CHAPTER 7

3030 Words
❤ Magnolia ❤ HIYANG-HIYA AKO na humarap kay Seige. Hindi ko akalain na sa lahat ng tao ay siya pa ang tutulong sa akin. Kaya pala medyo nakaramdam na ako ng pagsama ng tiyan ko. Mabuti na lang at may dala akong extra panty. Lagi akong nagdadala dahil nga hindi ako nakakaramdam agad kung kailan ba ang red flag ko. "Let's go. We only have 10 minutes para mag-break time." aya sa akin ni Seige ng makalabas ako ng comfort room. Hawak ko ang paper bag na pinaglagyan ng skirt ko at sobrang napkin na binili niya. Inagaw niya iyon at pinabitbit kay Paul. Bakit kasi ngayon pa ako naabutan? Ang malas naman. Nakakahiya, lalo pa't mga lalake pa ang nakakaalam at tumulong sa akin. Nakayuko ako habang naglalakad kami. Napatingin ako sa kanan kong kamay ng hawakan iyon ni Seige. Napaangat ako sa kanya ng tingin. Nakatingin lang siya sa daan. Aalisin ko sana ng hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. "Girlfriend ba ni Seige 'yan?" "Baka. Ngayon lang naman may ka-holding hands si Seige." "Baka naman pinag-t-tripan lang 'yan ni Seige." Dinig na dinig ko ang bulungan ng mga estudyante na nadadaanan namin. Lalo akong napayuko dahil hindi talaga ako sanay na merong nakatingin sa akin tila sinusuri ako. Si Seige kasi! Bakit pa kasi siya nakahawak sa kamay ko? Napagkakamalan tuloy kami na may relasyon. Inakay ako ni Seige sa table na nasa gitnang bahagi ng makarating kami sa cafeteria. Naupo ako at napatingin sa paligid. Napatigil ang ilang estudyanteng sa pagkain at napatingin sa amin.. "Anong gusto mong kainin? Pasta? Chicken? Vegetable? Or Meat?" tanong sa akin ni Seige habang pinapakita sa akin ang Menu. Masyado palang latest ang school nila Seige. Imbes na sa counter um-order ay may sariling waiter and waitres ang cafeteria nila. "Vegetable na lang. Gusto ko nitong Vegetable with chicken and olive oil." sabi ko sa kanya. "Gano'n. . . Sige, 'yun din ang akin. Tapos two mango juice." sabi ni Seige sa waitres. Napatingin ako sa babaeng waitres dahil parang hindi siya mukhang waitres. Medyo boyish siyang kumilos, straight black hair, white fair skin, Chinita na para bang isa siyang japanese. Tingin ko rin ay 5'7 ang height niya, petite, pero ang reaksyon niya ay poker face lang. Yumukod ito at tumingin kela Paul at Lawrence. "O-order ba kayo? Kung hindi ay aalis na ako." seryosong tanong nito sa dalawa. Napaupo ng tuwid ang dalawa at agad na tumingin sa menu. "Pork steak ang akin tapos samahan mo ng orange juice at cake." sabi ni Paul. "Gano'n na rin ang akin." mabilis na sagot ni Lawrence at agad na inabot sa babae ang menu. Yumukod muli ang babae kela Paul at umalis na. Tila nakahinga naman ng maluwag ang dalawa ng makaalis 'yung babae. "Grabe. Nakakatakot talaga si Jhaycee." sabi ni Paul. "Sinabi mo pa! Parang nais nga niya na pilipitin ang leeg natin dahil sa tagal nating um-order." sabi naman ni Lawrence. "Sino ba 'yun?" curious kong tanong. "Jhaycee Akina Flores, Diesel's enemy." si Seige na ang sumagot sa katanungan ko. Napatango naman ako at tumingin sa babae na nagngangalang Jhaycee. Napaupo ako ng tuwid ng maramdaman ko ang kamay ni Seige na gumapang paikot sa baywang ko. Napatingin ako sa kanya na tila wala sa kanya kung ano ang magiging reaksyon ko. Hinawakan ko ang kamay niya at inalis sa baywang ko. Lumayo ako sa kanya dahil isang pahaba ang upuan namin. Tumayo siya at pinagitan ang hita sa upuan at lumapit sa akin bago naupo. Hindi na ako makausog dahil nasa dulo na ako. Ang isang hita niya ay nasa likod ko at ang isa ay nakadikit sa isang hita ko. Muli siyang humawak sa baywang ko na kinabahala ko. Napatingin ako kela Paul at Lawrence na napailing na nakatingin sa amin. "Seige, p'wede bang lumayo ka ng konti?" pakiusap ko sa kanya. "Bakit naman ako lalayo? Mas maganda nga ang pwesto na ito dahil maaari kitang subuan at maaari mo akong subuan " katwiran niya at inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa kabilang tenga ko dahil tumatakip na iyon sa pisngi ko. "Ano kasi.. Kaya ko naman na subuan ang sarili ko, kaya hindi mo na ako kailangan na subuan pa." mahina kong sabi sa kanya. "Alam kong kaya mo, pero sa ngayon ay gusto ko na gano'n tayo, naiintindihan mo?" sabi niya at pinisil ang baywang ko. "Here's your order." biglang sumulpot 'yung waitres na babae na sabi ni Seige ay Jhaycee ang pangalan. Nilapag niya ang order namin at napatingin siya kay Seige ng masama pero hindi naman nakita ni Seige iyon dahil inaayos na nito ang pagkain namin. Umalis na ito at bumalik kung saan ito nakapwesto kanina. Napatingin ako kay Seige ng hawakan niya ang baba ko upang iharap sa kanya. "Narito ako kung saan-saan ka tumitingin," banas niyang sabi habang nakatingin sa akin. Binitawan na niya ang baba ko at tumingin sa pagkain namin, "subuan mo ako..." utos niya. Napilitan na kinuha ko ang kutsara't tinidor at kumuha ng vegetable at chicken na mayroong olive oil sa ibabaw. Inuma ko sa bibig niya kaya tumingin siya roon at sinubo. Kinuha rin niya ang kutsara at kumuha rin ng gulay bago naman inuma sa bibig ko. "How sweet." may biglang nagsalita sa gilid ko kaya napatingin kami ni Seige doon. May tatlong babae at 'yung nasa gitna ang nagsalita. "Sino siya, Seige?" tanong nito kaya napaiwas ako ng tingin ng tumingin ito sa akin at ngumisi. "Oh, Meryl, long time no see. . ." sabi ni Seige rito. "by the way, she's Magnolia Ramirez." pakilala sa akin ni Seige. "So, who is she to you?" nakangisi nitong pagtatanong muli. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin sa akin ni Seige. Tumingin ako sa kanya na bumuka ang bibig para sana magsalita habang nakatingin sa akin. Tumingin muli ako doon kay Meryl, "Kaibigan ako ng pamilya nila." sabi ko. "Really? Kaibigan lang? Akala ko may something sa inyo." sabi nito na nangingiti. "anyway, Seige, p'wede ba kaming maki-share ng table? Para naman isang table na lang tayo." "Okay." sang-ayon ni Seige. Umayos ng upo si Seige dahil sa tabi niya naupo si Meryl. Hindi ko alam kung ano ba ni Seige ito? Pero tila close sila. "Seige, sabi nga pala ni Papa ay pumunta ka raw sa bahay namin. May ire-recommend daw siya sa 'yo." Sumubo ako habang panay naman ang kwentuhan nila. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba ang pagdating ni Meryl dahil umayos ng upo itong si Seige at sa kanya nabaling ang pansin. Pero bakit tila meron sa loob ko na ayaw? Napabuntonghininga ako at napailing. Wala ito. Tama. "Seige.." napatingin ako kay Meryl na bumulong kay Seige pero nakatingin siya sa akin habang ngiting-ngiti na bumubulong. Napaiwas ako ng tingin lalo pa ng ngumiti rin si Seige tila nagustuhan ang binulong ni Meryl. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakita ko na seven minutes na lang. Sinubo ko na ang huling butil sa plato ko at uminom ng mango juice. Tumayo ako kaya napatingin sila sa akin. "Mauna na ako. Meron pa kasing activity na naiwan ang Professor ko." paalam ko at agad na tumalikod. Sinukbit ko sa balikat ko ang shoulder bag at binilisan ang paglalakad palabas nitong cafeteria. Bumagal lang ang lakad ko ng makalabas ako. Napabuntonghininga ako pero agad akong napahinto ng makita ko si Samuel mula sa isang bench kung saan merong puno sa likod nito. May hawak siyang gitara at tila mahina niyang pinapatugtog iyon. Maingat akong lumapit kung nasaan siya. Huminto siya sa pag-i-strum ng gitara at nag-angat siya ng tingin kaya napahinto ako. "Sorry." paumanhin ko. Ngumiti siya at pinatong ang kamay sa ibabaw ng gitara niya. "Bakit ka naman nag-so-sorry? Tapos na ba ang klase mo?" tanong niya at tinapik ang bakanteng space ng bench. Lumapit ako at naupo na may kaunti pang space sa pagitan namin. "Hindi pa tapos ang class ko. Meron pa akong dalawa at pagkatapos ay tapos na." tugon ko sa tanong niya. "Ikaw? Bakit ka mag-isa rito? Hindi ko alam na marunong ka palang mag-gitara." "Isang subject na lang rin ang akin. Anyway, gusto mo ba mapakinggan ang tinutugtog ko kanina?" Napangiti ako at napaharap sa kanya ng tuluyan, "Sige." na-e-excite kong pagsang-ayon. Humawak siya sa ulo ko at tinapik niya iyon, "Ang cute mo talaga." sabi niya at natawa. Tila naman ako pinamulahan ng pisngi dahil siya palang ang nagsabi sa akin no'n. Ngumiti siya at inayos ang gitara niya. Nagsimula na siyang mag-strum at 'tsaka tumingin sa akin. Prinsesa by 6-Cyclemind Nakaupo s'ya sa isang madilim na sulok Ewan ko ba kung bakit sa libu-libong babaeng nandoon Wala pang isang minuto Nahulog na ang loob ko sa 'yo. Gusto ko sanang marinig ang tinig mo Umasa na rin na sana'y mahawakan ko ang palad mo Gusto ko sanang lumapit Kung di lang sa lalaking kayakap mo, ho o-o-oh. Napangiti ako dahil napakalamig ng tinig niya. Ang galing pala niyang kumanta. Pati ang pagbaba ng daliri niya na kahit walang tingin sa gitara ay namamangha ako. (Chorus) Dalhin mo ako sa iyong palasyo Maglakad tayo sa hardin ng yong kaharian Wala man akong pag-aari Pangako kong habangbuhay kitang pagsisilbihan O aking prinsesa ha-a-ah, prinsesa Prinsesa, prinsesa. Napaka-swerte ko naman at ako pa ang inalalayan niya. Nakangiti lang ako habang pinapakinggan ang swabe at malamig niyang tinig. Ngumiti siya na lalong kina-gwapo niya. Meron siyang nunal sa gilid ng kanan niyang kilay na naging asset niya. Pareho niyang kamukha si Ma'am Beatrice at Sir Dimitri. (Verse 2) Di ako makatulog Naisip ko ang ningning ng yong mata Nasa isip kita buong umaga buong magdamag Sana'y parati kang tanaw O ang sakit isipin ito' Nang matapos siyang tumugtog ay napalakpak ako. "Ang galing mo! Hindi ko akalain na maganda pala ang boses mo." papuri ko sa kanya. Ngumiti siya at napahawak sa batok niya, "Mabuti at ayos lang sa 'yo ang boses ko. Sa 'yo ko palang kasi napaparinig ang pagkanta ko." sabi niya. "Talaga?" hindi ko makapaniwalang sabi ko. Tumango siya at napabuntonghininga. Sumandal siya sa sandalan ng bench at nilapag sa gilid niya ang gitara. "Sa totoo lang.. May nais akong pag-alayan ng kanta. Kaya pinagbubuti ko ang pagkanta ko. Kaso naisip ko na para saan pa ba? kung hindi naman kami p'wede sa isa't isa." sabi niya habang malayo ang tingin. Napaisip ako habang nakatingin sa mukha niya na nabasa ko na merong lungkot sa mga mata niya. "Hindi ko alam kung ano ba ang ibig mong sabihin doon, pero p'wede mo pa naman siguro kantahin 'yan sa kanya. Wala namang masama doon kahit pa hindi kayo p'wede sa isa't isa." sabi ko. Hindi siya umimik at tila nasa malalim na naman siyang pag-iisip. Kaya pala siya palaging tulala. Ngayon alam ko na. Meron pala siyang minamahal na babae. Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang iba na pabalik na sa room nila. Kaya naman tumingin ako wrist watch ko at nakita ko na patapos na ang break namin. "You may go." napabaling ako kay Samuel ng magsalita siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti, "Thank you for listening to me and thank you for giving me an advice." Tumango ako, "Welcome. Pasok na ako." nakangiti kong paalam at 'tsaka na ako tumayo. Kumaway pa muna ako bago tumalikod sa kanya para lumakad na. Nasa hallway palang ako ng mabigla ako ng may humawak sa braso ko at hinila ako. Si Seige! Dinala niya ako sa isang room na walang tao. Napakahigpit ng hawak niya. Nanggigigil din siya base sa pagnginig ng kalamnan niya. Sinara niya ang pinto at sinandal ako doon. Gulat na gulat ako habang nakatingin sa kanya. Hingal na hingal siya habang matalim na nakatingin sa akin ang kanyang medyo singkit na mata. "You!" gigil niyang sabi sa akin. Napapikit ako ng suntukin niya ang pinto na nasa likod ko lang. Natakot ako sa kanya dahil akala ko ay ako ang sasaktan niya. Mas lumapit siya sa akin kaya napadilat ako. Halos wala ng space sa pagitan namin. Nakapatong din ang kanang braso niya sa pinto sa gilid ng ulo ko. Nagkasalubong ang tingin namin at kita ko sa mata niya ang hindi ko maipaliwanag kung ano nga ba 'yung tingin na binibigay niya. "ngumingiti ka sa iba pero sa akin hindi mo magawa," mariin niyang sabi, "from now on, you are mine, Magnolia. Understand!" pag-anunsyo niya sa salitang hindi ko maunawaan bakit niya pinipilit. Napaidtad ako ng humaplos ang isa niyang kamay sa baywang ko at pinisil iyon ng mariin. "Answer me." "Seige--" "Answer me." madiin niyang pag-uulit sa dine-demand niya. Napayuko ako at tumango dahil sa kawalan ng magagawa. "Good." aniya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. SA BUONG KLASE ay hindi ko mapigilan na mapatulala dahil sa sinabi ni Seige. Tila nais niya akong paikutin sa mga kamay niya. Isa ba ito sa mga trip niya? Bakit ba palagi na lang ako? Hindi kaya siya magbabago? Kung sana ay aalisin niya iyon baka sana... "Ms. Ramirez, are you with us?" Napabalik ako sa sarili ko ng magsalita ang professor ko na si Ms. Aida. "Yes, Ms." sabi ko. "Kung tutunganga ka sa klase ko, mabuti pang 'wag ka na lang pumasok. Hindi porket malakas ka sa mga Ford ay p'wede mo nang gawin ang gusto mo." sermon nito sa akin. Napayuko ako dahil sa pagkapahiya, "Class dismissed!" anunsyon ni Ms. Aida at binitbit na nito ang mga gamit nito at umalis ng room. "'Yan kasi!" pagpaparinig ng isang babae na medyo malapit sa pwesto ko. Niligpit ko ang gamit ko kahit na nagi-guilty ako dahil nagalit sa akin si Ms. Aida. Ito ang unang pagkakataon na napagalitan ako ng isang guro. Hindi ako sanay kaya siguro para rin akong biglang nanlata. Sinukbit ko ang strap ng shoulder bag ko sa balikat ko at tumayo na. Konti na rin ang mga nasa classroom dahil mabilis na nilisan ng iba ang classroom. Nakayuko ako habang naglalakad kaya hindi ko nakita na may mababangga ako. "Sorry po." paumanhin ko at makikiraan sana ng hawakan ako nito sa magkabilang balikat ko kaya napaangat ako ng tingin. Si Siege! "What's the problem?" kunot-noo niyang tanong habang pinagmamasdan ako. Inilingan ko siya, "Wala. Masama lang ang pakiramdam ko." palusot ko. Ayokong sabihin sa kanya. Ayoko na isipan pa ng mga guro at estudyante rito na totoo nga na ginagamit ko ang mga Ford. Tinignan pa ako ni Seige tila binabasa ang nasa isip ko. Ngumiti ako sa kanya para mawala ang hinala niya. Napansin ko ang pagpula ng tenga niya. "Tara na nga." sungit-sungitan niya. "Nag-blush ang loko." dinig kong sabi ni Paul. "Shut up!" baling ni Seige sa dalawa na ngumisi-ngisi rito. Napabuntong-hininga ako at pilit na ngumiti kay Seige nung bumaling siya sa akin. ❤ Seige ❤ SHE'S BUSY DOING her homework. Habang ako ay nanonood ng soap opera at (vice versa) hindi ko mapigilan na panoorin siya. She's hiding something to me. I know. Nararamdaman ko. Hindi ko lang alam kung ano nga ba? Kapag tinatanong ko siya ay panay lang ang ngiti niya at alam ko na nagpapalusot lang siya para maiba ang usapan. Napatingin ako sa bibig niya ng sumubo siya ng marshmallow at nginuya niya iyon habang may sinusulat siya sa notes niya. Pinatay ko ang t.v at mabilis akong umalis sa sala at tinungo ang kwarto ko. Kinuha ko ang books and notes ko at agad na bumaba. Naupo ako sa tabi niya kaya napalingon siya. "Wala kasi akong maintindihan dito. P'wede mo ba akong turuan?" tanong ko kahit na ang totoo ay alam ko naman. Syempre kailangan lang ng konting da-moves naman. "Ah, sige." Pagpayag niya. Kaya naman tumagilid ako ng upo paharap sa kanya at ang isang paa ko ay pinuwesto ko sa likod niya. Nasa sahig lang kami habang nasa table rito sa sala. Humawak ako sa baywang niya at nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. "Dali na. Turuan mo na ako." demand ko dahil alam kong naiilang siya dahil pilit niyang nilalayo ang mukha sa akin. Wala naman siyang nagawa kaya binuklat niya ang books ko at tinanong kung saan daw ba ako nahihirapan? Habang panay ang salita niya ay oo lang ako ng oo para mapaniwala siya na wala akong alam. Pasimple kong inamoy ang leeg niya at masasabi ko na napakapbango niya. Napatingin ako sa kanya na tila hobby talaga niya ang kumain ng marshmallow habang may binabasa. "Wait." pigil ko ng tuluyan na sana niyang ipapasok sa bibig niya ang marshmallow. Hinawakan ko ang panga niya at hinarap sa akin ang mukha niya. Kinagat ko ang marshmallow na nasa labi niya. Medyo mahaba ang marshmallow. Habang gulat na gulat siya at tila siya natuod ay unti-unti kong kinakagat ang marshmallow hanggang sa malapit na ang labi ko sa labi nya.. Kinagat ko ang dulo at pasimpleng dinampian ang labi nya. Tumingin ako sa mga mata nya at lihim akong napangiti dahil natulala sya. Kinagat ko ang itaas ng labi nya at tsaka ko binitawan. "Sarap." sabi ko sa kanya habang nginunguya ang marshmallow. Napaiwas sya ng tingin kaya lalo akong napangiti. Alam ko na may gusto ka rin sa akin. At hindi ako titigil para masabi mo sa akin. Walang tao sa bahay dahil merong pinuntahan sila Dad kasama si Mom at Benj. Si Bettina ay tila naglalakwatsa pa. Si Samuel ay hindi ko rin alam kung saan nagpunta. Maging ang triplets. Kaya nga kahit anong gawin ko ngayon ay walang istorbo sa amin. Kaming dalawa lang. "Doon na lang muna ako sa room namin ni Ate." mahinang sabi nya at agad na binitbit ang mga gamit nya at tumayo kaya nabitawan ko ang baywang niya. Sinundan ko siya ng tingin at napangisi ako. Dinilaan ko ang labi ko dahil first time kong nadampian ang labi niya. At tila hindi na ako makokontento ng gano'n lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD