CHAPTER 11

3983 Words
❤ Seige ❤ I'LL NEVER FELT this before. f**k! Why those asshole guard jail me here at the baranggay jail? The smell is so f*****g dirty. Even the floor. Yuck! "Segi boy, gusto mo bang tawagin namin si Tita Beatrice?" sabi ng dalawang tukmol na nakatanghod sa labas. "No thanks. I can survive here." sabi ko at sinandal ang likod sa pader habang nakatayo. Nakapamulsa ako habang iniisip si Magnolia. Geez. That girl. She's so hard to handle. She's lying. Well, she's better to hide now. Because I swear to god, if I am free here, she's dead. "Ikaw kasi, bakit kasi hinalikan mo pa siya? Tapos sa elevator pa mismo." pangangaral ni Lawrence. I smirked to what he said. Oh! Oh! Darn. I remember how our lips met. God. She have a cotton candy lips. A sweet and soft lips. "Lawrence, you know how I'm so desperate to have her. Ngayon pa na nasa stage 1 na ako. Ngayon pa ba ako hihinto?" nakangisi kong sabi at dinilaan ang labi ko habang iniisip kung paano ko siya yakapin kanina. Kung paano ko dinama ang mga labi niya na nakalapat sa akin. And god knows how I want to control my hard member. She didn't feel it because she's so f*****g numb. "Aha!" si paul. Napatingin kami sa kanya ng bigla siyang mapasigaw tila may naisip. Napailing ako dahil tiyak na puro kalokohan lang ang nasa isip niya. "Tumahimik ka nga, Paul. Mapapatalsik pa tayo rito. Kita mong bawal ang mag-ingay." suway ni Lawrence kay Paul. Kung sa aming tatlo, si Lawrence ang pinakamatino. "May naisip na ako para siya ang mas lumapit sa 'yo, Segi boy." sabi niya na may weirdong ngiti. Tila may masamang iniisip ang tukmol na ito. "Spill. Baka puro kalokohan 'yang iniisip mo? Yari ka sa akin paglabas ko." "Hindi ka mabibigo rito, Segi. Tiyak ko na mag-e-enjoy ka." nakangisi niyang sabi. Tsk! Tila hindi ko gusto ang nasa isip niya. Kapag ganyang ang ngiti ni Paul ay tiyak na ipapahamak ako nito. "Sige na, sabihin mo na." naiinip at banas kong sabi sa kanya. "Magpanggap ka na nagkasakit ka dahil sa pagkakakulong mo rito. Edi aalagaan ka niya. At kunwari ay mamatay ka at hilingin mo sa kanya na maging girlfriend siya sa nalalabi mong buhay." sabi niya na tila proud na proud pa sa sinabi niya. Sinenyasan ko si Lawrence kaya nakatikim ng sakal si Paul rito. Tsk. Wala talagang kwenta ito kung mag-isip. Nais pa akong mamatay. "Ackkk! A-ano ba! Maganda naman ang suggestion ko." sabi ni Paul na umubo-ubo matapos bitawan ni lawrence. "Anong maganda doon? Gusto mo ata na mamatay si Segi." sabi ni Lawrence. "Well... slight lang." "Ano?" tiim-bagang kong usal. "Joke lang. Pero kung hindi niyo gusto 'yun, meron pa akong plan B." "'Wag na. Tiyak na kalokohan lang din 'yan." sabi ko at napabuga ng hangin.. "Hindi. Sure na ako rito." pagpupumilit ni Paul kaya hindi na ako umimik. Bahala siya. "Sige nga. Ano ang plan B mo? Siguraduhin mo 'yan, Paul. Tiyak na itatakwil ka ni Segi." nakikisakay na sabi ni Lawrence. Lumapit si Paul sa gilid ko at humawak sa bakal na harang ng rehas na ito. "Maging cold ka sa kanya. 'Wag mo siyang papansin kapag kinausap ka niya. At pigilan mo ang sarili mo na hawakan o lapitan siya. 'Wag mo nang gagawin ang madalas mong gawin sa kanya. At 'pag nasa paligid siya ay magpanggap ka na may iba ka nang gusto. Tingin ko may gusto sa 'yo si Magnolia. Tila sinusubukan ka lang niya. Alam mo kasi ang tulad niyang tahimik, maraming iniisip, maraming doubt, pero napakita mo naman na gusto mo siya. Ngayon ay baliktarin mo. Siya ang pahabulin mo. Sinisiguro ko sa 'yo na sa 'yo ang huling halakhak." seryosong sabi niya na kinakuha ng atensyon ko. May point siya. Hindi ko mapigilan na mapangisi sa plano niya. Nilusot ko ang kamay ko at hinawakan ko si Paul sa batok at hinatak palapit sa akin. "Ang galing mo, Paul!" tuwang-tuwa kong sabi habang kinukotongan ko siya sa ulo. "s**t, Segi! Balak mo bang putulin ang ulo ko." inis niyang sabi pero kinangiti ko lang. "Ang galing mo, Paul baby. Gumagaling ka nang mag-isip." sabi ni Lawrence at sumampa sa likod ni Paul at kinutongan din. Natawa ako at napailing. Pero habang iniisip ko ang sinabi ni Paul ay meron pa akong gusto na idagdag na gagawin. Shit! I'm so excited. Magnolia Ramirez, I'll make sure you will regret it. Ikaw naman ang hahabol sa akin. Sisiguraduhin ko na aamin ka. Pinahirapan mo ako ha. - ❤ Magnolia ❤ HINDI AKO MAPAKALI habang narito na sa Lodge. Tumingin ako sa kabilang lodge upang tignan kung nakauwi na ba si Seige? Pero patay ang ilaw. Pinuntahan ko kasi siya sa Baranggay Jail pero wala na siya doon. Sabi ng kapitan ay nakalaya na dahil pinarusahan lang daw nila ito. Pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya umuuwi? Gabi na. Napabaling ako sa higaan ko ng mag-ring ang cellphone ko. Agad akong napalapit dahil baka magising pa ang roommate ko na maagang nakatulog dahil sa pagod. Tinignan ko ang tumatawag at nakita ko na si Bettina ang tumatawag. Napangiti na sinagot ko ito dahil tila may ikwekwento na naman siya. "Hello, Mags!" masaya niyang sabi. "Oh, Tina. Tila masaya ka? Bakit ka nga pala napatawag?" nakangiti kong pagtatanong at muling lumapit sa bintana upang tignan baka dumating na si Seige. "Mags, Chad's gave me his ring necklace. God! Hindi mo alam kung paano ko pinigil ang kilig ko habang sinusuot niya sa akin iyon." kilig na kilig na pagkukwento niya. Napangiti naman ako dahil masaya ako para kay Tina, "Mabuti naman at hindi ka na beastmode dahil sa panlalait sa 'yo ng pamilya ni Chad." sabi ko at tumingin sa lodge na katapat pero wala paring Seige na umuuwi. "Nakaka-stress lang din kasi na isipin ko pa iyon. Basta hangga't masaya kami ni Chad ay hindi ko na papansin pa kung ano ba ang sasabihin nila." sabi niya na lalo kong kinangiti. "Aba. Tila nag-matured ka na, Tina." "Of course, thanks to you, Mags." sabi niya. "Ano naman ang kinalaman ko?" natawa kong sabi. "Nakalimutan mo na ba na ikaw ang love guru ko. Pero alam mo, nakakapagtaka na sa isang tulad mong no boyfriend since birth ay maraming alam tungkol sa love. Siguro nagkaka-crush ka na, ano?" "Ano ka ba! Syempre dahil lagi akong pinapayuhan noon nila Inay kaya alam ko kung ano ang magagawa sa isang tulad natin na babae kapag umibig sa lalake." "Ang tanong: Umiibig ka na ba?" mapang-asar at curious niyang tanong. Umiling ako dahil tiyak na aasarin ako nito, "Hindi pa." "Weh? Kahit crush, wala?" "Meron naman.." alanganin kong sabi dahil tiyak na kukulitin ako nito para sabihin kung sino. "Ayiiiee!! Sino? Kilala ko ba?" kinikilig niyang pagtatanong. Sabi na, e. "Hindi mo siya kilala. Dahil artista sila." nakangiti kong sabi. "Celebrity? Really? Tsaka ang dami ha." Natawa ako at napailing dahil talagang naniwala siya. Pero totoo naman ang sinabi ko, marami akong crush na artista. Lalo na 'yung kpop star na sila Kai at Chanyeol. Tapos 'yung korean superstar na si Lee min ho. "Oo, marami. Ano, naniniwala ka na?" "E, sa mga kapatid ko wala ka bang gusto?" dahan-dahan niyang pagtatanong. Hindi ako nakaimik sa tanong niya. "Oh, Sangko!" napatayo ako ng tuwid ng marinig ko ang pagtawag niya kay Seige. Sangko: Pangatlong tawag sa lalaking kapatid. (Kuya, Diko, at Sangko.) Nakauwi na ba si Seige? Kaya ba hindi siya umuwi rito sa lodge? "Sangko, kausap ko si Mags." "Ano ba, Tina." saway ko sa kanya dahil nakakahiya. "I'm busy, Brat." dinig kong sabi ni Seige. "Hala! Anong nangyari doon? Parang wala man lang sa kanya na binanggit kita. Dati naman nagkukumahog iyon 'pag pangalan mo palang ang binabanggit." "A-ah... gano'n ba. Sabi na sa 'yo 'wag mo na akong banggitin." sabi ko na pilit na ngumiti. "Hindi, e. May kakaiba talaga. Tawagan na lang kita muli. May katawagan si Sangko at pangiti-ngiti pa siya." Sasagot pa sana ako ng ibaba na ni Tina ang tawag. Napabuga ako ng hangin at napatingin sa cellphone ko. May katawagan? Pangiti-ngiti? Ano naman pakialam ko? Umiling-iling ako at pinalo-palo ko ang pisngi ko. Tinungo ko ang higaan ko at sumampa sa kama. Nahiga ako at nagtaklob ng kumot na pati ang mukha ko ay natatakpan. Inalis ko ang kumot ko sa mukha ko at tumagilid ng higa. Pumikit ako at pinilit na makatulog. Pumaling ako sa kabila at pumaling pa muli sa kabila. Dahil sa inis ko ay napaupo ako. "Bakit ba hindi ako makatulog?" sabi ko sa sarili ko. Napatingin ako sa cellphone ko na nasa side table. Kinuha ko at binuksan. Pinindot ko ang contact at may hinanap. Nagdadalawang-isip pa ako pero napahinga ako ng malalim bago dinial ang number ni Seige. Tinapat ko sa tenga ko at napakagat ako ng daliri ko habang hinihintay na sagutin niya. - ❤ Seige ❤ I'M SMILING LIKE an idiot while looking at my cellphone. She's calling me right now.. Dati, ako ang tawag ng tawag ngayon ay siya na. Grabe ang sarap pala sa pakiramdam. Ngayon, tignan natin kung hindi ka maghabol ngayon. "Ahem!" tikhim ko at sinagot ang tawag niya. Pinatong ko ang mga paa ko sa round table ko, "Oh?" kunwari ay banas kong sabi. "A-ano kasi.." nauutal at hindi niya malaman ang sasabihin. Napangiti ako dahil tiyak na alam ko na ang sasabihin niya. "Sabihin mo na at busy ako sa homework ko. Tsk." asik kong sabi pero hindi matanggal-tanggal ang ngiti ko. "Ano kasi.. Gusto ko sana na mag-sorry." sabi niya na pahina ng pahina at tila pa siya nahihiya. Pasalamat ka at kahit hinaan mo ang boses mo ay maririnig parin ng pandinig ko kahit na gaano pa kahina ang tinig mo. "'Yun lang ba?" "Ah, oo..." "Okay, bye." ibaba ko na sana ng may pahabol pa siya. Great. ? "G-good night." paalam niya at agad na binaba ang tawag. Napakagat-labi ako at napatayo. "Yes!! Whooo!" tuwang-tuwa kong sabi at napatalon pa ako sa tuwa. Damn! Sana maalala ko na dapat kong bigyan ng award si Paul. Shet! Hindi ko akalain na eepekto ang gano'n. Dapat pala matagal ko nang ginawa. Agad kong tinawagan si Paul. "Oh, Segi boy.." inaantok nitong tono na bungad sa akin. "The plan B is effective." sabi ko habang nakangiti. "Mabuti naman. Sige, matulog na ako." Nagsalubong ang kilay ko dahil sa naging tugon niya. Tsk. "Ayaw mo ng award? O, sige... Sayang, ihihingi pa naman kita kay Daddy ng lamborghini niya." sabi ko at agad kong pinatay ang tawag. Ngumisi ako ng biglang tumawag si Tukmol. "Hehe.. Hindi ka na mabiro, Segi boy. Alam mo naman na pagdating sa 'yo ay gising na gising ako." "Tsk." "Oo nga pala! Lamborghini, ha? Sinabi mo 'yan." paniniguro niya. "Oo nga. Ayaw mo? Ibibigay ko na lang kay Lawrence." pananakot ko. "Gusto ko, syempre hehe.." parang timang niyang sabi. "Okay. Bukas pumunta kayo rito ni Lawrence. Meron akong plano pa. At para pagbalik niya rito iba ang makikita niyang Seige." napapangisi ako na parang may masamang binabalak. "Sige, sige. Uy, 'yung pangako mo?" paniniguro niya. "Oo na. Tsk." dahil sa kakulitan niya ay binaba ko na ang tawag. Pero muli akong napangisi dahil nararamdaman ko na malapit ko na siyang maging girlfriend. ? - ❤ Magnolia ❤ NATAPOS ANG THREE weeks na pag-vo-volunteer ko sa Sagada. Sa three weeks na iyon ay masaya naman ako dahil naging successful ang medical mission namin, kahit na meron akong nakasanayan na nawala sa paligid ko. Kaya naman bumaba na ako sa kotse ng mga ford ng sunduin ako ng driver nila mula sa pinagbabaan ng chopper sa hotel. Pagpasok ko sa loob ng bahay nila ay tila napakatahimik. Hahakbang sana ako paakyat ng hagdan para tunguhin muna ang room namin ni Ate, pero bigla akong nakarinig ng ingay sa dinning. Kaya doon ako nagtungo upang alamin kung sino-sino ang naroon. Pagdating ko sa dinning ay naroon ang lahat. Maging si Ate at Kuya duke na himala at narito sila? Alam ko na meron silang pasok sa office ng ganitong araw ng sabado. Napatingin sa akin ang lahat kaya bigla akong tinablan ng hiya. "Oh, Magnolia. Mabuti at nakauwi ka na. Sit down, hija. Tamang-tama ang dating mo dahil meron kaming i-a-announce." masayang sabi sa akin ni Ma'am Beatrice. Kaya ngumiti ako at tinungo ang upuan ko. Napatingin ako kay Seige na busy lang sa pagsubo sa pagkain nito. At hindi rin siya doon sa tabi ng seat ko nakaupo, kundi nagpalit sila ni Bettina ng upuan. Naupo ako sa tabi ni Tina na bumeso sa akin. "Finally, Sisteret. Nakauwi ka na rin." bulong niya kaya ngumiti ako. Tila marami siyang baon na kwento. Masaya siya, e. "Okay." panimula ni Ma'am Beatrice kaya doon ako napabaling. Napatingin ako kay Seige ng mahuli ko siyang nakatingin sa akin, pero agad siyang umiwas ng tingin. Napakunot-noo ako dahil naguguluhan ako sa kanya. "'Di ba aware naman kayo na may namamagitan sa Kuya Duke niyo at Ate Nestle niyo?" Dahil sa sinabi ni Ma'am Beatrice ay napabaling ako ng tingin kay Ate. Nahihiya si Ate pero nang mapatingin ako sa kamay nila ni Kuya Duke ay magka-holding hands sila. At nanlaki ang mata ko ng makita ang engagement ring sa isang daliri ni Ate. "Sila Kuya Duke niyo at Ate Nestle niyo ay malapit nang ikasal. Nag-propose na rin ang magaling niyong Kuya." masayang sabi ni Ma'am Beatrice ma kinatuwa ng lahat. Lalo na ako. "Ate.." tawag ko sa kanya kaya bumaling siya sa akin. "Ate, masaya ako for you." sabi ko na kinangiti niya lalo. Niyakap ko siya kaya binitawan niya ang kamay ni Kuya at yumakap rin sa akin. "Thank you, bunso." sabi niya kaya lalo akong napangiti. Bumitaw ako sa kanya at masaya rin na bumaling kay Tina. Napahawak kamay kami dahil sa kilig at saya ng balita. "So, Kuya, kelan ang kasal?" tanong ni Kuya Diesel. Napatingin ako kay Seige na nakayuko habang may tinitignan sa ibaba niya. Nakangiti siya doon kaya pasimple akong sumilip. Nakita ko na cellphone pala ang hawak niya. Nang mag-aangat siya ng tingin ay tumingin ako kela Ate at masayang pinakinggan ang pagpaplano nila ng kasal. Nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Kaya kinuha ko at tinignan ko kung ano ba 'yun? Isang notification lang pala na galing sa f*******:. At dahil ni-like ko ang f*******: page ng university kaya 'pag may balita ay lumalabas sa notification ko. Hashtag #SeigeIsFreeToDate. Marami ang nagkomento na nais nilang maka-date si Seige. Napatingin ako kay Seige na seryoso naman na pinagpatuloy ang pagkain. Anong ibig sabihin no'n? Naguguluhan ako kaya naman pagkatapos naming kumain at pagkatapos kong tumulong ng maglinis ng hapagkain ay hinanap ko siya. Tinanong ko sa kasambahay nila kung nakita nito si Seige at ang sabi ay nasa dalampasigan daw nagpunta. Kaya naman dali-dali akong lumabas. Tinungo ko ang dalampasigan. And there he is. But he's not alone. Nakaupo siya sa buhangin habang may nakaupo sa tabi niya na isang girl habang akbay-akbay niya ito. Napapisil ako sa daliri ko habang hindi ko alam kung hahakbang ba ako palapit sa mga ito o hindi na? Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kusang humahakbang ang mga paa ko palapit sa kanila. Tumayo ako sa gilid ni Seige kaya napatingin sa paa ko si Seige bago unti-unti na umangat siya ng tingin sa akin. "Why?" malamig ang boses niyang na nagtanong. Kaya kinabahan ako doon at hindi ko alam saan hahagilapin ang lakas ng loob. "Huh? A-ano kasi.." para akong tanga. Hindi ko masabi kung bakit ako lumapit. Napatingin ako sa babaeng katabi niya at nakita ko na maganda naman. Tsaka maputi. "Kung hindi ka magsasalita ay mabuti pa na iwan mo na kami ni Babe." malamig ang boses niyang pukaw sa akin. Tama ba ang dinig ko? Babe? Ibig sabihin may girlfriend na siya. "Wala, wala." iling kong sabi. "Sige, maiwan ko na kayo." sabi ko pero hindi na siya nagsalita at muling bumaling sa girlfriend niya. "Ang ganda-ganda talaga ng babe ko. Kaya gustong-gusto kita, e." malambing na sabi ni Seige sa babae at pinisil pa niya ang pisngi nito. Tumalikod ako na naguguluhan ang isip at puso ko. Bakit tila ako nakaramdam ng pagkabigo sa puso ko? - ❤ Seige ❤ AGAD KONG INALIS ang braso ko sa balikat ni Paul. Yes. Siya ang babaeng katabi ko. Ang sagwa nga ng itsura. Akalain mo napaniwala si Mags. "Grabe, Segi. Ang sarap mo palang kayakap. Isa pa nga." hirit ni Paul kaya kinikilabutan na tumayo ako at pinagpag ang katawan ko. "Tsk. Tigilan mo ako, Paul. Nakakadiri ka. Nababakla ka na ata." sabi ko sa kanya. Natawa lang ang gunggong at hinaplos pa nito ang mabalahibong legs na kay pangit. Natawa ako at kinutongan siya. "Hindi ko alam kung bakit ang daling maniwala ni Magnolia. Hindi man lang niya nakita ang buhok ko sa kili-kili." natatawang sabi ni Paul. Tumingin ako kay Magnolia na palayo na rito. "Hindi ko ata kaya." wika ko. "Segi boy, kapag pinairal mo ang pagkasabik mo ay balewala ang lahat ng plano. Trust me. Kapag lalo mong hindi pinansin si Magnolia, siya ang hahabol ng hahabol sa 'yo. Tignan mo nga hinanap ka niya agad. Mabuti at nahulaan ko na ganito ang mangyayari." Hindi naman ako makasagot doon dahil tama siya. "Kaya kung ako sa 'yo ay magdiwang ka dahil halata na may gusto siya sa 'yo. Hindi niya lang masabi pero 'pag sobrang nagselos na 'yan ay tiyak na siya mismo ang magsasabi." Sabi pa niya. Napatingin ako sa dagat at napangiti. Kung kailangan kong magtiis ay gagawin ko, makuha ko lang siya. "s**t, Segi! Bumalik si Magnolia." sabi ni Paul kaya dali-dali akong naupo muli at kahit kinikilabutan ako ay agad kong sinampay ang braso ko sa balikat niya. "Nand'yan na ba?" bulong ko at kunwari sa dagat ako nakatingin. "Oo. Ayan na siya." sabi ni Paul kaya hindi ko mapigilan na ma-tense. Naramdaman ko na may lumuhod sa gilid ko at nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang labi ni Magnolia sa pisngi ko. Tila ako naestatwa sa ginawa niya. Lumingon ako at tila ata umakyat ang dugo sa ulo ko ng makita ko si Lawrence iyon at hindi si Magnolia. "s**t!" banas kong usal at kinuwelyuhan ang dalawa na tawa ng tawa. "Mahal niyo ba talaga ang buhay niyo, ha?" galit kong sabi sa mga ito. "Hahaha!" tawa lang ng tawa ang mga ito at hindi man lang natakot sa banta ko. "Tense na tense at asadong-asado ka, Segi boy." tawang-tawang sabi ni Paul. "Tapos ang mukha mo, pulang-pula kaka-blush." sabi naman ni Lawrence. "Seige? Paul? Lawrence?" Pare-pareho kaming na-estatwa nila Paul ng marinig namin ang boses ni Magnolia. Nagkatinginan kami at lihim na napamura ako ng maalis ang wig ni Paul. Damn! "Ikaw pala 'yan, Paul." natutuwa pang sabi ni Magnolia. "pero bakit kayo nagpapanggap?" tanong pa niya. Agad na inayos ni Paul ang wig niya at ambang didikit sa akin ay pinigil ko na siya. Tumayo ako at pinagpag ang short ko bago siya hinarap ng seryoso. Nais ko sana na sabihin kung bakit napakamanhid mo? Bakit kasi ayaw mo pang aminin? Konti na lang at 'pag nasura ako, tiyak na maaga kang matatali sa akin. Nilagpasan ko na lang siya habang nakapamulsa na naglalakad ako, pero napahinto ako ng kumapit siya sa braso ko na kinahinto ko. Bigla akong na-kuryente kaya bigla kong nahawi ang kamay niya na hindi ko sinasadya. Kita ko ang pagkagulat niya pero umiwas lang ako ng tingin at lihim na napamura muli. "Sorry. Iyon sana ang nais kong sabihin. Nagsinungaling ako sa matanda na hindi kita kilala. Sorry, dahil nakulong ka pa." sabi niya. "Tsk. 'Yun lang ba?" malamig na tono na pagtatanong sa kanya. Nang hindi siya makapagsalita ay tumalikod na ako. "Galit ka ba sa akin?" tanong niya. Kaya humarap ako sa kanya at inilang-hakbang ko ang distansya namin. Matapang na niya ako ngayong hinaharap ha! Humawak ako sa baywang niya ng mahigpit at hinapit siya. Nagsusukatan kami ng tingin. "Kung sabihin ko sa 'yo na galit nga ako sa 'yo, anong gagawin mo?" hamon ko sa kanya. "Galit ka nga sa akin kaya hindi mo ako pinapansin?" hindi siya makapaniwala. Nilapit ko ang mukha ko kaya napaliyad siya tila naiilang sa akin. "Oo. Galit ako." bulong ko habang isang inches na lang ang pagitan namin. Halos maduling kami sa isa't-isa habang nagkakatitigan. Ramdam rin namin ang hininga ng isa't-isa. "Ahem!" pukaw ng dalawa. Tumingin ako sa mga ito ng masama at sinenyasan na umalis na. Napapailing ang mga ito at sumisipol na umalis na. Tumingin ako muli kay Magnolia na nakababa na ang tingin. "Sagot, Magnolia!" nagtitimpi kong sabi sa kanya kaya napaidtad siya. "Hindi ko alam." mahinang sabi niya. Napangisi ako sa naging sagot niya. "Gusto mo bang maalis ang galit ko?" sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin kaya nakita ko na naman ang maganda niyang mata at napakaamong mukha. Tumango siya na kinalakas ng t***k ng puso ko na alam ko na ramdam niya dahil magkadikit ang dibdib namin. Ramdam ko rin ang kaba sa dibdib niya. "Paano kung gusto kong kapalit ay maging boyfriend mo? Papayag ka ba?" alam ko na masyado ko siyang pinagmamadali, pero gusto ko na talaga na maging akin siya. "Pero, kasi, hindi pa ako handa. Pwedeng friends na lang muna?" palusot niya. Umiling ako ng seryoso sa kanya, "Hindi. Pwede." diniin ko talaga ang dalawang salitang iyon sa kanya. "Baka kasi mapagalitan ako ni Ate." sabi niya na nahihiya. Napangiti ako ng palihim dahil heto na. Konti na lang, Seige. "Sige. Dahil hindi naman kita gustong pahirapan, i-sekreto na lang muna natin. Basta ba ako na ang boyfriend mo?" sabi ko sa kanya. "Baka kasi 'pag nalaman ni Ate---" "Shhh... Puro ka Ate. Akong bahala.." pinigil ng isa kong daliri ang labi niya. Heto na. "So, tayo na?" paniniguro ko. Nag-iisip pa siya pero nang dahan-dahan siyang tumango ay parang lumundag ang puso ko sa tuwa. Agad kong binaba ang braso ko sa pang-upo niya at binuhat siya. Inikot-ikot ko siya habang tuwang-tuwa ako. Agad ko siyang binaba at tumingin sa paligid. Maraming tao. Kaya hinawakan ko siya sa kamay at hinila. Tanong siya ng tanong kung saan daw kami pupunta pero hindi ko na siya sinagot. Dinala ko siya sa isang cottage na walang nagtatao. Inalalayan ko siyang umakyat at pagpasok namin ay agad kong sinara ang pinto kaya dumilim. Sinandal ko siya sa pader habang hawak-hawak ko ang baywang niya. "Kiss me." utos ko. "Pero--" "Tsk. Ayaw mo bang i-kiss ang boyfriend mo?" banas kong sabi. "Hindi naman sa gano'n." mahina niyang tanggi at napayuko. Kahit madilim ay kita ko parin ang hugis ng mukha niya. Inangat ko ang baba niya at pinagdikit ang noo namin. "Kung gano'n ako na lang ang gagawa." bulong ko at hinaplos ng ilong ko ang ilong niya at mas pinalibot ko ang braso ko sa maliit niyang bewang. Unti-unti kong nilapit ang labi ko at pumikit ako ng makarinig ako ng Church ryhme. Agad akong napadilat! "Saglit." sabi sa akin ni Magnolia at tinuklak ako ng mahina palayo para makuha niya ang cellphone sa bulsa niya. "Si Ate." sabi niya at agad na sinagot ang tawag. Napahawak ako sa batok ko dahil iyon na sana, napurnada pa. But it's okay, she's mine now. Hindi ko siya pakakawalan pa. She's trap forever with me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD