CHAPTER 18

2479 Words
CHAPTER 18 ❤ Magnolia ❤ SA LAHAT NG desisyon ko sa buhay ay ngayon lamang ako nahirapan. Hindi ko alam kung ano ang tama kong gawin, dahil kahit hindi ko aminin ay sinasabi ng isip ko na isang malaking opportunity ang inaalok ni Ma'am Beatrice. Pero paano ko ipapaalam kay Seige ito? Alam ko na hindi siya papayag. Nag-ring ang cellphone ko kaya napabalik ako sa sarili. Binaba ko ang pen na hawak ko para kunin ang cellphone. Narito ako sa campus garden dahil lunch break namin. Kaya may time pa ako na i-review ang remaining subject sa last class ko. Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula sa pag-uusap namin ni Ma'am Beatrice, pero hanggang ngayon ay wala pa akong desisyon. "Hello, Mahal." bungad ko kay Seige ng siya ang tumawag sa akin. "I guess, it's your lunch break now, right?" "Yes, hmm.. Why are you asking?" "I'm free now. Can I go to your school now?" Napahawak ako sa noo ko at napahilot doon dahil tama si Tita. "Seige, hindi. Malapit na rin matapos ang lunch break ko, mamaya na lang tayo magkita. Tapusin mo muna ang trabaho mo, okay?" "Okay.." sabi niya at agad na binaba ang tawag. Napahinga ako ng malalim at napahilamos sa mukha ko. "Problem?" Napaangat ako ng tingin ng may nagsalita at nakita ko si Jonathan. Naupo siya sa harap ko na pagitan lamang namin ay ang table na pabilog na gawa sa kahoy. May bitbit siyang softdrinks can na dalawa at nilapag sa harap ko ang isa. "Here. Nakita ko na hindi ka naman nagtungo sa cafeteria." sabi niya kaya agad akong umiling. "'Wag na, I'm okay." tanggi ko. "Sige na, libre ko na 'yan." pagpipilit niya. "Thanks." pasalamat ko na lang dahil mapilit siya. Kinuha ko ang can softdrinks at binuksan. "So... like what I said, you have a problem, right?" Tanong niya. "Paano mo naman nasabi na may problema ako?" "Kita sa mukha mo. 'Yung ford na mayabang ang problema, 'di ba?" "'Wag mo siyang tawaging mayabang." pagtatanggol ko kay Seige. "Okay, hindi na. Pero p'wede mong i-share ang problema mo, baka matulungan kita." Napahinga ako ng malalim at napatingin sa can soft drinks na hawak ko. "Meron akong kaibigan na binigyan ng offer na magkapag-aral sa ibang bansa, kaso may boyfriend siya at dalawang taon siyang mawawala. Nagpapatulong siya sa akin kung ano ang dapat gawin." Napatango-tango si Jonathan tila naunawaan ang sinabi ko. "Kaso hindi mo magawa na ipaalam dahil tiyak na hindi ka papayagan." sabi niya. "Hindi ako, ang kaibigan ko nga iyon. Nagpapatulong lang siya." depensa ko na kinangiti niya. "Kung ako sa kaibigan mo, i-grab niya ang opportunity na ibinibigay sa kanya. Two years lang naman iyon, hindi niya rin mapapansin iyon kung focus siya sa pag-aaral. Tsaka, dapat na intindihin ng boyfriend niya kung talagang may concern ito sa pangarap niya, kahit pa magkalayo sila." Napahinga ako ng malalim dahil lalo ata akong nahirapan. Lahat ng sign at advice na natatanggap ko ay puro grab the opportunity. Ang iniisip ko lang ay si Seige. Tiyak na hindi niya ako papayagan. Napatingin ako kay Jonathan ng tumayo siya, "Tapos na ang lunch break ko, mauna na ako." paalam niya kaya tumango ako. Niligpit ko na rin ang gamit ko at tumayo na para pumasok sa room ko. - ❤ Seige ❤ "YOW! SEGI BOY!" Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ng dalawang tukmol. Ano kaya ang kailangan ng dalawang ito at napasugod rito? "What?" banas kong tanong. "Whoops! Mainit ata ulo natin?" nakangising sabi ni Paul. "Sabihin niyo ang kailangan niyo at marami akong ginagawa." sabi ko at muling tumingin sa laptop ko. "Marami raw ginagawa. Tulala ka nga ng maabutan namin. Ano ba 'yang tinitignan mo sa laptop?" agad kong sinara ang laptop at masamang tinignan si Paul na nagtaas ng dalawang kamay. "Okay, hindi na. Narito lang kami dahil naalala namin na bukas na nga pala ang anniversary niyo ni Magnolia. Ano bang plano mo?" sabi ni Paul. "Kaya nga ako tulala dahil nag-iisip ako ng magandang lugar na kami lang." sabi ko at muling binuksan ang laptop. "May naisip ka na ba?" tanong ni Lawrence. "Yes, I have. Pero napuntahan na namin iyon at hindi maganda ang nangyari." "'Yun ba 'yung isla pag-ibig?" tumango ako sa sinabi ni Lawrence, "Oh, 'yun pala. Mas maganda nga doon dahil maaari niyo ulit lagyan ng bagong memories." Napatango ako dahil tama siya. Kung palitan ko ng magandang memories namin ang isla pag-ibig, baka mas mapaaga ang punta namin sa next level ng relasyon namin. "Okay, I have an idea. Matutulungan niyo ba ako?" sabi ko sa dalawa na ngumiti at tumango. "Sure, Segi boy." sabay nilang sagot. Kaya napangiti ako at muling inisip kung ano ang gagawin ko para maipakita ko kay Love kung gaano ko siya kamahal. IT'S FIVE IN the afternoon and I need to go... Inayos ko ang gamit ko at mabilis na akong umalis ng opisina para sunduin si Love. "Love, palabas ka na ba?" kausap ko sa kabilang linya si Love habang lulan na ako ng sasakyan patungo sa school niya. "Oo, hintayin na lang kita rito." sabi niya kaya napangiti ako at binaba na ang tawag. Binilisan ko na dahil baka mainip siya, pero sa pagliko ko ay napapreno ako ng muntik na akong makasagasa. Bumaba ako ng kotse at tinignan ang babae na nakaupo parin sa kalsada. "Are you okay, Miss?" tanong ko dahil baka nasanggi ko siya. Nag-angat siya ng tingin at nang mapatingin sa akin ay natulala siya. Tsk. "Hey, Miss, are you dumb or what? I said, are you okay?" nababanas kong tanong dahil male-late pa ako nito sa pagsundo kay Love. Biglang nawala ang pagkatulala niya at mabangis ang mukha na tumayo at hinarap ako. "I'm okay, Mr. Yabang. Ikaw na nga itong muntik ng makasagasa, ikaw pa itong napakaantipatiko." sabi niya. "'Wag ka kasing haharang-harang sa daan, kita mong hindi ito tawiran." sabi ko at tinalikuran na siya. "Antipatiko!" galit niyang sigaw pero wala akong pakialam. Sumakay na muli ako at malakas na binusinahan siya kaya napaidtad siya at nagdadabog na umalis sa daan na kinangisi ko. Pinaharurot ko na ang sasakyan at tumingin sa rear mirror ko at nakita ko na paalis na ang babae. Tumingin na muli ako sa daan at niliko ko na kung saan ang school ni Love. Nakita ko siya na nakatayo sa waiting shed. At napatiim-bagang ako na may mga lalake na tila hina-harass si Love. Kaya agad akong bumaba ng kotse at inilang hakbang ang mga ito. "Miss, nagpapakilala lang kami." dinig kong sabi ng isang lalake kaya hinaklit ko ang polo nito at hindi niya inaasahan ang pagsuntok ko kaya natumba siya. "Asshole! How dare you!" galit kong sabi rito at nang susugurin pa ako ng mga kasama nito ay nakatikim rin sila. "Seige!" dinig kong sigaw ni Love ng masuntok ako pero agad akong umiwas ng may maglabas ng kutsilyo at isasaksak pa talaga sa akin. Sinipa ko iyon at sinipa ko ang lalake na nagtangka sa akin manaksak. Tumayo ako at 'yung isa ay sinikmuraan ko. "Ano?" hamon ko sa mga ito na balak pa akong sugurin. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ng pulis station. "Hello, this is Seige Ford. I want you to come here to catch these idiots harassing my girlfriend." "Ngayon na po, Sir? At saan po?" "Yes, now. At Emerald university waiting shed." sabi ko pa at binaba na ang tawag. "Boss, sorry. Hindi na namin uulitin." Ani ng mga gunggong. Matapos nilang bangasan ang mukha ko tsaka sila ngayon nagmamakaawa. Hindi ko pinansin ang mga ito at lumapit ako kay Love. "Are you okay, Love?" nag-aalala kong tanong na kinailing niya at napahawak siya sa mukha ko. "Ikaw nga ang dapat kong tanungin. Tignan mo, tiyak na mamamaga ito mamaya." nag-aalala niyang sabi habang tinitignan ang labi ko na pumutok. "Alam mo naman na isa lang ang gamot d'yan, Love." pilyong sabi ko na kinadiin ng daliri niya sa labi ko kaya napangiwi ako. "Sorry, ikaw kasi. Puro ka kapilyuhan." sabi niya kaya napangiti ako. Napatingin kami sa pulis car na parating kaya tumingin ako sa mga gunggong na patakas. "Sige, go ahead. Magkapatong-patong ang magiging kaso niyo oras na tumakas kayo." sabi ko sa mga ito kaya napahinto sila. "Sir, sila po ba?" sabi ng mga pulis na nariyan na agad. "Oo, dalhin niyo sa prisinto ang mga 'yan at bigyan niyo ng leksyon. Kunin niyo na rin ang kutsilyo sa kalsada na dala nila bilang ebidensya." sabi ko. "Okay, Sir. Pero kailangan po namin kayo para magbigay ng statement." sabi ng pulis. "Sure. Ihahatid ko lang ang girlfriend ko." sabi ko na kinatango nito at inakay na ang mga asshole. "Seige, sasama ako." sabi ni Love kaya napatingin ako sa kanya. Hinalikan ko muna siya sa labi bago kinuha ang libro at bag niya na sinukbit ko sa balikat ko. "'Wag na, kaya ko na ito." sabi ko at inakay na siya palapit sa sasakyan ko. "Pero----" "Shh.. 'Wag na, Love. I can handle this, okay?" pigil ko sa kanya ng matapat kami sa pinto. Pinagbuksan ko siya ng pinto kaya wala na siyang nagawa kundi sumakay. Binigay ko sa kanya ang books at bag niya bago ko isara ang pinto. Umikot ako at sumakay na rin para makaalis na kami. "Gamutin muna natin ang pasa sa labi mo, bago ka magpunta doon." sabi niya kaya lumingon ako saglit sa kanya at muling tumingin sa daan. "Pag-uwi ko na lang, Love." tugon ko at kinuha ang isa niyang kamay na nasa kandungan niya. Hinalikan ko ang likod ng palad niya at pinagsiklop ang aming daliri. "Mamaya ay mabangga pa tayo." tukoy niya sa kamay namin. "Hindi 'yan, wala ka atang tiwala sa akin." nakangiti kong sabi. "Syempre, inaalala ko lang na baka maaksidente tayo." sabi niya. "Don't worry, hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Kaya trust me." sabi ko sa kanya habang nakatingin sa daan at hawak ng mahigpit ang kamay niya na pinatong ko sa isang hita ko. PAGDATING NAMIN SA pad niya ay hindi ko na inayos ang parada dahil pupunta ako sa police station. Bumaba ako at pinagbuksan siya. "Babalik ako rito mamaya." bilin ko sa kanya. "Sige, magluluto na rin ako. Anong gusto mong kainin?" napangiti ako sa sinabi niya. "Pasta na lang." sabi ko kaya tumango siya. "Sige, pumasok ka na." sabi ko pa at hinalikan siyang muli sa labi bago ko bitawan ang baywang niya. Tinanaw ko siya na makapasok bago ako umikot muli para sumakay. - ❤ Magnolia ❤ AGAD KONG HINAWAKAN ang landline phone ng may tumawag sa pad ko. "Yes, hello?" "Bunso, punta ka rito sa bahay namin. May good news kami ng Kuya mo." si Ate. "Talaga? Sige, sige." natutuwa kong sabi. "Papunta na sila Mommy Beatrice, sumabay ka na lang kaya." "'Wag na ate, kaya ko naman." "Gano'n ba. Sige, hintayin kita." "Sure, Ate." "Bye." siya. "Bye, ate." ako. Binaba ko ang landline phone at pinatay ko ang kalan dahil balak ko nga sana na magpakulo ng pasta, pero sasabihin ko na lang kay Seige na kailangan naming pumunta kela Ate. Niligpit ko ang mga kinuha kong gamit bago ako dumeretso sa kwarto para mag-shower at magpalit ng komportableng damit. SUOT KO ANG white lady shirt na may design na floral flower habang suot kong pambaba ay leather brown skirt na pinaresan ko sa white rubber shoes ko na may medyas na puti. Tinarintas ko ang buhok na style na pa-headband para maging maayos naman itsura ko. Nagpupulbos palang ako ng may nag-doorbell sa labas kaya binaba ko ang pulbos at agad na lumabas dahil tiyak na si Seige na iyon. Pagbukas ko ng pinto ay siya nga kaya pinapasok ko siya. "Anong nangyari?" tanong ko sa kanya habang nakahawak sa braso niya. Naupo siya sa sofa kaya naupo ako sa tabi niya habang nakaharap sa kanya. "Okay na. Nabigyan na nang leksyon ang mga gunggong." sabi niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa, "Wait. Bakit nakagayak ka? Saan ka pupunta?" Tinignan ko ang suot ko at hindi naman mukhang na-over ang ayos ko, right? "Pinapapunta kasi tayo ni Ate sa bahay nila ni Kuya Duke. Kaya hindi ko na niluto 'yung sinabi mong pasta, dahil tiyak na may salo-salo." sabi ko sa kanya na kinatango niya. "Okay, pero bago tayo umalis, palitan mo nga 'yang skirt mo, masyadong maiksi." "Ayoko nga, nakakapagod magpalit. Tsaka hindi naman maikli, ayos nga lang." sabi ko. "Tsk. Magpalit ka na." pagpipilit niya kaya tumayo ako. "Ayoko, alis na tayo dahil tiyak na naghihintay na sila Ate." sabi ko at lumapit sa divider kung saan ko naiwan ang sling bag ko. Lumapit akong muli kay Seige na napailing na lang at tinignan ako na tila hindi talaga nais ang suot ko. Bahala siya, hindi naman siya ang nagsusuot kung makareklamo siya. Tumayo siya at inakbayan ako pagkalapit ko sa kanya. "Kung ako lang masusunod, panjama ipapasuot ko sa 'yo." bulong niya at kinagat ang tenga ko. Napaiwas ako at kinurot ko siya sa tiyan na kinahalakhak niya. Napailing na lang ako at lumabas ng buksan niya ang pinto. Siya na rin ang nagsara ng pinto at maging ng gate habang ako ay hinihintay siya sa tapat ng kotse niya. Pagkatapos ay umikot kami at pinagbuksan niya ako ng pinto. Nag-seatbelt agad ako ng makaupo ako at bumaling sa kanya na nagse-seatbelt rin. "Yung pasa mo, gamutin muna natin. Nasaan 'yung binigay ko sa 'yong medicine kit?" Ngumiti siya at binuksan ang tool box sa gilid namin at nilabas doon ang medicine kit na hindi naman kalakihan. Kinuha ko iyon sa kanya at binuksan. Kumuha ako ng cotton ball at alcohol at tsaka humarap sa kanya. "Dapat lagi mong inaalagaan ang sarili mo. Paano kung malayo ako sa 'yo? Sinong gagamot sa mga sugat mo kung sakali?" wala sa wisyon kong sabi. Pinigil niya ang kamay ko na hawak ang bulak na dinadampi sa labi niya, napatingin ako sa kanya na nakatingin sa akin ng seryoso. "What are you saying? You will leave me, ha?" mariin niyang tanong habang napahigpit ang hawak niya sa pulso ko. "Hindi. Kung sakali lang ka ko." kaila ko. Bakit ko ba nasabi 'yun? "Ayoko ng mga sinasabi mo, Love. Hindi ako kailanman makakapayag na iwanan mo ako. Dahil oras na gawin mo 'yun, makikita mo ang magagawa ko." banta niya na kinayuko ko. Binitawan nyya ang pulso ko at kumuha syay ng band aid at siya na ang naglagay sa gilid ng labi niya. Pinaandar na niya ang sasakyan kaya niligpit ko ang medicine kit. Wala ni isa sa amin ang umiimik at ramdam ko na naiinis parin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD