CHAPTER 9

4058 Words
❤ Magnolia ❤ TODAY ANG VOLUNTEER medical mission ko. Nakapagpaalam na ako kay Ate at kela Ma'am Beatrice, pwera lang kay Seige. Sinabihan kasi ako ni Ma'am Beatrice na 'wag ko na raw ipaalam kay Seige dahil tiyak na guguluhin lang daw ako at baka hindi pa daw ako matuloy. At nakabuti din na ngayon ang alis ko dahil wala ngayon si Seige. Merong kasi itong advance training sa maynila para sa kurso niya na law. Graduating na kasi siya kaya marami na siyang dapat na asikasuhin. Hinatid ako ng driver ng mga Ford. Si Bettina ay nauna na sa akin dahil maaga ang pasok. Ako ay alas nuebe ang call time kaya may time pa ako para makapag-ayos ng gamit kanina. Sa probinsya ng Nacagang Sagada ang destinasyon namin. Sakay kami ng van dahil mga sampo lang kami na volunteer. Kasama ang ilang head nurse na mag-assist sa amin. Halos twelve hours ang naging byahe namin patungo doon, kaya maggagabi na ng kami ay makarating. Isa-isa na kaming bumaba sa van para mag-check in muna sa isang guest house rito sa sagada. Sa isang Residential Lodge kami nakakuha ng matutulugan. Sa isang room ay dalawang tao. Kaya may kasama ako na isang volunteer nurse na babae. Malamig din pala rito sa sagada. Sobrang lamig. Mabuti nakadala ako ng makapal na jacket. Maganda rin ang lugar at mukhang tahimik. Kapag ganitong klima ay hindi ko mapigilan na ma-miss ang pamilya ko. Lalo na si Ate. Ngayon palang ako nahiwalay kay Ate kaya na-miss ko na siya agad. Oo nga pala. Kailangan ko nga palang tawagan si Ate para malaman nito na nakarating na ako. Dinial ko ang numero niya at ilang ring lang ay sinagot na niya. "Oh, Magnolia, kumusta? Nakarating ka na ba?" bungad agad nito kaya napangiti ako. "Opo, Ate. Kakarating lang din. Naka-check in kami rito sa isang lodge, kaya ngayon lang ako makakapagpahinga mula sa byahe.." tugon ko at binuksan ang dala kong bag para kumuha ng pamalit na damit dahil kailangan ko na ring matulog ng maaga dahil maaga ang medical mission namin bukas. "Mabuti naman. Kumain ka ng maayos d'yan at 'wag mong papagurin ang sarili mo. Tumawag ka rin sa akin 'pag may problema, ha?" bilin nito. "Opo. Gagawin ko 'yan." "Good. Sige, magpahinga ka na at gabi na." "Kayo din, Ate. I-kumusta mo na lang ako sa mga Ford." "Sige, sige. Bye." paalam nito kaya binaba ko na ang tawag. Nilapag ko sa kama ang cellphone ko at binitbit ang nakuha kong pamalit at lumabas para magtungo sa banyo na nasa baba. Parang isang antigo itong lodge na nakuha namin. Nakakatuwa dahil buo pa at hindi inaanay ang mga gamit na gawa sa kahoy. "Hi! Ikaw si Magnolia, 'di ba?" bati sa akin ng isang babae na kayumanggi ang balat at katamtaman ang tangkad. Medyo chubby siya at palangiti kaya ngumiti ako sa kanya. "Oo, ikaw?" "I'm abigail. Sa kabilang section ako at magka-level lang tayo. Third year din." "Kaya pala parang nakita na kita. Ikaw 'yung laging nasa cafeteria na mag-isang kumakain." natutuwa kong sabi sa kanya.. Tumango siya at mapait na ngumiti, "Wala naman kasi akong kaibigan magmula ng may magawa ako sa isang Ford." sabi niya na agad na kinawala ng ngiti ko, "No offense, ha. Alam ko naman na close ka sa mga Ford. At siguro hindi mo alam kung bakit ako nilalayuan." "P'wede ko bang malaman?" gusto kong malaman kung bakit nga ba? Hindi naman tiyak isa kay Samuel at Bettina ang tinutukoy niya? Tiyak na si.. Tumango siya, "Dati, nung first day ko sa WCU. Naglalakad ako noon ng may hawak na burger. Ugali ko kasi na habang naglalakad ay kumakain. At dahil hindi ako nakatingin sa nilalakaran ko kaya nabunggo ko si Seige." pagkukwento niya at sumandal sa isang hamba habang hinihintay namin ang gumagamit ng banyo. Tatlo kasi ang cubicle kaya may tatlong gumagamit. "Anong nangyari? Nagalit ba sa 'yo si Seige?" tanong ko. Sabi na, e. Siya lang ang naiisip ko. "Hindi lang galit. Natapunan ko kasi 'yung suot niyang t-shirt noon. Kaya naman dahil doon ay simula na rin na pagtripan niya ako kasama ng mga kaibigan niya. Pati ang ibang estudyante ay nakikisakay. Minsan nga 'pag nasa C.R ako ay hindi ako agad nakakalabas dahil merong nagla-lock sa labas. Tapos tinatakot pa nila ako sa isang laruang ipis at daga. Alam ko na utos din ni Seige iyon dahil siya lang naman ang may ganoong laruan na pinapanakot niya, lalo pa't sa mga hindi nakakaalam na laruan lang iyon." Hindi ko akalain na gano'n kagrabe pala talaga si Seige. Bakit kaya siya gano'n? Hindi naman gano'n ang iba niyang kapatid. Mabait naman siya pagdating sa akin. Mabait rin siya 'pag nasa harap ng pamilya niya. Pero sabagay, naranasan ko na rin ang mapagtripan niya. At hindi nga nakakatuwa. "Uy, 'wag mong sabihin sa kanya na ikinuwento ko sa 'yo ito. Baka kasi pagtripan niya muli ako." umiling ako sa sinabi niya. "Hindi ko sasabihin. Promise." paniniguro ko sa kanya kaya napangiti siya. "Alam mo ba nung mula ng pumasok ka ng WCU, hindi na ako pinag-t-tripan nila Seige. At hindi na rin siya nang-t-trip sa ibang estudyante. Ano bang namamagitan sa inyo? Masyado kasi kayong dikit sa isa't-isa." Namula naman ako sa sinabi niya. Kaya agad ko siyang inilingan dahil baka ano pa ang isipin niya. Mabuti at hindi masyadong maliwanag sa gawi ko. Hindi niya malalaman na namula ako sa sinabi niya. "Wala naman namamagitan sa amin. Kaibigan ko lang talaga ang pamilya nila." pagtanggi ko. "Weh? Kung hindi kayo ay bakit hinahayaan mo na hawakan ka niya? Alam at kitang-kita ng buong campus kung paano ka binabakuran ni Seige. Lagi siyang nakapulupot sa 'yo tila ayaw na may makakasulot sa 'yo." panunukso niya. "Hindi ko naman kasi siya mapigilan. Tsaka alam ko naman na nais niya lang din akong pagtripan." "Asus. Hindi lang isang biro iyon, Magnolia. Hindi gano'n si Seige. Wala pa akong nakikitang babae na halos ka-PDA niya sa Campus. Kaya nga ang daming inggit sa 'yo. Dahil sila ang tagal nang nagpapansin kay Seige pero hindi naman napapansin, tapos ikaw na halos bago lang ay ayaw niyang mahiwalay sa 'yo." Natahimik naman ako at hindi nakasagot sa sinabi niya. Kung hindi nga isang pang-t-trip lang iyon, ano ang ibig sabihin no'n? May gusto ba talaga siya sa akin? "Pero ingat ka. Dahil dakilang mapanukso ang mga Ford. Baka hindi ka pa tapos ng school year mo ay buntis ka na agad." "Ano ba 'yan! Hindi ako gano'n. Tsaka mas priority ko ang study ko kesa sa ganoong bagay." inilingan ko siya dahil para akong kinilabutan sa sinabi niya. Ngumiti siya at umiling rin, "Okay, sabi mo. Pero kung hindi nga gano'n, dapat hindi mo siya hinahayaan na hawakan ka. Hindi mo ba alam na kinachansingan ka ni Seige?" "Alam ko." "Alam mo pala. Kung gano'n ay gusto mo rin." "Hindi ko gusto 'yun." tanggi ko. "Namumula ang pisngi mo. May gusto ka rin kay Seige, ano?" panunukso niya. Hindi ko na siya nasagot dahil bumukas na ang pinto. Paglabas ng tatlo ay agad akong lumapit sa isang cubicle para hindi ko na siya masagot. May gusto ba si Abigail kay Seige? Kasi sabi niya 'rin'. "Don't worry, crush ko lang siya. Ikaw naman ang magwawagi sa dulo. Dahil masyado siyang patay na patay sa 'yo, kaya wala ring pag-asa." sabi niya ng tila nabasa ang iniisip ko. Pumasok na siya sa isa sa mga cubicle. At narinig ko ang pagbuhay ng gripo. Tulala akong pumasok na rin at sinara ang pinto. Sinabit ko ang mga dala kong pamilit at tsaka naghubad ng suot ko. Ang dami pala talagang nagkakagusto kay Seige, kahit na hindi naging maganda ang ugali nito. Pero siguro, iba-iba lang ang pananaw ng tao sa taong magugustuhan nila. Kahit saktan ka man ng saktan ng paulit-ulit ay hindi mo parin magagawang hindi magustuhan ang taong hinahangaan mo. Umiling-iling ako at niwaglit na lang iyon sa isipan ko. May mas makabuluhan pa akong dapat na gawin at isipin kaya hindi ko na muna dapat isipan pa si Seige. - ❤ Seige ❤ ISANG ARAW PA lang ako dito sa maynila pero bagot na bagot na ako dito. Pero mabuti na lang rin at kay Tito Xander ako nag-training. Sa law firm company niya. Siya mismo ang nagbigay sa akin ng mga tip para na rin sa exam ko next week. Tinuruan niya rin ako ng mga bagay na dapat kong matutunan oras na maging attorney ako.. *Sigh* I miss you, Magnolia. Isang araw palang kita hindi nakikita ay tila ako hindi mapakali. Tinatawagan ko siya pero hindi ko ma-contact. Tapos minsan ay may tila kausap pa siya. Oras lang na malaman ko na lalake ang kausap niya, patay siya sa akin. "Segi boy!" humahangos na tumatakbo ang dalawa. Si Lawrence at Paul. Syempre kung nasaan ako ay narito rin ang dalawang tukmol. Sinenyasan ko sila na 'wag maingay dahil may speech si Tito Xander sa mga empleyado niya. Naupo ang dalawa sa magkabilang upuan sa gilid ko na bakante. Hingal na hingal sila kaya napailing ako. "Bakit ngayon lang kayo? Tsk. Mapapagalitan kayo ni Tito n'yan." "Si Paul kasi nag-aya. Pinanood pa namin kagabi sa isang bar 'yung sexy na babae na sumasayaw ng hubo't-hubad. Ayaw mo kasing sumama, hindi mo tuloy nakita ang mga babae doon." si lawrence. "'Wag niyo nga akong masama-sama sa ganyan. Loyal ako. At isang babae lang ang gusto kong makita na naka-gano'n sa tamang panahon." "Si Magnolia." sabay na sabi ng mga ito kaya napangiti ako. That's right. She's the only one. And if that happen, I'm very sure na akin na siya. "Pero matagal mo pa makakamit iyon, Segi boy. Maria clara 'yung si Magnolia. Study first ang nasa isip." pang-aasar ni Paul kaya kinotongan ko nga. "Alam ko. Kaya nga 'pag nasa tama na ang lahat. Tsaka kaya ko siyang kontrolin. At 'pag gusto ko ay makukuha ko." paniniguro ko sa kanila. "Talagang kaya mo siyang kontrolin? Bakit hindi mo alam na meron siyang ngayong medical mission sa isang malayong probinsya." si Lawrence kaya napabaling ako sa kanya. "What do you mean?" tanong ko. "Nabalitaan ko kasi na pinasama ni Miss Aida si Magnolia sa mga nurse na volunteer para sa isang medical program sa isang probinsya. Kanina pa raw nandoon ang mga iyon. 'Wag mong sabihin na hindi mo alam?" nakangisi niyang sabi na kinakuyom ng kamao ko. "Saang probinsya?" seryoso kong tanong. "'Yun ang hindi ko nalaman. Walang nakakaalam dahil walang may balak na sabihin." Napatayo ako at sinenyasan si Tito na napatingin sa akin. Tumango siya kaya agad akong lumabas ng room. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng formal suit ko at agad na dinial ang numero ni Magnolia. Nagmamadali ako sa paglabas ng company ni Tito habang pilit na kino-contact si Magnolia pero ring lang ng ring ang cellphone nito at hindi niya sinasagot. Nakaisa pa akong dial at thanks god! She answered my call. "Where are you, ha?" bungad ko sa galit na tono. "Sorry po pero hindi si Magnolia ito. Nagpunta kasi siya ng banyo sa baba kaya ako ang nakasagot. Roommate niya ako." sabi ng isang babae na nanginginig ang boses. "Kung gano'n ay nasaan kayo?" mariin kong tanong. "Nasa Sagada kami." tugon nito. "Saan sa sagada?" tanong kong muli at in-start na ang sasakyan. Napatingin ako sa likod ng sumakay ang dalawang ugok. "Sa Nacagang, Sagada kami. Ano po ba ang ipapasabi ko kay Magnolia, Seige?" Napakuno't noo ako ng malaman agad ng babae kung sino ako, pero nang maalala na baka nakita niya ang name ko sa screen ng phone ni Mags kaya nalaman niya pangalan ko. "'Wag mong ipaalam na tumawag ako. Sige." 'yun lang ang sinabi ko at binaba ko na ang tawag. "Oh, anong sabi? Nasaan daw?" si Paul na prenteng-prente na nakaupo. "Bakit kayo narito? Bumalik kayo sa loob." "Boring doon, Dude. Sasama kami sa 'yo." si Paul muli ang nagsalita. "Tsk. Kung gano'n ay isa rito ang maupo sa front seat. Ayokong magmukhang driver niyo." Agad naman na lumabas si Lawrence at lumipat nga sa front seat. Kaya naman pinaandar ko na paalis ang sasakyan ko. "Ano nga ang sabi? Nasaan daw siya?" tanong muli ni Paul. "Nasa Nacagang Sagada." maikli kong tugon habang focus ang mata ko sa mabilis kong pagmamaneho. "Ang layo pala niya. Pero mabuti na rin at narito tayo sa maynila at wala sa isla niyo. Baka mas malayo pa ang byahe natin. Alam ko na mula rito ay twelve hours ang byahe." sabi ni Lawrence. "Sinong may sabi na bibiyahe pa tayo ng ganoong kahaba?" nakangisi kong sabi sa kanila. "Anong ibig mong sabihin?" nalilito na sabay na pagtatanong ng dalawa. "Of course, we have a chopper. Ano pang silbi no'n kung hindi gagamitin, right?" nakangisi kong sabi na kinangisi ng dalawa. "Iba ka talaga, Segi boy. Mabilis mag-isip at kumilos basta si Magnolia ang involve." sabi ni Paul na kinangisi ko lang. "Pero anong plano mo pagdating natin doon?" si Lawrence. "Edi babantayan niya si Magnolia. 'Yan naman talaga ang ugali ni Segi boy. Ang magbantay sa hindi naman niya girlfriend." sinamaan ko ng tingin si Paul mula sa rear mirror. "Pero Segi, baka naman magalit na sa 'yo si Magnolia oras na guluhin mo siya sa pag-aaral niya? Nasa lugar din dapat ang pagiging possessive mo." pangangaral naman nitong si Lawrence. "I know what I'm doing. Ang gusto ko lang ay malaman niya na kahit saan siya magpunta ay gusto ko na alam ko. At gusto ko na naroon ako." seryoso kong sabi sa kanila at niliko na ang sasakyan kung saan naglalanding ang mga chopper ni Dad. "Paano kung ayaw ka nga niya na nandoon? Natanong mo ba siya na gusto niya ang ginagawa mo?" "'Wag mo nga akong pangaralan. At kahit hindi niya gusto ay wala siyang magagawa. Ang gusto ko ang masusunod." naiirita kong sabi. "Baliw ka talaga, Segi. Bahala ka. Ang mahirap pa naman sa lahat kapag ang babaeng tahimik at mabait kapag nagalit ay napakagrabe. Baka 'pag napikon sa 'yo iyon ay lumayo iyon." pananakot pa nito. "Ano ba! Tumigil na kayo. Hayaan mo na siya, Lawrence. Hindi mo naman mapipigilan ang tulad niya na baliw. Kapag nasaktan 'yan baka mas lumala pa." si Paul naman. Kaya sa inis ko sa dalawa ay prineno ko ang sasakyan kaya nauntog si Lawrence sa salamin habang si Paul ay nahulog sa upuan sa likod. "Ouch! Bakit ka nagpreno, Segi boy? Ang sakit no'n!" inis na daing ni Paul. "Baba! Kung ayaw niyo akong suportahan ay maiwan kayo at ako na lang ang mag-isa na pupunta." mariin kong sabi sa dalawa. "Ito naman hindi na mabiro. Sige na, hindi na kami kokontra." sabi ni Paul na dumadaing habang hawak ang pang-upo. Tsk! Ngumisi ako at muling pinaandar ang sasakyan. Pero agad akong sumeryoso dahil nagagalit ako kung bakit walang nagpaalam sa akin na aalis si Magnolia at pupunta sa malayo. Kung hindi pa dakilang chismoso ang dalawa ay baka hindi ko pa nalaman. Alam ko na masyado na akong nakikialam sa buhay ni Magnolia, pero hindi ko matiis na hindi mapakali 'pag tungkol sa kanya. Bakit kasi si Magnolia pa ang pinadala doon? Kakagaling lang no'n sa sakit. Pagdating sa parking lot ng isang airline ay agad akong bumaba at sinukbit ang bag na baon ko para sana sa pag-stay ko sa maynila. Pero mabuti na rin at nasa sasakyan ko pa, mas magagamit ko pala. "Mr. Dimitri Son. Anong maitutulong ko sa 'yo? By the way, I'm Eric." inabot ko ang kamay ng matanda na si Mr. Eric. Siya siguro ang nangangalaga ng chopper ni Dad rito sa maynila. "Nais ko sana na gamitin ang isang chopper ni Dad. Alin ba ang available?" Sabi ko at tumingin sa mga chopper na narito. "'Yang itim na chopper. Pero ngayon na ba? Saan ba kayo pupunta?" tanong nito habang tinuturo ang chopper na itim. "Oo. Ngayon na sana." "Kung gano'n ay tatawagin ko na agad ang driver ng chopper." sabi nito kaya tumango ako. Tumalikod siya at naglakad palayo sa amin para pumunta sa isang airport building na malayo rito sa parking lot. Malawak itong parking lot kaya maayos na nakaka-landing ang mga chopper. "Grabe! Ang lawak at ang dami niyo palang chopper, Segi. Hindi ito alam ng iba. Ang akala ko ay dalawa lang ang chopper niyo. E, mahigit pito ata ito." manghang-mangha sabi ni Paul. "Maging ako man ay hindi ko alam na merong naipundar si Dad na ganitong karami. Hindi rin naman niya sinasabi sa amin pero itong airlines lang ang alam ko na pinaglalandingan ng chopper niya dahil noong bata ako ay dito kami bumababa." "Sabagay, hindi biro ang yaman ng Daddy mo. Baka nais niya lang na pangalagaan kayo mula sa mga taong nais na saktan kayo." si Lawrence. Tumango ako dahil tama siya doon. Gano'n nga si Dad. Hindi siya nagsasabi ng ano mang kayamanan niya. Gusto niya lang ay masiguro na maging ligtas kami. Kaya iniidolo ko si Dad sa lahat ng bagay. At nais ko na maging tulad niya. Lalo na sa pagiging ama niya sa amin. Napatingin ako kay Mr. Eric at may kasama na dalawang nakasuot ng pilot uniform na lalake. Tila ito na ang mga nagpapaandar ng chopper. Pinakilala sa amin ang dalawa at umakyat na ang mga ito. Kaya pinaakyat na rin kami para hindi kami tamaan pa ng hangin na magmumula sa elisi. Pinasuot kami ng protection sa katawan incase na may mangyari. At pinagsuot rin kami ng ear phone na may mic pa. Para daw marinig namin ang sinasabi ng mga piloto at makabawas sa sakit sa tenga ang tunog ng chopper. Tumingin ako sa bintana dahil narito ako sa dulo ng upuan habang nasa tabi ko ang dalawang ugok. Umaangat na sa ere ang chopper. Siraulo man. Baliw. Possessive. Ano mang itawag sa akin, wala akong pakialam. Oo, siguro nga nasa akin na ngayon ang lahat na iyon. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito kay Magnolia. She's my addiction. Everytime I see her, I feel like I'm in heaven. And everyday is so hard for me. Kasi hindi ko na kaya na mawala siya sa akin. Para bang mababaliw ako 'pag nalayo siya. Nababaliw ako oras na wala siya. Nagseselos ako 'pag naiisip na merong lalake siya na kasama at hindi ako. Hindi ako mapalagay ngayon dahil baka may kasama siyang lalake doon at hindi ako matatahimik na baka 'pag pinalagpas ko ay maagawan ako. Over my hot body. She's mine, only mine. No one dare to steal her from me. Dahil 'pag nangyari iyon ay tinitiyak ko na ibabaon ko sa kokote nila kung sino ang kinalaban nila. - ❤ Magnolia ❤ HINDI AKO MAKATULOG dahil namamahay na naman ako. Kaya naisipan ko muna na lumabas ng lodge at magpahangin sa labas. Parang isang bahay kasi itong lodge. Napaka-unique para sa isang uri ng paupahan. Naupo ako sa kahoy na duyan at tumingala sa langit. Masyado ng madilim kaya kitang-kita na rin ang mga nagkikislapang mga bituwin. "Hi!" Napabaling ako ng tingin ng meron akong narinig na tinig na boses lalake. Nakita ko ang senior nurse na namuno sa amin sa pagpunta rito. "Hello." nahihiya kong bati sa kanya. Ngumiti siya at naupo sa isang wood bench. "Ako nga pala si Jonathan. Ikaw si Magnolia 'yung new transferee, right?" nakangiti niyang pagpapakilala habang nakalahad ang kamay para makipag-shake hands. "Oo, ako nga." sabi ko at nakipag-shake hands sa kanya. Bumitaw ako agad at napatingin sa paligid dahil parang may nakamasid sa amin na kinikilabutan ako dahil parang ang sama ng hatid no'n. "May problema ba?" tanong ni Jonathan. Umiling ako, "Wala. Ah, Jonathan, pasok na ako. Nakaramdam na rin kasi ako ng antok." paalam ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa duyan. "Gano'n ba. Sige, papasok na rin ako." sabi nito na kinataka ko dahil kakalabas palang niya ay papasok na siya agad. Hindi ko na pinansin at nauna na akong pumasok. Pagdating sa room ko ay ni-lock ko ang pinto at tinungo ang kama ko. Tumingin ako sa kasama ko rito sa room. Tulog na siya kaya pinatay ko na ang ilaw sa lamp sa side table ko. Nagdasal muna ako at tsaka nahiga na para matulog. Pumikit ako dahil nakaramdam na rin akong antok. Maya-maya pa ay parang may naramdaman akong mainit na bagay na nakayakap sa akin. Dumilat ako lalo pa ng maramdaman ko ang pagdantay ng isang paa sa paa ko. Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla ng sumalubong sa aking mata ang mukha ni Seige na seryosong nakatingin sa akin tila hinihintay ang pagdilat ko. Mapapasigaw sana ako ng takpan niya ang bibig ko. "'Wag kang maingay kung ayaw mong maiskandalo tayo rito." banta niya kaya napatigil ako at napahinga ng malalim dahil abo't-abot talaga ang kaba ngayon sa dibdib ko. Nakayakap siya sa akin at maging ang isa nyantg binti ay nakadantay sa akin. Aalis sana ako mula sa pagkakayakap niya ng mas hapitin niya ako at ikulong sa bisig niya. Kinumot niya ang blanket sa katawan namin at tsaka siya tumitig sa mga mata ko. Kaya kita ko iyon dahil binuhay niya ang lamp sa gilid namin. Napatingin ako sa ka-room mate ko at nakahinga ako ng maluwag dahil nakatalikod ito at tulog na tulog. "Malaki ang kasalanan mo sa akin. Akala mo siguro hindi ko malalaman, ha?" mariin niyang sabi kaya napababa ako ng tingin habang pilit na umaalis sa yakap niya. "Bakit ka narito? Umalis ka na at bumalik sa isla dahil baka mapagalitan ako." sabi ko sa kanya. "Narito ako para bantayan ka. At hindi mo ako mapapaalis pwera na lang kung sasama ka. At hindi ka mapapagalitan dahil hindi ko ibig na magpakita sa iba para ipahamak ka. Kaya hayaan mo mamaya ay aalis ako. Pero nais ko muna na yakapin ka dahil miss na miss na kita." sabi niya. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ngumiti siya at napapikit ako ng halikan niya ako sa noo. Bigla ay naisip ko ang sinabi ni Abigail. Kaya agad akong napadilat at nilayo ang mukha niya sa akin. Gulat na gulat siya sa ginawa ko. "Please, stop this. Hindi naman kita boyfriend para hawakan ako." mahina kong sabi at napaiwas ako ng tingin ng mapangiti siya ng pilyo. "Bakit nais mo ba na maging boyfriend mo ako?" bulong niya. "Hindi." sagot ko agad na halos bulong lang din. "Paano ba 'yan? Gusto ko na maging boyfriend mo." Napatingin ako sa kanya at halos manginig ang labi ko ng ilapit niya ang mukha niya at pinagdikit ang noo at ilong namin. Pinag-nose-to-nose niya ang ilong namin habang ako ay tila natuod na nakahiga at halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Huminto siya at tumingin sa labi ko. "Gusto ko man na halikan ka ay hindi ko gagawin dahil hindi mo naman ako boyfriend. Kaya kung nais mong matikman ang labi ko ay sagutin mo na ako." mayabang niyang sabi kaya tinulak ko siya. Nanlaki ang mata ko ng mahulog siya. Nakalimutan ko na maliit nga lang pala ang kama. "Ouch.." Daing niya kaya napatingin ako sa ka-roommate ko at napahinga ako ng malalim ng hindi ito nagising. "Sorry." sabi ko kay Seige. "Tsk." mahinang asik niya kaya napayuko ako. Tumayo siya na nakahawak sa pang-upo dahil tila nananakit iyon. Nakonsensya naman ako dahil tila napalakas ang tulak ko. "Sige na, matulog ka na at aalis na ako." sabi niya at ika-ikang lumapit sa bintana na isang sliding window. Lumingon pa siya sa akin bago tumalon kaya agad akong bumaba ng kama at lumapit sa bintana. Sinilip ko siya at nakita ko na naglakad siya sa isang lodge na katapat nitong lodge na tinutuluyan namin. Hindi ako makapaniwala na nandoon pala siya. Bumalik ako sa higaan ko at nahiga. Napatingin ako sa kisame at hindi ko mapigilan na mapangiti. Tinakpan ko ang mukha ko ng mga kamay ko dahil pakiramdam ko ay namumula ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD