Continuation of the Flashback...
Ilang ulit akong napakurap-kurap. Gustuhin ko man magsalita pero hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Oo nga naman, bakit ako magsasalita eh hindi ko siya kilala? Lalo na't hindi rin kami close.
Napabaling ang tingin ko kay Phoenix na malamig ang tingin sa babaeng tinawag niyang Aestheria. Hindi ko mabasa ang mukha niya. Kinabahan ako bigla at wala sa sariling napatingin sa paligid.
Nasa amin ang atensiyon ng ibang tao. Nakakunot ang noo at tila kilala nila ang mga kasama ko ngayon. Walang nagsalita sa kanila kundi naghihintay lamang sa anumang mangyari dito sa loob ng restaurant.
"Who is she, Phoenix?"
Napatingin ulit ako sa babae at napalunok nang marinig ulit ang tanong ng babae. Bigla akong nanlamig, lalo na sa paraan ng pagtitig niya kay Nix. Halos hindi ako makakilos, para bang na-freeze ako sa kinauupuan ko habang hinihintay kung ano ang isasagot ni Nix. Ramdam ko ang kabang bumubogbog sa dibdib ko, at naglalaro ang isip ko sa tanong na iyon.
Nakaramdam ako ng tensyon na lumulutang sa pagitan naming tatlo. Tatlo lamang dahil pinagmasdan lamang kami ng kasama ni Aestheria. Walang salita ang lumalabas sa bibig nito.
Sumulyap ako kay Nix. Ang tingin ni Nix ay seryoso, madilim, ngunit mahigpit pa rin niyang hawak ang kamay ko parang sinasabi niyang huwag akong bibitaw.
Nagtagal ang katahimikan bago siya nagsalita, at sa bawat segundo ng katahimikan, tila lalo akong kinakalampag ng kaba. Ang tingin niya sa akin ay matalim, tila nagsusumamo na manatili akong kalmado.
“She’s someone special to me,” tugon ni Nix, malinaw at mariin ang bawat salita. Ramdam ko ang bigat ng boses niya, at hindi ko maiwasang mapangiti kahit pa may halong kaba. Alam kong ramdam ng babae ang seryosong tono niya dahil tila nawala ang ngiti nito at napalitan ng disgusto.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Halo-halong emosyon may kaba, kilig, at pagkalito sa pagitan nilang dalawa. Sino ba talaga ang babaeng ito sa buhay ni Nix? At bakit ganyan siya? Kung makareact akala mo girlfriend. Pero what if?
Tumikhim si Nix at ibinaling ang tingin kay Dark, bakas sa mga mata niya ang pagka-irita. "Dark, I'm here for a date. I suggest you both leave," malamig na sabi ni Nix, pero bakas ang bigat ng boses niya.
Di ko mapigilang lumingon kay Dark na ngayon ay napamulsa si Dark at malamig akong binigyan ng tingin bago naglakad palayo. Iniwan niya nakatulalang babae ngunit ilang segundo ay patakbong hinabol si Dark na wala na sa paningin namin. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin namin, huminga si Nix ng malalim at ibinaling ang atensyon sa akin.
“Sorry about that,” sabi niya.
Tumango ako at pilit na ngumiti, kahit na naguguluhan pa rin ako. “It’s… okay. I just didn’t expect it, I guess,” sagot ko.
Ngumiti siya at hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko. “Look, stop thinking about it. She's not my ex-girlfriend nor fling. I'm pure when I enter your sweet pussy.” sabi niya, seryoso ang mga mata habang nakatitig sa akin.
Umawang ang labi ko. Seryoso siya?! Hindi ko alam kung bakit, pero may bahagi sa akin na gustong maniwala sa kanya at meron din hindi. Ano ba talaga?
Dahil sa nangyari tila nasira date namin dahil kanina pa nakasimangot si Nix at salubong ang kilay. Gusto ko matawa sa reaksyon niya ngunit pinigilan ko lang.
"Ccr lang ako saglit." Paalam ko sa kanya matapos magpunas ng bibig.
Kinunutan niya ako. "I'll come with you."
Umiling ako at ngumiti. "Wag na. Kaya ko na at mabilis lang naman ako."
Tinignan niya lang ako habang sumimsim ng wine. Hindi niya nagustuhan ang sagot ko pero dahil sinamaan ko siya ng tingin hindi siya makapagsalita. Alam ko naman na tutol siya pero kaya ko naman mag-isa.
Hinalikan ko siya sa pisngi kahit nakasimangot pa rin bago umalis papuntang comfort room. Medyo na wrong direction pa ako dahil maraming pasikot-sikot. Buti na lang may nakita akong babae na galing comfort room. Makapal din mukha ko dahil tinanong ko talaga siya kung saan ang comfort room kahit maldita.
Pakialam ko sa kanya. As long as nasagot niya tanong ko di tatalab ang pagiging maldita niya sa akin.
Matapos kong mag-cr nahirapan akong maghugas ng kamay. Ang daming arte kase ang mayayaman. Di ko alam kung saan pipindutin para lalabas yung tubig. Ginawa ko lahat-lahat kung ano ang nalalaman ko sa mundo ng mga mayayaman at finally, nalaman ko na rin. Aapakan ko pala ang hinayupak.
Habang naghuhugas ng kamay ay narinig ko ang dalawang magkaibigan ata na umiihi sa magkabilang cubicle.
"It's Dark Smith and Aestheria, right?"
"Yep! But let's not talk about them. Who's that guy? The one who wears eyeglasses? He's freaking hot."
"I know right! I want to know his name also. I hope we will meet in clubs."
"It's our first time meeting him. Who is he kaya? He's so hot talaga."
Napakurap-kurap ako at mabilis lumabas sa comfort room sabay iling. Alam ko kung sino ang pinag-uusapan nila. Walang iba kundi si Nix.
Wala sa sariling tinahak ang daan papunta sa hindi ko alam. Napakamot nalang ako sa ulo matagpuan ang sarili ko nasa labas ng restaurant. Palagi talaga akong napapawrong direction. Kibit balikat akong muling tinahak ang daan papuntang entrance ng restaurant. Ngunit napahinto makita kung ano kaganap sa loob ng restaurant.
Nakita ko si Nix. Hindi siya nag-iisa. May kasama siyang babae at bilog ay tiyan. Nagmamakaawa kay Nix na nakadikwartong nakaupo lamang habang tinitigan ang babae.
Kahit naguguluhan ay dahan-dahan akong pumasok sa restaurant.
"Good afternoon, ma'am." Bati sa akin ng gwardya pero hindi ko siya binigyan ng pansin.
Nasa dalawang tao ang mga mata ko ngayon. Gal-t at nagwawala ang babae sa harapan ni Nix. May mga sinasabi ito na hindi ko lubos na maintindihan, ngunit sapat upang magbigay sa akin ng kakaibang kaba.
“Hoy lalaki! You can’t do this to me!” sigaw ng babae na halos wala na sa katinuan. Kita ko ang pagkabasag sa kanyang mukha habang yakap-yakap ang kanyang tiyan. “I’m carrying your child, for Goddess sake! Do you think I’d lie about something this serious?”
Napatigil ako sa paghinga, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Halos hindi makapaniwala, ngunit hindi ko rin kayang lumapit kay Nix. Nanatili akong nakatayo, parang natuklaw ng ahas, habang pinagmamasdan ang eksena sa harap ko.
Nakakunot ang noo ni Nix, malamig ang titig niya sa babaeng nasa harap niya. “Miss who I don't f*****g even know your name, I don't know who you f*****g are and leave me alone. You and I…” huminto siya, at mas malamig niyang tinignan ang babae.“There's no us. I don't know you for Christ sake and stop accusing me.”
Napalunok ako sa maririnig kong boses ni Nix. Ang lamig at nakakakot na boses nito Napatingin ako sa babae, at sa bawat pahayag ni Nix, parang lalo siyang nagkakandarapa, parang nawawala sa sarili.
“Walanghiya kang lalaki! At anong accusing you? Hoy! Binuntis mo ako walanghiya ka. Panagutan mo ako kung hindi. Makikita mo talaga.” lumuluhang sabi ng babae at galit na pilit na lumalapit kay Nix.
Huminga ng malalim si Nix bago nagsalita. “Stop this, woman. I never f**k anyone, except my darling. If you keep pestering me, I swear, I won't let you leave in this place, alive. And if that's true, I'll take responsibility....." Galit at mariin nitong banta sa kanya.
Napatigil lang ito at nang napansin ako ng nakatingin sa kanila, at nang magtama ang mga mata namin, nakita ko ang pag-aalala at bigla sa kanyang mga mata. Parang sinasabi niyang hindi totoo ang sinasabi ng babae. Ngunit hindi ko alam kung kaya ko pa bang makinig o maniwala sa kanilang dalawa.
Wala sa sariling napaatras ako, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Ang bawat salitang binibitawan ni Nix ay parang mga palasong tumatama sa puso ko. Ang dating pagdududa at pagkalito ay biglang nadagdagan ng sakit at pangamba. Siya, na nagsabing ako ang espesyal sa kanya... ngayon ay may ibang babae sa harap niya, dala ang isang responsibilidad na hindi ko alam kung ano ang totoo at dapat ko ba siyang pagkatiwalaan.
Hindi ko alam. Gulat na gulat ako sa mga nangyayari.
Binitiwan ko ang isang mapait na ngiti.
"I guess I should go."
Tumalikod ako at naglakad palabas, pilit pinipigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak. Ngunit, mali ata ang naging desisyon ko dahil isang nakakalibot ang sumalubong sa akin nang nasa labas na ako ng katotohanan.