Mabilis ang naging takbo ng oras para sa akin. Parang kahapon lang ay kinakabahan pa ako habang hinihintay si Nanay na buksan ang pinto ng bahay noong unang araw ko rito, pero ngayon ay kumikirot na ang tiyan ko habang nakahawak sa counter top ng kusina.
Bigla na lang kumirot ang tiyan ko habang nagtitimpla ng gatas bago sana ako matulog. I suddenly felt a warm liquid flowing down on my legs.
I dropped the glass I was holding when the pain started to become unbearable. Hindi ko na napigilang sumigaw dahil sa sakit habang naiiyak.
Nakarinig ako ng malalakas na yabag pababa ng hagdan, then I saw Sever rushing towards me. Sa likod niya ay si Nanay na mukhang nagising mula sa kaniyang pagtulog.
They both acted quickly but calmly, dahilan upang kumalma rin ako kahit papaano. Agad kinuha ni Nanay ang inihanda kong bag na dadalhin ko sa ospital kapag dumating na ang oras na ito.
Sever kept on telling me things that calmed me down while he was guiding me toward the car. Agad niyang pinaandar ang kotse nang makasakay na kaming dalawa ni Nanay sa likod. Good thing ten minutes lang ang layo ng ospital mula sa bahay kaya agad kaming nakarating doon.
I was in labor for four hours. Matapos niyon ay hindi na ako pinahirapan pa ng mga anak ko dahil agad din silang lumabas. Laking pasasalamat ko pa dahil normal ang aking naging delivery. Walang kahit anong problema ang nangyari at lumabas nang buo ang mga anak ko.
I passed out after giving birth due to exhaustion, na normal naman na nangyayari sa tuwing may nanganganak.
I woke up feeling a sharp pain coming from my lower part, pero hindi ko alintana iyon nang marinig kong makikita ko na ang mga anak ko.
My mother told me that my twins were born in different dates. My first born was born yesterday, November 30, while the second one was born earlier today, December 1. Maghahating-gabi pala noong nanganganak ako sa kanila.
I was bawling my eyes while hugging my mother. “I am so proud of you, anak. Ang popogi ng mga apo ko. Ang saya-saya ko!”
Sever was also sitting on a chair just beside my bed. May hawak-hawak itong cellphone na kasalukuyang nakatutok sa akin. Gusto ko siyang sawayin dahil sigurado akong mukha akong sabog na sabog sa hitsura ko ngayon pero naalala ko na mas maganda kung ivi-video niya ito for the memories.
Bahala na kung naghalo na ang pawis, luha, at laway sa mukha ko dahil sa kakaiyak at gulo-gulo ang buhok ko dahil hindi pa ako makasuklay man lang. I would love to watch the video again and again kapag gusto kong balikan ang araw na 'to.
The first day that I met my babies.
“You delivered them safely and bravely. Congratulations, Zalaria.”
Minutes passed and the door swung open. Iniluwa niyon ang isang nurse na may tulak-tulak na parang cart kung saan nakahiga ang mga anak ko.
Malayo pa lang ay kitang-kita ko na sila. Malakas at mabilis ang pagtibok ng puso ko habang hinihintay silang makalapit sa akin. Walang tigil din ang pag-agos ng luha ko habang nakatingin sa kanila hanggang sa tuluyan na silang makarating sa tabi ko.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang inilapit na ang dalawa sa akin. Halos manghina ako sa tuwa habang tinatanggap ko ang batang inaabot sa akin ng nurse.
“He's your first born, Maʼam.”
Rumagasa ang mga luha mula sa mga mata ko nang tuluyan kong mabuhat ang baby ko. Ang isa naman ay nakita kong binuhat din ng nanay ko.
I suddenly felt so powerful and blessed. Hindi ko inakalang dinala ko ang dalawang 'to sa loob ng siyam na buwan. Ganito pala ang feeling ng maging isang ina? Hindi mapapantayan ng kahit ano. Napakasarap sa pakiramdam.
My baby looked so fragile in my arms. Ang popogi ng mga anak ko!
“Hello, baby Ruin.”
His small hands moved. Bigla itong gumalaw, nagising ko yata. Ruin then yawned that made my heart melt with his cuteness.
Anak ko talaga 'to. Pogi na, cute pa.
“Ruin lang?” Sever asked while staring at us with his teary eyes.
Ngumiti ako at nilaro ang kamay ng aking anak. Agad naman nitong pinulupot ang kaniyang maliliit na daliri sa hintuturo ko.
“Theron Dionysus. Ruin for his nickname.”
Halos mahulog ang puso ko nang imulat niya ang mga mata niya, dahilan upang masilayan ko ang mga ito.
Lagot. Gray eyes.
Humagulgol akong muli. Hindi ko maikakailang hindi ko makita ang features ko sa mga anak ko unang kita ko pa lang sa kanila. Tapos, pati ba naman sa mga mata?!
Ni hindi ko nga inisip nang matagal ang tatay nila kahit minsan sa araw-araw tapos, sa kaniya pa rin lahat nakuha?!
Luging-lugi naman yata ako rito.
“Anak, ang ganda ng mga mata nila.”
Napalingon ako kay Nanay at nakitang gising din ang anak ko na hawak niya. 'Yon nga lang, mas behave ang batang hawak niya kaysa sa una kong binuhat. Naglilikot na kasi agad sa kamay ko si Ruin. Parang paiyak pa nga.
“Anong pangalan nito, 'nak?”
“Hyron Asclepius po. Aero for short, 'nay.”
“Grabeng mga pangalan 'yan. Mabuti at naisipan mo ng nickname.”
Bahagya akong natawa, pero muli rin akong naiyak nang maalala ang mga mata ng pogi kong mga anak. Mukhang hindi ko sila maiuuwi sa Pilipinas.
Pinabuhat sa akin ni Nanay si Aero sa kaliwang braso ko, habang nasa kanan naman si Ruin. Kinuhanan kami ng ilang litrato ni Sever bago ko ipinahawak sa kaniya si Ruin dahil mukhang gusto niya ring kargahin.
Hindi ko napigilang matawa nang tumulo ang luha nito. “Mukhang wala ka naman yatang nakuha? Parang hindi mo naman mga anak, oh,” komento pa niya.
Napailing na lang ako at sinubukang ihele si Aero nang humikab ito, tila inaantok.
Magkamukhang-magkamukha ang dalawa. Mabuti na nga lang at may nakita agad akong palatandaan sa kanila. Ruin has a small dot of mole under his left eye while Aero also has the same mole above his right eye. Maliliit lang ang mga iyon pero sapat na para gawing palatandaan.
Hindi ko maiwasang isipin na sulit din naman ang pakikipag-one night stand ko noong gabing 'yon. Ang popogi naman ng mga ibinigay sa akin.
Agad din akong nakalabas ng ospital pagkatapos ng ilang araw. The first few weeks with my babies are quite tiring but all worth it. Unti-unti na rin akong nakaka-adjust sa mga pagbabago. Yung mga oras kung saan gigising ako sa kalagitnaan ng gabi para timplahan sila ng gatas o para patulugin muli dahilan upang halos hindi na ako makatulog— I treasured it all.
Hindi rin naman ako masiyadong pinahirapan ng mga anak ko dahil hindi sila iyakin kaya naman ang suwerte ko talaga.
Naging malapit din si Sever sa mga anak ko. Kaya lang, kinailangan niyang umalis at bumalik sa trabaho pagkatapos ng isang buwan pagkapanganak ko. Natapos na rin kasi ang break niya.
Dahil doon ay nag-hire kami ng makakatulong sa amin sa bahay, sa bahay lang dahil gusto namin ni Nanay na kaming dalawa ang naka-focus kay Ruin at Aero. Kampante naman ako dahil si Sever mismo ang naghanap ng tutulong sa amin bago siya umalis. Mabait naman ang babaeng nahanap niya at mukhang maaasahan talaga.
Mabilis pa rin ang naging takbo ng oras. My babies finally turned one month old. Dahil kami-kami lang din ay maliit lang na salo-salo ang hinanda namin ni Nanay. We celebrated it while talking to Sever through video call.
Kakapatulog ko lang sa mga anak ko nang dahan-dahang bumukas ang pinto at iniluwa ang nanay ko na agad na tumigin sa akin.
“Anak, nag-order ka ba? May delivery sa labas.”
Agad akong tumayo upang tignan ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang malalaking box sa labas. Sa harap ng bahay namin ay may nakaparadang itim at mukhang mamahalin na kotse kung saan galing ang lalaking naka-mask na itim habang may buhat-buhat na box at papalapit sa akin.
Ang taray ng delivery boy dito, ah? Ang expensive tignan. Mula sa kotse hanggang sa pormahan.
“Zalaria Azuelo. Is it you, Maʼam?”
Agad akong tumango sa kaniya, nagtataka pa rin. Sa akin nakapangalan pero hindi ko natatandaan na nag-order ako, ah?
“Are you sure that's mine?”
Baka may kapangalan lang ako? Pero imposible, ang unique kaya ng pangalan ko. Pinag-isipan iyon nang mabuti ng nanay ko.
“Yes, Maʼam. This is the exact address written on the delivery information.”
Bigla akong kinabahan. Ang dami-dami, magkano naman kaya 'to?
“How much?”
“It's already paid, Maʼam. May I take a photo of you with the packages for the proof of delivery?”
Nanlaki ang mga mata ko. “Hala, sandali— I mean, wait!”
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay at humarap sa salamin upang ayusin ang sarili. Mabilisan kong sinuklay ang buhok kong sabog-sabog bago sinuguradong maayos ang dress na suot ko.
Kadalasang dress na hindi masikip ang suot ko dahil mas madali sa akin lalo na nang magsimula akong magpa-breastfeed para easy access. Tatanggalin ko lang ang pagkakatali ng strap ay okay na.
Agad din naman akong lumabas nang matapos. Feeling ko nga ay ang awkward pa ng ngiti ko nang kuhanan ako ng picture ni Kuya. Halos mapanganga pa ako nang makitang DSLR pa ang gamit niya.
Tinulungan na rin kami ng lalaki na ipasok ang lahat sa loob ng bahay dahil ang ilan sa mga 'yon ay mabibigat. Pati ang nanay ko ay nagulat sa dami at laki ng mga box na dumating.
“Thank you!”
The man bowed his head at me politely before leaving. Agad naming binuksan ni Nanay ang mga box at nakitang karamihan doon ay bundle ng diapers. Ang mabibigat na box naman kanina ay mga gatas na pang-infant at merong din para sa Mommy. Meron ding mga set ng feeding bottles na kasama. May mga vitamins din at ang mas nagpatuwa pa sa akin ay ang mga pares ng mga damit at lampin para sa mga baby ko.
I took a picture of all the items then sent it to Sever. Itong lalaking 'to, may regalo pala sa mga anak ko hindi manlang sinabi! Kausap ko naman siya kaninang umaga.
Ilang minuto lang ang nakalipas at agad itong nakita ng lalaki. Ilang segundo pagkatapos ay tumawag siya sa akin.
Sinalubong ko siya ng isang malawak na ngiti. “Huy, it's here na! Ang dami naman nito!”
Base sa background niya ay nasa trabaho siya. Parang office? Half body lang ng lalaki ang nakikita at kasalukuyan siyang nakaupo sa isang swivel chair. Nakasuot siya ng black leather jacket at black ribbed top naman sa loob.
“Huh? Saan galing 'yan?”
Umirap ako. “Kunwari ka pa! You bought it all for me and my boys, right? Nakapangalan sa akin at kadarating lang kanina.”
Natigil siya sandali habang nakakunot ang noo na para bang napapaisip. Maya-maya ay dahan-dahan siyang lumingon sa gilid niya. Hindi ko alam kung may tao ba roon o ano dahil hindi naman na ito hagip ng camera niya. Agad din naman niyang ibinalik ang tingin sa akin.
“Oh.”
Bumungisngis ako. “Thank you, Sever! Maaasahang daddy ka talaga. I love you so much!”
Bigla siyang nawalan ng kulay sa mukha. “R-Right. Y-You're welcome, Zalaria. I-I need to hang up now, a-ayaw ko pa m-mamatay.”