Kung puwede lang manatili na lang ako rito at hindi na umalis pa, kaso hindi eh.
“Nay, next month pa naman po ang alis ko. Wala na tayong makakain kung hindi po ako babalik sa trabaho ko.”
Kahit na kaya ko pa namang buhayin ang pamilya ko nang ilang taon nang walang trabaho, mabilis na natapos ang break na ibinigay sa akin.
Naka-time-lapse nga yata ang buhay ko.
“Susubukan ko pong bumalik dito buwan-buwan. Hindi ko rin naman po kayang mahiwalay sa mga anak ko nang matagal.”
Marahang ngumiti sa akin ang Nanay ko. “Naiintindihan ko, 'nak. Ayusin mo 'yang mukha mo at hindi naman kita pipigilan.”
Natawa ako nang bahagya. Ang akala ko ay need ko pa ng pangmalakasang acting para makumbinsi si Nanay na payagan akong bumalik sa trabaho ko, pero nakailang salita pa lang ako ay pumayag na siya.
Sever informed na bago ako umuwi sa Pilipinas ay kinakailangan ko munang dumaan muli sa main headquarter ng Derrivy upang mag-sign in at para sa assessment. Mapapaaga ng dalawang linggo ang alis ko rito dahil doon.
Aalamin kasi nila kung nasa kondisyon pa ako para bumalik sa trabaho matapos ang mahaba kong break. Mabuti na lang talaga at naihanda ko na ang sarili ko kahit papaano.
Sever warned me about the multiple combats with the higher ranks that I would be facing. Dahil doon ay sa tuwing uuwi siya rito, inaaya ko siya sa isang laban.
At first, nahihirapan akong talunin siya. Of course, I was still adjusting. Pero nang magamay ko na ulit ang mga galaw niya at techniques, napapadapa ko na rin siya.
Months after doing my routines, pakiramdam ko ay bumalik na ako sa dating ako.
“I-I... You're f*****g ready, Zalaria.”
“I know right.”
Pinakawalan ko ang mga braso ni Sever mula sa mahigpit kong hawak. Agad din akong umalis sa itaas niya matapos ko siyang muling mapatumba.
Ngumisi ako habang inaayos ang buhok ko. “Are you still doing missions? Bakit parang humihina ka naman?”
Umirap siya sa akin. “I don't have any on-site missions for now.”
Kumunot ang noo ko. “Anong ginagawa mo?”
He stood up. He then wiped the sweat on his upper body before wearing his shirt.
“I am training.”
“For what?”
“For promotion.”
Agad napataas ang kilay ko sa narinig. “If so, you could've defeated me easily.”
Natigil siya mula sa pag-inom sa kaniyang tumbler bago ako nilingon. “I came here to f*****g rest from that hell-like training, Zalaria. Tapos aayain mo ako ng hand combat?”
Tumawa ako. “Hell-like?”
“I am following the training routine that the new Supreme gave me. One thousand sit-ups, one thousand push-ups, six hundred kilometers run, and combats with his three former righthand every f*****g day.”
Napanganga ako sa sinabi ng lalaki. Ni hindi na nga ako nakamura dahil sa sobrang gulat.
He was doing that everyday?!
“I just started last week. My whole body is f*****g sore, Zalaria.”
Kaya naman pala kahit normal lang ang maging atake ko sa kaniya ay umaatras siya!
That training routine was indeed a hell.
Balak ko pa sanang ayain siya ng isang round, pero nang makita ko ang labis na pagod sa mukha ng lalaki ay inaya ko na siyang umuwi.
Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil inaya ko siya agad pagkarating na pagkarating niya pa lang dito. In my defense, I didn't know about his promotional training!
Halos buhatin ko na siya papasok sa sasakyan, na agad ikinakunot ng kaniyang noo.
“Pagod lang ako, Zalaria. Hindi pa ako baldado.”
“Ikaw na nga ang tinutulungan!” singhal ko.
“Oa ka.”
Nang bubuksan niya na ang pinto sa driver's seat ay inunahan ko siyang pumasok.
“I will drive. Passenger prince ka for today.”
Hindi na siya umangal pa. Agad niyang isinalpak ang katawan niya sa passenger seat. Sa bigat ng paraan ng pag-upo niya ay ramdam ko talaga ang pagod. I was surprised that he could still walk. Kung gagawin ko ang ginagawa niya ay mamamatay yata ako.
“Bakit sobrang hirap naman yata ng training mo? Anong position ba ang ibibigay sa 'yo?” Hindi ko napigilang magtanong matapos ang ilang minuto. Nang wala akong marinig na sagot mula sa kaniya ay nilingon ko siya. Doon ko nakita na nakapikit na pala ang lalaki, natutulog.
Dumaan muna ako sa isang drive-thru upang bumili ng makakain namin sa bahay. Plano ko sanang mag-grocery after ng training ko ngayong araw pero bagsak naman na ang kasama ko.
Nang makarating sa bahay ay pinilit ko munang kumain ang lalaki bago muling bumalik sa kaniyang pagtulog. I was really feeling guilty all the time na dahilan upang umirap siya sa akin bago umakyat sa kaniyang kuwarto.
“Stop feeling guilty. Nagiging malambot ka na, that's not your style.”
Hindi ako nakapagsalita.
After minutes of just sitting in the kitchen and thinking, I realized that he was right.
Guilt? I don't feel this kind of emotion years ago. I would shot a gun on my enemies without feeling guilty afterwards because I know that they deserved it.
Pero ngayon? Kahit nga yata maliliit na bagay tungkol sa mga anak ko ay iniiyakan ko na. I even cried for a whole f*****g day after hearing their first word! Napakasarap naman kasi talaga sa pakiramdam na marinig silang tawagin akong 'Mama' for the first time. The same thing happened when I watched them take their first steps. Marunong na maglakad ang mga anak ko.
Nang maligpit ang mga pinagkainan namin ay agad akong umakyat sa kuwarto kung nasaan ang dalawa. Naabutan ko ro'n si Nanay na kasalukuyang nilalaro si Ruin habang tulog naman si Aero.
“Nagising na 'yan kanina, pero nakatulog ulit,” saad ni Nanay nang mapansin ang pagdating ko.
Natawa ako. “Ako na rito, ʼNay. Magpahinga ka na po.”
“Sus, hindi pa ako pagod, 'nak. Ang aga-aga!”
Habang may nagbabantay pa sa dalawa ay nilinisan ko ang mga gamit na mga baby bottles na nakita ko sa loob ng kuwarto. Nagtimpla rin ako ng gatas pagkatapos dahil alam kong maghahanap ang dalawa dahil kagigising lang.
Pagkaalis ni Nanay sa kuwarto ay ako na ang pumalit upang magbantay sa kanila. Laking tuwa ko nang magising na rin si Aero. Binuhat ko sila mula sa kanilang crib papunta sa malaking kama kung saan paborito kong humiga kasama sila.
Binigay ko sa kanila ang bote ng gatas na tinimpla ko at habang iniinom nila 'yon ay bumaba ang tingin ko sa bracelet na nakasuot sa kaliwang mga kamay ng dalawa.
Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit binigyan ni Sever ng ganitong klase ng bracelets ang mga anak ko. Mas mahal pa yata ito sa buong bahay kung saan kami nakatira ngayon.
It was a pair of authentic pure blue diamond bracelets. Sever gave it to them when they turned one. Bale, dalawa ang naging regalo niya sa mga anak ko. Dalawang playhouse at ang bracelets. Nagdalawang-isip pa nga ako kung isusuot ko ba sa kanila o hindi.
Sabi niya ay isuot ko raw sa dalawa para magamit, kaya todo bantay ako sa mga anak ko sa tuwing lalabas kami. Minsan lang din kami lumabas kasama ang dalawa dahil umiiyak sila kapag napapaligiran ng maraming tao. Naiilang yata dahil hindi pa sila sanay.
I remember stressing myself about how we would celebrate their first birthday. We ended up celebrating it together with the children in the orphanage near our village. Dalawang araw kaming nagpakain at nagpalaro sa mga bata ro'n dahil nga magkaiba ang araw ng birthday ng kambal ko. Sever also donated money there dahil alam niyang malaking tulong na ito ro'n.
Hindi naman kami nagkamali na roon ganapin ang celebration. Seeing the smile on the children's faces, memorable na nga at nakatulong pa kami sa kanila habang ipinagdiriwang ang birthday ng mga anak ko.
“Pap... papa!”
Natigil ako nang marinig ko ang binigkas ni Aero. Nabitawan niya na ang bote ng gatas. At first, he was just simply making a popping sound, hanggang sa mabigkas niya ang salitang 'yon.
It was the first time he said that.
I was holding back my tears while watching him roll closer to me. Nilambing ko siya nang tuluyan na siyang dumikit sa akin.
“Hinahanap mo ba tatay mo?” natatawang tanong ko kahit paiyak na.
“Papa...”
Lord, ito na ba ang pangalawang sign na hinihingi ko?
“Do you want your papa?”
Hindi na nagsalita pa muli si Aero. Tumahimik na siya habang nakasiksik sa gilid ko. I softly caressed my son's hair before looking at Ruin. Halos matunaw ako nang makitang tumigil siya sa pag-inom ng gatas at ngumiti sa akin.
“D-Do you want mama to find papa?”
One year and five months. Alam kong nakakaintindi na ang mga anak ko. I never mentioned the word 'papa' in front of them, pero hindi ko na inintindi 'yon nang makita ko kung paano dahan-dahang tumango si Ruin sa akin na tila naintindihan ang itinanong ko.
Ang matagal ko nang pinag-iisipan ay natapos dahil doon. Isang tango lang ng anak ko ay tila nabuo na ang isip ko.
Hindi ko alam kung tama ba. Hindi ko alam kung paano ko gagawin. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi ko alam kung paano ko mapaninindigan.
But one thing became clear tonight— I would find that man. I would find their father and I would introduce our children to him.