Ang bilis ng pangyayari. Everything is different. Today, I'm being held captive by my unknown k-dnappers, hindi ko sila kilala and I have no idea where I am. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sakin. Wala naman akong kasalanan. Wala nga akong inutangan. At huli, wala rin akong kaaway. Kung meron man, mga marites lang naman. Puny-ta! Si Cassandra! Baka hinahanap na ako ng gaga. Nag alala na yun sakin. Kailangan kong makaalis dito.
My head is spinning at ang puso ko ay kumakabog nang sobra-sobra na parang lalabas na sa dibdib ko dahil sa kaba. Natatakot ako. Nag-iisa rin, at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Papatayin ba nila ako? Hindi pwede. Hindi ko pwedeng iwan si Cassandra tapos...tapos...si Nix.
Phoenix...Nix.
Bigla kong naalala kung paano ako humantong sa ganitong kalagayan.
The last thing I remember is walking alone at paalis na ako sa bwiset na lugar na yun. Masama ang memories ko dun at I'm sure of that na hindi na ako aapak dun. Akala ko pa naman may forever na ako yun pala hupya rin. Akala ko, they will live happily ever after na ang ending ng story ko yung pala it's just beginning of my heartache. Papalapit ako nun sa isang tahimik na park when I felt someone grab me from behind. Before I could scream, a cloth was placed over my nose and mouth, and everything went black.
Nang magising ako, nasa madilim na silid ako, nakakadena sa isang upuan. Naka-tali ang aking mga kamay at paa, at hindi ako makagalaw. Sumisigaw ako, pero nakabalot ng duct tape ang aking bibig. Naririnig ko ang mga panget na kidnapper na mahinang nag uusap, pero malabo sa pandinig ko ang kanilang sinasabi.
Yun ang nangyari at habang lumilipas ang oras, unti-unti akong nanghihina. Gutom na gutom na ako. Uhaw na uhaw. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nawawala, o kung mayroon bang nag-aalala sa akin. Miss ko na si Cassandra, mga paninda ko, mga gulay ko, mga marites, mga kumare ko sa palengke, sina Aling Linda at mga baby ni Cassandra. Sana mabuhay pa ako after this. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kung iiyak naman ako wala naman magbabago. Nakakasayang ng luha.
But I knew I can't go home. Mga baliw kase sila, at hindi nila ako papaalisin dito ng buhay. Kung pera naman hanap nila sa akin kahit piso wala ako. Walang wala ako.
I closed my eyes and took a deep breath, trying to calm myself down. I knew I had to stay strong and keep fighting. I didn't know what the future held, but I knew I wasn't going to give up without a fight.
As my eyes adjusted to the darkness, I saw the silhouette of a man standing in the corner.
"Sino ka?" Tanong ko, nanginginig ang boses ko. Napakurap kurap ako napagtantong tinanggal niya ang tape sa bibig ko.
Instead iisipin ko kung paano nangyari yun ay tinitigan ko ang anino. Sino siya? Bakit niya ako kin-dnap? Anong kailangan niya sakin? Gusto ko sanang makita ang mukha niya pero madilim. Hindi ko maaninag ang mukha niya.
The man stepped forward, his face still hidden in the shadows.
"I'm sorry, Lorena," he said. Kilala niya ako. Paano? Paano?! Sa boses palang niya ay hindi ko siya kilala kaya paano niya nalaman ang pangalan ko?
"I don't want to hurt you. But I need Phoenix to know that, I mean business..." Dugtong nito.
Nagulat ako dahil narinig ko ang pangalan ni Phoenix. Anong kinalaman ng pagk-dnap nila sakin sa buhay ni Phoenix? Oo nga pala. Hindi ko siya kilala ng lubusan. Sino nga ba talaga siya? Marami nga siyang sekreto at niisa ay hindi niya binahagi sakin.
Mapait akong ngumiti sa kanya. My mind raced as I realized what was happening. Kal-ban ba ito ni Phoenix? Bakit may kal-ban siya? Sila ba ang pumasok sa unit niya? Anong kailangan nila kay Phoenix? Bakit sinali nila ako sa away nila? Did they think using me as leverage to get to him? Ang eng eng pala nila. Naniniwala pala sila sa mga ganyan. I couldn't believe that I had become a pawn in their d-ngerous game. Pwe!
Pero this is beyond d-ngerous. Alam kung hindi ito biro. Lalo na yung nangayari sa unit. Ang alam ko ay mahigpit ang seguridad doon pero nakapasok sila. Ito pa kaya na hawak na nila ako?
Tumaas balahibo ko. Fear and desperation washed over me as I thought about what they might do to me. Assuming na kung iisipin na, Phoenix would do anything to get me back. Hindi ko na alam. Broken hearted ako pero heto nasali sa laro nila.
I tried myself to stay strong, but the fear was overwhelming. I thought of Phoenix, kunting panahon lang ang love story namin. Tapos heto tragic ang ending.
Ngunit lumipas ang ilang araw na pagkakakulong at unang-huli kong kita sa lalaking yun, wala pa ring tumutulong sa akin. I lost hope. Kung alam ko lang na ganito na mam-matay ako ng maaga edi sana kumain ako ng maraming ice cream. Lalo na't hindi nagpapakita ng anumang uri ng awa o konsiderasyon ang mga panget. Instead, lalo pa nilang pinaigting ang kanilang pagpaparusa sa akin.
Napapagod na ako, hindi lang sa pisikal na pagkakulong, kundi pati na rin sa emosyonal na pasakit na dulot ng aking sitwasyon. Hindi ko na alam kung paano pa ako mabubuhay dito. Nanghihina ako at gusto ko na lamang sumuko.
Hours turned into days again, and I lost track of time. I was barely given any food or water and was constantly on edge, waiting for my captors to make their next move. I tried to stay calm, but the uncertainty was taking its toll on me.
Nakaawang ang labi ko nakipagtitigan sa pader. Unti-unting bumalik ang huling araw na kasama ko si Phoenix at bago humantong sa kidnapan at paano ako naging sawi sa pag-ibig.