1-WEDDING
Eliza's POV
"Mom, Dad ganito pala ang pakiramdam kapag ikakasal. Feeling ko, ako na ang pinakamagandang babae sa araw na ito." Abot tainga ang ngiti na sabi ko kay mommy Lailani at Daddy Elijah habang nakaharap ako sa malaking salamin suot ang aking wedding gown.
Napangiti si Mom, si Dad naman ay nakatitig lang sa akin.
"Mas maganda ka sa Mommy mo ng ikasal siya sa akin. Ang Mommy mo kasi noon, kulot, nakasalamin at suot pa niya ang kaniyang retainer na sa halip na gumanda ay mas lalo pa siyang pumangit." natatawang sabi ni Dad.
Isang malakas na hampas sa dibdib ang ginanti ni Mom kay Dad.
I'm so grateful dahil sila ang naging magulang ko. Alam kong ampon lang ako pero ni -minsan hindi nila pinaramdam sa akin na isa lang akong ampon. Kaya ang swerte ko sa kanila. Minsan na lang ngayon makakahanap ng hindi mo tunay na magulang pero tanggap ka nila ng buo.
Kaya mahal na mahal ko sila.
Niyakap ko silang pareho. Bago bumitaw sa pagkakayakap ay napaiyak na ako. Pinunasan ko kaagad ang luha ko sa aking pisngi. Baka masira ang make -up ko.
"Ano ba 'yan, Eliz? Hindi ka pa naglalakad patungo sa magiging asawa mo umiiyak ka na, paano pa kaya kung maglalakad ka na palapit sa kaniya? Baka bumuhos na ng tuluyan 'yang mga luha mo. Halika nga dito." Kinabig naman ako ni mom palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit.
"Naiisip ko po kasi mawawalay na ako sa inyo, Mom." puno ng lambing na sabi ko habang patuloy ang pagtulo ng luha ko. Nasisira na nga ang make-up ko.
Tinapik ni Mommy ang likod ko "Nandito pa rin naman kami kapag kailangan mo. Huwag ka ng umiyak, okay? Tandaan mo ikaw ang panganay namin at ikaw ang Ate ng apat mong mga kapatid kaya ipakita mong matapang at kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa." Hinaplos ni mommy ang aking mga pisngi.
Niyakap ko na lang ulit ito.
"Tama na ang iyak. Masisira ang make-up mo. Gusto mo bang maging pangit ka sa paningin ng groom mo?" biro ni mommy.
We both laughed.
Pinunasan kong muli ang aking mga luha sa aking pisngi.
"Maiwan ka muna namin ng daddy mo, hija. Mauuna na kami sa church. Doon ka na lang namin hihintayin. Anak, don't stress yourself too much. Just smile, okay?" Humalik sa pisngi ko si Mom.
"Bye, my dear." Nakangiting paalam ni Mommy tsaka tuluyan na sila ni Dad na lumabas sa pinto ng silid na kinaroroonan ko.
Tinitigan ko ang kabuuan ko sa malaking salamin. May mga ngiti sa labi. Sa wakas! Bubuo na ako ng sarili kong pamilya sa lalaking mahal na mahal ko at siyempre mas mahal niya ako.
Inayusan na muli ako ng bakla. Pagkatapos, lumabas na rin ako para sumakay sa bridal car. Sobrang excited ako. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Sa sobrang excited ko nga ay muntikan pa akong matapilok.
Napapikit ako sa lakas ng kalabog ng dibdib ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Sobrang lakas ng kabog dito sa puso ko. Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal.
Huminto ang bridal car kaya mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko dahil nandito na kami sa tapat ng simbahan kung saan gaganapin ang aming kasal.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman sa mga oras na ito.
Pinagbuksan ako ng driver. Maingat akong lumabas sa bridal car hawak ang laylayan ng wedding gown ko. "S-salamat po, " sabi ko sa driver ng bridal car.
Tumango lang ito at binigyan ako ng daan.
Nakangiti ako habang naglalakad papasok sa loob ng simbahan. Alam kong naroon na sa loob si Keanne, naghihintay na sa 'kin. Excited na akong makita siya.
Pagpasok sa loob ng simbahan ay ganoon na lang ang pagkapawi ng mga ngiti ko dahil hindi ko nasilayan si Keanne sa altar.
N-nasaan si Keanne?
Kaagad kong ibinaling ang ingin sa kinaroroonan ni Mommy. Umiling-iling ito sa akin. Parang sinasabi niyang hindi rin niya alam. Unti-unting humakbang palapit sa akin si Mom.
"Mommy, s-si Keanne? N-nasaan?" kinakabahan na tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam pero para akong maiiyak.
"Yan din sana ang itatanong ko sa 'yo, Eliz. Kanina pa ako tawag ng tawag sa 'yo pero hindi mo sinasagot."
Biglang bumagsak ang aking mga balikat.
Bakit wala pa siya? Hindi ba dapat nandito na siya at naghihintay na sa akin sa altar?
"Mommy, pahiram po ng phone niyo." Ibinigay ni Mommy sa akin ang phone niya.
Tinawagan ko kaagad si Keanne. Nag-aalala kasi ako baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Kung bakit hanggang ngayon wala pa siya.
Ring lang ito ng ring ngunit walang sumasagot. Hindi naman ako tumigil sa pagtawag sa kaniya.
"Nasaan na kaya ang groom?" narinig kong mga tanong ng mga nag-attend sa aking kasal.
Kahit ako ay walang kaalam-alam kung nasaan si Keanne at bakit wala pa siya? Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Ngayon lang nangyari 'to. Sa araw pa mismo ng kasal namin. Baka kung ano ng nangyari sa kaniya.
Paulit-ulit ko siyang tinatawagan pero hindi man lang talaga nito sinasagot.
May balak ba siyang umatras sa kasal namin?
Nagbago ba bigla ang isip niya? Na-realize niya kaya na hindi ako ang dapat na pakasalan niya or na -realize niyang hindi pala talaga niya 'ko mahal? Ang daming bumabagabag sa isip ko.
Pero impossible dahil tatlong taon na kaming magkasintahan at alam kong pareho naming mahal ang isa't-isa.
Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang hiyawan ng mga tao sa simbahan.
"Nandito na ang groom!" sigaw ng isang babae na hindi ko kilala. Ang alam ko lang kaibigan siya ni Mommy. Napatingin kaagad ako sa malaking awang ng pintuan ng simbahan.
Lumakas ang t***k ng puso ko at ang kaba ko kanina ay unti-unting nawala nang makita kong papasok na si Keanne. Ang buong akala ko hindi na siya darating.
Unti-unting napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan siyang palapit sa akin.
Napangiti ako at sinalubong siya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong tumakbo palapit sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Wala akong pakialam kahit pa magkaroon ng eksena.
"Akala ko...may masamang nangyari na sa 'yo, Love." sambit ko habang niyayakap siya. Sumalubong kaagad sa akin ang amoy alak niyang hininga.
Tinitigan ko siya. Wala siyang emosyon na para bang hindi siya masaya. Wala akong makitang ngiti sa labi at mga mata niya.
Hindi siya umimik. Tinanggal niya lang ang mga kamay kong nakayakap sa kaniya.
"Ang mahalaga naman nandito ako 'di ba?" sarkastikong sabi niya sa akin at naglakad palapit sa altar. Iniwan niya ako kaya tulala na lamang akong napatitig sa likod niya.
Hindi ko inaasahang ganoon ang sasabihin niya. Tila hindi na siya si Keanne na sobrang sweet at clingy sa akin. Hindi man lang siya gumanti na hapitin ang bewang ko. Ngunit sa kabila ng pag-iisip ko, tuloy ang kasal namin. Naikasal kami sa araw na ito pero wala akong makitang saya sa kaniyang mga mata. Tila isang malamig na yelo ang lalaking pinakasalan ko.
Pero sa kabila ng lahat na ipinakita niya ay nakangiti pa rin ako para tanggapin ang lahat ng pinapakitang cold niyang awra sa akin.
Pagkatapos ng kasal at receptions dumiretso kami sa kanilang mansion. Sa halip na sa isang hotel ang tuloy namin para sa honeymoon ay nagbago na ang plano niya. Sakanilang mansion niya ako dinala.
Ngayon pa lang ako nakapasok sa kanilang mansion. Hindi niya raw ito maiwan-iwan dahil may mahalaga at memories siyang binabalik-balikan sa bahay na ito. Iyon ang kwento niya sa akin noon.
Noon, hanggang condo lang ako. Hindi niya ako dinadala dito.
Kanina ko pa gustong itanong sa kaniya kung anong problema pero hindi ko nagawa. Dahil baka pagod lang siya kaya ganito siya sa akin. Tila ayaw niya akong kausapin.
Gabi na nang makarating kami kaya dinala niya na rin ako sa magiging kwarto namin. Dito na yata kami titira.
"K-Keanne..." tawag ko sa kaniya nang makapasok kami sa loob ng kwarto. Kaming dalawa na lang.
Hindi siya sumagot. "Keanne...love..." tawag ko ulit sa kaniya. Lumingon siya sa akin kaya tumalikod ako sa kaniya para sana ipahubad ang pagkakabuhol ng tali ng wedding gown ko sa aking likuran. "P-pakihubad naman." Turo ko sa likuran ko. Hindi siya umimik pero sinimulan niyang hubarin ang pagkakabuhol ng wedding gown ko sa aking likuran.
Nang mahubad niya iyon ay humarap ako sa kaniya. Unti-unti kong hinubad sa kaniyang harapan ang wedding gown ko. Yumuko siya at hindi ako tiningnan na parang may mali sa akin dahil ayaw niyang tingnan ang hubad kong katawan.
"I'm tired, Eliz. Let's go to sleep." sabi niya tsaka tinalikuran ako para maglakad papuntang kama. Hinila niya ang kumot at nagtalukbong.
Napanganga ako habang pinagmasdan siyang nakatalukbong na ng kumot. Nag-umpisang bumagsak ang aking mga luha.
Hindi ko kasi alam kung bakit siya nagkakaganito? Kanina pa siya cold sa akin. Napilitan lang ba siyang pakasalan ako?
"Keanne..." muli ay tawag ko. Lumapit ako at pilit na tinatanggal ang kumot na nakatalukbong sa kaniyang buong katawan.
"Keanne..."
"What is it, Eliz? I already said I’m tired! Don’t you understand that? Are you really that stupid para hindi mo maintindihan 'yon! Just go to sleep, okay?” he shouted in my face.
Sunod-sunod na bumagsak ang aking mga luha. Nanikip bigla ang dibdib ko. Hindi makapaniwalang sinigawan niya ako.
For the first time, he ignored me!