Chapter 10: Leaving

1316 Words
Packing my things was never hard for me, not until I reached this point of my life. “Pati ba ito, anak, dadalhin mo?” “Opo, 'Nay.” Dati, hindi kaso sa akin ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa isa dahil sa trabaho ko. Bahay lang ang meron ako dati, not a 'home' gaya ng meron ako ngayon. May isang araw pa bago ang alis ko, pero pinili kong mag-impake na ngayon para bukas ay wala na akong gagawin. Ilalaan ko ang buong araw na 'yon sa mga anak ko at kay Nanay. Hindi tulad ng dati, sobrang bigat ng pakiramdam ko habang ipinapasok ang mga damit ko sa loob ng maleta. I remember doing the same thing to sleep in Sever's condo two years ago, pero hindi naman ganito kabigat ang naramdaman ko. Being a mother melted the ice that thickened around my heart, making me soft as a marshmallow. Is it a good thing? Hindi ako sigurado. Ang tanging alam ko lang ay may mga bagay na akong masasabi bilang kahinaan ko. Dati, wala akong inaalala. Wala akong pakialam kung makaka-survive ba ako sa misyon na iaatas sa akin o hindi. I was a careless, go-with-the-flow type of woman. But after spending a long time with my mother and after being a mother, nagbago ang halos lahat sa sarili at sa buhay ko. I started being cautious about my actions and the possible results. I started planning about everything, even the smallest things for our day. Motherhood taught me a big lesson in life. Mahirap kung go with the flow ka lang palagi, talagang mawawala ka at some point in your life. Nothing is easy, but everything will be hard if you don't have a plan for your life. It's like floating around in the outer space, alive but not living. “Hindi ko dadalhin lahat ng mga damit ko, 'Nay. Babalik naman po ako rito monthly.” Hindi ko kakayanin kung hindi ko makikita ang mga anak ko kahit manlang ilang araw sa isang buwan. Wala akong pakialam sa laki ng maaari kong magastos sa bawat biyahe ko. Seeing my sons would keep my sanity dahil alam kong mababaliw ako sa mga misyon ko. Nasanay na akong kasama sila, eh. Ngayon pa nga lang ay hindi ko na alam ang kalalagyan ko pag-alis ko. I even packed a pair of my sons’ clothes dahil alam kong mamimiss ko sila. Kahit sa amoy manlang ay maramdaman ko sila, sasapat na siguro 'yon. “Everything is ready. Ikaw na lang ang hindi.” Tinaliman ko ang tingin ko kay Sever, dahilan upang ngumisi siya. “I miss Alari's deadly glare.” “Shut up, Eve.” Naglaho ang ngiti niya sa labi nang marinig ang itinawag ko sa kaniya. It's been awhile since I called him using that name, ano siya ngayon? Siya ang naunang nang-asar, tas mapipikon kapag pinatulan. “Mabuti na lang at mapapalitan na 'yan,” maangas niyang saad na tila hindi nalukot ang mukha kanina. “Bakit? Paano?” “It's a part of my promotion. I am required to change my code name.” Oh. Ang code name niya ang dahilan kung bakit ang tunay niyang pangalan ang tawag ko sa kaniya kahit nasa misyon kami. It was risky knowing that puwedeng lumabas ang tunay niyang identity at maaaring magamit 'yon sa kaniya, ngunit naging mapilit ang lalaki. Todo ingat na lang ang ginagawa ko sa tuwing kailangan ko siyang tawagin kapag nasa isang misyon kami. Kung hindi naman kasi siya isang dakilang tanga para magkamali sa ipinasang code name noon. Malas pa niya dahil kung ano ang naipasa mo ay 'yon na. Hindi na puwedeng palitan unless the higher rankers would require him to. Kaso para sa kanila ay maayos naman ang naipasa niyang code name. I remember he told me that it was supposed to be 'Evan', hindi ko alam kung paano napunta sa Eve. Isa ito sa mga napakalaking katangahan na nagawa niya. Sinulit ko ang mga natitirang oras ko kasama si Nanay at mga anak ko. I would cook together with my mother for breakfast, lunch, and dinner. Sinisigurado ko rin na sabay-sabay kaming kumakain, lalo na at puwede naman na sa mga anak ko ang solid foods. Pagdating naman sa pagtulog, mabuti na lang at malawak ang kama sa kuwarto ko kaya naman nagawa kong matulog doon kasama ang dalawang anak ko at si Nanay. Kung hindi ay isisiksik ko talaga ang sarili ko sa crib ng mga anak ko. Kaming dalawa sa gilid habang sa gitna naman ang kambal para safe. Umaga ng huling araw ko kasama sila ay ipinasyal ko ang mga anak ko sa playground malapit sa bahay kasama si Sever. This became our hobby three times a week. Kung dati at nakaupo lang sila sa kanilang stroller, ngayon ay nakakalakad at nakakatakbo na sila. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa gulat nang matumba si Aero habang tumatakbo. Umupo ako sa tabi niya nang hindi siya agad-agad na nakatayo. Nalukot ang mukha niya na tila paiyak na, pero nang ngitian ko siya ay tila naudlot 'yon. “It's okay, baby. Mommy's here.” Napangiti ako nang lumapit siya sa akin at nagpalambing. Nang tignan ko ang mga tuhod niya ay nakahinga ako nang malalim nang makitang wala namang sira ang suot niyang pants. Ibig sabihin ay hindi rin siya nasugatan. “Can I see your hands, baby?” Kalmadong ipinakita niya sa akin ang kaniyang mga kamay. Pinagpagan ko ang buhangin na dumikit sa mga 'yon bago ko siya hinalikan sa kanang pisngi. That made him chuckle. “Very good ang baby Aero ko!” Napalingon naman ako sa dalawang kasama namin nang marinig ko ang malakas na pagtawa ni Ruin. Nakita ko siyang nakasakay sa isang maliit na duyan na marahang tinutulak ni Sever. “Mommy!” Ruin called me. Itinuro naman siya ni Aero na tila nainggit kaya naman dinala ko rin siya ro'n at idinuyan. Ilang oras pa naming nilibang ang dalawa ni Sever bago kami umuwi. Naabutan namin ang isang hindi pamilyar na babae sa bahay na kasalukuyang kinakausap ni Nanay. Si Sever ang unang nakakilala sa kaniya. Nasa mid-40s na siguro siya. Ang babae ang makakasama ni Nanay sa pag-aalaga sa mga anak ko. Hindi naman kasi kakayanin ni Nanay kung siya lang mag-isa. Mukhang okay naman ang mga anak ko sa kaniya nang ilapit namin sila sa babae. I was watching them interact from the kitchen when Sever suddenly whispered in my right ear. “Sara's a former member of Derrivy. She's good in hand combats. Rest assured na magiging safe ang Nanay at mga anak mo pag-alis natin.” I was curious on how did he manage to hire the woman, pero hindi na ako nag-isip pa nang maalala na mataas na pala ang puwesto ng lalaki sa grupo. Malamang sa malamang ay lumawak na rin ang connections niya. Dahil doon ay nabawasan kahit papaano ang kaba na nararamdaman ko. Hindi gaya ng pangungulila na naramdaman ko kahit na hindi pa naman ako nakakaalis. Our last dinner before I left was fun, and I wish it lasted longer. Ang bilis-bilis naman kasi ng oras pagdating sa akin. Maghahating-gabi na at tabi-tabi kami matulog ni Nanay at ng mga anak ko. Nakatalikod si Nanay mula sa amin at mukhang tulog na, 'di gaya ng mga anak ko na hindi ko alam kung bakit dilat na dilat pa ang mga mata hanggang ngayon. “Mommy's leaving, but mommy will come back.” Hindi ko alam kung naintindihan nila ang sinabi ko pero agad na nagpalambing sa akin ang dalawa nang marinig ang boses ko. Ilang sandali pa ay nakatulog na rin sa wakas ang dalawa. I kissed them multiple times on their cheeks and forehead before closing my eyes, hoping time would run faster so that I could come back here again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD