❤ Magnolia ❤
DALAWANG ARAW NA kaming nananatili ni Ate sa bahay ng mga Ford at masasabi ko na kahit sobrang yaman nila ay hindi nila kami tinatratong iba.
Masaya ako dahil masaya silang kasama. Nagkaroon pa ako ng instant bestfriend sa katauhan ni Bettina. Nahihiya naman ako dahil napakadaling naayos ni Ma'am Beatrice ang paglipat ko ng eskwelahan. In-enroll niya ako sa isang university sa labas nitong isla lang---West Cassex University daw ang pangalan.
Doon din pala nag-aaral sina Bettina, Seige, at Samuel, kaya makakasama ko sila. Graduating na si Seige habang si Samuel ay katulad ko na third year pa lang din---sa kurso na may tungkol sa arts. At si Bettina na mas bata sa akin ng isang taon, first year college palang siya.
Tumayo ako sa harap ng salamin at nakita ko ang sarili ko na suot ang uniform ng WCU---isang white blouse na may blazer na violet at kurbata na stripe na pinaghalong violet at white. Habang ang suot kong palda ay stripe violet and white din na medyo maiksi. Suot ko ang isang leather ankle boots shoes ko habang itim ang medyas ko na medyo lagpas sa shoes ko ang haba at kalahati siya ng binti ko ang sukat.
Naiilang na binababa ko ang skirt dahil hindi ako sanay. Si Ma'am Beatrice din ang bumili nito na siya rin mismo ang nag-abot sa akin.
Tinanong ko nga kay Bettina kung gano'n ba talaga kaikli ang lahat ng skirt sa school nila at ang sabi naman niya ay gano'n daw talaga. Hango daw kasi ang style sa ibang school sa ibang bansa.
Napalingon ako sa pinto ng may tatlong beses na kumatok doon.
"Mags, are you done? The breakfast is ready." si Bettina.
"Oo! Palabas na ako!" tugon ko.
Napabuntong-hininga ako at nag-pray na sana maging maayos ang lahat. Sana ay maka-adjust agad ako sa school na papasukan ko. Second sem pa lang naman kaya baka makahabol pa ako ng turo sa klase na papasukan ko ngayon.
Kinuha ko ang shoulder bag ko na bigay din ni Ma'am Beatrice na may pinta pa niya. Isang diwata na babae na merong mahahabang itim na buhok. Nagustuhan ko ito dahil napaka-unique ng design at ang ganda. At marami ring gamit na kasya dahil medyo malaki siya.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa harap ko si Bettina na may hawak na pink mirror habang inaayos ang bangs niya. She's so pretty! Para siyang living doll. Ang kikay din niyang manamit. Puro pink at white pa ang kulay ng lagi niyang sinusuot. Tapos ang mahaba niyang itim na buhok ay kinulot ang dulo at pinusod niya pataas ang lahat ng hibla ng buhok niya kaya mas kitang-kita ang features ng mukha niya. Ang kinis din ng balat niya na pinaghalong maputi na may pagkamorena. Kaya hindi din ako magtataka kung marami ang magkagusto sa kanya. Ang pinagkaiba namin ni Bettina sa isa't-isa ay siya kayang makipag-bonding sa ibang tao, habang ako ay hindi masyado at may hiya pa ako at hindi din ako confident gaya niya.
"Wow! You're so pretty, Mags. Bagay sa 'yo ang uniform namin. Ang daya naman! Bakit malaki ang hinaharap mo? Sa akin ay hindi pa."
Namula ako sa sinabi niya at napatakip sa dibdib ko.
"Bettina, ano bang sinasabi mo? Hindi naman." naiilang kong sabi.
"Anong hindi? Kahit may blazer ay halata, pero ako ay parang flat chested," napanguso siya pero agad ding napangiti at kinawit bigla sa braso ko ang kamay niya, "pero excited ako dahil makakasama na kita sa school namin."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya, "Ako man." tugon ko na kinangiti niya at hinatak na ako para bumaba na. Pagdating sa dinning area ay naroon na ang lahat pwera kela Ate at Kuya Duke na nauna na daw dahil meron pang meeting na dadaluhan.
"Wow! Ang ganda mo, Magnolia. 'Wag ka lang dikit ng dikit kay Brat dahil tiyak na papangit ka." sabi ni Kuya Deo.
"Mas lalo ka naman, Diko. 'Wag kang lalapit kay Mags dahil baka manyakin mo." tugon ni Bettina na may tonong pang-aasar din.
"Enough, kids! Maupo na kayo, Hija at Tina, at baka mahuli pa kayo sa klase niyo." suway ni Sir Dimitri.
Nahiya na tinungo ko ang upuan sa tabi ni Bettina. Pagkaupo ko ay napatingin ako sa kanan ko ng merong naupo. Si Seige!
"Masyadong maikli 'yang suot mo." sabi niya habang lantaran na tinitignan ang suot ko. Napahawak ako sa skirt ko at pilit tinatakpan ang legs ko. Nilapag ko ang bag ko sa lap ko kaya umiwas na siya ng tingin.
Nagsimula na silang kumain kaya aabutin ko sana ang kanin ng maunahan ako ni Seige. Pinagsandok niya ako ng kanin at ulam kaya napayuko ako ng magtinginan sa amin ang mga kapatid niya.
"Kumain ka na." sabi niya at humigop siya ng kape.
Nagsimula na akong kumain kahit na naiilang pa rin ako dahil nakatingin sa amin ang mga kapatid niya.
"Magnolia, hija, 'di ba nurse ang kinukuha mo?" tanong ni Ma'am Beatrice.
"Opo." tugon ko at tinuon rito ang atensyon. Nagpapasalamat ako at nalihis na ang tingin sa amin ng mga kapatid niya.
"Bakit hindi mo i-shift sa pagiging doctor ang kurso mo? Ang alam ko, sabi ng Ate mo ay gusto mong maging doctor?" suggestion nito.
"Masyado po kasi malaki ang gastos sa pag-do-doctor kaya hanggang nurse na lang po muna ako siguro. Kapag nakapag-ipon na po ako ay 'tsaka po ako mag-aaral muli para naman maging doctor."
"Puro pag-aaral pala ang nasa isip mo. Wala ka bang balak na mag-asawa?" tanong ni Kuya Deo na ngumisi at bumaling ng tingin kay Seige.
"Naku, wala pa po sa isip ko 'yan." nahihiya kong sabi at umiling.
Napaubo si Seige kaya napalingon ako sa kanya. Ubo siya ng ubo kaya tumayo ako at hinaplos ang likod niya para maalis ang pagkasamid niya. Uminom siya ng tubig at napahinga ng malalim.
Napahalakhak naman ang mga lalakeng kapatid niya at napapailing na tinignan si Seige.
"Kawawa naman ang isa d'yan, matagal na panahon pa bago makakapag-asawa." wika ni kuya Diesel habang hinihiwa ang hotdog at sumubo.
"Shut up!" banas na usal ni Seige.
"Seige, manners. Hindi kita tinuruan na magsalita ng ganyan sa nakakatanda mong kapatid." sermon ni Ma'am Beatrice.
Naupo ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.
"Nakakainis naman, Mommy, e!" banas na banas na sabi ni Seige at nabigla ako ng bigla siyang humarap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko at hinarap ako sa kanya na kinabigla ko, "Mag-nurse ka na lang, 'wag ka nang mag-doctor, understand?" demand niya.
"Seige, 'wag mo siyang pagbantaan." suway ni Sir Dimitri rito.
"But, Dad, paano ako?" nagwawala nyang sabi at ginulo ang buhok.
"Paanong ikaw? Anak, naka-drugs ka ba? Anong nangyayari sa 'yo at tila nawawala ka sa sarili mo?" sabi ni Ma'am Beatrice.
"Naku, Mommy, dalhin na kaya natin sa rehab 'yan? Baka adik na." suggestion ni Kuya Deo.
"Basta! Hindi siya mag-do-doctor." sabi ni Seige at muling humarap sa akin. "Hindi ka mag-do-doctor, right?" seryoso niyang paniniguro sa akin.
Ano bang nangyayari sa kanya? Pati ang nais ko ay gusto niyang pakialaman.
Nanlaki ang mata ko ng gumapang ang kamay niya sa hita ko at pinisil iyon.
"Hindi ka mag-do-doctor, 'di ba?" tanong niyang muli at pinisil muli ang hita ko.
Bigla akong nakadama ng kaba kaya tumango ako na hindi sigurado sa naging tugon ko. Ngumiti siya at binitawan ang hita ko.
"Para kang sira, Seige. Bakit ba tinatakot mo si Magnolia? Gusto niyang mag-doctor pero pinipigilan mo. Hindi mo naman hawak ang buhay niya." sabi ni Samuel.
Binitawan ni Seige ang kubyertos at nakipagtagisan ng tingin kay Samuel.
"Alam ko ang ginagawa ko. Sumang-ayon siya sa akin kaya sana ay labas ka na rito." seryosong sabi ni Seige at tumayo.
"Mom, busog na ako. Magnolia, hintayin ko kayo sa sala." sabi pa niya at umalis sa hapagkainan.
"Ano bang nangyayari d'yan sa anak natin, Dimitri? Nitong mga araw ay parang nag-iiba ang ugali niya. Parang nakikita ko 'yung dating ikaw nung pwersahan mo akong kinidnap." sabi ni Ma'am Beatrice.
Kaya sa kanya kami napabaling. Hindi makapaniwala sila Bettina sa narinig.
"Mom, kinidnap kayo ni Dad dati?" pagtatanong ni Bettina na hindi makapaniwala.
"Oo. Kaya nga dati ay galit ako sa Daddy niyo. Ang malala pa ay magkapatid ang turing ko sa kanya noon."
Napatingin ako sa nilabasan ni Seige at iniisip kung bakit kaya siya nagkaka-gano'n?
-
LULAN NA KAMI ng sasakyan patungong school. Katabi ko si Bettina sa back seat habang si Seige ang driver.
Tahimik lang ako habang pinapakiramdaman si Seige na tahimik lang din. Si Bettina naman ay may suot na headset habang nakatingin sa labas ng bintana.
Si Samuel naman ay hindi namin kasabay dahil may sarili itong sasakyan. At nauunawaan ko kung bakit hindi siya sasabay, dahil sa naging alitan nila ni Seige kanina na sabi ni Bettina ay kauna-unahan daw iyon. Partners in crime daw ang dalawa at ngayon lang din nila nasaksihan na nagkagalit ang mga ito dahil lang sa kukunin kong kurso.
Huminto ang sasakyan kaya napabaling ang tingin ko sa labas. Nasa harap na kami ng isang mataas na gate. Hindi kita ang loob dahil matataas din ang pader pero sa logo pa lang ay ito na ata ang school kung saan West Cassex University ang nakasulat sa trade mark ng gate. Bumukas na ang gate at pinasok na ni Seige ang sasakyan.
Sa pagpasok namin sa loob ay doon ko nakita ang kabuuan. Namangha ako dahil napakataas ng building ang nakita ko, parang style ng university sa ibang bansa.
Marami ring estudyante ang nasa paligid. Ang ilan ay nakaupo sa damo habang may mga binabasa na libro. Habang ang ilan ay nakaupo sa mga bench habang nakatambay.
Nang ihinto ni Seige ang sasakyan sa tapat mismo ng entrance ng building ay bumaba siya. Binigay niya ang susi sa isang guard at 'tsaka lumapit sa side ko at pinagbuksan niya ako ng pinto.
Agad akong bumaba dahil bumaba na rin si Bettina. Naiilang ako ng humawak siya sa baywang ko at inakay na ako agad palakad para umakyat ng hagdan.
"Hi, Seige!" bati ng mga nakakasalubong naming mga babae kay Seige.
"Mags, samahan na kita sa president office." sabi ni Bettina kaya tumango ako.
"Hindi na. Pumasok ka na sa room mo, Brat. Ako na ang bahala kay Magnolia." Pigil ni Seige rito.
Tumango si Bettina tila hindi na makapagbiro sa kapatid dahil tila ramdam niya na wala pa ito sa mood.
"Sige, Mags. Kita na lang mamaya." sabi sa akin ni Bettina at bumeso sa akin pati sa kapatid niya bago tumalikod.
Nais kong magprotesta dahil hindi ko alam bakit ako kinakabahan na makasama si Seige, pero nakaalis na si Bettina.
"Let's go." pukaw sa akin ni Seige kaya napipilitan na tumango ako.
Maraming bumabati kay Seige at kada madadaanan namin ang room kung saan may mga nakatambay ay automatic na bumabati ang mga estudyante sa kanya. Tila napaka popular ni Seige sa school na ito lalo na sa mga girls.
Dinala ako ni Seige sa isang office daw ng president ng school na ito at isang babae pala ang president.
"Mr. Ford, anong meron at naparito ka?" bungad nito sa amin. Nakayuko siya sa desk niya kanina dahil tila merong binabasa na documents. Inalis niya ang reading glasses niya kaya mas nakita ko ang mukha niya.
She's beautiful, very formal and serious.
"She's Magnolia Ramirez." pakilala sa akin ni Seige rito kaya ngumiti ako at nakipagkamay.
Inalalayan pa akong maupo ni Seige bago siya naupo sa tabi ko.
"Oh, so...she the new transferee?" wika nito at tumango. "Pero bakit kasama ka pa rito? Siya lang naman siguro ang may kailangan sa akin?" tanong nito kay Seige habang nakataas ang kilay.
"Sa nursing department siya. Gusto kong malaman ang schedule niya." sabi ni Seige na tila masyadong demanding kung magsalita.
"Teka..." sabi ni Ms. President. Tumayo ito at may kinuha na folder sa isang shelf. Pagkakuha ay bumalik rin siya mula sa pagkakaupo, "8 am to 4 pm, MWF. 10 am naman to 5 pm, T-TH-S." sabi ni Ms. President at inabot sa akin ang papel kung saan nakalakip ang mga schedule ko.
"Kung gano'n ay palitan mo ang schedule niya. Gawin mong katulad sa akin." pautos na sabi ni Seige kaya napatingin ako rito na seryosong nakatingin kay Ms. President.
"Hindi p'wede. Ako ang mapapagalitan ng Mommy mo." hindi sang-ayon na sabi ni Ms. President at umiling.
"Ayos na sa akin ito, Seige." mahina kong sabi sa kanya.
"Hindi. Gusto kong palitan mo." ayaw paawat nitong si Seige.
Ano bang nangyayari sa kanya at tila siya wala sa katinuan?
"Bakit ba gusto mong palitan ko?" tanong ni Ms. President.
"Basta." sabi na lang ni Seige.
Napabuntonghininga naman si Ms. President tila walang magawa sa katigasan ng ulo ni Seige.
May kinuha itong papel at inabot sa akin pero agad na kinuha iyon ni Seige. Hinawakan na niya ako sa pulso at tinayo na, "Sige, mauna na kami." paalam ni Seige at hinatak na ako palabas.
"Mamayang lunch ay susunduin kita rito." sabi niya ng makarating na kami sa magiging room ko.
"Ayos lang ako. Kaya ko naman ang sarili ko."
"Basta, sumunod ka na lang. 'Wag na 'wag kong makikitang may kausap kang ibang lalake, kundi yari ka sa akin." banta niya at inabot na ang bag kong kinuha niya dahil gusto raw niyang bitbitin.
Tumango na lang ako at pumasok na. Nilapitan ako ng professor ko at inaya sa harapan para ipakilala ang sarili ko. Napatingin ako sa labas at tinignan siya na paalis na.
❤ Seige ❤
"OH, BAKIT NGAYON ka lang?" tanong ni Paul sa akin pagdating ko ng room namin.
Pabagsak akong naupo at pinatong ang mga paa ko sa isang arm chair.
"Hinatid ko si Magnolia sa room niya." Sabi ko at ginalaw-galaw ko ang leeg ko habang nakahalukipkip.
"Dito na rin nag-aaral si Magnolia?" gulat na sabay na bigkas nina Paul at Lawrence.
"Yeah."
"Kung gano'n ay parati mo na siyang makikita." sabi ni Paul na kinangiti ko.
Hindi na ako nagkomento dahil isa lang naman ang sagot. Alam kong naging marahas ang kinikilos ko, hindi lang kasi ako makakapayag na matagal akong maghihintay bago siya makuha. At tila effective kung magiging mahigpit ako sa kanya. Kung sa gano'ng bagay ko siya mapapasunod ay gagawin ko, basta sa huli ay maging akin lang siya.
Habang tumatagal ay lalo akong nababaliw sa kanya. Sa lahat ng babae ay siya lang ang nakapukaw ng atensyon ko. Siya lang ang hindi nagagalit 'pag napag-t-tripan ko.
"Pre, may bagong transferee. Ito, oh.. Pinasa sa akin ni Bernard ang bago daw nilang kaklase."
"Naks! Maganda, ah."
"Oo nga. Mapuntahan nga mamaya."
Napatingin ako kay Celis at Ryan. Nang mapansin nila na nakatingin ako ay agad nilang tinago ang cellphone nila at naupo.
"Tila si Magnolia ang pinag-uusapan nila, Segi." wika ni Paul.
Sinipa ko ang upuan na pinagpapatungan ng mga paa ko at 'tsaka ako tumayo. Nakapamulsa na lumapit ako sa dalawa at naupo sa bakanteng silya sa mismong armchair paharap sa dalawa.
"Akin na ang cellphone mo." utos ko at nilahad ko ang kamay ko para hingin ang cellphone ni Ryan.
Nagkatinginan pa ang mga ito bago dahan-dahan na inabot sa akin ni Ryan ang cellphone niya.
Pagtingin ko sa larawan ng pinagpe-fiesta-han nila ay si Magnolia nga ang tinutukoy ng mga gunggong na ito. Binalibag ko ang cellphone sa pader na kinasinghap ng mga narito sa room at kinagulat ng dalawa. Wasak na kasi ang cellphone.
"'Wag na 'wag niyong lalapitan ang babaeng iyon, naiintindihan niyo?" banta ko.
"Oo, Boss." agad na sagot ng mga ito. Tumayo na ako at maglalakad na sana, "Boss, paano 'yung cellphone ko?" tanong ni Ryan.
"Tss." Asik ko rito na kinayuko nito. Kinuha ko ang wallet ko at nilahad sa harap niya ang sampong libo.
Bumalik na ako sa upuan ko at tumanaw sa bintana.
"Segi, may napapansin ako sa 'yo." sabi ni Lawrence. Hindi ako umimik dahil wala akong gana, "Tila wala ka sa mood na mang-trip ngayon?"
"Oo nga. Ang malupet pa ay binigyan mo pa ng pera sila Ryan. Ano, good boy na ba?" pang-aasar na sabi ni Paul.
"Tigilan niyo akong dalawa. Tumahimik na nga lang kayo at wala ako sa mood na kausapin kayo." irita kong sabi habang sa bintana parin ang tingin.
"Good morning, Class!"
Hindi na umimik ang dalawa dahil narito na rin si Mr. Aquiñas, Law professor namin.
Nagturo lang siya na nagturo about sa law article. Hanggang nasundan pa ng ibang professor namin.
Tumingin ako sa wrist watch ko at nakita ko na time na at hindi pa dini-dismiss ang klase. Kinuha ko ang bag ko at tumayo kaya napatingin sa akin lahat lalo pa't naglalakad na ako palabas.
"Mr. Ford, where are you going?" Si Miss Santos.
"Miss, your class time is done. Masyado na kayong lagpas sa oras niyo." sabi ko kaya napatingin siya sa relo niya.
Napailing ako at lumakad na palabas. Hindi pa ako nakakalayo ay agad na nakasunod sa akin ang dalawa.
"Grabe ka, Segi boy. Ikaw na talaga ang pinakamainipin sa lahat. Napahiya si Miss Santos doon." sabi ni Paul.
"Hindi ko na problema 'yun. Masyado niyang inuubos ang time para sa break ng mga estudyante. Akala niya hindi ko pansin na inuubos niya ang time natin."
"E, bakit ngayon ka lang nag-react? Matagal na siyang gano'n sa klase." tanong ni Lawrence. Nakibat-balikat ako at hindi ko na sinabi pa ang dahilan.
"Alam ko na kung bakit." si Paul na alam kong ngumingisi.
"Bakit, Paul?" curious na tanong ni Lawrence.
"Sino ba ang narito ngayon sa school natin? 'Yung nagpapataranta kay Segi." ngising sabi ni Paul.
"Si Magnolia.''
"Exactly!" nagkipag-apir pa itong si Paul kay Lawrence dahil agad nahulaan kung bakit ako nagkakaganito.
Well, tama sila. Dahil si Magnolia lang naman ang nakakagawa sa akin nito. Walang iba. Kada lilipas ang oras na hindi ko siya nakikita ay tila nagpapahirap sa akin. Iniisip ko pa kung ano ba ang ginagawa niya ngayon doon sa room niya. Kaya naman excited ako na makita siya kahit sa oras ng lunch lang namin siya makikita muna.
Pagdating sa room nila ay naglabasan na ang lahat ng kaklase niya. Hinintay ko ang paglabas niya pero walang Magnolia akong nakita. Kaya naman pinasok ko ang room niya para lang makita na wala na siya doon.
May isa pang lalakeng kaklase niya na natitira kaya hinarang ko ito at kinuwelyuhan.
"Si Magnolia, saan siya nagpunta?"
"'Yung transferee ba?" tanong nito na takot na takot.
"Oo. Dali, sabihin mo kung nasaan siya?" banas kong pagmamadali rito para sabihin kung nasaan si Magnolia.
"Nag-C.R siya kanina pero hindi pa bumabalik." sabi nito kaya agad kong binitawan ang kwelyo niya at dali-daling lumabas.
Tinungo ko ang pinakamalapit na C.R. at nang makarating na kami sa tapat ng pinto ay pinihit ko pero naka-lock.
"Magnolia, nand'yan ka ba?!" tawag ko habang kinakatok ang pinto.
Ilang saglit lang ay gumalaw ang door knob kaya lumayo ako ng konti sa pinto. Maliit na binuksan lang niya ang pinto at sumilip siya.
"Bakit hindi ka pa lumalabas d'yan?" tanong ko.
Namumula ang pisngi niya at tila problemado, "Ano kasi, Seige.. Ano.." hindi niya masabi-sabi ang dahilan kaya hinawakan ko ang pinto para itulak pero pinigil niya, "'Wag! Please." pagmamakaawa niya.
"Ano bang problema at hindi ka makalabas d'yan?" tanong ko.
"Kasi, Seige.. M-may... May redflag ako." mahina niyang sabi na hindi ko marinig.
"Ano?" tanong ko at nilapit ang tenga ko.
"May redflag ako." sabi niya na narinig ko na. Hindi agad ako naka-react sa sinabi niya pero pagkaraan ay pakiramdam ko namula ako doon..
"Anong gagawin ko?"
Shit! Ganitong araw pala siya. Ngayon alam ko na para alam ko rin kung kelan ako maghahanda.
"Paano ba ito? Wala kasi akong extra napkin at skirt." nahihiya niyang sabi.
Napahawak ako sa batok ko at nag-isip. Tumingin ako sa dalawang gunggong na nalilito na nakatingin sa amin ni Magnolia.
"Sige, akong bahala." pagpapakalma ko sa kanya at lumapit sa dalawa.
"Kayong dalawa." tawag ko sa dalawa habang tinuturo sila.
Nagkatinginan pa ang dalawa, "Kami? Bakit?" tanong ng dalawa habang nakaturo sa sarili nila.
"Bumili nga kayo ng napkin at ikuha niyo ako ng skirt na size 24 ang size ng baywang." utos ko.
"Whaaat?" natawa na hindi makapaniwala ang dalawa. "Bakit kami?" nakangising angal ni Paul.
"Anong bakit kayo? 'Wag na kayong umangal. Dalian niyo at baka mainip si Magnolia." banas ako dahil nagrereklamo pa ang dalawa. Bakit ba tumatanggi ang mga ito?
"Segi boy, bawas pogi points 'yan." ngising sabi pa ni Paul na kinasalubong ng kilay ko.
"Anong pinagsasabi mo?" kukultusan ko talaga 'to, e.
"Kami ang inuutusan mo, edi kami ang pasasalamatan ni Magnolia. Tapos iisipin niya na hindi mo pala siya kayang ibili ng mga kailangan niya. Tss, tss... Nakaka-bad shot sa isang babae 'yun." sabi nito kaya napaisip ako, "Tara, Lawrence, bumili na tayo." aya ni Paul kay Lawrence.
Pinigil ko ang dalawa sa kwelyo at gigil na tinignan ang mga ito.
"Kayong dalawa! Magbantay kayo rito. 'Wag na 'wag kayong magpapasok sa C.R." Utos ko sa dalawa na nag-thumbs up pa at mga nakangiti ng maluwag.
Tss!
Binitawan ko ang kwelyo nila at lumapit muli sa pinto ng C.R, "Mags, wait lang, saglit lang ako." sabi ko kay Magnolia.
"Sige." mahina nitong tugon kaya umalis na ako.
Napabuga ako ng hangin at napagulo sa buhok ko.
Damn! Paano ako bibili nito? Haist!
Tinawagan ko muna ang school department at pinahanda ko rito ang skirt ni Magnolia. Sumakay ako ng kotse ko at lumabas ng university.
Sa isang convenience store ako nahinto at pumasok. Kunwari tumitingin-tingin ako sa mga products pero pasimple ko din tinitignan ang mga costumer na narito sa loob ng Convenience store. Nang matapat ako sa napkin stand ay maraming klase ng brand.
Kukuha sana ako ng kahit isa doon ng may biglang lumapit na babae sa gawi ko kaya napatalikod ako at kunwari ay kumuha ako ng tinapay.
Nang makaalis na ang babae ay mabilis akong humarap muli sa napkin at mabilis na kumuha ng kahit ano doon.
Pero nabigla ako ng bumalik muli ang babae at hindi makapaniwala na nakatingin sa akin at sa hawak ko.
"Anong tinitingin mo? Nahulog mo kaya binalik ko." palusot ko at binalik iyon.
Fuckshit! why so hard to bought a napkin? Kung hindi dahil kay Magnolia ay hindi ko gagawin ito.
Nang makaalis ang babae ay agad kong kinuha muli ang napkin. Dalawang balot para sure na sure. Mabilis akong lumapit sa counter at nilapag lahat ng kinuha ko habang wala pang costumer na magbabayad. Nilabas ko agad ang pera ko at pinagmamadali ang cashier na nangingiti pa habang nagpa-punch ng item na bibilhin ko.
"Thank you, Sir." nakangiti nitong sabi kaya pahaklit kong kinuha sa kanya ang plastick bag at hindi ko na kinuha ang sukli.
Pagsakay sa kotse ay napabuga pa ako ng hangin habang nakahawak sa manibela. Tumingin ako sa binili ko na nasa front seat. Napailing ako at napangiti na pinaandar na ang sasakyan pabalik sa university.
"Sa susunod ay maglalagay na ako sa bag para hindi na ako mahirapan."