bc

A GAME CALLED LOVE (VOLLEYBALL SERIES #1)

book_age16+
43
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
possessive
second chance
twisted
sweet
humorous
campus
highschool
enimies to lovers
athlete
like
intro-logo
Blurb

"Love is a game of uncertainty, but I am willing to gamble and wholeheartedly accept my defeat, just to have you in my arms."

Aikke Leighanne Monteverde, is a simple yet kind woman. She is a victim of this cruel society that eventually will lead her to the most memorable part of her life.

It started with a simple volleyball match but who could have thought that the game will be the beginning of a more interesting story? Saan sila dadalhin ng larong sinimulan nila sa loob ng volleyball court?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: [ FIRST DAY ]
LEIGH'S POV Nagsimula akong maglakad palabas ng classroom namin sa bago kong paaralan, ang Sta. Luciana University. First day of school ngayon. I am in Senior High School (Grade 11), taking up Academic Track: Accountancy, Business, and Management strand to be specific. Kakatapos lang ng unang dalawang klase namin sa umaga kaya naisipan kong maglibot-libot muna. Nasa may pasilyo na ako at naglalakad ng mag isa. Marami ang mga nakasabayan ko na may kanya kanyang mga ginagawa at pupuntahan. Wala pa akong masyadong kilala dahil unang araw pa nga lang ng pasok. Isa pa, ako rin kasi yong tipo ng tao na hindi masyadong nakikihalubilo sa iba, hindi naman sa ayaw ko pero dahil na rin siguro sa nangyari noon kaya naging ilag na ako sa mga nasa paligid ko. Pinagmamasdan ko ang mga estudyanteng nasa hallway. Masasabi kong may kalakihan ang paaralang ito kahit hindi ko pa ito nalilibot. Ngunit hindi hamak na mas malaki ang dati kong paaralan. May mga nakikita akong grupo ng mga kababaihan na halos ginawang coloring book ang mga mukha. Mayroon namang grupo din ng mga lalaki na walang ginawa kundi ang magtawanan at mag ingay sa dinadaanan. May nakikita din akong katulad ko na nag iisa, marahil wala pa rin silang kakilala sa paaralang ito. Nagpatuloy ako sa paglalakad, bahagyang nakayuko. Maya maya ay nakaramdam ako ng gutom kaya't naisipan kung hanapin ang cafeteria. Dinukot ko sa bulsa ng suot kong jeans ang papel kung saan nakalagay ang schedule ko. Break time pa lang naman kaya pwede pa. Inilibot ko ang paningin sa aking paligid. Napagdesisyonan kong dumaan sa madamong quadrangle nang sa ganoon ay mas makita ko ng malawakan ang buong lugar. Akmang bababa ako sa maliit na sementong hagdanan ng may nakabunggo sa akin. Nakita ko ang isang babaeng nagmamadaling pinupulot ang kanyang mga libro na nalaglag dulot ng pagbabangga namin kanina. Agad ko siyang tinulungan at inalalayang tumayo. "A-ah, pasensiya na hindi kita napansin, nagmamadali kasi ako eh." sabi niya sabay yuko ng kaunti. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Napansin kong marami siyang dalang libro at medyo nakaharang ang bangs niya sa mga singkit niyang mga mata. Maganda siya. Maputi, makinis ang balat, nakalugay ang maitim at may kahabaang straight niyang buhok at hindi naman masyadong matangkad ngunit hindi rin sya matatawag na pandak. "Ayos lang" may kaliitang boses na sabi ko. Inilagay niya ang takas na buhok sa likod ng kanyang tainga at ngumiti ng malapad sa akin. "Ako nga pala si Pennylie Grace Mariano, but you can call me Penny!" masayang pagpapakilala niya sabay lahad ng kanang kamay. Unti-unti kong inabot ang kamay ko sabay sabing, "A-ah ako naman si Aikke Leighanne Monteverde, nice to meet you P-Penny." Kahit naiilang ako ay sinikap kong bigyan siya ng isang munting ngiti. Bumitaw kami kapwa sa magkahawak naming kamay at nagpatuloy sa paglalakad. Tinulungan ko na rin siya sa mga dala niyang libro. Nakangiti pa rin siya habang pasulyap sulyap sa akin habang ako ay hindi masyadong makatingin sa kanya. "Ang ganda ng pangalan mo Aikke, pero mas gusto kong tawagin kang Leigh, okay lang ba?" sabay ngiti na naman niya. "Para kasing Nike ang Aikke eh, nakakalalaki pakinggan, eh ang ganda ganda mo kaya." sabi niya tapos tumawa ng mahina. Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Ngayon lang naman kasi ako nakipag usap sa ibang tao ng ganito katagal. Hindi rin ako sanay sa mga papuri kaya ganoon. Pero, hanep din ang isang ito, kala mo talaga eh matagal na kaming magkakilala, binigyan pa ako ng bagong nickname, di rin pinalampas first name ko. Haysss. "Uhm, salamat." Nahihiya kong banggit at ngumiti na lang ako ng alanganin sa kanya. "Saan ka pala pupunta Leigh? Transferee ka rin ba?" Tumango ako ng bahagya. "Ako din eh, kakalipat ko lang din ng school, parehas pala tayo. First time ko lumipat ng paaralan kaya masaya ako na may nakilala agad akong katulad ko din, hihi." Tumawa siya at napatakip pa ang kamay sa bibig. "By the way, saan ka nga pala pupunta? Ang tahimik mo naman masyado, di ka na makasagot." Paanong makakasagot eh hindi nga siya matigil sa kakasalita, di rin ako makasingit. Napabuntong hininga na lang ako. "Papunta sana akong cafeteria. Kakatapos lang ng dalawa kong subjects at balak ko ding maglibot muna sa university. Wala pa naman masyadong klase ngayong araw eh." "Sa cafeteria nga din ang punta ko Leigh, sabay na tayo?" Mas maganda nga siguro ng may kasama ako sa paghahanap ng cafeteria. Tumango ako sa kanya at nagpatuloy kami sa paglalakad sa madamong quadrangle sa ilalim ng mainit na sikat ng araw. Patuloy kami sa paglalakad ni, err, Penny at bahagyang nagkukwentuhan. Masyado kasing madaldal at masiyahin itong si Penny, iyon ang napansin ko sa kanya. Ako naman ay tango lang ng tango. Nasa kaliwang banda ako at siya naman sa kanan. Nang makarating kami sa gitna ng quadrangle, nakita kong may naglalaro ng volleyball. May dalawang di kataasang pole na kung saan sapat lang na maisasabit ang net. Napansin kong halo halo ang naglalaro, may mga kalalakihan at mangilan ngilang mga babae. Marami rin ang nakapaligid sa kanila upang manuod, open kasi ang court at imbes na semento ay damuhan ang inaapakan, normal na court ng mga pamprobinsyang unibersidad. Naririnig ko ang mga halakhakan at kantyawan nila sa loob ng court, hindi iniinda ang init na mula sa araw. Pawisan na ang iba sa kanila, karamihan sa mga lalaki. 'Kay aga-aga, laro agad. Ewan ko lang kung ano amoy nila mamaya' sabi ko sa isip ko. Umiwas na lang ako ng tingin at nagtuloy sa paglalakad kasabay ni Penny na ewan ko kung saan na nakarating ang kwento. Napakunot ang nuo ko ng makarinig na may sumisigaw. Nabaling ang tingin ko sa mga naglalaro kanina. "Missssss!" sigaw ng isa sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko ng makita na papunta sa direksyon namin ang bola. Mabilis ang paggalaw nito at malakas ang pwersang nagpatuloy na medyo umiikot, ngunit tila nag slowmotion ang lahat sa paningin ko. Kung hindi ako iiwas ay didiretso sa ulo ko ang bola. Napatingin ako sa kanan ko, si Penny! Kapag umiwas naman ako si Penny ang matatamaan! Tsk. Wala na akong maisip na paraan. Binitiwan ko ang dala kong mga aklat at dali-dali akong tumalon at itinaas ang dalawa kong kamay na parang ibo-block ang bola na animo'y nanggaling sa spike ng kalaban. Tumama ang bola sa mga palad ko at nahinto ito sa patuloy na pagbulusok ngunit nasa ere pa rin. Kaya ipinagsiklop ko ang magkabila kong kamay at walang ano-anong tinira ang bola ng malakas dahilan upang mapabalik ito sa mga naglalaro. Sa sobrang bilis ng pangyayari, naiwang nakabuka ang mga bibig ng mga nasa paligid. Maging si Penny ay natulala sa nangyari. Inayos ko ang suot kong blouse at pinulot ang binitawang mga aklat kanina. Mabilis naman na nakarecover ang lalaking nakasalo sa bola at dali-daling lumapit sa amin. Sumunod ang iba pang kalalakihan sa kaniya. "Miss, okay lang kayo?" may bahid ng konting pag aalala na mababakas sa boses nito. Agad ding napabalik sa reyalidad si Penny at napakurap-kurap pagkarinig niya sa boses ng lalaki. "A-ah a-ayos naman k-kami. Salamat." nauutal na sambit ng kasama ko. Mukha namang nakahinga ng maluwag ang lalaki. "Pasensiya na, masyado yatang napalakas ang tira ni Cap, muntik pa kayong matamaan." kamot-ulong sabi nito sabay sulyap sa likuran. Anong yata? Malakas naman talaga yon! Siguro kung may tatamaan, tiyak, diretso sa clinic. Gusto ko sanang sabihin yan sa pagmumukha ng lalaki kaso wag na baka magkagulo pa, eh mukhang isang team sila, dalawa lang kami. Marahil nagtataka kayo kung bakit ganito ako magsalita. Mahiyain naman talaga ako, katulad nung kanina samin ni Penny, pero ewan ko ba, pagdating sa mga lalaki, lalong lalo na sa mga mayayabang eh nagkakaganito ako. Ayoko na kasi pagdaanan ulit yong nangyari noon, tama na yong isang beses, di na pwedeng maulit. Ah basta, yon na yon! Maiintindihan niyo rin ako. "Tss." Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko yon. Nabaling ang tingin ko sa bandang likod ng grupo ng mga lalaking 'to, mga nasa labindalawa yata sila eh. Nakita ko ang lalaking medyo magulo ang may pagka brown na buhok, medyo pawis na rin, nakalagay ang magkabilang kamay sa bulsa ng pantalon at nakaiwas ang tingin. Hindi ko alam pero hindi ko matanggal ang tingin ko sa kaniya, well, may itsura nga. "Cap", pabulong na sabi nung isa nilang kasama sabay siko ng palihim dun sa lalaking tinititigan ko, tinitingnan lang pala hindi tinititigan. "Ano?" kunot-nuong tanong nung "Cap" nila. Psh. "A-ah, hehe, kami na ang humihingi na sorry sa inyo. Sorry talaga, mag iingat na kami sa susunod." Medyo awkward na sabi nung nag-approach na lalaki samin kanina. "Ba't ka nagso-sorry Klyde eh hindi naman sila natamaan. Nablock pa nga eh. Yabang." Pabulong na sinabi niya ang huling mga salita pero narinig ko pa rin. Napakunot ang nuo ko at bahagyang napataas ang isa kong kilay. Sinusubukan ako neto eh. Mahiyain at di ako pala salita pero nakakainis na eh. Kami pa talaga ang mayabang eh tignan mo nga ugali niya. Kami na nga muntik tamaan dito. Kainis! "Sige" maikling sabi ko na lang at di na pinansin ang sinabi nung mayabang na lalaki. Akmang tatalikod na kami ni Penny ng maramdaman kong may humawak sa pulsuhan ko. Tiningnan ko ang kamay na nakahawak dun at sinundan ng tingin paitaas. Napataas ang kilay ko ng makita kung sino ang pumigil at nakahawak sa kamay ko. 'Yong antipatikong "Cap" na tinatawag nila. Nang mapansin niyang tiningnan ko ulit ang kamay niya na nakahawak sa pulsuhan ko ay dali-dali niya itong binitawan at tumikhim sabay iwas ng tingin. Medyo naasiwa din ako sa ginawa niya pero di ko pinahalata. Narinig ko rin ang mga bulungan ng mga tao doon. Di rin nakaligtas sa pandinig ko ang eksahiradong mga tikhim at bahagyang pagtawa ng mga lalaki sa likuran niya ngunit agad ding natahimik ng tingnan niya ang mga ito ng masama. Sino ba ang lalaking 'to? "Bakit?", malamig na boses at walang emosyon kong tanong kahit pa sa loob-loob ko ay kinakabahan na ako. Nag iwas ulit ng tingin ang lalaki at maya-maya'y ibinalik niya rin ang tingin sa akin. "Wala" mas malamig niyang tugon, mas naging suplado siyang tignan. Pagkatapos ay bigla na lang siyang tumalikod. Ano daw yon? "Psh" pasinghal na sabi ko sabay hagip ng braso ni Penny na kanina pa tahimik, marahil sa naramdaman din nila ang tensyon na bumabalot sa amin kanina. Naglakad na rin kami patungo sa cafeteria na kanina pa namin balak puntahan. Ngunit bago pa man kami makalayo ay narinig ko ang mga sigaw nila. "Miss na naka kulay blue, ang galing mong mag-block!" "Miss, ang galing mo ring mag-dig!" "Wew, idol na kita agad!" Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy kami sa paglalakad. 'Ganda ng pambungad ng pasukan sakin ngayon ah, may makakaaway na yata ako', sa isip-isip ko. Makalipas ang ilang sandali, nahanap na namin ni Penny ang cafeteria. Inilibot ko ang paningin ko sa lugar at di maiwasang di mamangha sa nakikita. Hindi man kalakihan ang cafeteria nila tulad nung mga sa prestigious schools pero maayos at malinis naman. Agad kaming nakahanap ng bakanteng mesa ng kasama ko. Pinili namin yong medyo sa may sulok para di kami maisturbo habang kumakain kami mamaya. Umupo na ako at si Penny na ang pumunta sa counter para bumili ng kakainin namin. Ayoko man sana dahil naiilang pa rin ako sa kaniya, pero sobrang mapilit. Kala mo batang inagawan ng kendi, nagpapacute pa pero cute naman talaga siya. Tinitingnan ko na lang siya na umorder ng makakain. Mukhang mabait naman si Penny pero hindi lang talaga ako sanay. Sa dati ko kasing paaralan, wala akong masyadong kaibigan, kung meron man hindi ko siya maituturing na kaibigan talaga dahil minsan lang sila lumalapit sa akin at ayaw ko rin naman masyadong maattached sa ibang tao. Hindi rin ako sanay na may nanlilibre sakin o nag aalaga. Sanay akong mag isa sa loob ng eskwela. Nakaraos din naman ako at nabuhay ng walang kahit na sinong malapit na kaibigan, naging mahirap nga lang dahil sa mga nambubully sakin sa school. Nasanay na rin kasi ako sa mahirap na pamumuhay. Hindi ako lumaki sa mayamang pamilya na kahit anong gusto ay nakukuha agad. Hindi rin naman kami iyong maituturing na hikahos sa buhay, sapat lang para sa munti naming pamilya. Mas maaga nga lang akong namulat sa mga responsibilidad dahil bata pa lang ay ipinakita na sa akin ng mga magulang ko ang katotohanan sa mundong ito, na kung hindi ka magsisikap ay wala kang mapapala. Naputol ang pag-iisip ko ng may naglapag ng isang tray na may dalawang burger, dalawang coke-in-can at may fries din. Sumalubong sakin ang mukha ni Penny na malapad na nakangiti. Hindi ba siya nangangalay kakangiti? "Ayan, Leigh kain na tayo!" masayang sabi niya. "Salamat" sabi ko naman. "Don't mention it. From now on, sabay na tayong kakain palagi dito sa cafeteria at magiging magkaibigan na tayo simula ngayon!" Natigilan ako sa sinabi niya. Kaibigan. Hindi naman siguro masamang makipagkaibigan. Mabait naman si Pennylie at nararamdaman ko iyon. Ngumiti ako sa kaniya. "Sige, kung iyan ang gusto mo." sabay ngiti ko. Natahimik kami ni Penny habang kumakain, respeto na rin sa pagkain. Nasabi ko rin sa kaniya na hindi ko gusto masyado ng maingay sa hapag. Patapos na kaming kumain ng magsalita siya. "Leigh, sa tingin ko volleyball team ng school yung muntik ng makatama ng bola satin kanina." "Hmm?" "Kasi, may nakita akong ilan sa kanila na naka jersey shirt eh tsaka may tinawag silang "Cap", yung mayabang." Nagpalinga-linga pa siya pagkatapos niyang sabihin yung huling salita. Naalala ko naman tuloy yung mukha nung lalaki kanina. Hindi ko alam pero may pakiramdam ako na kakaiba sa kanya, takot? Siguro. Tsaka inis na din. Pinaalala pa kasi ni Penny, hindi na naman tuloy matanggal sa isipan ko yung nangyari kanina. "Uyy! Natulala ka dyan." napatingin ako kay Penny. "Asus, crush mo yung Cap no? Yiiieee! Sa bagay gwapo nga Leigh! Kyaaaaaaah~" Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. "Hindi ah", simpleng sagot ko sabay lunok at iwas ng tingin. May pakiramdam ako na may hindi magandang mangyayari kapag nagkita pa kami ng kung sino mang lalaking yun. Kaya hangga't maaari, hindi ako lalapit sa iba, lalo na sa kaniya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
426.9K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
548.6K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
475.1K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
208.7K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
862.5K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook