“Sever, kailan ka ba uuwi rito?”
“Next week, why?”
“Tulungan mo nga ako!”
“Regaluhan ko na lang sila. Ano bang magandang regalo? House and lot? Saang bansa ba?”
Kung puwede lang sana manapak online, nasapak ko na siya.
“Sever!”
Ngumisi siya, halatang inaasar ako. “Or they want cars? Aero like cars, right?”
Hindi ko na napigilang umirap.
Kanina pa ako nakatulala sa papel na nakalapag sa harap ko habang nilalaro ang ballpen na hindi ko magamit-gamit dahil wala naman akong maisulat. Kasalukuyan akong nasa kusina at ka-video call si Sever. Mula sa screen ng cellphone ko ay nakikita ko na nasa loob siya ng sasakyan niya, nagmamaneho.
Napapaisip ako about my babiesʼ first birthday. Hindi ko alam kung paano ko ice-celebrate. Nagpaplano na talaga ako kahit four months pa naman ang layo niyon.
“Grabe ka naman manampal ng kayamanan mo. Sapul na sapul ako.”
“Kidding aside. Ano bang gusto mo?”
“I want it to be memorable.”
“Gusto mo memorable? Edi ipakilala mo sa tatay nila.”
Napairap nanaman ako. “Ni hindi ko na nga maalala pangalan ng lalaking 'yon.”
Napataas siya ng kaliwang kilay. “Are you even serious?”
“I am. Performance niya lang ang hindi ko makalimutan. Sarap eh, ginalingan.”
Ngumisi ako nang makitang halos hindi na maipinta ang mukha niya habang nagmamaneho. “Tangina, Zalaria.”
Ilang beses pa siyang napamura dahil sa akin.
“Seryosohin mo kasi ang tanong ko!”
Umirap siya. “Seryoso naman ako ro'n. Ipakilala mo sa tatay nila, that's my idea.”
Halos maiyak ako dahil sa sinabi niya. Pinapamukha talaga ng lalaking 'to na walang ideya ang naka-one night stand ko na may mga anak na siya sa akin.
Malas niya. Hindi niya nasisilayan ang ganda ng lahi niya.
“Gago ka ba? Mamaya nga ay may mga anak na rin 'yon sa kapatid ko!”
His forehead creased. Nakita kong itinigil niya ang sasakyan niya bago inilapit ang cellphone niya sa mukha niya.
“Hindi mo pa alam?”
Kumunot din ang noo ko dahil doon. Unlike earlier, he sounded so serious. “Huh? Ang alin ba?”
Natigilan siya sandali na tila pinoproseso ang sinabi ko. Bigla akong kinabahan sa kaniya.
“I thought you knew.”
“Ano nga?!”
He stopped for a moment, tila nasindak sa sigaw ko.
“Patay na si Astean, Zalaria. Patay na ang kapatid mo.”
Natigil ako.
“W-What?”
Paano?
“A-Anong sabi mo?”
Dahil ba sa sakit niya?
She didn't survive? Gano'n ba naging kalala ang sakit niya?
“Patay na ang kapatid mo, Zalaria,” he repeated. “It scattered through the news in the Philippines. Nalaman ko lang din pag-uwi ko sa Pilipinas.”
Hindi pa rin ako nakaimik dahil sa gulat. Hindi man kami lumaki nang magkasama, kapatid ko pa rin naman 'yon. Kahit na hindi maganda ang relasyon ko sa tatay namin, I still cared for her.
“She died the exact date that we went in Spain to sign the documents for your long break.”
Matagal-tagal na rin pala?
“Ang sabi noong una, she died because of her illness. Pero, muling naungkat ang pagkamatay niya nang may kumalat na balita na may pumatay sa kaniya. Kaya ko rin nalaman dahil doon. Naging usap-usapan iyon sa bansa these past few months.”
Bigla akong nanghina. Sino naman ang pumatay sa kaniya? As far as I know, walang naging mabigat na kaaway si Astean.
“I am sorry. I thought you already know kaya hindi ko rin nasabi,” Sever said after receiving a long silence from me.
Sa huli ay hindi rin kami nakaisip ng plano. Agad kong nakuwento kay Nanay ang balita nang magising siya. Even her felt sad dahil kahit papaano ay naalagaan niya rin si Astean noong nangangatulong pa kami sa mansyon ng tatay ko. Napalayas nga lang kami nang malaman ng legal na asawa ng ama ko ang tungkol sa amin, pero bago 'yon ay pinahirapan muna niya kami.
Naging lihim din kasi ang nangyari sa magaling kong tatay at kay nanay noon. It happened before my father and his legal wife got married. Sa pagkakaalam ko ay nagsimula rin sa arranged marriage ang relasyon nila. Wala ring nakakaalam na ang amo ni mama ang ama ng pinagbubuntis niya noon, which is ako, dahil wala ni isa ang may alam tungkol sa naging affair nila. Nanatili lang naman si Nanay noon sa mansyon para tulungan siya ng tatay ko. Pero wala namang nagawa ang lalaking 'yon nang palayasin kami ng asawa niya.
It was very chaotic and toxic. Ayaw ko na itong alalahanin pa.
“Anak, may bibilhin lang ako sa labas. Nasa sala na ang dalawa.”
Agad akong nagpunas ng kamay pagkatapos maghugas ng mga pinagkainan namin bago tumango sa Nanay ko.
“Ingat ka, 'Nay.”
Agad kong pinuntahan ang mga anak ko. Naabutan ko silang nakahiga sa kanilang crib. Nang silipin ko sila ay halos matunaw ang puso ko nang sabay silang ngumiti sa akin.
“Hello, poging babies ko.”
Hindi ko na napigilang halikan ang mga pisngi nila dahilan upang bumungisngis sila.
Unti-unti ko nang nakikita ang features ng tatay nila sa kanila. Mula sa kilay, ilong, at sa hugis ng labi, sa lalaking 'yon nila nakuha. Pagdating naman sa kulay ng mata, taob na taob na agad ang genes ko. Hindi ko naman masabi na sa akin nila nakuha ang maputing kulay nila dahil sa pagkakaalala ko ay maputi rin naman ang tatay nila.
Uunahan ko na rin sa height, paniguradong sa tatay din nila makukuha ang height nila. Magna-nine months pa lang sila pero ang laki-laki na nila. Malaki rin sila noong ipinanganak ko. Ang laking tao rin naman kasi ng tatay nila.
Nagbuntis lang talaga yata ang role ko rito.
Pagdating naman sa ugali, magkaibang-magkaiba ang dalawa.
Aero was a calm baby. Maririnig ko lang itong umiyak kapag gutom na. Siya yung baby na magigising sa gitna ng gabi pero hindi iiyak. Hindi ko pa malalaman na gising siya kung hindi ko pa siya makikitang gumagalaw. Hindi siya mahirap patulugin. Minsan nga ay nakakatulog na siya mag-isa kapag nakaramdam ng antok. Hindi rin siya palatawa, kabaliktaran ng kakambal niya.
Ruin was a bubbly baby. Hindi masiyadong iyakin pero grabe kung bumungisngis. Lingunin ko lang nga yata ang baby ko na 'to ay tatawa na agad sa akin o 'di kaya naman ay ngingiti. Mas malikot din siya kumpara kay Aero. Pagdating naman sa pagtulog, kung hindi ko lang napipigilan ang sarili ko ay mas mauuna pa yata akong lamunin ng antok kaysa sa kaniya.
Being a mother is not meant to become easy, pero walang katumbas pagdating sa saya.
Kinabukasan ay may dumating nanaman na package ng mga gatas at vitamins para sa amin ng mga anak ko, madalas nga ay meron din para kay Nanay.
Hindi talaga pumapalya si Sever pagdating sa pagpapadala ng mga 'yon buwan-buwan. Hindi ko na nga alam kung paano ko babayaran ang mga utang ko sa kaniya.
Hindi ko rin alam kung bakit sa tuwing magpapasalamat ako ay tila nag-aalangan ang lalaki na tanggapin ang pasasalamat ko. Sa tingin ko ay ayaw niya talaga ng 'thank you' lang. Mukhang kailangan kong bumalik sa trabaho nang maaga dahil madami akong babayaran na utang sa kaniya.
Nilaro ko ang dalawa hanggang sa sila ay inantok. Pinainom ko rin muna sila ng gatas hanggang sa makatulog.
Dumating ang araw ng pagdating ni Sever. May dala-dala siyang hindi kalakihang maleta kaya naman sa tingin ko ay mananatili rin siya rito ng ilang araw.
“Ikaw ha. Pinaninindigan mo talaga ang pagiging tatay sa mga anak ko,” sabi ko habang inaayos ang mga lata ng gatas at mga vitamins sa cabinet namin sa kusina. “Last month ay mga bagong damit naman ang ipinadala mo. Sakto dahil lumalaki na talaga ang dalawa. Hindi na kasya yung mga dati nilang damit.”
Napahinga siya nang malalim. “You're welcome.”
Nang makapagpahinga ang lalaki ay kinulit ko siyang muli para sa pagpaplano ng unang kaarawan ng mga anak ko.
“You don't really want to introduce them to their father?” he asked while playing with Ruin. Buhat-buhat ko naman si Aero na kasalukuyang inaantok.
“Hindi ko alam, Sever. Tatanggapin ba niya sila?”
“The marriage was cancelled before your sister's death. Hindi ka ba nagtataka kung bakit?”
I shrugged. “Baka nalaman niya ang sakit ng kapatid ko? Remember the dinner I ditched? Baka 'yon ang nagtulak sa kaniya upang malaman ang kalagayan ng kapatid ko.”
Hindi ko maiwasang isipin na ang saklap ng nangyari sa buhay ni Astean. I knew the favor was on her when the marriage was cancelled, pero namatay naman siya pagkatapos.
Tumingin siya sa akin. “Sabihin na natin na gano'n nga ang nangyari. Don't you think you have a chance? Balita ko ay hindi na nagbalak pa na magpakasal ang lalaki pagkatapos ng nangyari.”
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa sinabi niya.
Should I follow his idea? Pero parang ang risky naman kasi. Ayaw kong masaktan kung sakaling hindi niya tanggapin ang mga anak ko. At saka, anong chance para sa akin? Hindi ko naman mahal ang lalaking 'yon para habulin. Kung hihingi man ako ng chance sa kaniya ay para sa mga anak ko lang 'yon, panigurado.
Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin.
Nakatulog si Ruin sa mga braso ni Sever. Umakyat naman ang lalaki sa kuwarto niya matapos mailapag ang anak ko sa crib niya. Dahil nga malapit na ang lunch, tinulungan ko na si Nanay sa pagluluto ng ulam namin.
“Luto na 'to, Zalaria. Tawagin mo na si Sever at kumain na tayo habang tulog pa yung dalawa.”
Agad ko namang sinunod ang utos ni Nanay. Dahan-dahan akong umakyat sa taas upang hindi magising ang mga anak ko. Isang beses lang ako kumatok sa pinto ng lalaki bago ito dahan-dahang buksan.
Naabutan ko siyang nakabihis ng formal at nakaharap sa laptop niya, may kinakausap yata siya roon.
“Sever...” I called him using my low voice. Agad naman siyang lumingon sa akin, dahilan upang makita ko ang screen ng laptop niya.
Napamura ako sa isip ko nang maaninag ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha sa screen ng laptop niya bago pa man niya ito maisara. Tila nagmamadali pa nga ang lalaki.
“Zalaria?”
“A-Ano 'yan?”
Ramdam ko ang pabilis ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa laptop niya.
Kumunot ang noo ni Sever sa akin. “Laptop? Are you high?”
“Tangina mo. I mean, anong ginagawa mo kanina?”
“Oh.” Napataas siya ng kaliwang kilay. “I was in a meeting.”
“Meeting?”
Tumango siya habang niluluwagan ang necktie na suot niya. “Yeah. A business meeting.”
Mas lalo akong nagtaka kasabay ng pagtaas ng kaba sa dibdib ko. “Since when did you enter the field of business?”
“Last year. Namumulubi na kasi ako kaka-sponsor sa 'yo.”
Bigla akong nanghina.
Siya ba 'yon? Imposible, hindi ba?
Ano bang business ng lalaking 'to? Parang wala naman siyang company na pinoproblema.
“Is there any problem, Zalaria?”
Agad akong umiling sa kaniya. “W-Wala. I came here to call you. Lunch is ready.”
Sign na ba iyon para ipakilala ang mga anak ko sa tatay nila?