❤ Magnolia ❤
"SEIGE.." WIKA KO ng magulat ako sa aking pagbukas sa pinto ay siya ang bumungad. Nasa harap siya ng pinto kwarto ko kung saan ay nakasandal siya sa pader. Suot ang white shirt, board short sa pang-ibaba niya. Tapos sa pang-apak ay isang puting rubber shoes. At isama pa ang suot niyang sumbrero na nakabaliktad ang ayos sa ulo niya. Bale nasa likod 'yung pinakaharap habang 'yung likod ay nasa harap nito.
"'Di ba sinabi ko na may date tayo. Bakit hindi ka pa nakabihis?" sabi niya at lumapit sa akin.
Hinawakan niya ako sa balikat at tinalikod muli paharap sa kwarto ko. Binuksan niya ang pinto at tinuklak ako ng mahina para maglakad papasok.
Mabuti at wala na si Ate sa kwarto. Matapos kasi ng balita na magpapakasal na sila ni Kuya Duke ay may pinuntahan ang mga ito at hindi ko alam kung saan.
Nakatingin ako ngayon kay Seige na may kinukuha sa closet ko. Nang bubuksan niya ang drawer sa ibaba ng closet ko kung saan nakalagay ang mga underwear ko ay agad kong hinarang ang sarili ko kaya napatigil siya.
"A-ako na.. Kaya ko naman." mahinang sabi ko at kinuha sa kanya ang damit ko.
"Okay." sabi niya pero hindi naman umaalis sa harap ko. Tinignan ko siya habang siya ay hindi alam ang gagawin habang nakatingin sa akin.
Napakamot siya ng batok at tinuro ang pisngi niya.
"Huh?" takang usal ko.
"'Yung good morning kiss ko?" nanghihingi niyang pagtatanong.
"G-good Morning kiss? Meron ba no'n?" nauutal at nahihiya kong sabi.
"Of course. I'm your boyfriend now. And it's your duty being my girlfriend." sabi niya at tinuro muli ang pisngi niya, "Now, kiss me here. Only my cheeks." utos niya.
Napalunok ako at hindi ko alam ang gagawin. Lumapit ako sa kanya ng konti at tumingkayad dahil medyo mas mataas siya kesa sa akin. Nilapit ko ang labi ko sa pisngi niya at hahalikan ko na sana siya sa pisngi ng bigla siyang humarap kaya nagulat ako at napaatra, 'yung labi niya kasi ang nahalikan ko.
Hinapit niya ako sa baywang at sinandal sa pinto ng closet. Pinaling niya ang mukha niya at nilapit ang labi sa aking labi.
Binuka niya ang labi niya at mas sinakop ang pang-itaas kong labi. Napahigpit ang hawak ko sa damit dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang hindi ko maigalaw ang katawan ko.
Kinagat niya ang labi ko bago siya bumitaw. Tulala ako habang siya ay may malaking ngiti sa labi habang nakatingin sa akin.
"You want more?" pilyong tanong niya kaya napababa ako ng tingin. Tila namumula ang buong mukha ko at hindi ako makatingin, "Kidding." sabi niya at inangat ang mukha ko. Hinaplos ng hinlalaki niyang daliri ang labi ko para punasan. Hinapit niya ako palapit at niyakap. Hinaplos niya ang buhok ko habang yakap-yakap niya ako.
Bumitaw rin siya agad at umalis sa harap ko. Pero bago siya umalis ng kwarto ko ay lumingon pa siya.
"Hintayin kita sa living room." sabi niya kaya tumango na lang ako. Ngumiti siya at pasipol-sipol na lumabas ng kwarto ko.
Nang maisara niya ang pinto ay napasandal ako sa pinto ng closet ko at napahawak sa labi ko.
Umalis ako sa pagkakasandal sa closet at sinara ang pinto. Tumingin ako sa mirror at nakita ko kung gaano kapula ang labi ko. Pulang-pula din ang pisngi ko. Tapos hanggang ngayon ay iba ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Pinalo-palo ko ang pisngi ko para magising ako. Napahinga ako ng malalim at tumingin muli sa salamin.
"Hindi ko alam kung ano ang kakahantungan nito. Pero mabait naman na si Seige. Siguro ay kailangan ko lang na maunawaan siya at masakyan ang mga gusto niya. At maging mabuting girlfriend sa kanya." wika ko at ngumiti.
-
"Let's go." aya niya ng makababa ako at lumapit sa kanya na nakaupo sa sofa. Tumango ako at sabay kaming lumabas. Gaya ng napag-usapan namin ay ise-sekreto muna namin ang relasyon namin.. At mabuti dahil tila walang tao ngayon. Tila may kanya-kanyang lakad.
Nakasuot lang ako ng white shirt tulad ng kanya at ripped jeans. Habang naka-rubber shoes din na hindi mamahalin at hindi branded.. Sa pamilihan ko lang nabili ito noon at dahil iniingatan ko kaya buo at mukhang bago pa siya.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ng makalabas na kami ng bahay nila at maglakad-lakad sa kalsada.
Humawak siya sa kamay ko at pinahawak niya ako sa braso niya para doon kumapit.
Tinapik niya ang kamay ko na nasa braso niya, "Sa isang isla na malayo rito sa BF Island." nakangiti niyang sabi at kumindat sa akin.
Hindi ko talaga mapigilan na mapamulahan ng pisngi dahil inaamin ko na kinikilig ako. Napakagwapo niya kasi sa porma niya. Ang linis niyang tignan.
Para tuloy kaming cafe't gatas. Maputi siya habang ako ay morena.
"Saan nga iyon?" tanong ko ulit habang nakatingin sa kanya na nakangiting nakatingin sa daan.
"Basta. Malalaman mo rin." sabi niya lang at inalis ang kamay ko sa braso niya at pinagsiklop na lang niya ang kamay namin.
Naglakad lang kami at okay na rin dahil masarap ang simoy ng hangin kaya masarap maglakad.
Tumingin ako kay Seige na tumingin din sa akin at ngumiti, kaya sinuklian ko ang ngiti niya.
Hindi ko alam na magiging comfortable ako kahit na ito ang una beses naming mag holding hands while walking. Tsaka parang nag-iba na rin siya ng ugali. Hindi ko na napapansin ang mga prank niya.
"We're here." anunsyon niya kaya tumingin ako sa tinitignan niya at nakita ko na narito kami sa pinaka-port nila. May nakita akong speed boat at naroon din ang ilang tauhan nila.
"Ano? D'yan tayo sasakay?" tanong ko habang nakatingin sa speed boat. Medyo malaki ang speed boat nila. At tiyak na mahal ang presyo nito dahil halatang bago palang.
"Yes. Para mabilis rin tayong makarating doon." Paliwanag niya kaya tumango ako.
"Jason, nand'yan na ba 'yung mga pinalagay ko sa inyo?" tanong niya sa isang tauhan nila.
"Oo, Seige. Nand'yan na lahat." tugon nung Jason.
"Good. Sige, maiwan niyo na kami. Kayo ko na ito." sabi niya sa limang lalake na tumango at isa-isa ng nag-alisan.
"Seige, bakit mo sila pinaalis? Kaya mo bang paandarin 'yan?" tanong ko.
"Oo naman. Trust me, okay?" sabi niya kaya tumango ako kahit na medyo may doubt ako na mapapaandar niya 'yan, "Tara. Aalayan kitang sumakay." sabi niya at hinatak na ako palapit sa pangpang kung nasaan ang speed boat.
Muntik pa akong mapatili ng bigla niya akong buhatin kaya napayakap ang kamay ko sa batok niya.
Napangiti siya at umapak sa tungtungan nung speed boat. Humawak ako sa hawakan ng speed boat at sumakay. Agad siyang sumunod sa akin sa pagsakay at hinawakan niya ako sa kamay muli para akayin na lumapit sa upuan.
"Maupo ka lang at ako ng bahala na magpaandar nito." sabi niya kaya tumango ako.
Tumalikod syat sa akin at tinungo kung nasaan ang manibela ng speed boat. May hinatak siya para mabuhay ang makina. Pagkatapos ay may kung ano-ano siyang ginalaw doon.
Napahawak ako sa gilid ko ng unti-unti ng umandar kaya napatingin ako sa kanya na nakangiti na tumingin sa akin at kumindat pa siya kaya napaiwas ako ng tingin pero hindi ko mapigilan na mapangiti.
Hindi ko akalain na marunong nga siya. At ang sarap niyang panoorin na tila bihasa na siya sa pagpaandar nitong speed boat.
"May mga dala tayong pagkain. Kumain ka muna habang wala pa tayo sa pupuntahan natin." sabi niya kaya napatingin ako sa paligid nitong speed boat. At sa may gilid ko ay may dalawang basket na naglalaman ng prutas, burger, inihaw na hotdog at iba pa.
Umusog ako dahil parang hindi ko kayang makatayo dahil baka matumba ako. Inabot ko 'yung basket at nilapit sa akin. Meron ring mga inumin.
Kumuha ako ng inihaw na hotdog at kinagat iyon. Tutal ay wala nga kaming breakfast pa, kaya tamang-tama ito. Napatingin ako kay Seige na pokus sa pagbalanse ng speed boat. Napatingin ako sa hawak ko.
Kahit nalulula ako ay pinilit kong makatayo. Nang makayanan ko ay humakbang ako ng dahan-dahan palapit sa kanya.
"Oh, bakit ka tumayo?" tanong niya.
Tinapat ko sa bibig niya ang hotdog na kinataka niya habang nakatingin roon at bago siya bumaling sa akin.
"Kumagat ka na. Hahawakan ko muna hanggang sa maubos mo." sabi ko na kinangiti niya.
Hinawakan ng isa niyang kamay ang pulso ko kung saan ako nakahawak sa stick ng hotdog. Nabigla ako ng hatakin niya ako sa harap ng manibela at sa harap niya.
"Mas madali kung ganito." bulong niya sa tenga ko mula sa likod. Nasa likod ko kasi siya at para niya akong yakap dahil hawak ng isang niyang kamay ang manibela at hawak niya ang kamay ko kung saan nakahawak sa stick ng hotdog.
Kumagat siya ng hotdog at habang nginunguya niya ay tumingin siya sa minamaneho niya.
Hinawakan niya ang isa kong kamay at pinahawak sa manibela. Kaya hawak niya ang kamay ko habang nakahawak kami sa manibela.
Inagaw na niya ang stick at tinapat sa akin.
"Kumagat ka rin." sabi niya.
"'Wag na. Meron pa naman doon." tanggi ko.
"Tsk. Kakain ka o baka--"
Hindi ko na siya pinatapos at kumagat ako ng hotdog. Alam ko na kasi ang susunod na ibabanta niya.
"Good girl." bulong niya sa tenga ko.
Nang maubos namin ang hotdog ay tinapon niya sa isang trashbin ang stick.
Ngayon ay dalawang kamay na niya hawak ang manibela kaya parang yakap-yakap na niya ako. Naramdaman ko ang pagpatong ng baba niya sa balikat ko kaya nailang ako.
"Masaya ako at akin ka na, Mags." mapang-akin na sabi niya.
Hindi ako makasagot dahil ano naman ang isasagot ko doon? Tsaka nakakakilabot lalo pa't tumatama ang hangin na nagmumula sa bibig niya sa tenga ko.
"Ano kaya ang magandang endearment natin?" tanong niya bigla tila nag-iisip ng endearment.
"Kailangan pa ba 'yun?" mahina kong sabi.
"Tsk." asik niya kaya napakagat ko ng labi dahil tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, "Of course. Sa magkasintahan kailangan din noon para maging special." sabi niya kaya hindi na ako umimik.
"Kung tawagin kita na babe or baby?" sabi niya na kinapula ng mukha ko. Bakit parang nakakahiya 'pag gano'n. Parang hindi ako sanay.
"Ano na lang kaya, Mags na lang." alanganin kong sabi.
"Tsk. Ayoko ng simple lang. Love na lang ang itatawag ko sa 'yo at itawag mo sa akin mahal." sabi niya.
"Sige." sabi ko dahil wala rin naman akong maisip.
"Love." bulong niya. "Oh, ikaw, anong tawag mo sa akin?" command niya.
"M-mahal." nauutal ko pang sabi dahil nahihiya talaga ako.
"Bakit ba nauutal ka? Ayoko ng ganyan. Tsk. Parang napipilitan ka lang." banas niyang sabi.
"Hindi naman. Nahihiya lang ako." depensa ko.
"'Wag ka nang mahiya. Hayaan mo, gagawin ko ang lahat matanggal 'yang hiya mo. Sisiguraduhin ko na marami akong ituturo sa 'yo." sabi niya. Bakit gano'n? Parang ramdam ko na hindi maganda ang naiisip niya?
-
NANG MAKARATING KAMI sa destinasyon namin ay namangha ako dahil sa maliit na isla ay ang bumungad agad sa amin ay isang kweba.
Inalalayan akong bumaba ni Seige sa speed boat kaya pag-apak ko sa buhangin ay tumingin ako sa paligid.
Tumingin ako kay Seige na bumababa habang bitbit ang dalawang basket.
"Seige, anong isla ito?" tanong ko at lumapit sa kanya para sana tulungan siyang magbitbit ng ilayo niya iyon mula sa akin.
"'Wag na kaya ko na ito." pigil niya sa akin kaya wala akong nagawa. "Anyway, tungkol naman dito. Isla matanda daw ito noon pero dahil nabili ni Dad ay isla pag-ibig na ang tawag. Sila Dad palang ang nakakarating dito noong nag-honeymoon sila." pagpapatuloy niya kaya tumango ako.
Gano'n pala. Inaya na ako ni Seige na maglakad. Hindi kami dumaan sa kweba kundi sa gilid nito na may hagdan na napakataas. Hinakbang namin iyon. Naaawa nga ako kay Seige dahil mabigat 'yung basket. Baka nangangawit na siya.
Nais ko man tulungan siya pero hindi naman niya ako hinayaan.
"'Wag ng makulit, Love. I can handle this." sabi niya na hindi parin ako sanay sa endearment niya. "Oh! We're here!" masayang anunsyo niya kaya huminto ako na hindi ko namalayan na narito na pala kami sa tuktok.
Napa-form ang bibig ko ng 'O' dahil sa pagkamangha. May isang antigong rest house. May liguan na gawa sa bato ang pader habang ang tubig ay kumukulo. Ang dami ring bulaklak sa paligid na ang gaganda.
Lumapit ako sa pader kung saan harang nitong lugar. Lalo akong namangha dahil kitang-kita ang karagatan at ang isla nila Seige.
Wow! This is a beautiful place. Hindi ko alam na meron palang ganitong kagandang lugar pa.
Natigil ako sa pagkamangha ko sa lugar ng mapaidtad ako ng yumakap sa akin mula sa likod si Seige habang nakapulupot ang mga kamay niya sa baywang ko.
"You like it?" bulong ni Seige kaya tumango ako habang ilang na ilang sa pwesto namin.
"This place is so special to my parents. Dito kami nabuong magkakapatid." sabi pa niya na kinapula ng mukha ko na naman.
"Ah.. Gano'n ba." naiilang kong tugon.
"Naiilang ka parin." natutuwa niyang sabi.
Bumitaw na siya ng yakap na kinahinga ko ng maluwag. Hinawakan niya ako sa kaliwang kamay at hinila paalis sa tinatayuan namin kanina.
Dinala niya ako sa kumukulong paliguan at napangiti kami dahil ang galing lang, napaka-unique ng lugar na ito. Wala siguro akong makikita sa ibang lugar na ganito.
"Tara sa rest house. Kumain muna tayo dahil hindi naman tayo nabusog sa kinain natin." aya niya sa akin kaya ngumiti ako at tumango.
Hawak-kamay kami na lumakad patungong rest house. May kinuhang susi si Seige sa bulsa niya na hindi parin binibitawan ang kamay ko.
Binuksan niya ang pinto at nagbukas naman ang pinto. Bumaling siya sa akin at hinatak na ako papasok. Pagpasok namin ay nilibot ko ang tingin. May mga bagong gamit doon. May sofa, flat screen t.v, maraming paintings na nakasabit na tiyak na gawa ni Ma'am Beatrice. At iba pang gamit na gawa sa mga wood na tiyak na dinisenyo pa ng magaling na architect. Napakaaliwalas ng loob nitong rest house at may maliit na hagdan na tinutungo ay dalawang pinto na tiyak na kwarto.
Hinila ako ni Seige kung saan ang kusina. Nilapag niya ang isang basket na bitbit niya.
"Kukunin ko lang 'yung isa sa labas." sabi niya kaya tumango ako. Binitawan na niya ang kamay ko at tumalikod na siya para lumabas ng kusina.
Simple lang ang kusina at may lamesa na sakto lang ang laki na pabilog. Tapos may upuang antigo rin. May nakapatong na telang burda sa lamesa bilang sapin.
May mini ref, may lababo at gripo. Nilibot ko ang buong kusina hanggang sa may nakita akong libro na lumang-luma na. Nakasingit siya sa isang pader na hindi pansinin.
Dahil sa kuryosidad ay kinuha ko iyon at tinignan ang pamagat. Pinagpag ko muna dahil maalikabok na. Nang maalis ko ang alikabok ay binasa ko na ang title. 'The magic of love.'
Napangiti ako at binuksan ang libro. Binasa ko ang nakasulat sa libro.
Sa isang bahay bakasyunan. Kung saan naninirahan ang isang dalaga. Mag-isa at tanging halaman lang ang kanyang nakakausap. Malungkot man ngunit dahil sa ganda ng lugar kung saan siya nakatira ay napapawi iyon.
Hanggang sa hindi inaasahan na pangyayari. May isang estrangherong binatang lalake ang napadpad sa kanyang lugar. Nagtatago siya ng makita niya na patungo ito kung saan ang bahay niya. Napansin niya na sugatan ang lalake kaya naman dahil may kabutihang loob siya ay nagpakita siya na siyang kinagulat ng lalake.
Pero nang ang kanilang mga mata ay nagtagpo ay tila hindi napigilan ng kanyang puso na biglang mabighani sa makisig na binata.
At gayon din ang binata na nabighani sa aking ganda ng dalaga. Ginamot ng dalaga ang binata na pinatuloy niya sa bahay niya. Mga dalawang linggo ang nilagi ng binata sa bahay niya upang magpagaling. At sa dalawang linggong iyon ay nahulog ang loob ng dalaga sa binata.
Naging masaya siya pero nalungkot din dahil kailangang umalis ng binata para bumalik sa kung saan ito nakatira.
Sa nagdaang araw ay nag-aabang ang dalaga na baka sakaling magtungo muli doon ang binata. At siya ay hindi nabigo, dahil bumalik ang binata dala ang isang bag na naglalaman ng gamit nito.
Sinabi sa kanya ng binata na magsasama na sila para gumawa ng sariling pamilya at mamuhay ng tahimik. Agad niyang pinaunlakan iyon ng buong puso dahil mahal niya ang binata.
Walang naging hadlang sa pagmamahal nila. Hindi man sila nakabuo ng anak ngunit masaya sila. Kahit na sa isang maliit na isla lamang umiikot ang buhay nila ay ayos na iyon sa kanila.
Ngunit ang pinakamahirap na hadlang sa kanilang pagmamahalan ay ang dapuan na ng sakit ang binata. Unti-unting pinapatay ng sakit na kanser ang binata. Nais niya na dalhin sa maynila upang mas mabigyan ng agarang lunas, ngunit hindi pumayag ang binata at nais nito na makapiling na lamang siya hanggang sa huling hininga ng buhay nito.
At iyon nga ang nangyari.. Hanggang sa mawala na sa kanya ang binata at maiwan na naman siyang mag-isa. Pero hindi na gaya ng dati, dahil naranasan niya na maging masaya at makabuo ng alaala sa bahay na dati ay walang buhay.
Kaya kahit hindi niya nais ay binenta niya ang bahay upang lisanin na niya ang lugar para makagawa naman siya ng panibagong kwento ng kanyang buhay sa ibang lugar.
At para maibahagi rin niya sa iba ang bahay na puno ng alaala nila ng binata na sana ay magbigay rin ng matibay na pagmamahalan sa kung sino man ang papasok sa bahay na ito.
"Anong binabasa mo?" nabitawan ko tuloy ang libro sa sobrang gulat dahil sa biglang pagsalita ni Seige. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat ko. Pinulot ko ang libro at binalik ko muli iyon sa pader kung saan nakaipit.
"Wala." sabi ko sa kanya na may ngiti sa labi. Ang sarap sa pakiramdaman na mabasa ko iyon. Nakakagaang sa pakiramdaman..
"'Wag mo akong ngingitian ng ganyan. Baka iba ang maisip ko sa ngiti mo." sabi niya kaya nawala ang ngiti ko. Natawa siya at napailing na nilapag ang basket sa lamesa.
"Maupo ka na at kainin na natin ito." sabi niya kaya naupo na ako.
Nilabas pa niya ang ilang pagkain. Ang iba ay nasa baunan pa. Parang napakarami namang pagkain. Hindi naman kami magtatagal rito.
Habang kumakain ay mas na-enjoy namin dahil nagkwentuhan kami about sa mga kaibigan niya na sila Paul. Masasabi ko na malaki ang pagsasamahan nila. Solid ang pagkakaibigan. Napag-usapan rin namin kung paano kami sa university. Ang sabi niya ay ayaw niya na i-sekreto namin ang relasyon namin 'pag sa university. Sa bahay lang daw.
Sa buong araw ay nagbabad kami ng paa sa mainit na tubig sa paliguan na nanggagaling pa pala sa paanan ng bundok. Hindi siya sobrang init. Maligamgam siya sa pakiramdam. Pagkatapos namin doon ay naglibot din kami sa kweba na akala ko ay nakakatakot pero pagpasok namin ay maliwanag pala dahil bukas ang itaas ng kweba kaya sumisiwang ang araw. Pagkatapos namin doon ay nanood kami ng movie na dala niyang cd. Handang-handa talaga siya ah. Hindi ko alam pati iyon ay nakalagay sa basket.
"Ayaw mo ba nito?" tanong niya. Napansin niya siguro na wala akong gana sa panonood. Wala kasi akong hilig sa mga action or drama. Mas gusto ko pa 'yung mga pambata.
"Hindi naman. Mas gusto ko kasi 'yung mga smurfs na palabas." sabi ko na nahihiya sa pagbunyag ko. Tinignan ko siya at nakita ko ang itsura niya na hindi siya makapaniwala kaya lalo akong nahiya.
"Smurfs? Really?" tuwang-tuwa niyang sabi kaya tumango ako. "I don't know that you like smurfs." sabi niya.
"Ano kasi.. Nagustuhan ko 'yung kulay nila na asul. Favorite color ko kasi iyon."
"So what's more? Tell me everything you like." pagtatanong pa niya.
Napaisip naman ako at napangiti.
"Dati nung bata ako ay gusto ko na makapunta sa hongkong para mapuntahan ang disney land na nakikita ko noon sa mga palabas, pero dahil alam ko na malabo kaya hindi ko na hinangad. Ang gustong-gusto ko ay 'yung mga mala-fairy tale na lugar at makukulay na bagay. Masaya na ako doon. Tapos gusto ko rin 'yung mga pambata na pinanood. Mas nakakagaang kasi iyon ng pakiramdam." sabi ko habang ngiting-ngiti. Tumingin ako sa kanya at unti-unti atang nawala ang ngiti ko dahil nakita ko na titig na titig siya sa akin.
"B-Bakit?" naiilang kong tanong dahil nakakatitig parin siya kahit na nakatingin na ako.
"Nothing." iling niya pero todo ang ngiti naman niya. "Gusto ko munang matulog." sabi niya at inalis ang unan sa kandungan ko at nabigla ako ng tumalikod siya sa akin at inihiga ang ulo niya sa kandungan ko.
"S-seige.." usal ko sa pangalan niya dahil kinuha niya ang kamay ko at halikan ang likod ng palad ko.
"Endearment please." sabi niya habang halik-halik ang kamay ko.
"Mahal.." nahihiya kong sabi na kinangiti niya.
"Yes, Love?" sabi niya.
"Ano kasi.. Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko.
"Hmm.. Maya-maya na. Inaantok pa ako." sabi niya at pumikit na siya.
Nakatingin ako sa mukha niya na napakinis, maputi, ang ilong niya na napakatangos, ang labi niya na mas mapula pa sa labi ko, ang mata niya na singkit na may mahahabang pilik-mata. At ang kilay niya na tama lang ang kapal.
Hinaplos ko ang kilay niya para alisin ang pagsalubong nito. Napangiti ako at napahinga ng malalim bago isandal ang ulo sa sandalan nitong sofa at pumikit rin. Tama siya, nakakaantok nga.
-
MAYA-MAYA PA AY naalimpungatan ako ng may maramdaman akong humahalik sa labi ko. Dumilat ako at nabigla ako ng makita ang malapit na mukha ni Seige sa akin.
"Finally, gising ka na my sleeping beauty." sabi niya.
Napansin ko na ako na ang nakahiga sa sofa, habang siya ay nakatunghay sa akin at tumayo.
Naupo ako at napatingin sa bintana. Nanlaki ang mata ko ng makita na madilim na.
"Hala! Gabi na, Seige. Tiyak na hinahanap na ako ni Ate at hinahanap na tayo ng pamilya mo." taranta kong sabi at inayos ang buhok ko na nagulo mula sa pagkakahiga ko.
Nang maipusod ko ng maayos ang buhok ko ay tumayo na ako.
"Let's go. Nailagay ko na sa speed boat ang basket na dala natin." sabi niya kaya tumango ako.
Hinawakan niya ako sa kamay at hinila palakad palapit sa pinto. Nauna akong lumabas dahil isasara niya pa ang pinto.
Pagkatapos ay lumapit siyang muli sa akin at hinawakan ako muli sa kamay bago ipagsiklop ang daliri namin.
Inalalayan niya akong bumaba ng hagdan at nang makababa na kami ay lumakad na kami palapit sa pangpang. Ang lamig ng panahon at ang lakas ng hangin.
Tumingin ako sa langit at napansin ko na walang bituwin.
Binuhat akong muli ni Seige para umakyat sa speed boat. Sumunod siyang sumakay habang ako ay tinungo ang inuupuan ko kanina.
Lumapit si Seige sa manibela at may hinatak siyang muli ngunit ayaw mabuhay ng makina. Kita ko ang pagseryoso niya habang panay ang pihit naman niya sa susi.
Tumayo ako at lumapit sa kanya dahil tila may problema.
"Anong problema?" tanong ko at tumingin sa pagpihit niya muli sa susi.
Napabuntong-hininga siya at tumingin sa akin na may pagkabalisa.
"Nasira ata 'yung speed boat. Ayaw ng umaandar." sabi niya na kinabahala ko rin.
"Huh? Paano 'yan? Tumawag kaya tayo sa mommy mo?" suggestion ko.
"Sige." sang-ayon niya at kinuha ang phone niya. "s**t! Lowbat ako." sabi niya ng hindi mabuhay ang cellphone niya.
Kaya kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko na walang signal.
"Walang signal." sabi ko at tumingin sa kanya na napapahawak sa batok.
"Walang ibang tao rito. Ang mabuti pa siguro ay dito na tayo magpalipas ng gabi." sabi niya.
Nangamba ako dahil kami lang dalawa pero wala rin naman akong magagawa. Bakit ba kasi biglang nasira ang speed boat? Mukhang bago pa iyon.
Tumango ako at tumalikod sa kanya para kunin ang basket na halos kaunti na lang ang laman. May mga prutas at inumin pa ito. May ilang natira pa na barbeque kaya ayos na siguro iyon sa amin.
❤ Seige ❤
LIHIM AKONG NAPANGITI dahil tumalab ang lahat ng plano ko. Kaya dito ko nais na mag-date kami ay dahil malabo na makauwi kami agad. At wala pang istorbo.
Hindi problema ang pagkain dahil may nakatagong de lata doon at mga noodles. At may bigas rin.
Hindi naman talaga sira ang speed boat dahil kunwari lang na hindi ko mabuhay. Nais ko na makatabi siya sa pagtulog at walang makakapigil sa akin ngayong gabi.