CHAPTER 14
❤ Magnolia ❤
TAHIMIK ANG LAHAT sa hapagkain at kitang-kita ko kung gaano sila nawawalan ng gana ngayon. Hindi pa kasi umuuwi si Tina at sobra na ang pag-aalala namin sa kanya.
Hindi ko alam na aabot sa punto na makikipagtanan siya kay Chad. Nalaman ko rin na nagkagalit pala si Tina at Kuya Duke bago pa man magdesisyon na sumama si Tina kay Chad.
Napatingin ako kay Seige ng hawakan niya ang kaliwa kong kamay gamit ang kanan niya. Nasa ilalim ang kamay namin kaya walang nakakakita. Pinagsiklop niya ang aming mga daliri.
"Mister, nag-aalala na ako. Wala ka pa bang balita kung nasaan si Bettina?" sabi ni Ma'am Beatrice na puno ng pag-aalala.
"Mommy.."
Napabaling kami ng tingin sa bungad ng pinto ng dinning ng marinig namin ang boses ni Bettina. Nakita namin siya na umiiyak habang nakokonsenya na nakatingin sa pamilya niya.
Agad na napatayo sila Ma'am Beatrice at Sir Dimitri. Agad din silang lumapit kay Bettina at niyakap ito.
Tumayo kami ni Seige at tinignan ang mga ito. Binitawan ko ang kamay ni Seige dahil baka may makakita.
"Anak, salamat at umuwi ka na. Hindi mo alam na masyado kaming nag-alala sa 'yo." mangiyak-ngiyak na sabi ni Ma'am Beatrice.
"Sorry po, Mommy... Daddy, sorry po." umiiyak na paumanhin ni Bettina habang nakayakap sa Mommy at Daddy niya.
"Anak, kasama mo ba si Chad? Gusto namin siyang makausap." tanong ni Ma'am Beatrice.
Napatingin ako kay Seige na humawak sa braso ko at sinenyasan ako na tila dapat na iwan muna namin ang magulang niya at si Bettina.
Tumango ako at sabay kaming lumabas ng dinning area. Humawak siya sa kamay ko kaya takot na napatingin ako sa likod namin at sa paligid dahil baka may makakita.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang akay-akay niya ako.
"In my room." maikling tugon niya at hawak-hawak ang kamay ko na hinila ako paakyat ng hagdan.
Pagtapat namin sa kwarto niya ay binuksan niya ang pinto at hinila ako papasok. Sinara niya ang pinto at ni-lock bago ako hinila papasok.
Binitawan niya ang kamay ko at lumapit syya sa side table niya na tila may kinukuha siya doon.
Nilibot ko ang tingin sa kwarto niya na ang theme ay isang iron man theme.. Lahat ng kulay na nakikita ko ay pula na may itim rin. May malaki siyang collection robot ni Iron man na tiyak ko na napakamahal ng presyo ng bilhin niya ang iron man robot na iyon. Maraming display ng iron man, may malaki, at meron ring maliit na nasa cabinet pa talaga..
Sa bandang kama, ang blanket, bed cover, pillow, at poster sa pader kung saan banda ang kama niya ay puro iron man din.
Ngayon lang ako ulit nakapasok sa room niya at hindi ko alam na mahilig pala siya sa iron man. Hindi ko naman alam kung kelan pa ba ang mga iyon doon o matagal na hindi ko lang napansin noon.
"Love.." napabaling ako sa kanya ng tawagin niya ako.
May hawak siyang sketch pad at pencil na lumapit sa akin.
"Bakit?" tanong ko.
"Gusto ko na iguhit ka. Maupo ka rito sa kama ko" sabi niya at pinaupo ako sa kama niya.
Kinuha ko ang unan niya at pinatong ko sa kandungan ko dahil naka-short ako.
"Talaga? Iguguhit mo ako?" natutuwa kong paniniguro sa kanya.
Kumuha siya ng upuan at patungan ng sketch pad niya at pinatong doon ang sketch pad.
"Oo naman. Gusto kong iguhit ang girlfriend ko." sabi niya kaya napangiti ako.
"Bumabawi ka ba?" sabi ko habang nakalumbaba habang nakatingin sa kanya.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa silya at lumapit sa akin. Nasa harap ko siya kaya umayos ako ng upo at tiningala siya.
"Hindi ito pambawi. Kahit na alam kong mali ang ginawa ko ay hindi ako magsisisi kung nakasama naman kita sa isang gabi." sabi niya at hinaplos ang buhok ko at inipit sa dalawang tenga ko ang hibla ng buhok ko.
Naupo sya sa tabi ko patagilid kaya naka-bend ang isa niyang binti sa space sa pagitan namin. Humawak siya sa baywang ko at pinatong ang baba sa balikat ko.
"Galit ka parin ba, love ko?" panglalambing niyang tanong kaya napangiti ako at pinisil ang ilong niya.
"Hindi na po." sabi ko na kinangiti nyya at humalik sa pisngi ko.
"Good. Promise, hindi na ako magsisinungaling sa 'yo. At ayoko na kakasimula palang ng relasyon natin ay nagagalit ka na sa akin." sabi niya.
"Hindi naman kasi ako magagalit kung nagsasabi ka lang ng totoo. Tsaka pasensya na rin kung hindi ako sanay na ganito tayo. Ngayon palang kasi ako nakipagrelasyon." sabi ko sa kanya.
"Wala bang nanligaw sa 'yo noon?" tanong niya at natawa ako dahil siya ang nagtanong pero sumasalubong na agad ang kilay niya.
"Hmm.. Meron naman... Nung high school ako. Dahil lagi akong nasasali sa Ms. Campus, kaya may nanliligaw rin sa akin na mga kaklase ko at 'yung partner ko. Kaso hindi natutuloy dahil natatakot sila kay Ate." nakangiti kong sabi sa kanya..
"Mabuti pala at takot ang mga iyon sa ate mo, kung hindi ay baka nagkaroon ka na ng ex sa pagkakataong ito." sabi niya.
"Ikaw ba hindi ka takot kay Ate?" tanong ko.
"Hindi." matapang niyang sabi.
"Sure ka?" paniniguro ko.
"Oo naman. Dahil kahit ano pa man ang mangyari ay kaya kitang ipaglaban kahit kanino." sabi niya.
Tila mas nagiging mabait na si Seige. Matitino na rin siyang magsalita na hindi tulad noon na puro kalokohan.
"Sige na, i-drawing mo na ako. Baka mamaya ay hanapin tayo ng pamilya mo." sabi ko sa kanya habang inaayos ang buhok niya.
"Okay." sabi niya at bumitaw na sa baywang ko. Tumayo siya at inayos ang pagkakaupo ko para daw mas makita niya ang bawat detalye.
Naupo siya sa silya at kumuha ng pencil. Natawa ako ng maningkit ang mga mata niya tila sinusukat pa ako gamit ang pencil niya.
Tinignan ko siya ng magsimula na siyang gumuhit. Sumeryoso siya at pinokus ang paningin sa dino-drawing niya.
Isang makisig na lalake si Seige na hindi naman nakakapagtaka dahil nasa lahi na nila iyon. Iniisip ko tuloy kung bakit ako ang nagustuhan niya? Boring akong kasama. Alam ko na ang tulad ko ang hindi niya type. Malayo rin ako sa mga babaeng nasa school na nagpapantasya sa kanya. Tapos hindi naman ako kagandahan. Hindi rin ako mayaman. Ano kaya ang nasa isip niya at sa akin pa siya nakikipagsiksikan?
Humikab ako dahil ang tagal niyang mag-drawing. Nangangawit na ako sa pag-upo at isabay pa na tinablan na ako ng antok. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Kasi naman, ilang na ilang ako dahil para akong nakakulong sa bisig ni Seige. Tsaka hindi ako sanay na may katabing lalake sa higaan kaya nagkunwari lang ako na tulog sa paningin niya.
Pumikit-pikit ang mata ko pero agad akong napapailing dahil baka makatulugan ko siya. Pinalo ko ang pisngi ko at umayos ako ng upo. Nang mapatingin siya sa akin ay ngumiti ako na sinuklian rin niya ng ngiti.
❤ Seige ❤
NANG MATAPOS NA ako sa huling retouch ng drawing ko ay bumaling na ako kay Love. Pero bigla akong napangiti ng makita ko na bagsak na siya.
Kanina ko pa napapansin na inaantok na siya. Pilit kong pinipigilan na mapahalakhak dahil ang cute niya dahil halata na pinipigilan niya na makatulog.
Nilapag ko ang pencil sa drawing board at tsaka ako tumayo. Inayos ko ang suot kong t-shirt habang lumalakad palapit sa kanya.
Hinawakan ko ang binti niya para itaas sa kama para makaayos siya ng higa. Inalis ko ang unan sa kandungan niya at nilagay na lang sa ulunan niya.
She have a perfect, long, and sexy legs. Kahit na morena ang balat niya ay makinis sa ganda ang skin niya.
Naupo ako sa sahig at tumingin sa kanya. Hinaplos ko ang mukha niya na napakaamo at hindi maatim ng konsensya ko na gawan ng masama.
Hinaplos ng daliri ko ang kilay niya, maging ang maliit at pointed nose niya, pababa sa kanyang labi na nadampian na ng aking labi.
Hinaplos ko ang pisngi niya at nilapit ko ang labi ko upang mahagkan ang noo niya.
Tumayo ako at nilapitan ang ginuhit ko para ilagay sa isang frame, para maipakita ko ito mamaya paggising niya.
Pamilya ko lang ang nakakaalam na magaling ako sa pagguhit, ayoko kasi na ipakita sa iba dahil wala rin naman akong balak na ipakita.
Pero dahil sa mahal kong babae ay nais kong ipakita ito sa kanya. Syempre dagdag pogi points din. At gusto ko na makita niya na hindi lang kalokohan ko ang nalalaman niya, gusto ko na malaman rin niya na maipagmamalaki niya ako bilang boyfriend.
Tinabi ko muna sa side table ang frame at tsaka ako muling lumapit sa kanya.
Hinubad ko ang suot kong rubber shoes bago tumabi sa kanya ng higa. Umayos ako para maayos ko rin na maipatong ang ulo niya sa dibdib ko.
Hinaplos-haplos ko ang buhok niya pero napatingin ako sa kanya ng gumalaw siya. Kinamot-kamot niya ang pisngi niya tila naiinis siya, kaya naman pinigil ko dahil baka magkasugat ang pisngi niya kakakamot.
Napaubo ako ng bigla niya akong hampasin sa tiyan ko. Tumingin ako sa kanya kung gising ba ngunit tulog naman?
Napapailing ako dahil brutal pala siya pagtulog, pero paggising ay tila wala siyang lakas na manghampas.
Napaisip ako at napangiti ako dahil may nais akong testingin.
"Mahal..." bulong ko sa tenga niya habang nakaangat ang ulo ko para maabot ko ang tenga niya.
"Hmm.." ungol niya kaya napangiti ako.
"Sinong mahal mo?" tanong ko na binulong ko iyon sa tenga niya.
"Seige.." sabi niya at gumalaw siya at ang pinakamatindi ay 'yung yumakap siya sa baywang ko.
Shit! Ayaw ko nang matapos ito, kung p'wede na ganito nablang. Para akong nasa langit dahil kusa siyang yumayakap sa akin.
"Love, gaano mo ako kamahal?" bulong kong muli sa kanya.
Napahinga ako ng malalim ng hindi na siya sumagot. Kinuha ko ang kaliwang kamay niya at pinagsiklop sa kanang mga daliri ko.
Pumikit na rin ako dahil nakaramdamn na ako ng antok.
Napakunot-noo ako at napadilat ng marinig ko ang paghikbi ni Magnolia.
"Love.." alog ko sa kanya na nakapatong parin ang ulo sa dibdib ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
"'W-'wag!" ungol niya habang humihikbi.
"Love, gising.." niyugyog ko siya sa balikat niya pero hindi parin siya gumigising, "Hey! You hear me? Gising na, love." gising kong muli habang pinupunasan ang tumulong luha sa kanya.
Unti-unti niyang dinilat ang mga mata niya at napatingin siya sa akin na tila naguguluhan siya.
"Love, are you okay?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
Napapunas siya ng luha niya at dahan-dahang umupo kaya naupo rin ako at hinawakan siya sa balikat para paharapin siya sa akin.
"It is a bad dreams? Tell me." sabi ko sa kanya.
"Napanaginipan ko sila Inay." mahinang sabi niya kaya napabuntong hininga ako at hinapit siya upang mayakap.
"Tahan na.. Tiyak ko naman kung nasaan ang magulang mo, siguradong nasa maayos sila." pagpapatahan ko sa kanya.
Tumango siya at niyakap ako ng pabalik. Bumitaw ako ng yakap at hinawakan siya sa kanyang mukha. Dinampian ko ng halik ang magkabila niyang mata at tumingin sa kanya habang nakangiti.
"Ayos na ba?" tanong ko na kinatango niya, "okay, para hindi ka na malungkot.." sabi ko at bumaling sa side table at inabot ang frame kung nasaan ang ginuhit ko, "Look." sabi ko sa kanya habang nakaharap sa kanya ang gawa ko.
Nag-angat siya ng tingin mula sa pagpunas sa luha niya. Napauwang ang bibig niya kaya napangiti ako dahil kita ko ang pagkamangha niya.
"Wow! Ito na ba ang gawa mo?" hindi siya makapaniwala at hinawakan ang frame kaya inabot ko sa kanya.
"Of course. Ano, proud ka na ba sa boyfriend mo?" sabi ko at pagtatanong sa kanya habang pinisil ko ang pisngi niya dahil ang cute niya talaga and she's so pretty.
Tumango siya at nakangiting pinagmasdan ang gawa ko.
Nahiga akong muli at pinaunan ko sa braso ko ang ulo ko habang pinagmamasdan siya na manghang-mangha sa gawa ko.
"Hindi pa 'yan ang maganda para sa akin. Hayaan mo, ipipinta kita sa susunod." sabi ko sa kanya kaya napabaling siya ng tingin.
"Sapat na ito para masabi ko na magaling ka. Tila namana mo sa Mommy mo ang galing sa pag-drawing." aniya.
"Ikaw, marunong ka ba mag-drawing?" tanong ko.
"Hmm.. Medyo lang." sabi niya.
"Sige nga, i-drawing mo ako." request ko.
"Sige ba." nakangiti niyang sabi at sabik siyang bumaba ng kama para lumapit sa sketch pad ko.
Tumagilid ako ng higa paharap sa kanya. Napangiti ako dahil halatang excited siya.
"'Wag kang gagalaw, ha?" bilin niya kaya ngumiti ako at tumango.
Pinagmasdan ko siya habang may ginuguhit siya sa sketchpad. Tumingin siya sa akin kaya kinindatan ko siya na kinapula ng pisngi niya, kaya lalo akong napangiti.
It's not hard to love her, because she's a lovely person and very charming. Lahat ng gusto ko sa babae ay nasa kanya, kaya nga hindi ko na nais pang pakawalan siya.
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa side table at sinet ko sa camera. Kinuhanan ko siya at napangiti ako dahil ito ang kauna-unahan niyang litraro sa akin. Dapat pala, damihan ko ang kuha lalo na dapat ay kasama ako.
"Seige.." napabaling ako sa kanya ng sitahin niya ako.
"Where's the 'mahal' endearment, Love?" naniningkit ang mata kong pagtatama sa kanya.
"Okay. Mahal, please don't move." sabi niya kaya napangiti ako ng maluwag.
"Yes, Boss love." sabi ko habang nakasaludo pa.
Hindi na ako naglikot para matapos na siya. Alam niyo naman na ayokong masyadong napapagod ang Love ko.
Mga kalahating oras ata bago siya natapos at bitbit ang sketchpad ko palapit sa akin.
"Tapos na." nakangiti niyang sabi habang yakap-yakap ang sketchpad ko. Damn! Parang ang sarap maging sketchpad.
Naupo ako ng maayos para makita ko ang drawing niya.
"Patingin." sabi ko kaya nilabas nya na nakabaliktad kaya kinuha ko at binaliktad.
Seryoso kong pinakatitigan ang drawing niya. Hindi ko alam kung bakit nangingilid ang luha ko.
"Seige, nagustuhan mo ba? T-teka--- Bakit tila ka maiiyak?" Tanong niya.
Tumingala ako sa kanya at nilapag ang drawing niya sa kama bago ko hinawakan ang dalawang kamay niya.
"Love..." sabi ko.
"Yes?" aniya.
"Mabuti na lang talaga mahal kita." sabi ko habang pinipigil ang gustong ilabas sa loob ko.
"Huh?"
Napahawak ako sa bibig ko at nang makita niya ang reaksyon ko ay agad niyang kinuha ang unan at hinampas sa akin.
Hindi ko na napigilan ang tawa ko at napahiga ako sa kama habang hawak-hawak ko ang tiyan ko dahil sumasakit na ang tiyan ko kakatawa.
Umiwas ako sa paghampas niya na hindi naman masakit dahil kahit sa panghampas ay ang hinhin parin ng galaw.
"Akala ko kaya ka naiiyak dahil akala ko na-touch ka sa drawing ko, 'yun pala ay dahil napapangitan ka." sabi niya na may bahid ng inis.
Natatawa ako na umayos ng upo at tumingin sa kanya habang hawak-hawak ko ang drawing niya.
"Sorry, Love. Kasi naman, bakit parang shokoy ang itsura ko rito?" natatawa kong sabi.
Nagulat ako na hinablot niya ang sketch pad at nagmartsa siya para lumabas, kaya agad akong napaalis sa kama at napatayo para habulin siya.
Agad kong sinara ang pinto ng buksan niya iyon para makalabas siya. Hinarap ko siya sa akin at kinuha sa kanya ang sketch pad.
"Akin na nga 'yan! Ayaw mo naman sa drawing ko." sabi niya na halata ang inis sa mukha niya. Tinaas ko ang sketch pad para hindi niya maabot.
"No. I'm not saying that I don't like your drawing. Sinabi ko lang na mukhang shokoy pero hindi ko sinabi na ayaw ko, okay?" sabi ko sa kanya.
"Mukhang shokoy, edi panget nga! Akin na nga! Pupunitin ko na lang baka pagtawanan mo pa muli." aniya at pilit muling inaagaw ang sketch pad.
"Sige, agawin mo o gusto mong makatikim ng halik ko?" hamon ko sa kanya na kinabitin niya sa pag-abot sa sketch pad.
Nang ambang aagawin niya ay ambang ilalapit ko rin ang mukha ko ng pigilan niya ako at agad na tinulak ako paalis sa pinto kaya agad niyang nabuksan iyon.
Natawa ako pero nagulat ako ng bigla siyang bumalik at nanlaki ang mga mata ko ng ngumiti siya ng kaakit-akit at humawak sa magkabilang balikat ko na pahaplos.
"Kiss ba?" malambing niyang tanong kaya para akong tanga na napatango ng maraming beses at napalunok.
Nagbaba siya ng tingin sa labi ko kaya nagtaas-baba ang adams apple ko sa sobrang excitement at napapalunok ako ng unti-unti niyang nilapit ang labi niya sa akin.
"Masusunod." sabi niya.
What the f**k!
Napahawak ako kay birdy ko ng tuhudin niya iyon.
"Magnolia!" galit kong tawag habang nakahawak sa birdy ko na napakasakit. Mabilis siyang tumakbo sa kwarto nila at agad na sinara ang pinto.
Shit. Saan niya kaya natutunan ang gano'n?
Pero nang maisip ko si Brat ay tiyak na ito ang naturo.
Damn! Humanda siya sa akin paglabas niya.