CHAPTER 10

3078 Words
❤ Magnolia ❤ "NAY, PARATI PO bang sumasakit ang dibdib niyo?" tanong ko sa isang ale na nagtyagang pumila para sa libreng check-up sa amin. Ramdam ko ang kakulangan ng mga sustansya ng mga tao na nagpunta rito. Ang kadalasan nilang sakit ay ubo at sipon dahil na rin sa paiba-iba ng klima ng panahon. "Oo, Hija. Kadalasan ay halos hindi na ako makahinga." sabi ni nanay. "Nay, bibigyan ko po kayo nitong vitamins at panglunas pangsamantala sa paninikip ng dibdib niyo. At sana ho ay kumain po kayo ng gulay lang at makapagpahinga ng maayos." bilin ko rito habang may sinusulat sa note ko para mailagda na nag-check up ko siya at kung ano ang gamot na binigay ko. "Ramirez!" napabaling ako ng tingin ng may sumita sa akin. Ang head nurse na si Bernadette. "Bakit ka nagbibigay ng sobrang panlunas? Kita mo na pinagkakasya lang natin ang dala nating gamot." galit niyang sabi sa akin. "E, kasi, hindi naman tuluyan na mapapagaling si nanay kung vitamins lang. Kailangan rin niya nitong panlunas sa paninikip sa dibdib." depensa ko sa mahinahong tono. Hinawakan niya ako sa braso at tinayo. "Doon ka na nga sa emergency. Gamutin mo na lang ang mga nasugatang pasyente." pagpapaalis niya sa akin. Nakita ko ang pagbawi niya sa gamot sa matanda. Malungkot akong napangiti dahil nakita ko ang kabiguan ng matanda. Umalis ako sa clinic at pumasok sa emergency room kung saan marami rin ang naaksidente na nais na magpagamot. Mga hindi naman kalakihan ang mga sugat pero napakasakit no'n dahil ang ilan ay nataga ng palakol kaya halos maputol ang daliri. Naupo ako sa isang silya upang maghintay ng magpapagamot sa akin. May naupo sa katapat ko kaya nakangiti na nag-angat ako ng tingin rito. Pero nagulat ako dahil si Seige ang nakaupo sa harap ko. Naka-jacket, Cap at shades ito tila nagtatago. Binaba niya ng kaunti ang shades niya at kumindat sa akin na tila kinapula ng aking mukha. "Good Morning, Magnolia." bati niya. "G-good morning din." medyo nauutal kong bati rin sa kanya. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko nakalimutan ang kagabi. Tapos pakiramdam ko ay ang pula-pula na ng mukha ko dahil nahihiya ako. "Bakit ka narito?" tanong ko habang hindi makatingin sa kanya. Kunwari ay inaayos ko ang mga medicine kit. Pero napaangat ako ng tingin ng kunin niya ang kaliwa kong kamay. At napatakip ako ng bibig sa pagkabigla ng ipatong niya ang kamay ko sa dibdib niya. Ramdam ko ang lakas ng kalabog ng dibdib niya na katulad ng sa akin. "Magpapa-check up ako. Gusto ko na tignan mo kung bakit kumakabog ang puso ko sa tuwing nakikita at nilalapitan kita." seryosong sabi niya. Hindi ako makaimik dahil hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. "S-Seige, hindi naman biro ito. Sige na, umalis ka na. Baka mapagalitan ako." sabi ko habang hindi makatingin sa kanya ng maayos. Nabigla naman ako ng bitawan niya ang kamay ko at nabigla ako lalo ng ibaba niya ang zipper ng jacket niya at kinuha ang kamay kong muli. At halos hindi ako mapakali ng itaas niya ang damit niya kaya napaiwas ako ng tingin dahil nakita ko ang katawan niya. Pilit kong kinukuha ang kamay ko dahil pinahawak niya ang kamay ko sa tapat ng dibdib niya na matigas. "Ano, ramdam mo na ba? Tignan mo kasi. Mas mararamdaman mo ito ngayon dahil wala ng harang. Naririnig mo, 'di ba? Naririnig mo na pangalan mo ang sinisigaw nito." sabi niya at umusog palapit sa akin kaya napagitna na ang hita ko sa kanya. Napatingin ako sa paligid at mabuti na lang at wala pang tao dahil lumabas ang mga tao kanina rito ng hindi ko napansin. Hindi ako makatingin kay Seige at pilit na inaalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Seige, please... stop this. Oo na, ramdam ko. Kaya umalis ka na." hindi parin ako makatingin habang sinasabi ko iyon. Alam ko kasi sa sarili ko na hindi ko kaya. Lalo pa at masyado na siyang malapit. "Ang mga mata ko. Tignan mo nga." sabi niya kaya nag-angat ako ng tingin. Halos malusaw ako sa titig niya kaya napaiwas akong muli. Inangat niya ang mukha ko mula sa pagkakahawak sa baba ko, "Tignan mo sabi." utos niya kaya tumingin ako. "Wala namang deperensya." napapalunok kong sabi habang kinakaya na titigan siya. "Wala talaga. Dahil kung ikaw ang nakikita nito ay wala talagang deperensya. At ang maganda mong mukha lang ang tinititigan nito at wala ng iba." nakangiti niyang sabi. Napahawak siya sa pisngi niya kaya bigla akong napatingin doon na may pag-aalala dahil bigla siyang ngumiwi. "O-ouch! Masakit ata ang ngipin ko." sabi niya. "Saglit. Tatawagin ko ang dentist rito." tatayo na sana ako ng pigilan niya ako. "'Wag na. Tignan mo muna. Tingin ko ay ikaw lang ang makakagamot nito." sabi niya na tila sakit na sakit. At ako naman dahil hindi ko ugali na maghinala ay tinignan ko nga. Pinabuka ko ang bibig niya pero nagulat ko ng bigla niya akong halikan sa gilid ng labi ko. Gulat na gulat ako habang nakatingin sa kanya na nakangiti. "Wow! Ang galing mo. Galing na agad." sabi niya. "Hindi ako nakikipagbiruan, Seige." sabi ko sa kanya. "Bakit nakikipagbiruan din ba ako? Seryoso ako. Seryoso ako sa 'yo. Seryoso ako sa panliligaw sa 'yo. At seryoso ako na hintayin ka kung kelan mo ako sasagutin." seryosong sabi niya at kinuha ang mga kamay ko na nasa kandungan ko. May kinuha siya sa likod niya at nagulat ako na isang rose na putol ang tangkay. Hinawi niya ang buhok ko sa kaliwa at inipit sa tenga ko ang hibla. Inipit niya ang rose sa tenga ko at tsaka siya ngumiti. "Beautiful." wika niya at tumingin sa mga mata ko. Hawak niya ang mga kamay ko at dinala sa labi niya. Hinalikan niya ang likod ng palad ko ng matagal habang nakatitig sa akin. Binaba niya ang kamay ko mula sa labi niya. Hawak niya ito ng mahigpit habang nakatingin sa akin. "I lo--" "Segi boy, narito ka pala." hindi natuloy ni Seige ang sasabihin niya ng sumulpot ang dalawa niyang kaibigan. Hindi ko alam na narito din pala ang dalawa. Napatingin ako kay Seige ng humigpit ang hawak niya sa akin. At kita ko na nagdidilim ang anyo niya. "Saglit lang, Magnolia. Meron lang akong bibigyan ng leksyon." nakangiti niyang sabi kaya tumango ako. Binitawan niya ang kamay ko at inusog ang upuan niya palayo sa akin bago siya tumayo. Hawak-hawak niya ang kwelyo ng dalawa palabas ng clinic kaya natawa ako. Napahawak ako sa rose na nasa tenga ko. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sweet pala siya kahit papaano. "Lumalandi habang nag-vo-volunteer. Magaling." napabaling ako ng tingin sa nagsalita. Nakita ko ang head nurse na kanina nagsita sa akin. Tumayo ako at napayuko dahil ang sama ng tingin niya. "Kung palandi-landi ka lang rito, edi sana hindi ka na nag-volunteer pa. At tama nga ang dinig ko, nilalandi mo si Seige." galit niyang sabi. Siya si Bernadette. Ngayon ko palang siya na-encounter, pero nakakatakot talaga siya. "Hindi naman sa gano'n. Nagpatingin lang siya sa akin." mahina kong sabi habang nakayuko. "Aba matinde! Nagpatingin lang pero halos magyakapan na kayo rito sa clinic. Hinalikan ka pa nga. Pasimpleng landi ka rin no?" maanghang niya sabi na kinangilid ng luha ko. "Hindi ko naman alam na hahalikan niya ako. Kung alam ko ay hindi ako magpapahalik sa kanya." "Wow! Kung alam ko lang na kunwari lang din na hindi mo alam, pero ang totoo ay alam mo dahil gusto mo rin. Mahinhin pero nasa loob ang kulo." sabi niya kaya hindi ko na napigilan na mapaiyak, "Umalis ka na nga rito. Bumalik ka na sa lodge dahil wala ka naman naitutulong. 'Wag kang umiyak, dahil hindi kita inaapi d'yan. Sensitive masyado, akala mo naman sensitive ang pagkatao." Naglalakad na ako palabas ng may pahabol pa siya na parinig. "Ang dami talagang malalandin na gagawin ang lahat para maakit ang isang mayaman na lalaki para nga naman instant yaman." Tumakbo ako palabas ng clinic at tinungo ang likod ng clinic. Napatakip ako ng mukha at humagulgol dahil nasaktan ako sa sinabi niya. "Magnolia, are you okay?" nagulat ako ng merong magsalita. Inalis ko ang kamay ko sa mukha ko at nakita ko si Jonathan. Agad akong napatalikod sa kanya at nagpunas ng luha. "Oo, ayos lang ako." sabi ko. "Hindi ka okay. Bakit ka umiiyak? May nanakit ba sa 'yo rito?" tanong niya at hinawakan ako sa balikat at hinarap sa kanya. Pagharap ko ay imbes na sa kanya ako mapatingin ay napatingin ako kung sino ang lumabas at nagtungo sa likod niya. Napatakip ako ng bibig ng biglang hawakan ni Seige ang balikat ni Jonathan at hinarap sa kanya. Napasinghap ako ng bigyan niya ng suntok si Jonathan kaya agad akong lumapit at hinawakan sa jacket si Seige para alisin sa ibabaw ni Jonathan. "Seige, stop it!" pigil ko sa kanya. Hindi siya nakinig sa akin at patuloy na sinasapak si Jonathan na nabigla at walang magawa dahil mas malakas si Seige. Hinawakan ako ni Paul at Lawrence at nilayo kela Seige. "Ano ba! Pigilan niyo si Seige. Baka ano ang magawa niya kay Jonathan." sabi ko sa dalawa na walang ginagawa kundi tignan lang ang pambubugbog ni Seige. Pilit ko na inaalis ang kamay nila pero hindi ko magawa. "Hindi namin siya mapipigilan, Magnolia. Dapat kasi hindi mo hinayaan na lumapit 'yang lalaking 'yan. 'Yan tuloy, nakatikim siya ng bagsik ni Seige." sabi ni Lawrence. "Wala naman kasalanan si Jonathan. Tinatanong niya lang ko." "Magnolia, hindi mo pa kilala si Seige. Masyado siyang galit oras na malaman niya na maaagawan siya. Kaya ihanda mo ang sarili mo, tiyak na mas grabe na ang magagawa ni Seige." Sabi naman ni Paul na kinakaba ko. Tumingin ako kela Seige at nakita ko na halos wala ng malay si Jonathan na may dugo na sa mukha. Kinabahan ako ng tumayo si Seige at may kinuha sa bulsa nito at pinunasan ang dugo sa kamao nito. Bumaling siya sa akin at nakita ko ang wala niyang emosyon na mukha at tingin. Kumabog ang dibdib ko na lumapit siya sa gawi ko. "Nawala lang ako saglit, may umaaligid na sa 'yo. Dapat talaga sa 'yo binabantay para walang nakakalapit." mariin niyang sabi kaya napayuko ako. Nang makalapit siya ay inangat niya ang baba ko habang hawak parin ako nila Paul. "Sino ang nagpaiyak sa 'yo?" maawtoridad niyang tanong. "Wala." sabi ko at inalis ko ang kamay niya sa baba ko, "Hindi mo naman dapat siya sinaktan. Hindi ko alam na ganyan ka pala. Sinaktan mo ang tao na wala namang ginagawang masama." hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko na sabihin iyon sa kanya. Pero kasi.. Sobra na siya. "Oo, ganito ako lalo na pagdating sa 'yo. At wala kang magagawa doon pwera na lang kung hindi mo ako pagseselosin." sabi niya at sinenyasan ang dalawa. Binitawan ako ng dalawa kaya lalapit sana ako kay Jonathan para tulungan siya ng hawakan ako sa baywang ni Seige at hapitin palapit sa kanya. "Paul and Lawrence, dalhin niyo sa clinic 'yan at sabihin niyo na binugbog ko. Sumunod kayo sa amin pagkatapos niyo." utos ni Seige sa dalawa. Hindi ako makapaniwala na talagang kaya niyang sabihin na siya ang bumugbog. Umalis na ang dalawa kasama si Jonathan na buhat-buhat nila. "Let's go. Uuwi ka na at ako na ang bahala kay Miss Aida. Masyado mo lang akong pinapagalit." sabi niya. Inalis ko ang kamay niya at lumayo sa kanya na kinabagsik ng mukha niya. "Ayokong umuwi. Mag-isa ka. 'Wag mo na nga akong guluhin simula ngayon. At gusto ko na 'wag mo akong lalapitan kundi magagalit ako sa 'yo." sabi ko kahit na hindi ko alam paano ang magalit. Pero sinubukan ko. Napatawa siya ng pagak sa sinabi ko at ambang lalapit siya ng senyasan ko siya. "Alam ko na hindi mo kayang magalit sa akin. At hindi mo rin ako mauutusan na layuan ka. Dahil 'pag ginawa ko iyon ay baka mabaliw ako." sabi niya at ambang lalapit ng alisin ko ang rose sa tenga ko at hinagis sa kanya. "I hate you! 'Wag ka nang lalapit sa akin. Galit ako sa 'yo kaya p'wede ay tigilan mo na ako." sabi ko sa kanya habang siya ay hindi makapaniwala. Nagtatagis ang bagang niya kaya habang hindi pa niya ako nalalapitan ay tumakbo na ako. "Magnolia, bumalik ka rito!" nanggagalaiti niyang sigaw pero hindi ko pinansin at pumasok ako sa isang room para pagtaguan siya. Pagtingin ko sa loob ay mapatakip ako ng mata dahil merong nurse na lalake at babae na may ginagawang kababalaghan sa isang room. "Sorry." despensa ko at agad na lumabas at tumakbo para maghanap ng ibang pagtataguan. Sa isang elevator ako sumakay na marami ang nakasakay. Sumingit ako sa dulo at nakahinga ako ng maluwag dahil nagsarado na ang pinto ng elevator. Hindi ko namalayan na nakapasok na ako sa hospital. Hindi naman kalakihan ito pero malinis at ayos naman ang mga gamit rito. Huminto ang elevator at bumukas dahil may pumasok pa. Napaabante ako ng konti dahil may sumingit sa likod ko. Naiilang ako dahil masyadong dikit sa akin ang nasa likod ko. Ramdam ko rin ang hininga niya sa batok ko. Naka-ponytail ako na ipit sa buhok ko kaya bunyag ang batok ko.. Tapos nakasuot ako ng lab gown ng mga nurse. Nang bumukas ang pinto ay nagsilabasan na kaya nakahinga ako ng maluwag at umalis sa harap ng taong nasa likod ko. Napatingin ako rito at nanlaki ang mata ko na malaman ko na si Seige pala ang nasa likod ko kanina. Paanong nangyari na hindi ko napansin na narito rin siya sa elevator? At ang masama pa ay naiwan kaming dalawa sa loob ng elevator. Napaatras ako ng lumapit siya habang nakangisi. Tumingin ako sa pinto ng elevator at sa numero pero nabigla ako ng pindutin ni Seige ang stop botton. Kaya tumingin ako sa kanya na patuloy na lumapit. Napaidtad ako ng tuluyan akong napasandal sa pader ng elevator. Kinabahan pa ako dahil tuluyan na rin siyang nakalapit at tinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. "Akala mo siguro matatakasan mo ako." halos pabulong niyang sabi habang tinitignan ang bawat parte ng aking mukha. "L-lumayo ka sa akin." nauutal kong sabi at tinulak siya pero imbes na mapalayo ay lalo lamang niya akong ginitgit sa corner nitong elevator. "Bakit naman ako lalayo, ha? Sino ka para palayuin ako?" maawtoridad niyang sabi at hinawi ang buhok ko na tumikas at inipit sa tenga ko. "Alam mo parang hindi ko ata matutupad ang lahat ng sinabi ko sa 'yo." dagdag niya at hinawakan ang baba ko para iangat upang mas mailapit pa sa kanya. "A-anong ibig mong sabihin?" garalgal kong sabi dahil nanginginig ang labi ko at pigil ang hininga ko. "Na hindi muna kita hahalikan hanggang hindi mo ako boyfriend." sabi niya kaya ambang hahalikan niya ako ng itulak ko siya. Matalim ang mata niya na tinignan ako. Kaya dali-dali akong lumapit sa botton at malapit na sana ang daliri ko ng mahuli niya ako at muling isandal sa pader. Hindi pa ako nakapag-react sa ginawa niya ng manlaki ang mga mata ko ng sakupin ng labi niya ang labi ko. Tila ata nahinto ang oras. Mga mata namin na nagkasalubong. Mga labi naming magkalapat na para ata akong nakukuryente. At dinig na dinig ko din ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pareho kaming natigilan at hindi makagalaw sa posisyon namin. Hanggang sa unti-unti niyang ginalaw ang labi niya kaya humawak ako sa dibdib niya para sana itulak siya ng ipalibot niya sa baywang ko ang braso niya at nilaliman ang paghalik niya. Nakapikit siya habang walang humpay sa pagsakop sa labi ko. Napakapit ako sa jacket niya at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Bumukas bigla ang elevator at nanlaki ang mata ko na merong gwardya at si nanay na chine check-up ko kanina. "Siya! Hulihin niyo manong ang lalaking 'yan! Hina-harass niya ang dalaga. Tignan niyo." sabi ni nanay at lumapit sa amin. Pilit hinahatak ni nanay si Seige pero ayaw ako nitong bitawan at bumitaw lang siya ng halik sa akin dahil pilit siyang hinahatak ni nanay. Tumingin si Seige kay nanay habang yakap-yakap ako. "Manyak ka! Bitawan mo si Hija!" galit na sabi ni nanay at pilit na inaalis ako sa bisig ni Seige. Habang ako ay tulala dahil hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari? Bakit tila nanigas ang buong katawan ko? Napabitaw sa akin si Seige ng hampasin siya ni manang ng bayong. "Fuckshit! Manang, ano ba!" banas na sabi ni Seige habang umiiwas sa hampas ni nanay. Nilagay ako ni nanay sa likod niya, "Tignan mo ang ginawa mo sa dalagang ito! Natulala sa kamanyakan mo!" "W-what? Me? Maniac? Oh, c'mon! Para sabihin ko sa inyo, Manang, naghahalikan lang kami dahil mahal namin ang isa't-isa. Kahit itanong niyo pa sa kanya." sabi ni Seige at bumaling sa akin. "Hija, totoo ba ang sinasabi ng manyak na lalakeng ito?" tanong ni nanay. "H-hindi po." sabi ko at agad na napakapit kay nanay ng makita ko ang masamang tingin sa akin ni Seige. "Damn it!" banas na sabi ni Seige. "Kita mo na! Hulihin niyo 'yan. Naku! Dapat sa mga ganyan pinuputulan." sabi ni Nanay kaya hinawakan si Seige ng mga gwardya sa magkabilang braso at hinatak na palabas. "Magnolia, yari ka sa akin!" banta ni Seige habang palayo na sa amin. "Ayos ka lang ba, Hija? Wala bang ginawa sa 'yo ang lalakeng iyon?" maalalanin na tanong ni Nanay. Bigla ay naalala ko sa kanya si Inay. "Nay, paano niyo po nalaman na narito ako? At bakit niyo po nasabi na ginagawan ako ng masama ng lalakeng iyon." tanong ko habang nakahawak sa kamay niya dahil inaalalayan pa ako ni nanay palabas ng elevator. "Nakita kasi kita na tumatakbo tapos hinahabol ka ng lalakeng iyon. Mabuti at tumawag ako ng gwardya. Minamanyak ka na pala ng lalakeng iyon." sabi niya. Namula ang mukha ko dahil nakakahiya na nakita pa kami nila Nanay. Kung alam lang ni Nanay na kilala ko si Seige ay baka ano pa ang maisip niya. Sorry, Seige. Pero hindi na ako matatakot sa 'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD