bc

Secretly Married with a Hater

book_age12+
63
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
sweet
Multi-professional Billionaire Writing Contest
Writing Challenge
YA Fiction Writing Contest
Writing Academy
Fantasy Romance Ⅱ Writing Contest
Supreme Me Fiction Writing Contest
70 Days Themed-writing Challenge
like
intro-logo
Blurb

Si Ella ay isang dalaga na gusto ng kasal na may pagmamahal, naniniwala kasi siya na sagrado ang kasal, pero hindi ito ang kinahantungan ng buhay niya ng ikasal siya sa isang kilalang binata sa showbiz industry.

He's secretly married with a hater.

She's not in love with her husband.

He's famous and popular Actor.

She's not a fan but a hater and basher.

He's not thoughtful nor a caring husband.

Mahulog kaya sila sa bitag ng pag-ibig?

Kung ang mga puso nila ay taliwas rito?

May uusbong nga ba na pagmamahal?

Kung may iba sila parehong minamahal.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Including the names, places and characters are products of the authors complex imagination. Any resemblances to real life situation are purely coincidental.   "The use of other person's work or ideas without giving credit is plagiarism.” "Plagiarism is a sin not a salt."  Ella Hersey Finley* Gusto kong gumising sa panaginip. Binabangungot ata ako, ito ang unang araw ko bilang Mrs. Salvador. Ang kalbaryo ng buhay ko ay--- "Ahhhhhhh!" napabalikwas ako ng bangon ng may malamig na bagay ang tumama sa katawan ko. "Manang?" nakita ko si Manang Linda na may hawak na planggana. "Good Manang, makakalabas ka na." 'yan ang dapat sa mga babaeng tulog mantika. Tiningnan ko ang nagsalita, si Maximo ang walangyang asawa ko sa papel na nakaupo pa sa sofa at nakangiti sakin. Nanlilisik na ang mata ko sa galit, para siyang nang aasar. "Bilisan mong maligo, sinabihan na kita kagabi na dapat pagkadilat ng mata ko wala ka na sa paningin ko." singhal ko sa kanya na halatang nag uumapaw ang galit sa mga mata niya sakin. Hindi ko siya pinansin at lumabas sa kwartong 'yon. Damuho ka talagaaaaa Maximo Salvador! Wala akong nagawa kundi iyukom ang kamao ko hanggang makalabas siya. Maiiyak ka nalang talaga Ella, dapat kasi lumayas ka nalang noon pa bago mangyari ang kabaliwang ito. Padabog akong nag tungo sa CR at tiningnan ang sarili sa salamin na basang-basa ang katawan. Paliguan ka ba naman ng malamig na tubig habang natutulog. "You may kiss the bride." sayang ang labi ko, unang dumampi sa kupal na 'yon. Kahit anong gawin ko, hindi pa rin naiibsan ang galit ko sa kaniya. Ito ang unang araw na sa iisang bahay kami nakatira, kakalipat lang namin kahapon. Nakaka abno ang set up nang kasal na'to! Napaka walang kwenta. Pagkatapos kong maligo dumeretso nako sa dining area at nakita ko dun ang abno kong asawa na malamang sa malamang kumakain na. "Sarap bang maligo sa higaan?" pambubuska ko sa kanya. Nanlilisik parin ang mata niya at naupo sa tapat ko. "Alam mo mas mabuti pang matulog sa bangketa kesa makasama ang abno na katulad mo." nag iigting ang panga ko habang sinasabi 'yon sa kanya. "Go, walang pumipigil sa'yo." wala akong pakielam kahit saang lupalop ka pa matulog. Hindi ko siya kinibo at kumain nalang ng umagahan, nakakasira siya ng umaga. "Ella ang pangalan mo right?" hindi ako sigurado kung Ella nga ba ang pangalan niya. "Bakit may iba pa ba kong pangalan?" mataray kong saad, nakakaimbyerna siya. Kinasal kami ng hindi man lang n'ya maalala ang pangalan ko. "Gusto ko bago sumikat ang araw, nakaalis ka na ng bahay. Babalik ka lang dito ng hating gabi." kunot-noo kong paalala. Ayoko ng paulit-ulit, at ayoko rin ng issue. O diba may pagka baliw ang isang 'to. Anong palagay niya sakin? "Kung ayoko?" mataray kong tanong. "Edi gagawa ako ng paraan para mangyari 'yon." binigyan ko siya ng kakaibang tingin, napabuhusan ko nga siya ng tubig habang natutulog, baka may mas worst pakong magawa. Kakaiba ang tingin niya sakin, mukhang may mga plano na siya para lang mauwi sa hiwalayan ang kasal na'to. Pareho kaming against sa marriage na nanyari, pero pareho din kaming walang nagawa. "Fine, tutal ayoko din namang makita ang mukha ko sa internet. Makakapag liwaliw pa ko." ngiting tagumpay ang inilaan ko sa kanya. Kilala siyang tao, dahil artista siya. Ako naman normal na taong nag ta-trabaho. Staff ako ng isang medyo kilalang dress designer. May career siyang iniingatan, kaya sikreto ang lintik na kasal na'to. 21 years old na kami pareho, lintik kasing kasunduan iyan bakit kailangang maging totohanan. "Kapag nandito tayo sa bahay pareho, mag-i-stay ka lang sa room mo." mukhang lutang siya kaya nagsalita ulit ako. Ipinag patuloy ko na ang pagkain ko dahil mauuna nakong umalis ng bahay. "Ayaw din kitang makita huwag kang mag-alala Maximo Salvador." inirapan ko pa siya, pero hindi na nya nakita dahil tumayo na siya at mukhang aalis na. Ipinag patuloy ko na ang pagkain ko, wala akong work ngayon kaya makikipag kita nalang ako sa mga kaibigan ko, tutal naman hating gabi pa daw ako dapat umuwi dito. Bakit ako pumayag? Hindi ko din alam. Bago ang lahat, my name is Ella Hershey Finley sa papel may Salvador na. At yung lalaki kanina s'ya naman si Maximo Salvador ang asawa ko sa papel rin. "Madam pasensya ka na kanina, napag utusan lang ako ni Sir." Paghingi ng despensa sakin ni Manang Linda na s'yang nagbuhos sakin ng tubig. "Alam ko po, kaya si Maximo ang may kasalanan. Manang Ella nalang po hindi kasi ko sanay sa Madam." tapos ay ngumiti ako para naman mawala ang kaba niya. Lintik talaga yung epal na 'yun pati si Manang dinadamay sa ka abno-an niya. Aaarggggh! Nakakapangitig ng laman. "Eh si Sir Maximo po ang nag-utos na madam ang itatawag sa'yo ng lahat ng katulong dito sa bahay." "Sige Manang pag tayo nalang dalawa, Ella nalang po." sinuklian naman n'ya ng ngiti ang idea ko. /------/-----/ "Ellaaaaa mylabs!" Tumatakbo na sigaw ni Alley at Marjo na nagtungo sa pwesto ko, alas sais na ng gabi at sa isang Resto Bar kami nag decide na mag meet. May work pa kasi si Alley then si Marjo nag aaral pa. "Na miss ko kayo." tapos kunwari'y nag pupunas ako ng luha, at niyakap naman nila ko ng mahigpit. Ilang weeks ko din silang di nakita at nakasama dahil sa wedding. Pero hindi nila alam bukod sa nagbakasyon lang ako sa kung saan. "Kumusta ang pag ta-travel mag-isa?" Tanong ni Marjo, habang si Alley naka order na agad ng red wine. Nakukunsensya ko dahil bukod sa family ko at parents ni Maximo wala ng ibang nakakaalam ng wedding namin. "Ayon, masaya naman kahit papano." pagsisinungaling ko, sabay bigay ng blangkong ngiti. "Taray buti ka pa, ako busy sa pag re- review at midterm exam na next week." malungkot kong tono, nakakainggit si Ella graduate na kasi s'ya at nag wo-work na. Kung alam n'yo lang na ang travel na tinutukoy ko ay travel na bangungot pala. "Buti pa kayo, ako laging nasasabo nung boss ko." natatawa ako habang sinasabi 'yon sa kanila, lagi akong pinag iinitan nung boss namin. Si Ella nakakaalis, si Alley nag-aaral. Ako napapagalitan. "Ano ba kayo, tuloy ang buhay. Ngayong gabi mag wawalwal tayo!" anunsyo ko sa kanila. Gusto kong makalimot kahit ngayong gabi lang na nakatali na ko sa pesteng Maximo na 'yon. "Wait may isa pang darating." nagkatinginan si Marjo at Ella ng magsalita ako. Di ko naman papalampasin ang araw na'to ng hindi nagkikita si Ella at ang ultimate crush nyang si Ralion. "Oh ayan na pala sya!" Natuon ang tingin ko sa direksiyong tinuturo ng kamay ni Alley, sa pintuan ng Resto Bar mismo. Kakaunti palang ang tao, at hindi pa maingay masyado, maliwanag rin ang paligid kaya agad kong nakilala ang tindig na iyon. "Dito Ralion!" Sigaw pa nina Alley at Marjo. Parang huminto ang mundo ko, naging slow motion ang paglapit niya. Dugdug, dugdug, dugdug. Ganyan kalakas ang pagkabog ng dibdib ko, para kong natulala at nawalan ng gana. Hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko nagkasala ako sa Ultimate crush kong si Ralion. "Hi Ella, long time no see." bati niya sakin ng may matamis na ngiti sa labi. "Wala na, na estatwa na si Ella sa ka gwapuhan nitong si Ralion." pambubuska ni Alley, kaya bumalik sa tamang pag-iisip ang utak kong napadpad kung saan. "Hello, hindi ka busy?" nahihiya kong tanong. Hindi kami ganoon ka close, mas close kasi s'ya kay Alley. Kaya ko lang naman s'ya nakilala ay dahil din kay Alley. "Bakit papaalisin mo ba ko kung sakaling busy ko?" ngumiti ako sa kanya habang sinasabi 'yon. Ang laki na ng iginanda niya at idagdag mo pa ang pamumula ng pisngi niya. Kinikilig pa rin siya sakin. "Ikaw pa mapaalis ni Ella, crush na crush ka kaya nyan." panunukso sakin ni Alley. "Tama na ang harutan, mag walwal na tayo!" Sigaw ni Marjo, kaya umorder na sila ng maiinom at pulutan. Buong inuman nakatingin lang ako kay Ralion, di pa rin kumukupas ang kagwapuhan niya. "Cheers para sa pagkikita ni Ella at Ralion!" si Alley ang nanguna. Kaya nag cheers kami, hanggang sa malasing na yung dalawa at nagpaalam ng mauuna. Kaya ang ending kaming dalawa nalang ni Ralion ang nandito sa Resto Bar. "Kumusta ka na?" tanong ko sa kaniya, chance na siguro 'to para maalok siyang ligawan. "Eto magulo ang utak haha." tipid kong sagot. Hindi pa naman malakas ang tama sakin ng alak kaya matino pa kami pareho. "Alam mo ang tagal mo na kong crush no, pero never ko pang nalaman ang dahilan ng pagkakaroon mo ng crush sakin?." ilang taon na din, simula nung nag confess siya. Pero wala pakong balak noon na pumasok sa isang relationship. Pero hindi ko siya nirereject. Ralion naman bakit ngayon mo pa naisipang itanong sakin ang mga ganyang bagay. Kung kailan kasal nako. "Crush kita kasi ang kulit mo, mabait ka at sweet. Haha nakakahiya." tipid na tipid ang sagot ko. Noon halos ipangalandakan ko kung bakit ko siya gusto, pero ngayon parang wala nako sa lugar. "Crush mo---" Phone ringing .. "Wait lang, okay lang ba?" Mabuti nalang at tumango siya, kaya nagmamadali akong lumabas ng resto bar para sagutin yung tawag. Nagkaroon ako ng rason para iwasan ang itatanong niya. Napasandal nalang ako sa poste ng ilaw at tinakpan ang bibig, dahil hindi ko mapigilan ang luha ko. Ito yung moment na matagal kong hinintay. Yung moment na iya-accept na ni Ralion yung feelings ko sa kanya. Alam kong nung nakausap ko s'ya kanina ramdam ko nang iba ang tingin nya sakin, liligawan nya na siguro ko. Pero kasal na ko. Mahal ko s'ya hindi ko naman maidi- deny 'yung fact na 'yon. Pero yung truth na dala-dala ko na yung apelido ni Maximo, paano? Phone Ringing.. Salvador calling.. Vote, comment, share n'yo na din! Stay tuned for more updates!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
174.6K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

His Property

read
955.6K
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.6K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.5K
bc

Fight for my son's right

read
152.3K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook