❤ Seige ❤
NAPATINGIN AKO SA taas dahil hindi pa bumababa si Magnolia. Hinayaan ko muna kasi siya na tapusin ang homework niya. Ayoko naman ng dahil sa akin ay hindi siya makagawa ng mga gawain sa school na alam ko na importante sa kanya.
"Hijo, baka hindi pa makauwi ang Mommy at Daddy mo. Wala rin ang iba mong kapatid. Kumain na kayo ni Magnolia. Nakahain na ako." sabi sa akin ni Manang kaya napabaling ako rito.
"Sige po, Manang. Tawagin ko lang po si Mags." magalang kong sabi rito na tumango at umalis na para bumalik sa kusina.
Umakyat na ako para puntahan si Magnolia. Tapos na kaya siya sa homework niya? Siguro naman, 'di ba?
Pagtapat ko sa kwarto nila ng Ate niya ay pinihit ko na ang pinto. Binuksan ko ang pinto at sumilip. Nakita ko na nakahiga siya habang nakatalikod sa gawi ko.
Kaya naman tuluyan ko nang binuksan ang pinto at pumasok. Sinara ko ang pinto at lumapit sa kanya.
"Mags, kakain na. Halika na at baka malipasan ka ng gutom." aya ko rito ng huminto ako sa kabilang side ng kama.
Nakatalikod siya sa akin at umuungot na tila namimilipit. Napakunot-noo ako at sumampa sa kama.
Hinawakan ko siya sa balikat at tinihaya ng higa.
"s**t!" bulalas ko ng makita ko na maputla ang mukha niya at pawis na pawis ang noo niya habang namimilipit sa pagkakahiga. Hawak niya ang tiyan niya.
"Anong masakit, Mags? Sabihin mo sa akin." nag-aalala kong pagtatanong sa kanya.
"M-ma...M-masakit ang puson ko." ungot niya habang napapangiwi.
"Teka! Hihingi ako ng tulong kay Manang, ha? Saglit lang ako." taranta kong pagpapakalma sa kanya at dali-dali akong bumaba ng kama at tumakbo palabas ng kwarto niya.
"Manang! Manang! Si Magnolia po!" histerical kong tawag kay Manang habang mabilis na bumababa ng hagdan.
"Oh, hijo? Bakit ka humahangos?" tanong ni Manang na nagmadali na lumabas ng kusina at nilapitan ako habang nagpupunas ng kamay.
"Manang, masakit po ang puson ni Mags. Anong gagawin ko? Baka iwan niya ako?" hindi ako magkandaugaga sabi.
"Ano bang pinagsasabi mong bata ka? Halika at alalayan mo akong umakyat. Matignan ko kung ano nga ba ang sinasabi mo." sabi nito.
"Manang naman. Ang bagal niyo kayang umakyat. Bubuhatin ko pa kayo." reklamo ko na kinotongan ako nito.
"'Wag ka nang magreklamo. Gusto mo bang hindi gumaling si Magnolia?"
Umiling ako at marahas na napabuga ng hangin. Pinasakay ko sa likod ko si Manang at halos mapangiwi ako dahil ang bigat niya.
Para akong ugod-ugod habang iniisa na hinahakbang ang bawat step ng hagdan.
Pagdating sa dulo ay binaba ko na siya. Napahawak ako sa likod ko dahil tila sumakit iyon. Pero kahit masakit ang likod ko ay sumunod agad ako kay Manang na tinungo ang kwarto ni Mags.
Nakita ko na kinakausap ni Manang si Mags.
"Hijo, ikuha mo ako ng maligamgam na tubig at towel. Tapos dalhin mo rito." tumango-tango ako at inintindi ang inuutos niya. "tapos bumili ka ng gamot para sa dysmenorrhea."
"'Yun lang po ba, Manang?" tanong ko.
"Oo. Bilisan mo." sabi nito kaya tinignan ko muna si Mags na namimilipit sa pagkakahiga kaya agad akong tumalikod at mabilis na kumilos para kunin ang lahat ng kailangan ni Mags.
Kumuha ako ng maligamgam na tubig sa banyo at towel sa closet.
Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at mabilis na bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay. Kinuha ko ang bike at agad na sumakay.
Mabilis kong pinaandar ang bike para makarating agad sa pharmacy store.
"Tabi!" sita ko sa mga naglalakad sa gitna ng kalsada na animo'y mga naglalakad sa buwan.
"Bastos!" sigaw sa akin ng mga babaeng ito.
"Tsk!" pasalamat ang mga iyon dahil nagmamadali ako. Dahil kung hindi, papakita ko sa kanila kung sino ang bastos.
Nang makarating ako sa pharmacy ay basta ko na lang binaba kung saan ang bike at tumakbo papasok sa pharmacy.
Agad akong dumeretso sa medicine counter.
"Bigyan mo ako ng gamot para sa dysmenorrhea. Bilis!" utos ko sa isang cashier.
Agad namang kumilos ito at kinuha ang sinasabi ko. Nilagay niya sa plastick at inabot sa akin.
"Here's my credit card. Use this and deliver it to Ford house." sabi ko at agad na tumakbo palabas.
Agad akong sumakay sa bike at mabilis na pinatakbo iyon. Hindi ko alam na ganito pala ako kabilis na magpidal. Nang dahil kay Magnolia ay napapidal ako ng ganitong kabilis.
Pagdating sa bahay ay padarag kong binaba ang bike at agad na pumasok sa loob. Mabilis kong tinungo ang kwarto ni Magnolia at pumasok.
Hingal na hingal ako at naupo sa tabi ni Mags.
"M-manang, heto na po." hingal na hingal kong sabi.
"Painumin mo siya nito at mag-iinit ako ng sabaw para sa kanya. At patuloy mo lang na dampian ng maligamgam na tubig ang tiyan nya." bilin nito sa akin kaya tumango ako at kinuha ang towel.
Umalis na si Manang kaya nilublob ko muli ang towel sa maligamgam na tubig. Kinuha ko ang gamot niya at tubig ng baso na nasa side table.
"Mags, inumin mo na ito." sabi ko sa kanya at kinuha ko ang ulo niya para i-angat. Sinubo ko sa kanya ang gamot at pinainom siya ng tubig. Nang ayos na ay pinahiga ko muli ang ulo niya sa unan.
"Masakit pa ba?" tanong ko at piniga ang towel at dinampi ko ito sa tiyan niya.
"Medyo." mahina niyang sabi. Kaya naman yumuko ako at dinampian ng halik ang tiyan niya.
"Mawala ka sa tiyan ni Mags." sabi ko habang paulit-ulit na hinalikan ang tiyan niya.
"Seige, nakikiliti ako." nanghihina niyang sabi habang pinipigilan ang mukha ko.
"Nawala na ba ang sakit?" tanong ko at nang tumango siya ay napahinga ako ng malalim, "Good." sabi ko pa at inalis na ang towel at nilagay sa palangana.
Binaba ko ang t-shirt niya at inalis ang kumot niya.
"Kailangan mong kumain. Pero alam ko na hindi mo pa kayang maglakad kaya ako ang magiging paa mo." sabi ko sa kanya at pinangko siya.
"Hindi mo naman kailangan gawin ito. Kapag ayos na ako ay bababa rin ako."
"Tsk. Nakikipagtalo ka na naman sa akin. Ang gusto ko ang masusunod kaya 'wag ka nang magreklamo." sabi ko sa kanya kaya hindi na siya nakaimik.
Binuhat ko siya at lumabas kami ng kwarto niya.
Pagbaba namin ay nakita ko si Manang at isang kasambahay na bitbit ang tray na naglalaman ng pagkain.
"Manang, sa dinning na lang kami kakain." sabi ko rito.
"Gano'n ba. O, sige." sabi nito, "Fely, ilapag mo na muli 'yan sa lamesa" baling nito kay Fely.
Lumakad na ako pasunod sa kanila at napatingin kay Magnolia na nakatingin sa nilalakaran namin.
Napangiti ako dahil maayos na ang kulay niya. Kanina ay maputla na maputla siya.
Pagdating sa dinning area ay inupo ko siya sa upuan niya at tsaka ako naupo patabi sa kanya.
Nilapag nila manang ang soup kaya kinuha ko ang soup spoon at sumalok ng sabaw.
"Ahh.." sabi ko sa kanya habang inuuma sa bibig niya.
"Ako na. Nakakahiya." mahinang sabi niya at kukunin sana ang kutsara ng kunin ko ang kamay niya at binaba.
"Isa. Isusubo mo ito o hahalikan kita?" banta ko.
Palihim akong napangiti ng sinubo niya agad iyon. Tsk. Ayaw ba niya ng halik ko? Sabagay, kapag hinalikan ko siya baka hindi niya kayanin.
Napatingin ako ng umalis na sila Manang. Kaya naman ng inuma ko sa bibig niya ang kutsara at ambang isusubo niya ay agad kong inalis ang kutsara at hahalikan ko sana siya ng takpan niya ang bibig niya kaya sa likod ng palad niya ang nahalikan ko.
"s**t! Tanggalin mo 'yan." utos ko sa kanya at binaba ko ang kutsara sa soup bowl at tsaka hinawakan ang kamay niya para alisin.
Umiling-iling siya at ayaw magpatalo sa akin.
"Isa! Pagbigyan mo ako." mariin kong sabi sa kanya at pilit inaalis ang kamay niya.
"Ahh!!" napangiwi ako ng may biglang pumingot ng tenga ko. Napalingon ako sa salarin at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Mommy.
"Ikaw na bata ka! Bakit mo hina-harass si Magnolia, ha?! Anong pagbigyan ang sinasabi mo?" sermon sa akin ni Mommy at tinayo ako. Napangiwi ako habang nakahawak sa kamay niya at tenga ko.
"Mom, sa gwapo kong ito haharassin ko siya? Ang sinasabi ko lang sa kanya ay pagbigyan niya ako na hipan ang...ang labi niya." palusot ko.
"Totoo ba 'yun, Magnolia?" baling niya kay Magnolia kaya tumingin ako kay Magnolia at sinenyasan siya.
Alanganin siya na tumango at inalis na ang kamay sa bibig niya.
Damn! Ang pula ng labi niya. Akala niya sa susunod ay palalagpasin ko pa. Sisiguraduhin ko na magsisisi siya na hindi niya ako pinagbigyan.
"Dimitri!" tawag ni Mom kay Dad ng bitawan na ang tenga ko.
Napahimas ako sa tenga ko at napatingin kay Dad na nataranta na agad lumapit kay Mom.
"Yes, Misis ko?"
Napangisi ako dahil under na under si Dad.
"Pagsabihan mo nga ang anak mo. Naku! Manang-mana sa 'yo. Baka pati kamanyakan ay minana mo rito." sumasakit ang ulo na sabi ni Mommy kay Dad.
"Seige! Sumunod ka sa akin." sabi ni Dad sa maawtoridad na tono.
Napailing ako dahil halata naman na kunwari lang 'yun.
Tumalikod siya kaya sumunod ako sa kanya ng lumakad na siya palayo kela Mommy. Sa library niya kami nagpunta.
Pagpasok ko ay pabagsak akong naupo sa sofa na naroon habang siya ay nakapamaywang na hinarap ako.
"Anong ginagawa mo kay Magnolia, ha?" tanong nito.
"C'mon, Dad. Wala na si Mom sa paligid. Alam ko naman na gustong-gusto niyo ang ginagawa ko." pa-cool kong sabi habang sinasandal ang mga braso sa sandalan ng sofa.
"Son, bakit kasi para mong hina-harass si Magnolia? Tsk. Tsk. Hindi ganyan ang panliligaw." sabi niya na napapailing.
Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi niya.
"Anong mali sa ginagawa ko, Dad? Hindi ba gano'n dapat ang gawin? Mas madali ko siyang makukuha 'pag sapilitan." sabi ko.
"Wrong, Son. It's a wrong move. Kung gusto mong makuha ang isang babae, una ay kailangan mong magtimpi." sabi niya kaya napatango ako. "Pangalawa, hindi sunggab agad ng sunggab. Nagmumukha kang manyak, Son." napapailing nitong sabi.
"Dad, me? Maniac? Oh, c'mon! Hindi manyak ang tawag sa gwapong mukhang ito. It's a charm." wika ko habang nakaturo sa mukha ko.
"Pangatlo, dapat ay gentleman ka. Dapat tiwalang-tiwala sa 'yo si Magnolia para isipin niya na hindi mo siya kayang pagsamantalahan."
"Tsk. Lahat naman ng sinasabi niyo ay gano'n ako. Kailangan pa ba 'yun? Gentle naman ako sa kanya. Panay nga ang hawak ko para alalayan siya."
"Alalayan o hipuan?"
"Sa hipuan ay konting da-moves lang 'yun, Dad. Tsaka parang hindi kayo gano'n." iling-iling kong sabi.
"Aba! Remember, Son, sa akin mo namana 'yan. Kaya alam ko na ang dapat na gawin sa stage mo. Kaya sundin mo ang sinasabi ko."
"Yeah, yeah.." sang-ayon ko na lang.
"Pang-apat, ligawan mo siya. Hindi 'yung pipilitin mo siya sa bagay na ayaw niya. Manligaw ka at ipakita sa kanya na tunay ang pagmamahal mo sa kanya."
"Dad--"
"Stop! Listen to me first before you demand." pigil nito sa akin kaya ziniper ko ang bibig ko.
"Panglima, 'pag sinabi niya sa 'yo na gusto ka niya ay doon mo na sungaban, Son."
"'Yan! 'Yan, Dad! D'yan pumalakpak ang tainga ko." tuwang-tuwa kong sabi at nakipag-apir kay Dad na ngiting-ngiti.
"Syempre. 'Pag pinatagal mo pa baka maagaw 'yan. And if you need my secret recipe, just tell me anytime." sabi nito.
"Ano 'yung secret recipe niyo, Dad?" curious kong tanong.
"Ang sekreto ko ay kung ilan kayo ngayong magkakapatid." nakangisi nitong sabi.
Napangisi ako at muling nakipag-apir kay Dad, "I like that, Dad. Bigay niyo na sa akin ngayon." sabi ko.
"Tsaka na. Manligaw ka muna." sabi nito.
Kaya naman tumayo ako at hinagod ko ang buhok ko.
"Sure, Dad. Manliligaw ako at pinapangako ko na this week sasagutin na niya ako." sabi ko at napapangiti.
"Good luck, Son."
Ngumiti lang ako at napabuntonghininga.
-
❤ Magnolia ❤
HINDI KO ALAM kung bakit may kakaiba kay Seige ngayon. Himala at tila naiba ang awra niya. Para siyang good boy.
"Here. Susundin kita mamaya." nakangiti niyang sabi kaya tumango ako habang nawi-weird-duhan na inabot ko ang bag at books ko na binitbit niya.
"Sige, salamat. Pasok na ako." paalam ko. Ngumiti siya at tumango. Kumaway pa siya kaya tumalikod na ako.
Pagdating sa upuan ko ay napaisip ako. Talaga bang si Seige iyon?
Hindi naman sa ayaw ko na magbago siya, pero himala at parang kalmado siya sa lahat ng ginagawa at sinasabi niya.
Hindi na rin siya humahawak sa akin. Hindi na rin siya palautos. Hindi niya inaaway ang mga lalakeng kaklase ko na bumabati sa akin nung papasok kami sa school.
Tapos 'yung pananalita niya ay mahinahon at hindi pa-demand. Hindi na rin niya ako pinipilit 'pag ayaw ko. Tapos medyo dumidistansya siya sa akin.
Napailing ako at kinalimutan muna iyon dahil nand'yan na si Miss Aida. Meron parin akong kasalanan sa kanya. Siguro ay kakausapin ko si Miss Aida mamaya para humingi ng tawad.
Sa buong klase ni Miss Aida ay ramdam ko na hindi pa niya nakakalimutan ang galit niya sa akin. Kapag nagtataas ako ng kamay para magtanong ay hindi ako ang tatawagin niya. Kapag naghahanap naman siya ng makakasagot sa tanong niya ay hindi parin niya ako tinatawag kahit na obvious naman na ako lang ang tanging nakataas ang kamay pero hindi parin ako ang tinatawag niya.
Kaya naman pagkatapos ng klase niya ay agad kong binitbit ang gamit ko at agad na sinundan siya.
"Miss Aida!" tawag ko at nagpasalamat ako dahil huminto siya at humarap sa akin.
Huminto ako sa harap niya, "Miss Aida, gusto ko pong humingin ng tawad. Sana po ay mapatawad niyo na po ako dahil sa hindi ko pagbibigay ng buong atensyon sa inyo. Kung meron po kayong nais na gawin ko ay handa po akong gawin. Basta po mapatawad niyo lang po ako " Sabi ko sa kanya.
Kita ko na napaisip siya at seryoso akong tinignan, "follow me. 'Wag tayong mag-usap rito." sabi niya kaya tumango ako.
Sa office niya kami dumeretso. Naupo siya sa swivel chair niya at tiningala ako na nakatayo sa harap ng table niya.
"Sure ka na gagawin mo ang lahat para mapatawad kita?" pagniniguro nito sa akin.
"Opo."
Napatango siya, "Kung gano'n, gusto ko na sumama ka sa mga estudyante na mag-vo-volunteer sa isang medical mission sa isang probinsya na malayo sa syudad. Kapag natapos mo ang pag-vo-volunteer doon ay pangako nakabayad ka na sa kasalanan mo sa akin." sabi nito.
Napaisip ako dahil kung sakali na sumama ako ay iyon ang first time ko. Nais ko rin naman na magkaroon ng experience kaya tumango ako bilang pagsang-ayon. Kita ko ang pagngiti niya pero hindi ako sure dahil parang ngumisi siya. Baka nagkakamali lang ako.
"Very good, Miss Mendez. Magpaalam ka na sa magulang mo dahil isang linggo kang mawawala. At pinapaalala ko sa 'yo na 'wag na 'wag mong sasabihin na sapilitan ito kundi magkakaalaman tayo." sabi niya.
Isang linggo? Pero paano 'yung iba kong subject?
"E, Miss, paano po 'yung iba kong subject?"
"Don't worry, dahil lahat ng mag-vo-volunteer ay exempted."
Dahil sa sinabi nito ay tila ako nakahinga ng maluwag.
"Sige po, Miss." sabi ko at nagpaalam na rin ako rito.
Napahinga ako ng malalim habang mabagal na naglalakad.
"Hey, saan ka galing?"
Nabigla naman ako sa biglang pagsulpot ni Seige. Kasama niya ang dalawa, si Paul at Lawrence.
"Kay Miss Aida lang. Meron lang siyang sinabi." sabi ko. Ayokong sabihin sa kanya na mag-vo-volunteer ako sa malayo. Baka ano pa ang gawin niya at lalo lang magulo ang lahat. Baka mas lalong magalit si Miss Aida.
"Gano'n ba." sabi nito. Napatingin ako sa suot ng tatlo. Puro sila naka-jersey uniform.
"Magnolia, aayain ka daw ni Segi boy na manood ng basketball." si Paul ang nagsalita.
Tumingin ako kay Seige na sakal-sakal na ng braso niya ang leeg ni Paul. Pulang-pula rin ang mukha niya tila napahiya.
"Sige." pagpayag ko kaya napahinto ang mga ito at agad na binitawan ni Seige si Paul.
"Really?" paniniguro niya habang ngiting-ngiti. Tumango ako bilang paniniguro sa kanya, "Yes!!!" sigaw niya at napasuntok pa sa hangin na kinatawa ko.
"Para ka namang sira, Segi boy. Hindi ka pa sinasagot." sabi ni Lawrence kaya kunwari hindi ko narinig 'yung huli niyang sinabi.
"Tara." aya sa akin ni Seige kaya napatingin ako sa kanya. Hindi niya alam kung hahawakan ba nyya ako. Para kasi siyang nagpipigil. Sa huli ay inalalayan niya ako sa likod para maglakad na. Kinuha niya ang bag at libro ko para bitbitin niya.
Nakakapanibago talaga si Seige. Para tuloy may oras na may sapi siya. May oras naman na wala.
Sa covered court, marami na ang estudyante na nais na manood ng laro. Tila hindi nais na palagpasin ang laro nila Seige.
"Seige, okay na ako sa bleacher." pigil ko sa kanya ng paupuin niya ako sa mismong upuan ng team niya.
"No, you will stay here. You're safe here. At para madali din kitang makita." sabi niya at ngumiti habang nakatunghay siya sa akin.
Napayuko ako ng halikan niya ako sa noo. Kinabahan ako, lalo pa't nagkantyawan ang mga teammates niya.
"Good luck kiss." bulong niya at umayos na ng pagkakatayo at sumunod sa mga teammates niya na nagtungo na sa gitna ng court.
Naiwan ako sa ilang teammates ni Seige na napapailing na nakatingin sa akin.
"Magnolia, right?" sabi ng isa na malayo ang pagitan sa upuan ko. Tumango ako bilang tugon, "Mag-iingat ka. Palabiro at manlakas mang-trip 'yan si Seige. Baka isa ka sa pinag-t-tripan niya." sabi nito na kinabuka ng labi ko dahil parang nais ko na itama siya sa maling sinasabi niya sa tao.
"Cedric, marinig ka ni Seige. Tiyak na magagalit 'yun sa 'yo." sabi ng isang ka-teammates niya na katabi niya.
"Bakit? Sinasabihan ko lang siya dahil marami na ang pinaasa ni Seige." sabi nito doon sa lalaki at bumaling muli siya sa akin, "Pero kung seryoso si Seige sa 'yo, mag-iingat ka parin. Dahil kilala ko ang ugali ni Seige. Kokontrolin niya ang lahat sa 'yo. Ikaw palang naman ang babae na nakita ko na nagkakaganyan siya. Kaya tiyak na malaki ang hangad niya sa "yo." sabi nito na binabalaan ako.
"Hindi naman. Baka nagkakamali lang kayo." depensa ko at umiling.
"Well, tignan mo. Para kaming papatayin ng tingin ni Seige." sabi nito kaya bumaling ako sa gitna ng court at nakita ko ang seryoso mukha ni Seige na may pagbabanta habang nakatingin sa dalawa.
Nang tumingin siya sa akin ay ngumiti ako kaya nawala ang masama niyang awra.
Sa kanya ko na lang pinokus ang paningin habang iniisip ko ang sinabi ni Cedric.
Sa pagkontrol ay tama si Cedric doon, pero malabo naman ang pinapahiwatig niya na magkakagusto sa akin si Seige. Gaya nga ng nauna niyang sinabi, mahilig mang-trip si Seige. At tiyak ko naman na bored lang ito kaya ako ang napagdiskitahan niya.
Ayoko naman mag-assume dahil napaka-imposible talaga na isang Ford ang magkakagusto sa akin. Simple lang ako at wala pang napapatunayan. Nakakahiya at baka sabihin lang ng ilan ay mukha akong pera 'pag nagkagusto nga siya sa akin.
Pinanood ko siya kung paano maglaro. Ganadong-ganado siya at lahat ng shinoot niya ay pumapasok. Kapag nakaka-shoot siya ay tumitingin siya sa akin kaya nag-ta-thumbs up ako sa kanya.
Nang mag-time out muna sila ay patakbo siyang nagtungo rito sa gawi ko.
Hingal na hingal siya na naupo at napatingin ako sa kamay niya na pinatong sa hita ko. Naiilang ako at pasimpleng tumingin sa mga teammates niya dahil baka may makakita.
Nakahinga ako ng maluwag ng alisin niya agad ang kamay niya sa hita ko. May kinuha siya sa gym bag niya na towel at inabot sa akin na kinataka ko.
"Punusan mo nga ang likod ko." sabi niya at pagkaabot ay tumalikod siya.
Naiilang na pinasok ko ang kamay ko na hawak ang towel sa likod niya na pawisan. Lalo pa akong nailang dahil ramdam ko ang mga mata na nakatingin sa amin.
Umiinom siya ng tubig at tila walang pakialam sa mga nakatingin sa amin. Lalo na 'yung mga ka-teammates niya at coach.
Inalis ko na ang kamay ko sa likod niya kaya umayos siya ng upo at humarap naman sa akin. Kinuha niya ang towel na pinampunas ko at may inabot naman siyang isa pa.
"'Yung leeg at mukha ko, hindi mo ba pupunasan?" sabi niya habang nilalapit ang mukha.
Kaya agad kong hinarang ang towel niya para hindi siya makalapit pa. Pinunasan ko ng mabilis at nang matapos ay aalisin ko sana ng pigilan niya ang pareho kong kamay na nakahawak sa mukha niya.
Kinuha niya ang towel at tinignan ako ng seryoso na kinalunok ko sa kaba.
"Anong sinasabi ni Cedric sa 'yo kanina?" mariin ngunit mahina niyang tanong.
"Wala iyon. Sinasabi lang niya na magaling ka raw maglaro." pagsisinungaling ko at agad kong kinagat ang dila ko dahil nagsinungaling ako.
Diyos ko. Napakalaki na talaga ng pagkakasala ko. Kailangan ko ng kumpisal dahil hindi ako matatahimik 'pag hindi ako nakakahingi ng patawad.
"You're lying. Hindi ka marunong magtago, Magnolia. Ngayon sabihin mo, ano ang sinabi niya?" Seryoso pero bakas ang pagtitimpi niya habang mahigpit ng nakahawak sa mga kamay ko.
"Wala iyon." tanggi ko parin dahil ayoko ng may mag-away pa ng dahil sa akin. Umiling-iling ako at napayuko.
"'Wag mo akong subukan, Magnolia. Oras na makipag-usap ka pa sa kanya, may kalalagyan siya." sabi nito sa akin at binitawan na ang kamay ko.
Binalik niya sa bag ang towel at tumayo dahil tapos na ang time nila. Nakita ko ang pagtingin niya kay Cedric at binibigyan niya ito ng babalang tingin bago sumunod sa team niya para tumungo sa gitna ng court.
Napahawak ako sa tuhod ko dahil nanginginig iyon. Nakakatakot kasi siya kapag gano'n. Para bang kaya niyang gawin 'yung sinasabi niya.
Hindi ko alam kung tama ba na napunta pa kami ni Ate. Parang natatakot na ako sa kinikilos ni Seige.