CHAPTER 27

3606 Words

❤ Magnolia ❤ "PASENSYA NA SA inasta niya, John." paumanhin ko kay John ng maihatid namin ito sa harap ng dating bahay nila Ate Hanna. "Ayos lang. Kaso, talaga bang boyfriend mo ang maangas na 'yan? Baka lokohin ka lang n'yan?" Umiling ako sa sinabi niya, "Hindi ako lolokohin n'yan, at kahit ano pa siya ay mahal ko siya." sabi ko at tumingin kay Seige na matalim ang mga mata na nakatingin kay John habang nakahalukipkip na nakasandal sa kotse habang hinihintay ako. "Ikaw ang bahala... Pero sa hilatsya ng mukha niya, mukha siyang playboy." sabi nito. Ngumiti na lang ako at umiling dahil kung alam lang nito na hindi man lang makalapit ang ibang babae rito. "Sige, mauna na kami. Ikamusta mo na lang ako kay Aling Joy." sabi ko sa kanya. "Sige, salamat sa pagsundo at paghatid. Mag-iingat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD