Chapter 14: Asteon

1719 Words
“Sa ngayon, wala pa ang target sa bansa. We couldn't get the exact date of his flight to the Philippines, but we expect it to be within this week.” Tumango-tango ako. “Pero hindi ba masiyadong maikli ang tatlong buwan? That's the head of Sleverions, Sever. Kahit nga yata langaw o lamok ay hindi nakakapasok sa base ng grupo nila rito sa Pilipinas.” Itinigil niya ang pagtitipa sa kaniyang computer para lumingon sa akin. “You can request for extension, ako na mismo ang aasikaso ro'n if ever. Pero sa ngayon, 'yan muna ang usapan.” Since yesterday, I was already doing some research about the Sleverions. I read everything I could to know more about their group, how they work, and who are the members. Inisip ko na nga kung paano maging client nila kahit wala pa namang gustong pumatay sa akin, 'yon ay ang sa pagkakaalam ko. “Even the location of their base here in the Philippines, hindi ko mahanap.” Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Paano ko uumpisahan ang misyon na ito kung napakalimitado ng impormasyon na nakukuha ko? “Well, mahirap talaga hanapin ang lokasyon ng base nila dahil palipat-lipat. Isa pa, kung madaanan mo man ay hindi mo aakalaing 'yon ang base nila. And as far as I know, it is located not in a city.” I cursed due to the frustration I was feeling. “Tao ba ang head nila? O kahit mga miyembro? Kahit pangalan lang sana ng kahit isa sa kanila ang mahanap ko, pero wala!” I was already using Derrivy's special system to find details and informations about the Sleverions, pero maging dito ay wala akong mahanap. Hindi nga talaga basta-basta ang mga ito dahil kung mas mababa sila kaysa sa amin ay nakuha ko na ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa kanila nang walang kahirap-hirap. Mukhang hindi basta-basta ang misyon na ibinigay nila sa akin. “Hindi sakop ng system natin ang Sleverions. It's a leading security company, Zalaria. Every member of the company can manipulate their digital footprints whenever they want in just few clicks. Their technology is the highest and most advanced.” “Nalaman niyo ang estimated date of arrival niya, what about his name?” Sandaling napatigil ang lalaki. He leaned over his swivel chair before closing his eyes. Napahilot pa siya sa sintido. “Huy, ayos ka lang ba?” It wasn't fake, concern talaga ako sa lalaki. “Yeah, I'm fine. Nahilo lang.” “You've been facing your computer since morning without your glasses, itigil mo muna 'yan.” Matigas din talaga ang ulo ng lalaki madalas pagdating sa mga ganitong bagay. Ayaw na ayaw niya ang pagsusuot ng salamin para protektahan ang mga mata niya sa tuwing nakaharap siya sa gadgets niya. “Sever?” Idinilat niya ang mga mata bago bumalik sa dating posisyon. He took a glance at me before continuing to type at his computer. Napabuntonghininga na lang ako. Hindi naman siya sumusunod sa mga payo ko. “I'll hang up now, inaantok na ako.” Mabilis siyang tumango sa akin. “Check the destructive email I will send you. I managed to get a little information about him and the group.” “Alright. Take care, Sever.” Ngumiti siya sa akin. “Sleep tight, Zalaria.” I waited for the email to arrive. Ilang minuto ang nakalipas bago ko ito natanggap. Since it was a destructive email, kumuha muna ako ng papel at panulat bago ito binuksan. Hindi ko alam kung saan at papaano nakuha ng lalaking 'yon ang mga impormasyon na nabasa ko, pero lahat ng mga 'yon ay sigurado akong makatutulong sa akin. Verse, huh? The Sleverions call their head with that name. Walang nakalagay kung totoong pangalan 'yon ng lalaki o code name lang, pero malaki na ang maitutulong ng impormasyon na 'to sa akin. Verse built the company at the age of eighteen. His biological parents already died. Bukod sa mga impormasyon na 'yon ay wala na akong nabasa pa tungkol sa lalaki. Ang iba ay tungkol na sa grupo. Their base here in the Philippines was located in an island, ngunit hindi nakasaad kung saang isla. Mukhang iisa-isahin ko pa yata ang mga isla rito sa Pilipinas kung sakaling wala na akong choice. Hindi ko alam kung sasakit ba dapat ang ulo ko o hindi sa mga nabasa kong impormasyon. Ang iba kasi ay kulang-kulang, pero mas mabuti na siguro 'yon kaysa sa wala. Kinabukasan ay may natanggap akong mensahe patungkol sa pagdating ng lalaki sa Pilipinas. He would come here from Spain, dahilan upang mamataan ng grupo namin ang pag-alis niya sa bansa. Among all the countries, sa Spain ang may pinakamalawak na sakop ang Derrivy. Doon din kasi naka-base ang aming main headquarter. Tinawagan ko agad si Sever tungkol dito. “Nakaalis na ang target dito. Bukas ay nasa Pilipinas na ang lalaki.” “Any details kung saang airport siya bababa?” I asked while running on a treadmill. Hindi pa sumisikat ang araw at kasalukuyan akong nasa gym upang mag-exercise. Napabuntonghininga ang lalaki. “Unfortunately, tracking the location of his plane right now is beyond what I can do.” Kumunot ang noo ko. “I thought you can track airplanes already?” Naaalala kong nabanggit niya na ito sa akin dati. “Right. But in this case, hindi ko na alam, Zalaria. Minutes after his plane left the country, bigla na lang itong nawala sa radar ko.” My lips parted from each other. “Maybe it crashed?!” Napamura ang lalaki. “You should take back what you said.” Naningkit ang mga mata ko. “Hindi ba mas maganda 'yon? Hindi na ako mahihirapang hanapin at patayin siya.” In my defense, my humor was not dark, ang trabaho ko lang talaga. Naligo ako pagkatapos kong kausapin si Sever. It was eight in the morning when I had my breakfast, madaling araw pa lang noong mga oras na 'yon sa Switzerland kaya naman hindi ko matawagan si Nanay. I was scheduled to visit the headquarter of Derrivy here in the Philippines later at the afternoon for the briefing of the newly recruited assassins. I would be discussing them the things they need to know before training for three years, gaya ng nagpagdaanan ko bago maging isang opisyal na miyembro. Ilang oras ang layo niyon mula sa condo ni Sever kaya naman gabi na ako nakarating. Pero sakto lang sapagkat gabi naman talaga naka-schedule ang briefing. Greetings were poured all over me after stepping my feet inside the familiar building. Nakakamanghang kilala ako ng halos lahat ng nasa headquarter kahit bilang lang sa daliri ang pagpunta ko rito sa loob ng isang taon. Matagal-tagal din akong nawala, ah? Hindi ako sanay sa mga matang sabay-sabay na napapatingin sa akin kaya naman binilisan ko ang paglalakad ko. However, kapag may bumabati sa akin ay sinusuklian ko naman sila ng ngiti. Agad kong sinimulan ang briefing nang kumpleto na ang lahat. It took me an hour to finish it. Paalis na ako nang ipatawag ako ng bagong head ng Derrivy dito sa Pilipinas. Nakakapanibago dahil noong si Sever pa ang nakaupo rito, itatawag na lang sa akin ng lalaki ang sasabihin niya. I immediately headed to the office. Upon entering the room for the briefing, a familiar face welcomed my sight. Ngumiti siya sa akin. “Ate, long time no see.” He's Asteon, the male version of Astean. Anong ginagawa niya rito? “Asteon...” Hindi ko nagawang itago ang reaksyon ko habang pinagmamasdan ang mukha niya. Magkamukhang-magkamukha talaga sila ni Astean. A tear escaped from my eye, ngunit agad ko 'yon pinunasan. “I thought Derrivy assassins don't cry?” Nanghihina akong napaupo sa upuang nasa harap ng lamesa niya. Mas ramdam ko na ang epekto ng pagkawala ni Astean ngayong kaharap ko na ang kakambal niya. Ever since I came here in the Philippines, hindi ko pa nabibisita ang puntod ng kapatid ko. Hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil sa hindi ko kaya. Tuluyang bumuhos ang mga luha ko nang tumayo si Asteon at lumapit sa akin upang yakapin ako. Lahat ng emosyong itinatago ko sa loob ko para sa kanila ay hindi ko na napigilang lumabas. This is what I missed after leaving the mansion more than a decade ago. Asteon's presence— yung mga kapatid ko. Alam ko kung gaano kalapit ang lalaking 'to kay Astean. Kumusta kaya siya pagkatapos ng pagpanaw ng kakambal niya? Tanggap na kaya niya? Kasi ako, mukhang hindi pa. When I was still living in the mansion, I would watch the two play and eat together. At dahil nga hindi naman nalalayo ang agwat ng edad nila sa akin, they would sometimes invite me to play with them dahilan upang mapalapit ako sa kanilang dalawa. Nang malaman nila ang tungkol sa koneksyon ko sa kanila matapos makita kung paano kami palayasin ni Nanay sa mansyon noon ng kanilang ina, hindi nagbago ang trato sa akin ng dalawa. Paminsan-minsan, kapag magkikita kami sa labas, they would still call me 'Ate'. They would greet me, treat me, and go somewhere with me. Mula sa pagiging madalas nito, hanggang sa pagiging madalang ng aming pagkikita, hanggang sa tuluyan na itong natigil. This was the first time I met Asteon after years. “How are you?” Hindi ako agad nakapagsalita nang pakawalan niya ako mula sa yakap niya. Bahagyang natawa ang lalaki dahil doon. He gave me a tissue to wipe out my tears. Bigla akong nahiya pero ano pa bang magagawa ko? Nakaiyak na ako. “I called you here for your mission. This is for you to read.” May iniabot siya sa akin na kulay puting envelope nang kumalma na ako. “Everything's already settled, pupunta ka na lang. Just alert us if you will be needing help or anything.” Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Tanging mga tanong lang ang nasa isip ko noong mga oras na 'yon. Since when did he become the head here? Paano siya nakapasok? Napansin siguro ng lalaki ang pagtataka sa aking mga mata, kaya naman binigyan niya ako ng isang tango. “We'll catch up the next time we meet, Ate. I'm so happy to meet you again.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD