CHAPTER 19

3264 Words
CHAPTER 19 ❤ Magnolia ❤ "SEIGE, WHERE ARE we going?" tanong ko. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang pinaplano ni Seige at sinuotan pa ako sa mata ng blindfold. Akala ko nga ay inis parin siya sa akin dahil sa sinabi ko nung isang araw ng magpunta kami kela Ate. Mabuti naman at wala na ang inis niya sa akin. Oo nga pala, kaya pala kami pinapapunta ni Ate dahil i-a-anounce pala nila na magkaka-baby na sila. Tapos na sabay pa sa revelation na may asawa na rin pala si Kuya Drake na naging sanhin din ng pag-walkout ng magulang nila. "Just relax and sit, Love." 'yun lang ang sinabi niya ng maupo niya ako. Ramdam ko na parang umuga ng konti ang kinalalagyan namin. Binuhat niya ako kaya hindi ko alam kung ano ba ang sinasakyan namin, pero tila tingin ko alam ko na ang kung nasaan kami. Tahimik na pinapakiramdaman ko ang paligid hanggang sa mabuhay nga ang makina ng sinasakyan namin. My guess is right. We are here to his speed boat. "Pupunta ba tayo sa isla pag-ibig?" Tanong ko. "Tsk." 'yun lang ang naging tugon niya kaya napangiti ako dahil tila nabanas siya dahil nahulaan ko ang pupuntahan namin. Hindi naman kasi magaling magtago ng sekreto si Seige. Palagi kong nahuhulaan pero minsan 'pag ganitong sitwasyon ay sinasakyan ko na lang ang trip niya kesa mabanas siya. Mga ilang sandali lang nilaan ng byahe namin patungo sa isla pag-ibig, dahil na rin sa mabilis ang pagtatakbo ni Seige sa Speed boat. Inalalayan niya akong makababa at pinahinto sa paglalakad ng humakbang kami ng kaunti para makaalis sa pangpang. Hindi ko na kasi ramdam ang tubig sa paa ko. Suot ko ang isang stripe dress above the knee and paired with flat sandals. Nasa likod ko siya habang nakahawak sa baywang ko, "After I remove your blind fold, please.. don't open your eyes yet. Just wait my signal, okay?" paalala niya. Tumango ako at pinakiramdaman siya na inaalis na ang blind fold sa mga mata ko. Nang maalis ay hindi ko muna idinilat ang mga mata ko. Pinakiramdam ko muna siya na umalis sa tabi ko. "Now, Love, open your eyes." sabi niya, kaya unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Sa una ay medyo malabo pa pero nang maka-adjust ay napabuka-sara ang bibig ko ng bumungad sa akin ang nagliliparang bula sa paligid. Tapos sa dadaanan ko ay may mga nakatayong flower stand sa mga gilid na may nakalagay na mga iba't-ibang klaseng bulaklak at may red carpet pa na puno ng red petals patungo sa kinatatayuan ni Seige sa dulo nitong red carpet. Kasabay ng dahan-dahan na paghakbang ko ay siyang pagsabay ng musika na may titulong 'The closer I get to you by MYMP' Napangiti ako dahil hindi ko alam na pinaghanda pala niya ang aming anniversary. Akala ko nga ay hindi niya naalala pero nagkamali pala ako. Nang makalapit ako sa kanya ay agad niyang kinuha ang isa kong kamay at dinala sa labi niya upang hagkan, kaya lalo akong napangiti habang nagkakatinginan kami. "You surprised me, mahal." sabi ko na kinailing niya. "Hindi pa dito natatapos ang lahat, Love ." wika niya at hinila ako ng kaunti kaya lumakad ako pasabay sa kanya habang hawak-kamay kami. Tumingin ako sa kanya na kinangiti niya lang. Napangiti rin ako at tumingin sa hagdan na nilalakaran namin. Pero nanlaki ang mga mata ko ng makakita ako ng maraming big life size collection ng Smurf kaya agad akong napabitaw sa kamay nyya at tinakbo ko ang kinatatayuan ng mga Smurf. "Wow!" bigkas ko dahil para talagang kumikinang ang mga mata ko pagkakita ko sa mga ito. Para rin akong bata na nakakita ng laruan. Pero napaaatras ako ng biglang gumalaw ang isang smurf na hawak ko, "He loves you." bigkas nito na kinangiti ko. Kaya naman excited na lumipat ako sa isa at hinawakan, kaya gano'n din ang nangyari, "He always want you." Lumipat ako sa babaeng smurf at "Just say Yes!" Napakunot-noo ako dahil ngayon ko lang napagtanto na tila pamilyar ang tinig ng mga smurf na ginamit. Humarap ako kay Seige na nakangiting lumapit sa akin at humawak sa baywang ko habang nililihis ang hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko. "You like it?" tanong niya at hinaplos ang pisngi ko. Tumango ako at humawak sa batok niya bago ngimiti ng malaki, "Yes, I love it." tugon ko. Humawak pa ang isa niyang kamay sa baywang ko at hinapit ako palapit bago ipulupot sa baywang ko ang braso niya. Pinagdikit niya ang aming noo kaya humahaplos ang aming ilong sa isa't-isa. "I love you so much, Love. You are the only woman I want to marry. You are the only woman I want to see carrying my child. And I don't know what to do if you will leave me." wika niya habang nakatitig kami sa mata ng isa't-isa. Now, I don't know what to do also. Sinasabi niya iyon bilang paalala na 'wag na 'wag ko siyang iiwan. Binaba niya ang labi niya sa labi ko at pinaglapat ang aming mga labi. Pumikit ako ng igalaw niya ang labi kaya kusang sumunod ang labi ko sa kanya. Lumalim ang aming halik na dama ko kung gaano niya ako kamahal sa binibigay niyang halik. Pinapalitan ko rin iyon ng tugon upang maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal. Tunog ng aming labi ang namutawi lalo na ng magbitaw kami. Dumilat ako at nasalubong ko ang masaya niyang mga mata habang nakatitig sa akin. Ngumiti siya at hinalikan pa ako ng isang beses bago niya ako pinangko kaya napakapit ako ng mahigpit sa balikat niya. "Like what I said, hindi dito natatapos ang lahat." sabi niya habang humahakbang siya sa napakahabang hagdan na tinatahak namin. Pag-akyat namin sa taas kung nasaan ang resthouse at mas lalo akong namangha dahil mas dumami ang mga bulaklak sa paligid, maging ang bato na liguang kumukulo ay napapalibutan ng mga bulaklak na iba't-ibang klase. At sa taas ng bubong ng rest house ay nakita ko ang nakaimprintang salita doon. Happy 1st Anniversary Love! "Let's go inside." aya niya sa akin kaya tumango ako at ngumiti. Kinuha niya ang kanang kamay ko at hinila na ako palapit sa pintuan ng rest house. Binuksan niya ito at nahila ako papasok. Pagpasok ko ay namangha na naman ako dahil punong-puno ng iba't-ibang kulay ng lobo ang itaas habang maraming petals sa sahig. Nawala 'yung ibang gamit sa gitna at nilagay muna sa isang sulok para mailagay ang isang lamesa na nakaayos at may dalawang upuan rin habang may candle at flower vase sa ibabaw ng lamesa. Ang mas nakapukaw sa akin ay ang nakasabit sa mga pader. Ang mga guhit ng mukha ko/mukha namin na gamit sa pag-drawing ay ang pencil o di kaya ay paint. Napatingin ako kay Seige na nakangiti pala habang tinitignan ang reaksyon ko. Agad akong napayakap sa kanya dahil sobra-sobra ang effort niya para pasayahin lamang ako sa anniversary namin. "Thank you, Seige. It's too much. You don't know how happy I am now." masayang sabi ko habang yakap-yakap ko siya. "For you, Love. I will do everything to make you happy. and I'm glad you liked my surprise with you." sabi niya habang sinuklian ang yakap ko. Bumitaw siya at inakay ako palapit sa lamesa at pinaghila niya ako ng upuan. Pagkatapos ay naupo na rin siya sa tapat kong upuan. "The food is ready!" Napabaling ako ng may nagsalita at nagulat ako ng lumabas si Paul na nakasuot ng chef uniform habang may bitbit na tray na may takip pa. Napatakip ako ng bibig at natawa dahil hindi ako makapaniwala na kakuntsaba ni Seige si Paul. Binuksan ni Paul ang takip ng hawak niyang tray at tumambad sa amin ang isang beef stake at vegetable salad. "Magnolia, alam mo ba na parang Beef Steak at Vegetable Salad si Seige." sabi niya sa tonong arabo kaya natawa ako. "Hindi, ano ba 'yun?" nakangiti kong tanong at tumingin kay Seige na salubong ang kilay habang nakatingin ng masama kay Paul. "Dahil kasing lambot at ninamnam ng beef steak ang pagmamahal niya sa 'yo at kasing sustansya ng vegetable salad magmahal si Seige. Kaya niyang gawin ang lahat ng kabaliwan, mapasakanya ka lang." sabi ni Paul kaya napangiti ako dahil namumula ata si Seige. "Isa! Malilintikan ka sa akin, Paul!" banas na sabi ni Seige rito. "Enjoy.." nakangising sabi ni Paul at yumukod pa bago umalis. "'Wag mo ngang pakinggan ang sinasabi ng ugok na iyon." sabi niya. "Kung gano'n ay hindi totoo ang sinasabi niya about sa feelings mo sa akin?" sabi ko naman na kinamaang niya. "No, I mean.. f**k! Yes, he's right." sabi niya na namumula ang tenga at napaiwas siya ng tingin bago mapahimas sa batok. Ngumiti naman ako at tumingin sa pagkaing nakalahad sa amin, "Let's eat. Gutom na ako." sabi ko sa kanya. Tumango siya at nagtaka ako kung bakit niya kinuha ang plato ko na pinaglalagyan ng beef steak, pero nang makita ko na hinati-hati niya iyon sa maliliit ay hindi ko napigilan na mapangiti. "Here, you can eat now." sabi niya ng ilapag niya na ang plato sa harap ko. "Thank you." Sabi ko at kinuha ang tinidor at knife para makain ko ang beef steak. Nag-uumpisa palang kami sa pagkain ng mabigla naman ako ng makita sila Bea at Bianca na may dalang wine at water. "White wine for you guys, stay in love." sabi ni Bianca habang sinasalinan kami ng wine. "Thank you." pasalamat ko rito. "At baka ma-empatcho kayo sa sobrang pagmamahal niyo, uminom rin kayo ng tubig para sa mabilis na panulak." sabi ni Bea habang nakangiti. "Thank you rin." sabi ko naman rito. Ngumiti sila bago kami iwan ni Seige muli. Tumingin ako kay Seige na napapangiti habang sinusubo na muli ang naudlot niyang pagkain. Ngumiti rin ako at nagpatuloy, pero nakailang kain palang ako ng mapatingin ako kay Seige na tumayo at inilipat ang upuan niya sa tabi ko kasama pati ang plato niya. "Oh, bakit lumipat ka?" tanong ko. "Wala, gusto ko lang." sabi niya at inakbayan ako. "Hindi ako makakain ng maayos n'yan, e." sabi ko sa kanya dahil masyado siyang dikit. "Oh." alok niya sa beef steak niya na tinuhog sa tinidor. "'Wag na, meron naman akong akin." tanggi ko. "Edi magsubuan tayo." pamimilit niya at inuma sa bibig ko ang beef steak, kaya sinubo ko na iyon na kinangiti niya. Natapos na kami sa pagkain at niligpit na ni Bea at Bianca ang pinagkainan namin. Tutulong sana ako ng pigilan nila ako kaya nahihiya na naupo muli ako. Pagkatapos nila ay maya-maya pa ay heto naman si Lawrence na may bitbit na tray na naglalaman ng dessert, tila balak nila kaming busugin. "Syempre, hindi na mawawala sa katawan ni Seige ang sweet feelings niya sa 'yo. Enjoy.." sabi ni Lawrence ng ilapag ang isang halo-halo na hindi siya pangkaraniwang halo-halo, dahil may iba siyang style. Dahil ice cream siya na may sagot-gulaman na mukhang halo-halo. Tinikman ko at napapatango ako dahil ang sarap. Umulit pa ako dahil ang sarap talaga. Hahanap-hanapin ng panlasa ko. Tumingin ako kay Seige at nahuli ko siyang nakatitig sa akin, "Why?" tanong ko. Yung nakaakbay niyang isang kamay ay humawak sa pisngi ko para iharap pa ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng halikan niya ako, pinasok niya ang dila sa bibig kong nakabuka dahil sa gulat. May naramdaman akong pinasok niya sa bibig ko at tsaka niya ako binitawan ng halik. Gulat na gulat pa ako pero ibinaba ko ang baso ng halo-halo sa lamesa bago ko kunin sa bibig ko ang bagay na pinasok niya sa bibig ko. Pagtingin ko sa bagay na iyon ay napauwang ang bibig ko dahil isang diamond ring. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagpungay ng mga mata niya. "Marry me, Magnolia Ramirez." walang paligoy-ligoy niyang sabi, habang ako ay hindi alam ang isasagot. Kinuha niya sa kamay ko ang ring at pinunasan muna niya iyon bago isuot sa kaliwang daliri ko, kaya napatingin ako sa singsing na sukat na sukat sa daliri ko. "This ring is the symbol that you will marry me, only me. Gusto ko na malaman mo na wala akong balak na pakawalan ka pa, Love. Gusto ko ng makasama ka habang buhay. Kaya 'wag na 'wag mo itong tatanggalin kung ayaw mong makatikim ka sa akin." sabi niya sa tapat ng tenga ko. "Seige, ano kasi, hindi ba parang masyado pang maaga?" alanganin kong sabi na kinahigpit ng paghawak niya sa pisngi ko. "Bakit? Hindi mo ba ako gustong pakasalan, ha?" mariin niyang tanong habang nagkatinginan kami. Umiling ako para sabihin na hindi gano'n. "Hindi naman sa gano'n, kaso hindi pa kasi ako handa." sabi ko sa kanya. Yumuko siya saglit at napahawak ako sa kamay niya ng gumapang iyon sa tiyan ko. Nag-angat muli siya ng tingin at kinabahan ako dahil masyado siyang seryoso at isabay pa ang mahigpit niyang pagpisil sa tiyan ko. "Ayoko nang tinatanggihan ako, dahil baka mauna pa magkalaman ito bago ka makasal sa akin. Kaya kung ako sa 'yo ay papayag ka sa gusto ko." sabi niya na kinakaba ko dahil sa banta niya. Kanina ay komportable ako, pero bakit kinakabahan na ako na makasama siya. Nag-iba na ang reaksyon ng mukha niya ng makita ang takot sa mukha ko. Naging malambot na muli ang reaksyon niya at inalis na ang kamay sa tiyan ko pero hinahaplos-haplos naman niya ang pisngi ko. "Kailan ba ang graduation mo?" malambing na niyang tanong na parang hindi siya nagbanta sa akin kanina. "H-hindi ko pa alam." mahina kong tugon habang nakayuko at nakatingin sa singsing na nasa daliri ko. "Pagkatapos mo sa pag-aaral ay aasikasuhin na natin ang kasal." desisyon niya. Hindi na lang ako umikmik dahil baka bumalik na naman siya sa dati. "Oh, nakapag-propose ka na ba, Segi boy?" Napatingin si Seige kay Paul na nagsalita kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita ko na akbay-akbay ni Paul at Lawrence ang girlfriend nila na si Bea at Bianca. "Yes." nakangiting sabi ni Seige at tinaas ang kamay ko kung nasaan ang singsing. "Mabuti pumayag ka, Magnolia?" nakangising tanong sa akin ni Paul. "Asshole!" banas na sabi ni Seige rito na kinatawa lang ng mga ito. Pilit akong ngumiti dahil hindi ko alam kung ano na ba talaga ang mangyayari sa akin sa piling ni Seige. Nakakatakot rin kasi ang pagbabanta niya at pagiging palautos na gusto ay palagi siyang nasusunod. Mahal ko siya pero hindi naman Mya ako hinahayaan sa desisyon ko. - KAYA NANG MAKAUWI kami at maihatid ako ni Seige sa pad ko ay tinawagan ko agad si Ate para makausap. "Oh, bunso, napatawag ka?" siya. Huminga ako ng malalim habang mahigpit akong nakahawak sa dulo ng pantulog kong pang-itaas. "Ate, may ipagtatapat ako sa 'yo." "Ano 'yun?" "A-Ate, naglihim ako sa 'yo." hindi ko mapigilan na mapaiyak dahil tiyak na magagalit siya. "Huh? Paanong naglihim? Sabihin mo nga para maunawaan ko." "A-Ate, kasi, hindi ko sinabi sa 'yo na magkasintahan na kami ni Seige." pag-aamin ko.. Matagal siyang natahimik sa kabilang linya na kinakaba ko dahil baka galit siya. Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. "Bakit hindi mo sinabi kay Ate, bunso? 'Di ba, sabi ko 'wag kang maglilihim?" "Sorry, Ate. Natakot kasi ako baka magalit ka." "Mahal mo ba siya o pinilit ka lang niya?" tanong niya na may panghihinala. Umiling ako kahit na hindi naman niya nakikita, "Hindi naman, Ate, minahal ko rin naman siya." "E, kung gano'n, ano naman ang ikagagalit ko? Hindi ko naman hahadlangan ang pag-iibigan niyo dahil naranasan ko rin 'yan.. Pero oras na paiyakin at saktan ka ni Seige ay malilintikan siya sa akin." Sabi niya kaya napangiti ako at nakahinga ng maluwag na hindi galit si Ate. "Ate, may sasabihin pa ako." "Oh, ano pa 'yun?" "Pag-aaralin kasi ako ni Ma'am Beatrice sa amerika, para daw matupad ko ang pangarap ko na maging surgeon. Kaso nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ako? Dahil tiyak na magagalit si Seige oras na malaman niya lalo't dalawang taon iyon." "Bunso, 'di ba matagal mo nang pangarap ang maging surgeon?" "Opo, Ate." tugon ko at nahiga sa kama. "Edi tumuloy ka. Kung mahal ka talaga ni Seige ay papayag siya. Kami nga ni Duke noon, limang taon kami nagkahiwalay pero tignan mo, nagkatuluyan rin kami. Kaya kung ako sa 'yo ay sundin mo ang gusto mo, kung talagang kayo ni Seige sa isa't-isa ay kayo parin talaga sa huli." payo niya. Napabuntonghininga ako at nag thank you ako sa kanya bago kami magpaalam sa isa't-isa. Nakatingin ako sa kisame habang iniisip kung ano nga ba ang tama kong gawin. Napaupo ako ng may nag-doorbell, kaya tumayo ako at tinungo ang labas para tignan kung sino ang tao. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Ma'am Beatrice, kaya agad ko siyang pinapasok. "Ma'am, coffee or juice po?" tanong ko ngunit hinawakan niya ako sa kamay at pinaupo sa sofa paharap sa kanya. "'Wag na, at 'wag mo na akong tawaging Ma'am, Tita na lang." sabi niya na kinahiya ko, "Anyway, kaya ako nagtungo rito upang itanong kung handa ka na ba?" "E, T-tita, naguguluhan po kasi ako." nahihiya kong sabi. "Bakit naman?" "Hindi ko po kasi masabi kay Seige ito. At kanina po kasi nag-propose na siya." sabi ko at pinakita ang singsing na kinasinghap niya. "Gusto mo rin ba na makasal agad sa anak ko?" "Gusto ko pong makasal sa kanya pero hindi pa po ngayon. Hindi nga po niya ako pinasagot kung gusto ko ba. Kusa siyang nagdesisyon about po rito." "Hindi ko alam sa batang 'yan kung bakit nagiging gano'n ang ugali." sabi niya at napahawak sa noo, "hindi naman sa ayaw kita sa anak ko. Kaya lang naman kita nais na umalis dahil bukod sa nais kong matupad mo ang pangarap mo ay nais ko rin na malayo ka ng ilang taon sa kanya. Pero hindi naman ako ang magdedesisyon nito kundi ikaw. Ano ba ang plano mo? Gusto mo ba na rito, pero hindi mo naman matutupad ang pangarap mo? O malayo ka sa kanya pero gaganda ang buhay mo?" Hindi ako nakaimik dahil nag-iisip ako kung ano ba ang mas tama. "Magdesisyon ka na ngayon, Magnolia. Para ako na ang mag-aayos ng papeles mo upang hindi rin malaman ng anak ko. Dahil oras na malaman niya ay tiyak ako na magagalit siya, hindi lang sa 'yo kundi sa amin. Ayoko lang kasi na maranasan mo ang naranasan ko sa ama ni Seige. Nung una ay naghirap ako pero kalaunan ay napamahal ako. Pero magkaiba tayo. Alam ko na marami ka pang pangarap sa buhay. At hindi mo matutupad iyon 'pag nakulong ka ng anak ko sa kanya. Sinasabi ko sa 'yo na may pinagmanahan siya sa ama niya. At sinisiguro ko sa 'yo na hindi mo magugustuhan." Napapikit ako dahil kinakabahan ako sa magiging desisyon ko, pero gusto ko pang matupad ang pangarap ko. Hindi ko man nais na saktan si Seige pero hindi ko naman nais na kontrolin niya lang ang buhay ko. Dumilat ako at sinabi ko kay Tita ang naging desisyon ko. Bahala na, pero sana ay tama ako sa magiging desisyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD