Chapter 11: Assessment

1215 Words
“Can I get back the phones I surrendered back then?” “It was all crushed due to the policy.” Napahinga ako nang malalim. I felt like I was back to square one. Akala ko ay mababawi ko pa ang mga 'yon. I lost my old contacts when I surrendered my old phones before taking a break. Pero hindi naman 'yon ang habol ko, but the conversations there. “You will be given a new phone for the missions, don't worry. As for a personal phone, gusto mo ba ng bago?” Agad akong umiling. “Kahit huwag na.” I heaved a deep sigh. Now, how could I find him? Bakit kasi mas naaalala ko pa ang performance ng lalaking 'yon kaysa sa pangalan niya? Before leaving, sinubukan ko na ring hanapin ang pangalan niya sa mga articles na umiikot sa kapatid ko. It was like my heart was being pierced by countless of needless while looking at the photos from her burial. Ni hindi ko nga kinayang tignan nang matagal ang mga 'yon. Hinalungkat ko rin lahat ng articles tungkol sa engagement niya, para lang mahanap ang lalaking 'yon. But the informations I got were all limited. The man was only referred to as an 'International Businessman fiancé of the model and beauty queen Astean Severino'. Ni hindi ko manlang nabasa kahit surname ng lalaki. Basta nabalita lang na engaged na ang kapatid ko. 'Yon na 'yon. “What's our estimated time of arrival?” “An hour and a half from now.” Mabilis lang pala. Parang kanina lang ay halos umatras pa ako mula sa paglabas ng bahay, but now I was already sitting on a private jet na magdadala sa amin papunta sa main headquarter ng Derrivy. “We'll stay there for two to three days due to your assessment before signing in.” Hindi na ako nakapagsalita pa. Ngayon pa lang ay namimiss ko na yakapin ang mga anak ko. Hindi ko na nga sila hinintay na magising bago ako umalis dahil alam kong mas mahihirapan lang ako lalo na kapag umiyak pa sila. Kay Nanay lang ako nagpaalam bago umalis. Our goodbyes was not too emotional dahil pinangako ko sa kaniya na uuwi ako monthly at paninindigan ko 'yon. At saka, puwede naman kaming mag-video call, lalo na kapag hahanapin talaga ako ng mga anak ko. Sana lang ay hindi sila umiyak kapag hinahanap ako, mahirap pa naman silang pakalmahin. “Are you ready for the assessment?” Napairap ako. “Ilang beses mo na itinanong 'yan.” Mas kinakabahan pa yata ang lalaki kaysa sa akin. Hindi na siya umimik pa at pumikit na lang matapos isandal ang ulo sa inuupuan niya. We were facing each other on our seats. Sa pagitan namin ay may lamesa kung saan nakalapag ang mga pagkain. Hindi gaya ng nagdaang dalawang taon, kailangan ko na ulit ayusin ang diet ko ngayon. I wanted to devour all the sweets in front of me right now, pero hanggang ubas at mansanas lang muna ako. Halos dalawang oras pa na pagtitiis sa loob ng eroplano ang naranasan ko bago kami nakarating sa isla. Pagbaba ay bumungad sa amin ang isang pamilyar na tanawin. Nakabalik na talaga ako. Wala namang pinagbago. Kung paano ko ito nadatnan dati ay gano'n pa rin. The mansion from afar still looked majestic and unreal. Napansin ko lang na mas dumami yata ang mga sasakyan sa isla. Mapa-helicopters, yachts, or private jets in different sizes ay tanaw na tanaw ko pagkababa pa lang. Baka nga may mga submarine pa na nakapalibot sa buong isla. Pansin ko rin ang mga lalaking naglilibot sa isla na puro mga naka-itim. Hindi tulad ng dati, wala na akong makita na nakasuot ng maskara ngayon. Kahit si Sever ay lantad na lantad na rin ang mukha. “The policies were altered since the new Supreme ascended. Malalaman mo pagkatapos ng assessment.” Hindi kami sa mansyon dumiretso, kundi sa isang private cabin malapit dito kung saan dinala ang mga gamit ko. Agad kong inayos ang mga ito sa loob, pati na rin ang sarili ko. Paglingon ko sa pinto ay nagtaka ako kung bakit nandoon pa rin si Sever. He was looking at me with his forehead creased like I was the biggest problem he has to solve. “Anong problema mo?” nagtatakang tanong ko rito. Muntik na ako maghubad kanina para sana magpalit ng damit, buti na lang pala ay lumingon muna ako sa puwesto niya. Naglakad siya hanggang sa makalapit siya sa cabinet na nasa gilid ko. Binuksan niya ito at tumambad sa akin ang mga damit na puro kulay itim. He pulled the drawer and different kinds of weapon was revealed. Seryoso akong tumingin sa kaniya. “Pick the weapons you're comfortable to use with.” Naningkit ang mga mata ko sa kaniya. “Kadarating lang natin.” Isang ngisi ang ibinigay niya sa akin. “Get ready. I'll wait for you outside.” I watched him leave the room without even looking back at me. Kadarating ko lang, gusto na agad nila ng laro? Ano naman kayang uri ng assessment ang inihanda nila para sa akin at kailangan pa ng mga ganito. Agad akong pumili ng mga damit mula sa cabinet at nagpalit. I chose a black sleeveless top and shorts dahil mas comfortable akong gumalaw kapag hindi ako masiyadong balot. I partnered it with a pair of combat boots na siyang paborito kong isuot sa tuwing sasabak ako sa mga misyon. I picked three weapons in total. The last one was a sword. Matagal-tagal na rin simula nang huli akong makahawak nito. I made a few dashes in the air and figured out I could still manage to use it somehow. Based on the weapons inside the drawer, it would be a short-range fight. Napangisi ako dahil ganitong klase ng laban ang gusto ko. Nang masigurong handa na ako ay agad akong lumabas. Naabutan ko sa harap si Sever na agad akong napansin. Hindi niya napigilang mapangisi nang makita ang espadang hawak ko. Iba ang awra ng lalaki ngayon para sa akin, kaya naman hindi na ako nagulat nang hindi manlang niya ako binigyan ng kahit na isang salita manlang. He just motioned me to follow him, so I did. Ang mga hakbang ng lalaki na sinusundan ko ay patungo sa likod ng mansyon. Makulimlim ang kalangitan ngayon, tila nagbabadya ang ulan. Hindi mainit dahil panay ang hampas ng malamig at malakas na simoy ng hangin. Rinig na rinig ko ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan mula sa kinaroroonan namin. I was busy loving the weather, nang bigla na lang may sumalubong sa akin na espada paglampas na paglampas pa lang namin sa mansyon. I immediately shielded myself using my sword. Nakumpirma kong nagsimula na ang assessment ko nang matapos kong masugatan ang unang umatake sa akin ay may sumunod agad na dalawa. Nagsunod-sunod ang umatake sa akin pagkatapos. Sa tuwing nasusugatan ko sila ay aatras na sila. I was already catching my breath after eliminating my enemies. Naghintay ako ng ilang segundo bago lumingon sa likod ko kung nasaan si Sever na seryoso ang tingin sa akin. “Once they shed blood, they're out. However, you'll continue fighting until you hear the word 'surrender'.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD