko ang dapat na sa bibig niya dederetso.
"Mommy!!!" atungal niya.
"Naku, Seige! Pinapagalit mo na naman ang kapatid mo. Meron pa sa refrigerator, bakit hindi ka kumuha ng sa 'yo?" sermon sa akin ni Mommy at lumapit kay Benj para patahanin.
"Tinikman ko lang, Mommy. 'Tsaka tataba 'yan 'pag hinayaan niyong kumain ng kumain." sabi ko.
"Hayaan mong tumaba. Para mayakap-yakap ko pa rin itong Baby Benj ko."
Napailing ako sa pagiging kunsintidor ni Mommy at tumingin kay Magnolia at Bettina na paalis na pala ng kusina. Kunot-noo ako na agad bumaba ng high chair at agad na sinundan ang dalawa.
"May ipapakilala ako sa 'yo, Mags." dinig kong sabi ni Bettina kay Magnolia.
"Sino naman?" curious na tanong ni Magnolia.
"Basta." kinikilig na sabi ni Bettina.
"Bettina!" tawag ko kay Bettina kaya napalingon ito. Napahinto din ang mga ito.
"Bakit, Sangko?"
"Saan mo dadalhin si Magnolia?" mariin kong tanong.
"Sa dalampasigan lang. Nandoon kasi ang mga friend ko sa school. Baka maging kaklase rin ni Mags 'pag nag-aral na siya sa school natin." tugon nito.
"Hindi p'wede! May lakad kami ni Magnolia. 'Tsaka, bakit doon ka pa makikipagkita, ha?"
"Duh! Ang lapit-lapit ng dalampasigan rito. 'Tsaka, saan kayo pupunta ni Magnolia?" Balik niyang sagot.
"Basta! 'Wag mo na nga isasama si Magnolia kung saan," sermon ko rito at bumaling kay Magnolia, "Magnolia, tara na, para hindi tayo gabihin." aya ko rito.
"Ano kasi.. Kay Bettina na lang pala ako sasama." sabi nito.
"Oh, narinig mo 'yun, Sangko? Sa akin sasama si Mags, kaya babu!" pang-asar na sabi ni Bettina at hinatak agad si Magnolia.
"Bumalik kayong dalawa rito!" galit kong sigaw sa dalawa at hinabol ang mga ito.
Fuck! Nasaan sila?
Lumiko sila at hindi ko na naabutan. Nilibot ko ang tingin sa dalampasigan pero wala sila doon. Tanging mga turista ang nakikita ko.
Napahagod ako ng buhok sa sobrang inis. Napahawak ako sa baywang ko para bumalik sa bahay. Napahinga ako ng malalim dahil sa sobrang pagkabanas. Yari talaga sa akin si Bettina pagbalik nila.
Magsisimula sana akong maglakad pabalik sa bahay ng mapatingin ako sa isang cottage.
Nakita ko si Bettina at Magnolia na mayroong kausap. Kilala ko ang isa dahil si Chad iyon na bestfriend ni Kuya, pero meron pang isang lalake na kung makatingin kay Magnolia ay parang nanalo sa jackpot kung makangiti.
Napakuyom ako ng kamay at dali-dali kong pinuntahan ang mga ito. Patay kayo sa akin!
"Bettina! What's the meaning of this?!" galit kong bungad sa kanila.
Gulat na gulat ang kapatid ko at gano'n din si Magnolia.
"Seige, nagkakatuwaan lang kami rito." sabi ni Chad na sumalo sa tanong ko.
"Ikaw! Anong motibo mo sa kapatid ko, ha? Akala mo hindi ko pansin ang pagtingin mo sa kapatid ko, ha!" galit kong sabi rito. Hindi ito nakasagot dahil tila nabigla sa alam ko. Ngumisi ako pero nagseryoso muli. Sabi na nga ba. Tss. "'Wag ka nang makalapit-lapit sa kapatid ko baka makatikim ka sa akin." banta ko rito.
Kinuha ko ang kamay ni Magnolia at Bettina at hinatak ko na ang mga ito paalis doon.
"Sangko naman, e! Nakikipagkaibigan lang naman sila tapos sinigawan mo pa." reklamo ni Brat.
"Tigilan mo ako, Brat. Baka gusto mong sabihin ko kay Kuya na meron kang gusto sa BESTFRIEND niya." irita kong sabi rito na pinagdiinan ang salitang bestfriend.
"Wala namang kasalanan si Bettina kaya 'wag mo nang pagalitan. Nakikipagkaibigan lang din naman ang mga iyon sa amin." pagtatanggol naman ni Magnolia.
Huminto ako sa paglalakad dahil narito na rin kami malapit sa amin. Inis na hinarap ko si Magnolia.
"Kaya ba ayaw mo 'kong sumama sa 'yo dahil mas gusto mong makipagkilala sa mga iyon, ha?! Mas gwapo ako doon." banas na banas kong pagtatanong rito.
"Sangko, bakit ba galit na galit ka? Makapagtanong ka kay Mags, akala mo naman boyfriend ka niya. Para kang selosong boyfriend niya." singit ni Brat.
Natahimik ako sa sinabi nito at tumingin kay Magnolia na nakatingin sa akin na tila nalilito sa kinikilos ko.
"Anong sigawan ang naririnig ko? Bakit nasa labas kayong lahat?" biglang sulpot ni Mommy.
"Wala, Mommy. Nagpapahangin lang kami." palusot ni Bettina.
"Gano'n ba. Tara na kayo sa loob at meron akong meryendang hinanda." aya nito sa amin at nauna ng pumasok muli sa loob.
"Tara na, Mags. Hayaan na natin si Sangko. Baka sinasaniban na naman ng masamang espirito." bulong ni Bettina kay Magnolia at inakay na papasok si Magnolia.
Boyfriend? ?
Hindi pa sa ngayon, pero sisiguraduhin ko na malapit na. ??