Kabanata 5

1809 Words
Flashback.... Nagsusuklay ako sa harap ng salamin. Kinakabahan ako para sa date namin. First time ko itong maranasan at isang ubod na gwapo pa ako makikipagdate. Ano ba gagawin ng isang babae sa date? Hindi tuloy ako mapakali. Napahinto ako sa pagsuklay at nakipagtitigan sa salamin. Suot ko ang isang sundress na rosey red at pinaresan ng white sneakers para simple lang pero cute. Sabi ni Google, maganda raw ang contrast ng red at white para fresh tignan, hindi nakaka-intimidate pero classy pa rin. Naniniwala ako kay Google. Huminga ako nang malalim at tinignan ang sarili sa salamin. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o kinakabahan. Ang weird kase ng pakiramdam ko ngayon. O dahil first kong maranasan ang date-date na yan? Magpapasalamat ba ako dahil may nagayuma ang beauty ko? Natulala ako sa harap ng salamin. Parang hindi ko na alam ang gagawin. Gusto ko na tuloy umatras. Napapikit ako sa naisip at tinampal ang pisngi ko. "Hindi pwede. Nandito na tayo. Naibigay mo na halat-halat sa lalaking yun at ngayon ka pa aatras? Bumukaka nga agad eh." Bulong ko sa sarili. Walang halong biro yun dahil totoo naman. Pinagpatuloy ko ang pagsuklay pagkatapos ay lumabas na ng kwarto bitbit ang isang sling bag. Nadatnan ko si Nix sa sala na nakatalikod sa akin habang inaayos ang magulong buhok. Mabilis itong napalingon sa akin marinig ang yabag ko at halos mawalan ako ng balanse patagilid niya akong pinasadahan ng tingin. Magulo ang buhok. Suot nito ang paboritong antipara. Hindi ayos ang necktie. Nakasuot ng kulay cherry red na Ralph Lauren long sleeve habang nakarolyo hanggang siko. Itim ang slacks na pinaresan ng itim na leather shoes na mukhang bago pa. Ang effortless at ang lakas ng dating. Ito ang ka-date ko? Swerte ko naman pero mas swerte siya sa akin. Napalunok ako habang pinapanood siyang ayusin ang kwelyo niya, halatang nahihiya rin kahit hindi halata sa mukha. Kahit nagugulat dahil nakangiti siya ng kaunti, tinitigan ko lang siya na may ngiti rin sa labi. Hulog na hulog talaga ang puso't kaluluwa ko sa kanya. Makakaahon pa kaya ako? Ewan pero bahala na. Si Batman na ang bahala sa akin. "Pretty." Rinig kong bulong mula sa kanya habang tinitigan pa rin ako. Bigla akong namula kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. Yung puso ko, nagwawala na naman. Tumikhim ito dahilan para mabilis akong napatingin muli sa kanya. “Do I look fine?” tanong niya, sabay hagod sa buhok na parang lalo lang ginulo. Napangiti ako at napailing. “Oo, pero… teka, ayusin ko na nga ‘yang necktie mo.” Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kwelyo ng damit niya. Nakakailang dahil halos magkadikit na kami at naaamoy ko ang pabango niya. Masarap sa ilong, mabango at may konting halimuyak ng sandalwood. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang inaayos ko ang necktie niya. Tahimik lang siya at nakatingin sa akin, nakakatunaw ang tingin na parang sinasabi ng mga mata niya na gusto niya talagang nandiyan ako, sa harap niya. Matapos kong ayusin ang necktie, ngumiti siya at may bahagyang ngiti sa labi. “Thank you, darling,” sabi niya. Tumango ako, pilit pinipigilan ang sarili kong mapangiti nang husto at mahimatay. “Sige, tara na?” tanong ko, bitbit ang sling bag ko habang medyo nanginginig pa ang kamay ko sa kilig. Inabot niya ang kamay ko at hinawakan iyon nang mahigpit. Para bang tiniyak niyang hindi ako mawawala sa tabi niya. Hindi ko alam kung anong klase ng lakas ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na ngumiti nang diretso sa kanya at maglakad palabas na hindi bumibigay ang tuhod ko sa sobrang kilig na naramdaman ko ngayon. Ang babaw man pakinggan pero big deal ito sa akin na isang NBSB. Nandito na kaya grab the chance. Gusto ko rin maranasan itong feeling habang nabubuhay pa ako sa earth. Hindi pwedeng malipasan tayo ng taon at waley pa rin bebe loves. Kung ano man ang resulta nitong ering-ering namin, aba, bahala na talaga. Basta happy ako ngayon. Gamit ang sasakyan niya ay narating namin ang isang restaurant. Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa entrance ng restaurant. Mula sa labas, alam kong for rich people only. Bakit dito ako dinala ni Nix? May dalawang couple ang pumasok sa restaurant. Kumpleto sila sa glamor---mga babae naka-eleganteng dress at ang mga lalaki ay naka-coat at tie. Napalunok ako, agad na tinignan ang sarili kong simpleng sundress at sneakers. Parang gusto kong magtago bigla. Ano ba naman 'tong napasukan ko? Pakiramdam ko tuloy, out of place ako. Nahalata siguro ni Nix ang pag-aalala ko dahil ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko nang mas mahigpit. “Hey, you look amazing, okay? Trust me, you’ll be the most beautiful girl in there.” Pero hindi pa rin maalis ang kaba sa puso ko. “Sure ka? Kasi parang ang simple ko lang. Hindi kaya magmukha akong… ano, underdressed?” Kinunutan niya ako ng noo at seryoso niya akong tinitigan. “You're fvcking perfect, darling. That’s why I wanted to bring you here because I wanted everyone to see how gorgeous you are, just the way you are.” Bigla akong namula at hindi ko maiwasang mapangiti. Seryoso ba siya? Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o nagbibiro lang siya, pero sinabayan niya iyon ng isang maliit na kindat na nagpasikdo lalo sa puso ko. Para bang may sariling boses ang utak ko na nagsasabing, “Relax, girl. Enjoy mo lang ito.” Hinila niya ako papasok sa loob ng restaurant, at naglakad kami papunta sa reserved table niya. Napansin ko ang ilang mga tingin ng mga tao. May mga bumubulong-bulong, pero ewan ko kung totoo o nasa isip ko lang. Pilit kong inignore at umupo na ako nang dahan-dahan, sinusubukang magmukhang composed kahit ang totoo, para akong idinuduyan ng kabang hindi ko mawari. Ngumiti siya at sumandal sa upuan, tila sinisigurado na comfortable ako. “So, any idea what you’d like to order? Or do you want me to surprise you?” tanong niya, nakatitig sa akin na parang inaabangan ang magiging reaksyon ko. “Surprise me,” sagot ko, kahit kinakabahan. Pinigilan ko ang sarili ko hindi mailibot ang tingin sa paligid habang hinintay ang order namin. Kaso, may sariling utak talaga mga mata ko. Sa sobrang curious ko at ignorante ay may nahagilap ang mga mata ko na hindi kaaya-aya. Sobrang sama sa mga mata ko. Nasa kanila lamang ang mga mata ko habang sila ay nag-uusap. Nakatalikod sa akin ang babae pero kahit ganun ay alam kung maganda ito. Rinig kong tinawag ni Nix ang atensiyon ko pero nandun sa kanila ang atensiyon ko. Naramdaman ko na lang ang mga palad niyang nakahawak sa mga pisngi ko at pilit pinaharap sa kanya ang mukha ko. Sumalubong sa akin ang nakakunot niyang noo at blanko niyang mga mata. Napakurap-kurap ako bigla. "I want your attention, nothing else. Focus on me, darling." Parang may nag-spark sa dibdib ko nang marinig ko 'yon. Seryoso ang mukha niya at para bang may halong possessiveness sa mga mata niya. Hindi ko napigilang mapalunok habang nakatitig sa kanya, ramdam ko ang pagkabigat ng mga salita niya. Napakagat-labi ako at naramdaman kong lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa intense na nararamdaman ko para sa kanya sa simpleng gesture na 'to. Para akong napako sa kinauupuan ko, hindi makaalis ng tingin sa kanya. "Okay," sagot ko, halos pabulong, pero alam kong narinig niya. Ngumiti siya, at unti-unting bumalik ang relaxed na ekspresyon sa mukha niya. Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko bago inalis ang mga kamay niya Maya-maya pa’y dumating na ang mga pagkain namin. Fine dining levels, at hindi ko alam kung paano siya isasabuhay. Pero si Nix, kalmadong-kalmado lang na parang ito ang natural na mundo niya. Kinuha niya ang isang fork at knife, tapos ngumiti siya sa akin. “Relax, darling,” sabi niya, at may twinkle sa mga mata niya. “Just follow my lead.” Sumunod lang ako sa kanya, sinubukan kong gayahin ang bawat galaw niya sa pagkain. Paminsan-minsan, tinititigan niya ako habang ngumunguya, at minsan naman biglang natatawa na lang siya dahil alam kong halatang-halata na hindi ako sanay sa ganitong lugar. Pero ang totoo, masaya ako. Yung tipo ng saya na hindi mo maipaliwanag. Na kahit ilang awkward moments ang pagdaanan ko, parang worth it lahat dahil kasama ko siya. Parang wala akong pakialam sa tingin ng ibang tao, basta nandiyan siya sa harap ko, tinititigan ako na para bang ako lang ang tao sa buong mundo. Sa gitna ng dinner namin, bigla siyang nagtanong. "So, how does it feel? Being here… with me?" Para akong natameme. Hindi ko alam kung paano sasagutin, pero sinubukan ko maging totoo. "Masaya… Kinakabahan pero masaya," sagot ko, sabay tingin sa plato ko. Tumawa siya nang mahina at kinuha ang kamay ko mula sa mesa. “Good,” bulong niya, at biglang sumeryoso ang ekspresyon niya. “Because I don’t want this to be the last time. I want to keep seeing you, just like this.” Halos hindi ako makahinga sa sinabi niya. Para bang wala akong ibang gustong sabihin kundi “yes,” at kung ano man ang ibig sabihin ng lahat ng ito, gusto kong malaman. Marupok na ba ako kung puro yes ang isasagot ko? Nagpatuloy kami sa dinner, nag-uusap, at sa bawat segundo, lalo kong nararamdaman na nahuhulog ako sa kanya. Ngunit naputol ang kwentuhan namin nang may sumabat sa amin. Mabilis akong napatingin dito at halos lumuwa ang mga mata ko makita ang lalaki sa likuran niya. "It's really you, Phoenix. How are you? I thought you are also in Italy like Zaccheus. You are both liars talaga." Sambit ng babae. Napakurap-kurap ako at mahigpit akong napahawak sa kutsara. Naramdaman kong hinawakan ni Nix ang kamay ko. Pinisil niya ito pero hindi ko siya nilingon instead pinuproseso ko ang sinabi ng babae. Kilala niya si Nix? Anong Italy? Zaccheus? Si Dark Zaccheus Voughnn Smith itong kasama ng babaeng ito hindi ba? Yung ama ng mga anak ni Cassandra. Kilala nila ang isa't-isa? "What are you doing here, Dark? And why are you with Aestheria?" Malamig na tanong ni Nix kay Dark na ngayon ay hindi mabasa ang walang emosiyon nitong mukha. Nanlalamig akong umiwas ng tingin sa kanya at tumingin kay Nix na ngayon at madilim ang anyo habang hawak pa rin niya ang kamay ko sa ibabaw ng table. Ang tingin nito ay nasa akin at sumulyap lamang kay Dark. "Why? Do we have a problem if I'm with Zaccheus, Phoenix baby? Are you jealous? Don't be, you're still my baby, Phoenix. I miss you by the way....." Napahinto ito at dumako ang tingin sa akin mapansing may kasama si Nix. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago tinaasan ng kilay. "...Who is she, Phoenix?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD