CHAPTER 17
❤ Magnolia ❤
NAKAHARAP AKO SA salamin habang pinagmamasdan ko ang suot kong gown na white and cream color.. Habang may napalibot sa ulo ko na flower na puti.
Kulot ang dulo ng buhok ko habang light make up ang nakapahid sa mukha ko.
Masaya ako dahil ngayong araw ang pinakahihintay ng lahat..
Ang wedding day ni Ate at Kuya Duke. Ako ang maid of honor habang bride's maid si Bettina.
Lumakad ako palabas ng room ko para magtungo sa kabilang room. Kumatok ako at tsaka ko pinihit ang pinto para pumasok sa loob.
Pagpasok ko ay nakita ko si Ate na napakaganda sa suot niyang gown. Nakaupo siya sa bed na halatang kinakabahan siya.
"Ate.." tawag ko sa kanya kaya napaangat siya ng tingin sa akin. Kaya lumakad na rin ako palapit sa kanya.
Tumayo siya kaya agad akong napayakap sa kanya paglapit ko.
"Ang ganda mo, Ate." papuri ko ng bumitaw ako ng yakap habang pinagmamasdan siya.
"Salamat, Bunso. Ikaw man, ang ganda mo sa ayos mo." sabi niya kaya natawa kami dahil para kaming tanga na nagpupurian.
"Hmm.. Ate, pagkatapos ba ng kasal ay maiiwan ako rito?" tanong ko. Ngayon ko lang napagtanto na malalayo nga ako kay Ate. Hindi naman p'wede na sumama pa ako sa kanila, nakakahiya iyon.
Hawak niya ang mga kamay ko at inaya ako na maupo sa kama. Hinaplos niya ang pisngi ko habang magkatinginan kami.
"Syempre, kung nasaan ako, nandoon ka rin. Hindi kita pababayaan dahil ikaw na lang ang nag-iisang kadugo ko na kasama ko." sabi niya kaya napangiti ako.
"Pero... paano si Kuya? Nakakahiya, dahil baka maging pabigat lang ako."
"Ano ka ba. Akong bahala doon. Tsaka sa dati nilang bahay ata kami titira, at napakalaki no'n para sa aming dalawa lang."
Napatango-tango ako kasabay ng tatlong beses na pagkatok.
Napatingin kami sa pumasok at nakita namin sila Ate Hanna, Ate's Bestfriend. Tumayo ako para mabigyan sila ng time na makapag-usap.
Lumapit ako sa salamin ni Ate para tignan ang itsura ko. Napangiti ako dahil feeling ko ang ganda-ganda ko sa ayos ko. Kinakabahan kasi ako na baka panget ako sa paningin ni Seige. Ewan, natatawa na lang ako sa sarili ko dahil daig ko pa ang ikakasal.
LULAN nya KAMI ng Car habang kasama ko si Ate. Magkahawak-kamay kami dahil kinakabahan daw siya, kaya tuloy parang ako rin ay kinakabahan.
Nang huminto ang sasakyan sa church ay nauna akong bumaba para alalayan ang gown niya. Ang mahal kaya ng gown ni Ate, halata palang sa mga diamonds na nakalagay doon. Tapos ang ganda pa, bagay na bagay sa kanya.
Inayos na kami ng pwesto ng wedding organizer. Kami ni Tina ang magkasunuran, nasa harap ko si Tina habang ako ay nasa likod niya. Pero syempre, aalalayan ko muna si Ate sa gown niya papasok.
Tumugtog na ang theme song nila at nagsimula ng maglakaran. Inalalayan ko si Ate na makapwesto sa aisle, at nang ayos na ay puwesto na ako sa harap niya.
❤ Third Person's POV ❤
NANG SI MAGNOLIA na ang naglalakad sa aisle ay tila natulala si Seige.
"Tignan mo si Ugok, akala mo siya ang ikakasal kesa kay Kuya." natatawang komento ni Diesel.
Napatingin ang magkakapatid na Drake, Deo, Samuel at Benj kay Seige dahil sa sinabi ni Diesel. Natawa sila ng makita nga ang pag-iyak pa nito na dinaig pa ang kuya Duke nila.
Nang huminto si Magnolia sa gilid ni Seige kung saan nakatayo rin sila Bettina. Tinignan niya ang Ate niya na napakaganda habang lumalakad palapit kay Kuya Duke nila.
Nagtawanan ang magkakapatid dahil sa nawalang pagpapantasya ni Seige dahil hindi napansin ni Magnolia ang paglahad niya ng kamay dito.
Tumingin siya sa nakakatanda niyang mga kapatid at tinignan niya ang mga ito ng masama. Napalingon naman si Magnolia, dahil sa nagtatawanan sa likod niya.
At nagulat pa siya dahil narito pala ang magkalapatid at si Seige sa tabi niya na hindi niya napansin.
"Tsk." asik sa kanya ni Seige na kinataka niya. Napatingin siya sa mga kapatid nito na nagpipigil ng tawa.
Tumingin syya kay Bettina na nakibat-balikat lang habang ngiting-ngiti. Tumingin siyang muli kay Seige na tila inis.
Napabuntonghininga siya dahil tila may nagawa na naman siya na kinainis nito. Hinayaan na lang muna niya dahil ang mahalaga ngayon ay ang kasal ng Ate niya..
-
❤ Seige ❤
MATAPOS ANG WEDDING church ay tinungo na namin ang reception. Kasabay ko na ngayon si Love dahil hindi na siya p'wedeng sumabay sa Ate niya dahil kasabay na si Kuya.
Hindi ko parin siya pinapansin dahil naiinis ako dahil para akong napahiya. Bakit kasi para akong tanga na ini-imagine ko na kasal namin iyon. Tsk!
Tumingin ako sa kanya na sa bintana lang ang tingin. Kaya naman kinuha ko ang isa niyang kamay na nasa kandungan niya. Napatingin siya sa akin ng gawin ko iyon.
"You're quite."
"Hmm.. Wala lang." aniya.
"Okay." sabi ko at hinalik-halikan ang likod ng palad niya.
Pagkahinto ng sasakyan ko sa isang resort namin kung saan gaganapin ang reception, tinanggal ko ang seat belt ko at pati na rin ang kanya.
Pero bago alisin ang seat belt niya ay hinalikan ko muna siya sa labi na kinagulat niya. Ngumiti ako at tsaka inalis ang seat belt nyya. Hindi ko siya nakita ng isang gabi kay sobra ang pananabik ko sa kanya.
Bumaba na ako ng kotse at umikot para pagbuksan siya. Pagbaba niya ay sinara ko ang pinto at humawak ako sa baywang niya.
"Baka makita tayo ni Ate." sabi niya kaya napahinto kami.
"Hindi tayo mapapansin no'n dahil busy ang mga mata no'n kay Kuya at sa kasiyahan. Kaya don't worry." sabi ko kaya tumango siya.
Maraming bisita sila Kuya kaya naghanap kami ng table.
Pinaupo ko siya sa table kung nasaan ang mga kapatid ko na kasama ang mga kasintahan nila.
"Dito ka lang, ikukuha kita ng pagkain." bilin ko sa kanya kaya tumango siya.
Umalis ako sa table namin at lumapit sa mga cater.
"Ito... tsaka ito... 'Yang mga tinuro ko ay dalhin niyo doon sa table namin." utos ko sa mga caters na nakabantay sa pagkain.
Agad silang tumango at hinanda ang mga tinuro kong pagkain kaya bumalik na ako sa table namin.
Naupo ako sa tabi ni Love at pinatong ang isa kong braso sa upuan niya..
"Nasaan ang pagkain?" tanong niya.
"Parating na. Dadalhin ng mga caters iyon." sabi ko na kinakunot ng noo niya.
"Bakit hindi ikaw ang kumuha?" tanong niya at ambang tatayo ng pigilan ko siya.
""Wag na." sabi ko at mas nilapit ko ang upuan ko sa kanya.
Napahinga siya ng malalim at tumango kaya napangiti ako.
"You're beautiful, Love." bulong ko sa kanya at hinalikan ang ulo niya.
"Thank you." sabi nyya kaya napangiti ako.
Nilapag na ang tinuro kong pagkain kaya umayos ako ng upo at inayos ko ang plato niya pati ang spoon and fork.
Sinubuan ko siya na kinaubo ng mga kapatid ko pero hindi ko na pinansin dahil mas focus ako kay Love.
"Balita ko, Magnolia, sasama ka sa Ate mo na tumira sa dating bahay?" tanong ni Diko Deo.
Kaya naman salubong ang kilay ko na tumingin ako kay Magnolia.
"It's that true?" mariin kong sabi sa kanya.
"Oo, kasi sabi ni Ate ay isasama niya ako---"
"No, it's a no. Kung sa maynila ay doon ka na lang sa pad ko." sabi ko sa kanya na pinigil ko kung ano man ang sasabihin niya.
"Pero gano'n din 'yun, sa maynila din naman titira sila Ate, kaya p'wede mo akong dalawin doon." pangangatwiran pa niya.
Binitawan ko ang kutsara at tinidor sa plato namin at nag-excuse ako.
Tinungo ko si Kuya Duke na busy sa pakikipag-usap kay Ate.
"Kuya.." tawag ko sa kanya kaya napalingon sila ni Ate. Sinenyasan ko siya na agad niyang na-gets.
Sa garden kami nagtungo at nakapamulsa akong tumingin sa dagat na kita rito.
"Oh, anong sasabihin mo?" bungad niya ng huminto siya sa tabi ko.
"Si Magnolia, 'wag niyo ng isama sa bahay niyo." sabi ko.
"Pero napagdesisyunan na namin ni Nestle iyon."
"Basta kuya, ikaw na ang gumawa ng paraan, basta hindi sa inyo titira si Magnolia." pagpipilit ko.
"Talaga nga naman. Baliw na baliw ka kay Magnolia." nakangisi niyang sabi.
"Of course..." proud ko pang sabi.
"Oo, sige na, pumasok na tayo dahil baka mainip ang asawa ko." sabi niya na tila tuwang-tuwa ng tawagin niyang asawa si Ate.
Tumango ako at napangiti bago kami sabay na bumalik sa reception.
Pagbalik ko sa table ay wala si Love kaya nilibot ko ang tingin at nakita ko na kausap ni Mommy. Kaya naupo na lang ako at hinintay siya habang nakatingin sa mga ito.
Nang mapansin ni Mommy na nakatingin ako ay agad niyang pinabalik rito si Love.
Paglapit ni Love ay tumayo ako at pinaghila siya ng upuan niya. Nang makaupo siya ay inayos ko muli ang plato namin.
"Anong pinag-usapan niyo ni Mommy?" tanong ko.
"Wala naman, tungkol lang sa regalo daw niya sa akin." sabi nya.
"Regalo? Para saan?" naguguluhan kong tanong muli.
"Bakit masama ba akong regaluhan kahit walang okasyon?" sabi niya kaya agad akong nag-isip ng paraan para bawiin ang sinabi ko. s**t.
"Hindi sa gano'n, Love. Ang ibig kong sabihin ay ano ang niregalo sa 'yo?" pambawi ko.
"Hindi ko pa alam, pero baka paintings niya. Sabi ko kasi sa Mommy mo ang ganda nung paintings na gawa niya nung huli." sabi niya kaya tumango ako. Lihim akong napahinga ng malalim dahil nakalusot ako sa kagaguhan ko.
-
❤ Magnolia ❤
PAGKATAPOS NG PAGDIRIWANG ay sa mansyon ng mga Ford kami dumiretso ni Seige. Doon muna kami dahil may konti rin daw na salo-salo. Pwera na sila Ate dahil paalis na sila para sa honeymoon nila.
Iniisip ko ang sinabi ni Ma'am Beatrice. Hindi ko pa maintindihan kanina dahil pinutol niya dahil nakatingin daw si Seige sa amin. At hindi daw maaaring malaman ni Seige ang pag-uusapan namin.
Narito ako sa kwarto ni Ate at nagsusuot ako ng pang swimming ko. Isang crop top at short na white. At ang pink na bikini ko ay nasa loob nitong suot ko. Naiilang ako pero ito lang ang pang swimming outfit ko.
Pinusudan ko ang buhok ko na pa-messy buns at sinuot ko ang red long cardigan ko para at least matakpan ng konti ang tiyan ko. Sinuot ko ang tsinelas tsaka ako lumabas dahil tiyak na naroon na sila sa beach.
Pagbaba ko ay nagulat ako ng makita si Seige na naghihintay pala sa sala. Nakaupo siya sa sofa habang suot lamang ang swimmer short niya kaya kita ko ang maganda niyang katawan.
Napatayo siya at lumapit sa akin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Tinakpan ko ang katawan ko ng cardigan dahil nahihiya ako.
"Siguraduhin mo lang na hindi bikini 'yan, yari ka sa akin." banta niya kaya lihim akong napabuntonghininga at dumeretso pababa at hindi siya pinansin.
Pero dahil siya si Seige ay nahabol ako at hinawakan ako sa baywang kaya napahinto ako.
"Ano ba." sabi ko at inalis ang kamay niya.
"Bakit ba? Ano, bawal ba? Boyfriend mo ako." banas niyang sabi at muling binalik ang kamay sa baywang ko.
Hindi na ako umangal at nagpatangay na lang sa kanya palabas ng mansyon.
Pagdating sa cottage namin ay nandoon na ang magulang niya at mga kapatid niya.
"Mags, picture tayo!" aya sa akin ni Bettina kaya inalis ko ang kamay ni Seige sa baywang ko at lumapit kay Bettina.
Humawak ako sa balikat ni Bettina at humarap sa camera dahil may hawak siyang selfie stick. Ngumiti ako pagkatapos at doon naman daw kami sa sand habang nakaupo.
"Tanggalin mo na kaya 'yang cardigan mo." sabi ni Bettina na naka-crop top din kaso naka-bikini panty siya.
Nahihiya man akong tanggalin pero hinubad ko na at nilapag ko isang beach chair.
"Nice! Ang sexy kahit hindi pa masyadong revealing. Kaya siguro mukhang s**o na si Sangko kakakapit sa 'yo, may hidden agenda siya sa 'yo." sabi niya.
"Ano ka ba, Tina. Hindi naman gano'n." pagtatanggol ko kay Seige.
"Oo na. Kayo na ang lovers." sabi niya kaya natawa ako.
Inaya niya ako sa may pangpang at nahiga kami bago niya tinapat ang camera.
Pero napatingin ako sa gilid ko ng may naupo.
"Oh, bakit?" tanong ko kay Seige na may dalang towel.
"Tapos na ba kayo?" sabi niya at tinakpan ang tiyan ko ng dala niyang towel pero inalis ko iyon at naupo ako.
"Doon ka muna, Sangko. Epal ka na naman." sabi ni Bettina.
"Tsk. Tigilan mo ako, Brat. Tapos na ba 'yan at nang ma-solo ko na si Love." banas na sabi ni Seige.
Napahinga ako ng malalim bago tumingin kay Bettina.
"Sige, Bettina. Mamaya na lang." sabi ko rito. Napabuntonghininga siya at nakibat-balikat. Tumayo si Tina at bago siya umalis ay lumapit siya kay Seige at inapakan ang paa.
"Argh! Napaka-brat mo talaga!" galit na sabi ni Seige habang nakahawak sa paa.
Napailing ako dahil tila hindi talaga nagkakasundo ang magkapatid na ito. Hinawakan ko ang paa ni Seige kaya napatingin siya sa akin.
"Patingin, hilutin ko." sabi ko sa kanya. Lumapit siya sa tabi ko at inakbayan ako.
"'Wag na. Hindi naman masyadong masakit." sabi niya kaya tumango ako. "Tara, swimming tayo." aya niya.
"Pero hindi ako marunong lumanggoy." sabi ko na kinatawa niya kaya hinampas ko ang hita niya.
"Hindi ka pala marunong, buti sinabi mo. Pero ayos lang, narito naman ako." sabi niya at tumayo. Naglahad siya ng kamay kaya inabot ko at tumayo ako.
Inakay niya ako palapit sa dagat at huminto siya kaya huminto din ako. Pinauna niya ako habang nasa likod ko siya.
"Dito na lang. Malalim na ata 'pag doon pa tayo." sabi ko sa kanya.
"Hindi 'yan, akong bahala." pagkasabi niya ay hinarap niya ako sa kanya at pinahawak ako sa leeg niya, "Kumapit ka sa akin para hindi ka malunod." sabi niya kaya tumango ako.
Hawak-hawak niya ako sa baywang habang naglalakad siya patungo sa pinakamalalim na kaya hindi ko napigilan na mapasampa sa kanya. Niyakap ko ang legs ko sa baywang niya at napahigpit ang yakap ko sa leeg niya.
"Seige, malalim na. Bumalik na tayo." kinakabahan kong sabi sa kanya.
"Hindi pa. Basta kumapit ka lang." natutuwa niyang sabi habang lumalakad parin siya. Halos hanggang leeg na niya ang tubig.
Tumingin ako sa kanya at kita ko na tila enjoy na enjoy pa siya.
"What?" natutuwa niyang tanong ng makita ang reaksyon ko.
"Ibaba mo nga ako. Ako na lang ang babalik doon." sabi ko sa kanya.
"Sure.." nakangiting pilyong sabi niya at binitawan ako sa baywang kaya nag-try ako na ibaba ang paa ko pero agad din akong napabalik sa pagkakapulupot sa baywang niya ng wala akong maabot.
"Nakakainis ka! Bumalik na kasi tayo." sabi ko sa kanya habang nakasimangot.
"Ayoko pa nga. Gusto ko rito, kung gusto mo ay bumalik ka kung kaya mo." nakangisi niyang sabi.
Napasimangot ako lalo habang nakatingin sa kanya at nagsusukatan kami ng tingin.
"I love you." sabi niya habang tuwang-tuwa na natalo ako.
"Hmp!" umirap ako sa kanya.
"Aba! Umiirap na ang love ko. Sige, umirap ka pa may paglalagyan ka." banta niya.
"Tigilan mo nga ako sa pagbabanta mo. Hindi ako takot sa 'yo." sinabi ko talaga iyon sa kanya dahil palagi na lang siya ang nasusunod.
"Talaga? Hindi ka takot sa akin, Love ko?" panghahamon niya.
"Hindi. Bakit naman ako matatakot sa 'yo?" matapang na sabi ko sa kanya kaya ngumisi siya.
"Sabi mo, e. Humanda ka, baka mamaya akinin kita ng tuluyan d'yan." Banta niya at pinisil-pisil ang baywang ko.
"Alam ko ang nasa isip mo." sabi ko habang hawak ko ang baba niya. "Puro kapilyuhan." pagpapatuloy ko at binitawan ang baba niya na kinahalakhak niya.
"Mali, Love. Dahil ikaw lang ang nasa isip ko. Wala ng iba." sabi niya kaya hindi ko napigilan na mapangiti.
"Sure ba na ako lang?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Gusto mong ipagsigawan ko pa." hamon nyya. Napailing ako dahil maniwala ako na magawa niya iyon.
Napakapit ako ng mahigpit sa kanya ng lumakad siya pabalik sa pangpang. Nang mababaw na ang tubig ay bumaba na ako. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila paalis sa pangpang.
Inakbayan niya ako at nagtataka ako kung bakit kami hindi patungo sa cottage namin.
"Girlfriend ko." sabi niya sa nadaanan naming magbabarkada kaya pasimple ko syayng sinaway, "Mahal ko to." sabi pa nyya sa mga ito na kinangiti ng mga ito habang ako ay hiyang-hiya.
Nang makalagpas ang mga iyon ay pinigil ko si Seige.
"Seige, nakakahiya." sabi ko sa kanya.
"Hinamon mo kasi ako." sabi niya lang at inakay pa ako sa kumpulan ng mga turista.
"Good afternoon!" sigaw niya kaya napabaling sa amin ang tingin ng mga turista. "This lady is Mine! I love her so much!" sigaw niya kaya napatalikod ako at napatakip ng mukha dahil hiyang-hiya talaga ako.
Pero pinaharap niya ako at inalis ang kamay ko sa mukha ko.
"And she's my life and world that i don't want to lose." sabi pa niya bago niya ako hinapit at hinagkan sa maraming taong nakakakita.
Nakarinig ako ng palakpakan at tumitili bago niya bitawan ang labi ko. Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo bago niya ako niyakap.
"I love you so much, Love. I will do everything for you. You change me better. Dati, wala pa akong goal sa buhay ko, pero ngayon ang gusto kong maging goal ay makasama ka habang buhay. Doon palang ay masaya na ako. Wala akong pakialam sa ibang babae na nagpapapansin, dahil hindi sila ikaw. Hindi sila ang babaeng nagpapatibok ng puso ko, ikaw lang ang laman nito. Kaya 'wag mo akong iiwan, kundi baka mabaliw ako. Hindi ko kaya." mahabang wika niya na kinaiyak ko habang hindi matawaran ang ngiti sa labi ko bago ko higpitan din ang pagkakayakap sa kanya.
"Thank you for loving me, Mahal ko. I love you, too. And I promise, you are the only one in my heart." tugon ko sa kanya.
Umalis siya sa pagkakasubsob sa balikat ko at tumingin sa akin. Ngumiti kami sa isa't-isa.
Napatili ako ng hapitin niya ako at sabik na sinungaban ang labi ko. Natawa ako at mahinang pinalo ang likod niya bago tinugunan ang halik niya.
"Hoy! PDA much!" agad kaming napabitaw ng halik ng marinig namin ang tinig ni Bettina.
Bumaling kami rito na nakapamaywang kaya nagkatinginan muli kami ni Seige at ngumiti sa isa't-isa.
"She's bitter." bulong sa akin ni Seige kaya kinurot ko siya sa tagiliran dahil baka marinig ni Tina.
Tumalikod na si Tina kaya masaya kaming sumunod rito pabalik sa cottage namin.
Nagkakainan na pala kaya nakisalo na kami.
"Love, iinom lang ako ng konti." bulong sa akin na paalam ni Seige.
"Oh, sige, pero konti lang. Baka magsuka ka." sabi ko kaya ngumiti siya.
"Okay. Thanks, love." sabi pa niya at hinalikan pa ako sa pisngi bago tinungo ang mga kapatid niya at daddy niya na mag-iinuman sa ginawa nilang table.
"Magnolia hija..."
Napabaling ako kay Ma'am Beatrice ng tawagin niya ang atensyon ko.
"Mag-usap tayo. Doon tayo sa likod." sabi niya kaya tumango ako at tumayo sa kinauupuan ko.
Sumunod ako kay Ma'am Beatrice at huminto kami sa pinakalikod nitong cottage.
Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Hija, pinapahirapan ka ba ng anak ko?" tanong niya habang hinahaplos ang kamay ko.
Umiling ako, "Hindi po."
"Nakikita ko na minsan ay pinipilit ka niya. Pagpasensyahan mo na siya."
"Okay lang po iyon, tsaka hindi naman po niya ako pinipilit."
Napangiti siya at napatango bago napabuntonghininga.
"I have an offer for you."
"Ano po 'yun?"
"May kilala akong hospital sa america na nais na magturo sa mga fresh graduate ng medisina rito sa pilipinas. Marami silang maituturo about sa medicine. Nangako ako noon sa nanay mo na pagkatapos mo sa pag-aaral ay tutuparin ko ang pangarap mo na maging magaling na surgeon." sabi niya na hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.
"Nakakahiya naman po. Ayos na po itong pinag-aralan ko." tugon ko.
"Kita ko na hindi sapat, Hija. Alam ko na meron ka pang gustong abutin."
"'Wag na po talaga. Siguro ay makakamit ko po iyon kahit na narito ako." sabi ko.
"Ang anak ko ba ang dahilan?" biglang sabi niya kaya hindi ako nakaimik, "Magnolia, alam ko na masyadong limitado ang ginagawa mo dahil sa anak ko. Kilala ko ang anak ko, kung ano ang gusto niya ay dapat na iyon ang masusunod. Hindi kayo parehong makakaabante kung pareho niyo lang ikukulong ang sarili niyo sa isa't-isa. Nakausap ko si Kuya Xander, nalaman ko na madalas pa ang pag-alis-alis ni Seige sa opisina kesa harapin ang profession niya. Ikaw, alam ko na minsan ay hindi ka rin nakakapag-concetrate sa pag-aaral mo. Ayoko mang sabihin ito, pero masyadong masama para sa inyo ang relasyon niyo. Hindi niyo nakikita ang iba pang bagay kung kayo lang ang nakakulong sa isang madilim na kwarto."
Inaamin ko na natamaan ako sa sinabi niya. Tama si Ma'am Beatrice. Minsan nang bumaba ang grado ko ng palagi kaming lumalabas ni Seige, at halos hindi ako makapag-concetrate dahil palagi kaming magka-text at 'pag minsan ay nagtatampuhan. At ang pinag-aalala ko ay 'yung trabaho ni Seige. Hindi ko alam na lumiliban siya para sunduin ako. Kapag tinatanong ko siya ay palagi niyang sinasabi na wala naman daw siyang client.
"Pag-isipan mo, Magnolia. Two years lang naman. At may kaibigan ako doon na maaaring makatulong sa 'yo. At makakapag-isip ka pa habang hindi ka pa gruma-graduate." sabi pa ni Ma'am Beatrice.
"Love, where did you go?" tanong sa akin ni Seige ng makabalik ako aa cottage.
"Nag-cr lang ako." palusot ko kaya tumango siya at sumandal sa akin bago ipatong ang baba sa balikat ko.
Tila lasing na siya kaya papikit-pikit na siya. Tinignan ko ang maamo niyang mukha na tiyak na nami-miss ko.