CHAPTER 13

3549 Words
CHAPTER 13 ❤ Seige ❤ Tik! Tok! Tik! Tok! Tumingin ako sa banyo habang panay ang tayo at upo ko sa kama. Nasa banyo kasi si Love ko na nagpapalit ng pantulog na nakita niya sa closet. Akala niya naiwan nila Mom na pantulog, ang hindi niya alam ay bagong bili ko iyon para terno kami. Malalim akong napahinga at kinamot ko ang binti ko sa sobrang nervous. Makakatabi ko na siya sa iisang kama. s**t! Baka mamaya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko at magapang siya. Umalis ako mula sa pagkakauupo sa kama at inayos ang pagkakadapa ko sa sahig para mag-push-up. "One...two...three.. One...two...three.." bilang ko habang nakatingin sa pinto ng banyo. Tumigil ako sa pag-push-up at umayos ng tayo. Lumapit ako sa salamin at inalis ko ang butones ng pantulog ko na sa pang-itaas to reveal my hot f*****g body. Pagkatapos ay sumampa ako sa kama at umayos ng higa, 'yung higa na makikita niya kung gaano kaganda ang katawan ko. Ngumiti ako habang nakatukod ang kamay ko sa ulo ko, pero para akong tanga sa kakangiti dahil hindi parin siya lumalabas. f**k! Why she's still in the bathroom? Ginulo ko ang buhok ko dahil sa pagkainip, pero agad akong napaayos ng marinig ko ang pagpihit ng doorknob kaya agad ko ring inayos ang buhok ko at pati ang pwesto ko ng higa. Ngumiti ako at tinignan siya na nahihiya pa at dahan-dahan na lumalakad palabas. Hindi siya makatingin sa akin at sa sahig lang ang tingin niya. Kasya sa kanya ang binili kong pantulog, kulay pink. Sa akin kasi kulay asul para terno kami. "Tsk! Faster, Love. Bakit ba ang bagal mong maglakad?" naiinip kong sabi sa kanya. "Doon na lang ako sa sofa. Sige, good night." sabi niya at dali-daling tinungo ang pinto at lumabas. Kaya naman ay agad akong napabangon ng higa at bumaba agad ako ng kama na may mabibigat na yabag habang sinusundan siya. Damn! Ang ayoko sa lahat 'yung naaalis ang excitement ko, kaya humanda siya sa akin. Dali-dali kong hinakbang ang hagdan at tinalon na lang para makarating sa dulo. Inilang hakbang ko ang pagitan ko at ang sofa kung nasaan siya habang naglalagay na siya ng unan. Kinuha ko ang unan at kumot niya at mahigpit kong hinaklit ang braso niya para kaladkarin siya. "S-Seige.." pigil niya sa akin. "Where's your endearment now, ha?" baling ko sa kanya na huminto ako saglit para itatak sa utak niya na 'wag na 'wag niyang kakalimutan ang endearment namin. Bullshit! Umiinit na naman ang ulo ko. "M-mahal.. ano... doon na lang ako matutulog..." nakayuko ang ulo habang sinasabi niya iyon. "Hindi. Magtatabi tayo dahil baka kung mapano ka 'pag hindi ako ang katabi mo. Hindi natin sure kung maayos na ang mga lock ng pinto. Kaya sumunod ka na lang sa akin at baka mapahamak ka pa 'pag pinairal mo ang katigasan ng ulo mo." pangaral ko sa kanya. She didn't respond to what I said. I sighed and I pulled her again. Pagbalik namin muli sa kwarto ay binitawan ko siya at inayos ang unan niya sa kama. Sa dulo siya kung saan ay may pader sa gilid, habang ako ay sa bungad para hindi siya mahulog. Pero iba naman ang nasa isip ko, syempre para wala siyang kawala. Napangisi ako pero agad akong napatikim at umayos ng tayo. Tumingin ako sa kanya na nakayuko habang pinaglalaruan ang daliri niya dahil halata na tense na tense siya. "Love, come here." pagpapalapit ko sa kanya. Hindi siya kumikilos kaya ako na ang lumapit. Hinawakan ko siya sa kamay at inakay na palapit sa kama. Wala na siyang nagawa dahil hinihintay ko siyang mahiga. Sumampa na siya at umusog sa dulo. Agad niyang hinarang ng isang unan na mahaba ang gitnang kama bago siya nagkumot at tumalikod sa akin. Napailing ako at napangisi bago tinungo ang pinto at ni-lock. Pinatay ko na rin ang ilaw at lumapit na muli sa kama. Hinubad ko ang tsinelas na suot ko at sumampa sa kama. Sinilip ko siya at ewan ko kung tulog na ba siya agad? Kaya umayos ako ng higa, patagilid at paharap sa likod niya. Mabuti at malamig rito sa resthouse kaya hindi na kailangan ng aircon, may electric fan naman kaya ayos na rin. Dahan-dahan kong inalis ang unan at nilagay na lang sa ulunan ko. Umusog ako palapit sa kanya at nang makalapit ako sa kanya ay dahan-dahan kong pinagapang ang kamay ko sa baywang niya. Napangiti ako dahil tila tulog na siya. Dahan-dahan ko naman pinatong ang isa kong binti sa binti niya. Shit! Wala nang anumang space sa pagitan namin. Halos yakap-yakap ko na siya at naaamoy ko ang mahalimuyak niyang bango. Pumikit ako para matulog na, dahil tiyak na masarap ang magiging tulog ko ngayong gabi. HINIGPITAN KO ANG yakap sa kanya ngunit napakunot-noo ako dahil ang nayakap ko ay isang malambot na bagay.. Agad akong dumilat at napaupo ako ng makita na unan ang kayakap ko. Para akong lasing na taranta na nilibot ang buong kwarto, ngunit wala akong Magnolia na nakita. Fuckshit! Where is she? Dali-dali akong bumaba ng kama at tinungo ang banyo. Pagbukas ko ay wala siya kaya dali-dali akong lumabas. "Love!" tawag ko sa kanya pero wala akong nakuhang sagot. Para akong nababaliw na nilibot ang buong rest house pero wala parin siya. "Magnolia!" nababanas kong tawag sa kanya pero wala parin siyang respond. Napasabunot ako sa buhok ko at dali-dali akong lumabas nitong resthouse. Damn! I don't know what happen to me? Para akong takot na takot ng malaman na paggising ko ay wala siya sa tabi ko. Paglabas ko ay napahinto ako ng makita ko siya na nakatanaw sa tanawin. Lumapit ako sa kanya pero napahinto ako ng humarap siya sa akin na may seryosong mukha. "Magbihis ka na, kailangan na nating umuwi dahil may problema sa bahay niyo." sabi niya sa seryosong tinig na ngayon ko lang nasaksihan. Maging ang mukha at tingin niya ay seryoso rin. "Hindi pa tayo makakauwi dahil sira pa ang speed boat." sabi ko. Pero napamaang ako ng ihagis niya ang susi ng speed boat kaya agad kong sinalo. "Tinesting kong paandarin at umandar naman ang speed boat mo." sabi niya na kinalunok ko. WTF! Nabuking ako! Bakit parang nakakaba nang bigla siyang nagseryoso? s**t! I'm f*****g nervous right now. "Hahaha.. Really?" parang sira kong sabi at tumawa, "Siguro, may sumpong ang speed boat kagabi kaya gano'n." palusot ko habang napapahimas sa batok ko. "Magpalit ka na at gusto ko ng umuwi." sabi niya at muli akong tinalikuran. Napasabunot ako sa buhok ko at parang bahag ang buntot na sinunod siya. Why she's acting like that? She's mad or what? PAGLABAS KO AY napatingin ako sa kanya na hinihintay ako habang seryoso parin ang mukha. Sinara ko ang pinto at napatingin sa kanya na naunang tumalikod. She's mad and I don't know what to do? s**t! Sumabay ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya ngunit napahinto ako ng bitawan niya ang kamay ko at mas nauna na lumakad kesa sa akin. Pagdating sa speed boat ay hindi rin siya nagpabuhat kahit na nakita ko na nahihirapan siyang umakyat. Paano ko naman siya mabubuhat kung pakiramdam ko ay tatapunan niya ako ng masamang tingin? Grabe! Mas nakakatakot pala siya 'pag galit. I know it's my fault. Masama bang ninais ko lang na makasama siya sa isang gabi? 'Di ba hindi naman? Ang gusto ko lang ay ang makatabi siya sa kama at makayakap sa pagtulog. "Sumakay ka na." mahinahon niyang sabi pero sa seryosong tono, kaya para akong sunod-sunuran na sumakay agad. Pinaandar ko ang sasakyan at tumingin sa kanya. I smile when she turned her head to me but she looked away. Hindi pu-p'wede ang ganito! Kailangan na maayos ito dahil nakakabaliw 'pag hindi niya ako kinikibo at pinapansin. Agad din akong bumaba ng bumaba siya agad pagkarating namin sa isla. Tinakbo ko ang distansya namin at hinawakan siya sa braso para ipaharap sa akin. Hinila ko siya payakap habang siya ay nagpupumiglas. "Please, Love, forgive me.... I know it's my fault. But you can't blame me. Gusto ko lang na makasama ka sa pagtulog kaya nagsinungaling ako. Kung sinabi ko ba ang totoo ay papayag ka, ha?" "Hindi mo naman kailangan na magsinungaling at lokohin ako, Seige. Kahit naman sa bahay niyo, kung nais mo akong makatabi ay papayag naman ako. Dahil alam ko responsibilidad ko rin iyon bilang girlfriend mo, pero nakakainis lang dahil hindi ka parin tumitino. Palagi mo na lang pinapairal ang pagpa-prank mo, parang mali ata na magkaroon tayo ng relasyon." kahit na mahinhin ang pagkakasabi niya ay dama ko ang bawat galit sa diin ng kanyang pagsasabi. Hindi ako makagalaw at kinabahan ako sa huling sinabi niya. Agad ko siyang hinabol at niyakap siyang muli. "Please, forgive me, Love... Don't say it again like you want to break up with me." "Bitaw, Seige. Baka may makakita sa atin." sabi niya pero hindi ako bumitaw ng yakap sa likod niya. "Hindi. Hindi ako bibitawan hangga't hindi mo ako napapatawad, at gusto ko na bawiin mo ang sinabi mo. Gusto kong sabihin mo na hinding-hindi ka makikipag-break sa akin kahit kailan." demand ko. "Please, mamaya na natin pag-usapan 'yan. Naiihi na ako." sabi niya kaya dahan-dahan akong napabitaw sa kanya. Agad siyang naglakad ng mabilis kaya agad rin akong sumunod. Pagdating sa bahay ay napahinto ako ng makita ko sila Mommy at Daddy pati na rin ang mga kapatid ko na mga problemado. Tumingin ako kay Magnolia na tinungo ang banyo sa baba kaya naman lumapit na ako kela Mommy at nagtataka na tumingin ako sa kanila. Pansin ko na wala ata si Brat? "Hey! Guys, why are all serious? What happen?" bungad ko pagkaupo ko sa tabi ni Samuel. "Nakipagtanan ang kapatid mo kay Chad." Mom said. "What?" gulat kong sabi. What the! Lintek na Chad 'yan. "Mister, anong gagawin natin? Hanapin agad natin si Bettina. Nag-aalala ako na baka kung saan dalhin ni Chad ang ating anak." bakas sa boses ni Mom na hindi siya mapakali at puno ng pangamba. "Hayaan niyo siya, Mommy. Kusa siyang umalis kaya magkusa rin siyang bumalik." Kuya Duke said. "Kuya, bakit mo naman nasabi 'yan? Wala ka bang pakialam kung mapano ang kapatid natin?" naiinis kong sabi sa kanya. Hindi siya sumagot kundi tumayo siya at naglakad palabas ng bahay. Agad na nag-excuse si Ate Nestle para sundan si Kuya. Napatingin ako kay Mommy na napaiyak dahil alam ko ang naradamdaman niya. Si Bettina lang ang tanging babae sa aming magkakapatid, tapos tinangay pa ng walang hiyang Chad na iyon! Una palang ay hindi ko na gusto si Chad sa kapatid ko. Alam ko na chinese siya at balita ko na may nais na ipakasal sa kanya. Kaya malabo na magustuhan ng pamilya ni Chad ang kapatid ko. Tumingin ako kay Love na naupo sa tabi ni Diko Diesel. Sinabi ni Diko kung ano ba ang nangyayari kaya kami tila pinagbagsakan ng langit. Napakuyom ako ng kamay dahil nakakaramdam ako ng selos kahit na kapatid ko naman ang kinakausap niya. Nang mapatingin si Love sa akin ay binigyan ko siya ng babalang tingin. Pero alam niyo ang ginawa ng mahal ko? Kauna-unahang beses niya akong inirapan. Aba. Marunong pala siyang umirap ha. s**t! Ang ganda niya kahit nakairap. Nagsitayuan na sila Mommy para umpisahan na hanapin si Bettina. Sinabi ko kay Mommy na dito kami ni Love sa bahay dahil baka sakaling bumalik si Brat ay mapapaalam namin. Agad kong hinila si Love sa banyo ng kasambahay. Ni-lock ko ang pinto at sinandal siya sa pader.. "Ano 'yung pag-irap mo na iyon, ha? At bakit kay Diko Diesel ka pa tumabi? Alam mo ba na selos na selos ako?" walang pakundangan kong tanong habang nakatitig sa mga mata niya. "Huwag muna natin pag-usapan ito, Seige. Mas importante na mahanap natin si Tina." sabi niya at haharap sana sa pinto para buksan ng iharap ko muli siya sa akin at sinandal sa pinto. Kinorner ko siya sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay ko sa magkabilang gilid niya at pagdikit ng katawan ko sa kanya. "Hindi tayo lalabas ng banyo hangga't hindi mo ako napapatawad. Sige ka, 'pag may pumasok na kasambahay rito ay baka iba ang isipin." pang-blackmail ko sa kanya. "Oo na. Please, lumabas na tayo." sabi niya kaya napangiti ako. "Good." sabi ko at hinawakan siya sa batok para ilapit ang mukha niya upang mahalikan ko ang labi niya. Smack lang dahil baka ano pa ang sumanib sa akin at hindi niya magustuhan ang susunod na mangyayari. Hinapit ko ang baywang niya para hapitin siya palapit sa akin. Binuksan ko ang pinto at inakay na siya palabas habang nakahawak parin ako sa baywang niya. Inalis niya ang kamay ko ng may makakasalubong kami na kasambahay. Umakyat siya sa taas kaya agad akong sumunod. Pumasok siya sa kwarto niya kaya agad kong binuksan ang pinto ng kwarto niya para pumasok. Ni-lock ko iyon at hinanap siya. Natagpuan ko siya na kumukuha ng damit na pamalit. Nagulat pa siya ng makita ako kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Seige, bakit ka pumasok? Baka pumanik si Ate rito." nangangamba niyang sabi habang kumakalas sa yakap ko. "Hindi 'yan. Gusto ko lang na mayakap ka bawat minuto." sabi ko at sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya habang nasa likod niya ako nakayakap. Tumigil siya sa pagkakalas sa kamay ko at napabuntong hininga. Tinigil niya ang pagkuha sa mga damit kaya hinarap ko siya sa akin habang pisil-pisil ko ang baywang niya. Niyakap ko siya at inaya siyang maglakad palapit sa kama nila. Binagsak ko siya sa kama na kinagulat niya pero ang mas kinagulat niya ay nung daganan ko siya. "S-Seige.." nauutal niyang sabi habang ilang na ilang sa posisyon namin. Tinukod ko ang braso ko sa pagitan ng ulo niya habang nagtitinginan kami. "Sabi ko 'di ba, mahal ang itatawag mo." pagtatama ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa dibdib para alisin sa ibabaw niya pero kinuha ko lang ang kamay niya at pinahawak sa leeg ko. "I have a question. At 'pag hindi mo nasagot ay katumbas iyon ng isang halik." sabi ko. "Huh? Ayoko ng gano'n. Please, umalis ka na. Baka maabutan tayo ni Ate." talagang takot na takot siyang ipaalam ang relasyon namin, ha. "Hindi, gusto kong sagutin mo muna ang tanong ko bago ko sundin ang sinasabi mo." sabi ko at hinawi ko ang buhok niya. "Ano ba 'yung tanong mo?" pagsuko niya. Napangiti ako ng pilyo dahil pumayag siya. "Okay. Ang una kong tanong.. Nung una palang nating magkita, may gusto ka na ba sa akin?" tanong ko habang titig na titig sa mga mata niya. Napaiwas siya ng tingin, "Wala pa." sagot niya na kinangisi ko. "Wrong answer, Love." sabi ko na kinatingin niya na gulat na gulat. "Ano? Bakit mo nasabi na mali ako?" gulat na gulat at nangangamba niyang tanong. "Dahil kita ko na hindi ka makatingin ng sabihin mo iyon." nakangisi kong sabi. "Talaga naman. Wala ka naman pruweba na kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi." pagkakaila niya habang pulang-pula ang pisngi. Inamoy-amoy ko ang leeg niya hanggang sa tenga niya. "Kung nagsasabi ka ng totoo, gusto ko na sabihin mo sa akin ng hindi umiiwas ng tingin." panghahamon ko. Hindi siya nakasagot at napalunok rin siya. Bakas ang kaba sa mukha niya. "Ano? 'Di ba tama ako?" pilyo kong pagtatanong. Humalik-halik ako sa pisngi niya at nang matapat ako sa labi niya ay agad kong sinunggaban. Agad niyang iniwas ang mukha ng laliman ko ang paghalik ko. "Una palang mali ka na agad. Baka sa dami ng mali mo ay hindi na halik ang magawa ko." nakangisi kong bulong sa tenga niya. "Hindi na ako magkakamali. At 'pag nasagot ko ang sunod mong tanong ay aalis ka na sa room namin." sabi niya kaya tumango ako habang nakangiti ng panalo. Umayos muna ako ng pwesto at binuka ang legs niya bago ko ipayakap sa baywang ko. Tinukod ko ang kamay ko sa pagitan ng ulo niya at tumingin sa kanya. "Next question is... kelan ka nagkaroon ng feelings sa akin? At sasagutin mo lang 'yan sa sampong segundo." tanong ko. "Teka! Bakit sampong segundo lang?" angal niya. "One..." pag-uumpisa ko. "Two... Three..." hindi niya alam ang sasabihin dahil pabuka-buka ang labi niya. "Four, five, six, seven, eight, nine,.. Ten. Ting! Times up!" ibig kong matawa dahil hindi say makapaniwala na mabilis akong nagbilang. Binaba ko ang mukha ko pero agad niyang tinakpan ang labi niya. "Isa! Aalisin mo at baka gusto mong may magawa akong iba?" sabi ko habang pilit na inaalis ang kamay niya. Umiling-iling siya at umusog para makaalis pero muli kong hinila ang paa niya at pinayakap sa baywang ko bago siya daganan. Tinaas ko sa t-shirt niya na kinatili niya at agad na pinigil ang kamay ko. Kaya naman sinunggaban ko ang pagkakataon at agad na binaba ang mukha at sinakop ang labi niya. "Hmmmp!" ungol niya. Pinagalaw ko ang labi ko at mas nilalim ang halik. Pinigil ko ang kamay niya na nais na itulak ako. Kinagat ko ang labi niya ng ayaw niyang buksan ang labi niya para sa akin. Napabuka ang labi niya ng kagatin ko pa ang labi niya. Pinasok ko ang dila ko gaya ng napanood ko sa isang video kung paano ang humalik ng hindi makakatanggi pa ang mahal ko. Sinipsip ko ang dila niya at hinalugad ko ang bibig niya bago ko sasakupin ang buong labi niya. Sabik na sabik at para akong nasa langit. Umiwas siya pero agad kong hinawakan ang panga niya at muling sinunggaban ang labi. Diniin ko ang sarili ko sa kanya at alam ko na pareho naming nararamdam ang naghuhumindig kong sandata sa loob ng board short ko. "Magnolia! Bakit nakasara ang pinto? Buksan mo nga at may kukunin ako." Para kaming lasing na nagising mula sa kamunduhan ng marinig namin ang katok at pagtawag ng ate niya. Hingal na hingal kami na nagkatinginan at dali-dali niya akong tinulak kaya napaalis ako sa ibabaw niya at napaupo ako. Inalis niya ang binti nya sa baywang ko at agad na bumaba ng kama. "Magtago ka." sabi niya na natataranta. "Bakit naman? Ano naman kung makita ako rito?" sabi ko at humiga pa ako. "Please, Seige. Huwag mo akong ipahamak." pakiusap niya kaya wala rin akong nagawa kundi sundin siya. Hinila niya ako sa closet niya at pinapasok doon. Hindi ako makapaniwala pero hindi na ako nakaangal ng bigla niya akong itulak dahil malakas na ang pagkatok ng ate niya. Damn! Kung ako ang masusunod, ipapaalam ko ang relasyon namin para p'wede ko na siyang mahalikan kahit may makakakita. Napahawak ako sa alaga ko na hanggang ngayon ay galit na galit. "Relax ka lang. Hindi pa ngayon tayo mapapasabak sa gera." kausap ko rito. "Seige, quite." sita sa akin ni Love. Nakakaloko talaga siya. Nakalimutan niya ata ang tawag niya sa akin. Mahirap bang makasanayan na tawagin niya akong mahal? Tsk. "Ate!" napangiti ako ng marinig ko ang kaba sa boses ni Love. "Bakit tila ka takot na takot?" rinig kong tanong ni Ate Nestle. "Huh? Hindi naman." pagkakaila ni Love ko. "Tsaka bakit parang namumutla ang itsura mo? At parang may naamoy akong pabango ng lalake sa 'yo?" mapanghinala na sabi ni Ate Nestle. Grabe si Ate.. Ang lakas ng pang amoy. Inamoy ko ang sarili ko at naamoy ko ang bango ni Love sa akin. Hmm... Ang sarap amuyin. "Hindi naman, Ate. Masyado atang mali ang pang amoy mo." Go, love! Magpalusot ka pa. "Gano'n ba. Pero teka! Bakit maga ang labi mo? Kinagat ka ba ng bubuyog?" Usisa parin ni Ate. No, ate. Kung alam mo lang na labi ko ang nagpalasap d'yan. "Hahaha! Oo, ate." parang sira na tugon ni Love habang pekeng-peke ang tawa. Napangiti ako dahil ngayon ko napagtanto na magaling magpalusot ang mahal ko. Napakagat-labi ako habang pinipigilan ang pag-ngiti ko. "Oo nga pala. Hihiramin ko ang jacket mo, hindi ko pa kasi nalalabhan ang akin." sabi ni Ate. "Wait, Ate! Ako na ang kukuha, magulo kasi ang closet ko." dinig kong sabi ni Love na alam ko na pinipigilan ang Ate niya sa pagbukas ng closet niya kung saan ako nagtatago. "Edi mabuti at nang maayos ko. Hindi ka naman burara sa gamit, ha? Bakit magulo ang closet mo?" "Hindi, Ate, magulo talaga. Ako na ang kukuha." Nahigit ko ang hininga ko ng dahan-dahan na bumukas ang pinto ng closet. Pero nang makita ko si Love ay nakahinga ako ng maluwag. Sinenyasan niya ako na 'wag maingay pero sinenyasan ko rin siya ng I Love You. Namula ang mukha niya ng maintindihan niya ang sinenyas ko at kinuha ang jacket na nasa gilid ko. Sinara na niya ang pinto kaya napangiti ako dahil tila nagugustuhan ko na ang pagtago ng relasyon namin at patago ko rin siyang unti-unting sasanayin sa gusto kong mangyari. Tangina! Lalo akong mababaliw sa pagmamahal kay Magnolia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD