Sever was looking at me like he doesn't know me at all. Doon ako muling napangisi.
“If that's the rule, Eve.”
“Granter. It's Granter.”
Nilagpasan niya ako. He walked towards a small gate and opened it. Doon ko lang napagtanto na ang likod pala ng mansyon ay isang arena. Wala akong naririnig na kahit anong ingay na mula sa loob, ngunit alam ko na mahigit isang daan ang nasa loob ng arena ngayon.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. “I won't die here, right?” Hindi ko itatanggi na kinakabahan na ako. I haven't been in a serious fight lately. Saan na lang kaya ako pupulutin kung hindi ko naihanda ang sarili ko bago muling bumalik?
Tangina. Assessment lang naman ito, may mga anak akong naghihintay sa akin.
“Just never lose your sight on the enemies. You'll live.”
Muntik na maglaho ang pag-asang hawak-hawak ko pagtapak ko pa lang sa loob ng arena.
Sa dami ng nakahandang kalalabanin ko, hindi ko na naiwasang isipin kung may violations ba akong nagawa sa loob ng tatlong taong pagtatrabaho ko sa loob ng grupong ito at ngayon ay isinabay na nila ang parusa sa assessment ko.
“Is this still an assessment?”
“The Second must be so bored to do this.”
“Where's the Supreme?”
Sari-saring mga bulungan ang naririnig ko habang papalit ang mga hakbang ko sa gitna ng arena kung saan magsisimula ang laban, ngunit hindi ko iyon nagawang intindihin.
“Is everybody ready? The rule is just pretty simple— do not stop until you hear the word 'Surrender'.”
Ang tanging nagawa ko na lang ay tumango habang hinihigpitan ang hawak sa espadang hawak ko. I kept on telling myself that I could and I would pass this. Ilang labanan na ba ang napagdaanan ko? Hindi lang walo, mahigit bente na nga.
This should be easy for me.
“Assassins, please, ready.”
Ang mga grupo ng mga assassins na siyang kalalabanin ko ay sabay-sabay na gumalaw upang ihanda ang sarili. Nakasuot silang lahat ng itim na maskara, ngunit alam kong nakangisi ang mga ito ngayon sa likod nito.
Hindi na nakapagtataka.
“Start the assessment.”
Hindi sila sabay-sabay na sumugod sa akin, pero habang patagal nang patagal ay dumadami ang bilang ng mga sabay na umaatake. Hindi sasapat ang espadang hawak ko, kaya naman nang may mapatumba akong isa ay agad kong kinuha ang espadang nahulog niya.
There was no cheers that could be heard from the crowd. Tahimik lang ang mga ito na nonood sa aming labanan na tila hindi nila gustong malingat kahit sa pinakamaliit naming galaw.
Ang mga tunog lang ng mga nagsasalpukang mga espada ang nangingibabaw sa loob ng arena maliban sa labis na katahimikan mula sa mga manonood.
It's been a long time since I used two swords in a fight. Nahihirapan pa akong gumalaw noong umpisa, dahilan upang makatanggap na rin ako ng mga tama mula sa kanila.
Masuwerte siguro ako dahil mabababaw ang mga 'yon at kayang-kaya kong tiisin. Halos karamihan sa mga 'yon ay sa mga braso at likod ko tumama.
“Half of the group has been defeated.”
My breathing started to become heavy. Nangangalay na rin ang aking mga kamay sa kagagalaw ng aking espada sa bawat pag-atake. Ang buong akala ko ay malapit na itong matapos, ngunit hindi ko alam kung saan nanggaling ang panibagong grupo na sumugod sa akin.
Mabibilis ang kanilang naging mga galaw. Sunod-sunod ang kanilang mga atake dahilan upang sunod-sunod din ang mga sugat na natamo ko mula sa mga atake na hindi ko nagawang iwasan.
“F-Fuck...”
Ramdam ko ang pagtulo ng aking pawis sa noo kasabay ng pag-agos ng aking dugo mula sa mga hiwang aking natamo.
I started getting dizzy, pero hindi manlang bumagal ang kanilang mga galaw. Itinuloy ko ang paglaban kahit hindi ko na alam ang ginagawa ko. Patuloy ang pag-atake ko gamit ang aking mga espada kahit na hindi ko na alam kung tama pa ba ang mga ginagawa kong paggalaw at kung may natatamaan pa ba ako.
Nakatanggap ako ng mas mabibilis at sabay-sabay na mga atake dahilan upang masira ang isang espada na hawak ko.
Napaatras ako nang wala sa oras dahil doon. Humina ang depensa ko. Malinaw na hindi ko na mapoprotektahan pa ang sarili ko kung magpapatuloy pa ang labanan dahil ang ilan sa mga natitira kong kalaban ay dala-dalawa ang espadang hawak.
Ilang beses akong napaatras habang nag-iisip ng kung ano ang maaari kong gawin.
“Drop the swords.”
Tatlong salita mula sa lalaking nakaupo sa pinakataas na bahagi ng arena ang narinig. Agad ibinaba ng aking mga kalaban ang kanilang mga armas.
“Drop your sword.”
Tinignan ko ang lalaki at nakitang diretso ang mga mata niya na nakatingin sa akin. I immediately dropped the sword that I was holding.
Kinuha ko ang sandaling pagkakataon na ito upang bawiin ang aking hininga.
Hindi pa tapos ang laban at alam kong hindi ito basta-basta na matatapos. Ipinagpatuloy namin iyon nang walang gamit na kahit anong armas.
I fought by kicking and punching. I fought using my feet and my knuckles. Hindi ako nahirapan dahil kumpara sa labanan na may gamit na armas, mas gamay ko ang ganito.
Napatumba ko ang mga dapat kong mapatumba, ngunit ako naman yata ang susunod na babagsak sa sahig dahil sa sobrang pagod at panghihina.
Nakarinig ako ng tatlong malalakas na palakpak mula sa lalaking nanonood mula sa itaas.
“Impressive.”
Napapikit ako kasabay ng pagpapakawala ng isang malalim na hininga. Naramdaman ko ang malakas at malamig na simoy ng hangin na humampas sa aking balat.
Nararamdan ko na ang sakit at hapdi ng aking mga sugat. Ang akala ko ay tapos na, ngunit nang idilat ko ang mga mata ko, nakita ko si Sever sa harap ko na nakatayo at may hawak na isang punyal.
“S-Sever...” bulong ko sa kaniyang pangalan.
Hindi pa ba tapos? Tangina. Konti na lang ay babagsak na ako.
“As an assassin, your job has no exception especially when it comes to people. What would you do if you're assigned to kill someone important to your life?” saad ng lalaking kanina pa nakangisi habang pinapanood ako makipaglaban.
Nagsimula akong makaramdam ng mahihinang patak ng ulan sa aking balat, ngunit hindi ko iyon alintana.
Diretso ang tingin ko sa kaibigan kong tuwid na nakatayo sa harap ngayon habang nakatingin sa akin.
“Pagod na ako.”
Nagsimulang lumabo ang aking paningin. Ramdam ko na rin ang pagtulo ng aking dugo pababa hanggang sa aking mga hita.
Papatayin ba nila ako?
Hindi pa ba sapat ang mga nilabanan ko upang makabalik ako?
“S-Sever...”
Hindi ko na kaya.
“Fight each other. Granter, show me how much you want the promotion.”
Napailing ako.
Hindi. Hindi ko na kakayanin. Nahihilo na ako. Masakit na ang buong katawan ko. Mauubusan na ako ng dugo.
Ganito ba kalupit ang bagong Supremo?
“Alari...”
A baritone voice was heard inside the whole arena. Hindi ko alam kung sino 'yon, ngunit sigurado akong hindi 'yon galing sa lalaking nakaupo sa itaas na bahagi ng arena.
Hinayaan ko na ang sarili ko na lumuhod sa sahig dahil sa pagod, hindi alintana ang daan-daang pares ng mga matang nakatitig sa akin.
“Surrender.”
I almost forgot how cruel this world was.