“Wow. First mission accomplished in just an hour? Good job, Alari.”
“Huwag ka ngang plastik! Muntik na akong pumalya kanina dahil sa 'yo!”
Nakagat ng lalaki ang ibabang labi at halatang nagpipigil ng tawa. Kung puwede lang talaga sanang manapak through video call, matagal ko nang ginawa sa kaniya dahil lagi na lang akong napipikon sa lalaking 'to.
I was in the middle of a mission earlier when he suddenly called just to tell me that he was eating his favorite flavor of cake after a long time. Buti sana kung sa personal number ko ito tumawag at hindi sa number na ginagamit ko lang sa trabaho.
“I didn't know. I'm sorry.”
Napairap na lang ako dahil alam ko naman na sinadya niya 'yon. Sa taas ng ranko niya, hindi niya alam ang tungkol ro'n?
Kanang-kamay lang naman ang lalaki ng bagong Supremo. Last week ko pa ito nalaman ngunit ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Paano naman nakaangat ang lalaking 'to nang gano'n kabilis?
Nakapagtataka ngunit, sa training na ginawa niya ay bilib na bilib pa rin talaga ako.
“Wala ka bang ginagawa?” nagtatakang tanong ko kay Sever. Kadarating ko pa lang sa condo niya kung saan kasalukuyan akong tumutuloy. Wala rin naman siya rito sa Pilipinas kaya naman hinayaan niya na akong sakupin ang condo niya. Magiging bihira na lang din siguro ang pananatili niya rito sa bansang 'to nang matagal dahil sa trabaho.
“I'm managing the recruitment here in Europe. Kailangan natin mapalitan ang mga natanggal.”
Dahil sa kaniyang sinabi ay naalala ko ang nangyari pagkatapos ng aking assessment.
“N-Natanggal talaga sila? What would happen to them?”
He shrugged his shoulders. “Apparently, hindi lang pagkakatanggal sa grupo ang maaaring mangyari sa kanila. Walang naganap na pagbawi ng utos mula sa Supremo. Galit na galit talaga.”
Although I didn't hear his last words dahil tila ibinulong na lang niya 'yon sa kaniyang sarili, sapat na ang mga narinig ko para makumpirma ang aking tanong.
Malinaw na malinaw pa ang nangyari sa akin noong araw na 'yon na tila kahapon lang ito naganap.
“Who ordered you to conduct an assessment without my notice?”
Ang boses ay kalmado, ngunit ramdam ko ang matinding galit mula sa mabigat na pagbigkas ng mga salita ng lalaki.
Lumakas ang ambon na tumatama sa aking balat. Umuulan na ngunit ramdam ko na walang kahit sino man ang gumagalaw sa kanilang puwesto. Tila lahat sila ay natakot sa presensya ng nagsalita na lalaki.
Rinig ko ang mga mabibilis na yapak na papalapit sa akin. Ramdam ko ang dahan-dahang paghawak ng kung sino man sa magkabilang balikat ko, tila inaalalayan akong tumayo ngunit hindi na ito kaya pa ng lakas ko.
“All of those who are f*****g involved will face my punishment.”
Naramdaman ko na ang unti-unting pagbaba ng mga talukap ko habang binubuhat ako ng kung sino. Hindi ko na nakilala kung sino siya dahil kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pagpapaubaya ko sa kadiliman.
Ipinahamak na ba ako ng kaibigan ko?
“What do you want me to do?”
“Kill them. Kill all of them.”
Nagising ako sa loob ng isang kuwarto. Buong katawan ko ang masakit paggising ko.
There were bandages all over my cuts at ramdam ko ang kirot na nanggagaling sa mga 'yon kahit hindi pa ako gumagalaw.
Puti ang bawat sulok ng kuwarto. Tila nasa ospital ako dahil sa mga gamit na nakita ko sa paligid. Nang lumingon ako sa gilid ay nakita ko ang anino ng dalawang lalaki na nag-uusap sa likod ng kurtina. But their words were indistinct to me somehow.
Nakatitig lang ako sa kanila hanggang sa umalis ang isa. Maya-maya pa ay lumabas ang isang lalaki mula sa likod ng kurtina at doon ko nakita na si Sever pala 'yon.
Hindi ako agad nakapagsalita dahil naalala ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay.
“Hey...” Tumingin lang ako sa kaniya. “Anong gusto mo?”
“G-Gusto ko na umalis dito.” My voice was hoarse due to the dryness of my throat. Napansin niya ito agad kaya naman nagsalin siya ng tubig sa baso na nakapatong sa bedside table at iniabot sa akin.
Tahimik ko naman itong tinanggap at ininom nang dahan-dahan.
“I am sorry...” panimula niya. “You are hurt badly.”
Tumitig ako sa kaniya. He was looking down on the soft mattress of the bed where I was currently lying. Hindi siya makatingin sa akin.
“If I didn't pass out... would you choose your promotion over me?”
Agad na umiling ang lalaki. “It wasn't the kind of assessment that I expected, Zalaria. Ang akala ko ay hindi aabot sa gano'n at hindi gano'n karami ang kalalabanin mo.”
Napangiti ako nang mapait. “So, did I pass?”
“We're giving you a choice, Zalaria.”
Kumunot ang noo ko. “What choice?”
“If you still want to finish your contract. Dalawang taon nalang, gusto mo pa ba ituloy o hindi na?”
Napamura ako nang bigla na lang sumigaw si Sever mula sa kabilang linya, dahilan upang mabalik ako sa reyalidad.
“Tangina. Bakit ka naghuhubad?!”
Nakita kong naging magulo ang lalaki, dahilan upang maging malabo ang nakikita ko sa screen ng phone ko.
Kumunot ang noo ko sa inis. “Tangina mo! Naka-sando ako sa loob! At saka malamang, maghuhubad ako kasi magbibihis ako!”
Habang tumatagal ay mas lalong nagiging oa ang lalaki. Nakakainis na talaga at mukhang mabibira ko agad siya pag-uwi niya rito sa Pilipinas.
“Approved na ba ang request ko?”
Sa wakas ay umayos na rin ang nakikita ko sa kabilang linya. Mukhang ibinaba na rin ng lalaki ang cellphone niya sa lamesa. Kanina kasi ay parang lumilindol sa lugar kung nasaan man siya dahil sa sobrang gulo.
“Yes. Puwede ka na umuwi next week, pero tatlong araw lang.”
Ngumiti ako. “Thank you!”
Sa wakas, matapos ang ilang buwan, makikita ko na ulit ang mga anak ko.
Tumagal kasi ng ilang buwan ang pagpapagaling ko mula sa mga sugat na natamo ko sa assessment. Hindi ako puwedeng umuwi nang gano'n ang kalagayan kaya mabuti na lang at kumagat ang nanay ko sa naging palusot ko sa kaniya kung bakit hindi muna ako makakauwi.
Today, I had my first mission after years. Maayos naman ang kinalabasan nito at natapos ko agad. Hindi naman ako nahirapan.
“Bakit kasi hindi mo pa piniling tapusin ang contract mo?” tanong ni Sever matapos ang ilang minutong katahimikan.
“Kailangan ko ng pera. Alam mo na, single mom.” Natawa ako sa sinabi ko.
Highschool lang ang natapos ko at hindi ako nakapag-kolehiyo dahil sa kalagayan ng buhay namin noon. Mas pinili ko na magtrabaho agad para magkapera. Hindi ko alam kung anong trabaho ang papasukan ko na magbibigay ng malaking suweldo na siyang sasapat para sa pangangailangan ng buong pamilya ko kung sakaling ititigil ko ang trabahong meron ako sa kasalukuyan.
“May tanong ako.”
Tinaasan ako ng isang kilay ng lalaki. “Ano?”
“Yung lalaking nagpahirap sa akin sa assessment, siya ba ang bagong Supremo?”
Agad na umiling ang lalaki. “No, the Supreme is the who who stopped the assessment.”
The man who said the word 'surrender'?
“The assessment was supposed to be just an interview and a hand combat with two high rankers.”
Napahinga ako nang malalim. “Bakit gano'n ang ginawa sa akin?!”
“May saltik ang lalaking 'yon, Zalaria. Siya dapat ang Supremo kung hindi pinanindigan ng kasalukuyan nating Supremo ang puwesto niya. Hindi pa ako maaaring gumawa ng malalaking hakbang noong oras na 'yon dahil hindi pa ako opisyal na kanang-kamay ng Supremo, kaya naman ang tanging nagawa ko lang ay tawagan siya bago pa ako tawagin para sana kalabanin ka.”
Mabuti na lang pala at dumating agad ang bagong Supremo. Kung sakaling hindi siya dumating, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa magiging laban namin ni Sever.
Sa kalagayan ko noong araw na 'yon at sa lakas at liksi ng lalaki matapos ang pag-eensayo nang malala, hindi ako sigurado kung mananalo pa ako laban sa kaniya.
After talking with Sever, I cooked my own meal and ate alone.
Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako na wala akong mga anak na inaasikaso. Ang bigat-bigat sa pakiramdam na ilang buwan ko na silang hindi nakikita nang personal. Hanggang video call na lang ako at limitado pa ang oras dahil sa time difference na meron kami.
But it was fine, I would endure this feeling. Para rin naman ito sa kanila.
Ang sabi ko, hahanapin ko ang tatay nila. Pero everytime na haharapin ko ang phone o laptop ko para simulan ang paghahanap, dinadaga ako.
Paano kung huli na pala ako? Paano kung hindi na puwede?
Suddenly, may natanggap akong email. It was a destructive email, kaya naman inihanda ko muna ang sarili ko bago ito buksan at basahin.
It was about a protracted mission, at ito ang unang beses na nakatanggap ako ng ganitong klaseng misyon.
I got three months to kill the head of the Sleverions— a renowned leading security company in different continents.
Napangisi ako. Matagal ko na ring naririnig ang tungkol sa company na 'to dahil sila ang kadalasang dahilan kung bakit pumapalpak ang ilan sa mga misyon ng aming grupo.
They were a barricade to us. It was an honor for me to be given the opportunity to kill their head.