❤ Seige ❤ HINDI KO MAPIGILAN na mapaiyak habang unti-unti kong itinaas ang belo niya. She's so beautiful to her wedding gown made by my Mommy. Sobra-sobra ang kaba ko habang ikinakasal kami ng pare rito sa simbahan sa mismong isla. Pero ngayon ay halik na lang ang kulang para mas matawag na kasal na kami. "'Wag ka nang umiyak, mahal ko." nakangiti niyang sabi ng maalis ko belo sa pagkakatakip sa maamo at maganda niyang mukha. "I'm so happy, Love. I can't help but cry at the knowledge that you are already my wife." wika ko habang patuloy sa pagbuhos ng luha ko. Ngumiti siya sa akin na lalo niyang kinaganda. Makita ko lang ang kanyang ngiti ay masaya na ako. Sapat na sa akin iyon dahil alam ko na masaya siya sa akin. Pinunasan niya ang luha ko ng panyo at muling ngumiti, "Hindi mo pa

