Ipinilig ko aking ulo upang maalis sa isipan ang nangyari bago ang sakuna ng buhay ko. Ayokong maalala ang nangyari. Mas lalong sumisikip ang puso ko kapag naalala ang mga yun. Double k-ll para sa akin yun. Nakidnap na nga broken hearted pa.
Pero ang tanong ko talaga is kailan ako makakaalis dito? Ilang araw na ang nakalipas pero heto, nganga pa rin sila. Ang taas kase ng expectation nila sa akin. Sinabi ko na nga ang katotohanan na wala silang mapapala sila sa akin, hindi pa niniwala. Ayan! Nganga sila hanggang ngayon.
Ano ba ang maaasahan nila kay Phoenix? Bukod sa bato ang puso ng lalaking yun, there's no place for him to be kind. Bakit naman ako sasagipin ng baliw na yun?
Napatitig ako sa kisame. Napapagod na ako, hindi lang sa pisikal na pagkakulong, kundi pati na rin sa emosyonal na pasakit na dulot ng aking sitwasyon. Hanggang dito na lang ba talaga ako? Ang saklap naman kung ganun.
Just when I had given up hope, I heard a commotion outside. The door burst open, and in walked Phoenix, ang nagpapabaliw at ang lalaking pumiga sa aking puso.
Napatigil ako, hindi ko alam kung matutuwa ba o maiinis sa presensya niya. Napalunok ako at pilit kong itinago ang pagkalito at sakit na nararamdaman ko. Kung tutuusin, siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Ang dami ko nang tiniis dahil sa kanya.
Pero ngayon, heto siya, nakatayo sa harapan ko na tila walang nangyari.
Nasa mukha niya ang malamig na ekspresyon na parang walang paki sa lahat ng nangyayari. Ang mga mata niyang mas mapangibabaw kaysa sa dati ay nakatuon lang sa akin, matalim, ngunit may kakaibang liwanag sa kabila ng kanyang masungit na anyo. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o kung dapat ko bang sikmurain ang natitirang pagmamahal ko para sa kanya.
“Ililigtas mo ba ako, o gusto mo lang akong lalong pahirapan, Phoenix?” tanong ko sa kanya, pilit pinipigilan ang pangangatog ng boses ko.
Hindi siya agad sumagot. Tila nagkaroon ng tensyon sa pagitan namin, hindi lang sa damdaming nakausling hindi pa nasasara kundi pati na rin sa mga salitang gusto kong sambitin. Pero ang bawat hakbang niya papalapit sa akin ay nagpapatindi sa damdamin kong parang may nagwawalang apoy sa loob ng dibdib ko.
Nang makalapit na siya, tumigil siya at binaba ang tingin sa akin. “I came here to get you out,” malamig na tugon niya, pero ramdam ko ang bigat sa likod ng boses niya, na tila may ibang sinasabi ang puso niya kaysa sa kanyang bibig.
Napanganga ako, hindi makapaniwala. “Bakit? Akala ko wala kang pakialam? Bakit bigla mo akong tutulungang makalabas dito? At kung napipilitan ka lang pala, wag na. Thank you na lang. Pwede ka ng umalis at hayaan mo akong maubos ng mga uod dito.” Pagsusungit ko.
Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya o baka isa na naman itong laro para saktan ako. Tama na please. Ako na ang tanga. Pakialam ko sa kanya? Ano naman kung masakit katawan ko? Pwede ko naman siyang sungitan. Katawan ko lang ang masakit hindi bibig.
Bigla niyang hinigpitan ang hawak sa mga braso ko, at sa unang pagkakataon ay nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Naguguluhan akong napatitig sa kanya. Hindi ko talaga mabasa kung ano ang nasa utak niya.
“I never wanted you to get hurt,” bulong niya, halos hindi marinig sa lakas ng t***k ng puso ko. "If I could change everything, I would have done it. But now, I'm here. I'm coming to get you, and I won’t leave you, no matter what happens."
Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong nagbago sa boses niya. Parang may bigat, may pangako sa bawat salita, na para bang siya rin ay nasaktan sa mga nangyari.
Ngunit hindi ako pwedeng mahulog sa mga salita niya. Hindi ako marupok.
"Edi wow." Mahina ngunit masungit kong sabi.
Masama ko siyang tinignan habang inalis ang nakatali sa akin. Walang imik niya akong kinarga kahit gulat na gulat akong napakapit sa leeg niya. Tinahak namin ang daan palabas ng gusali at sa paglabas namin ay sumalubong sa amin ang malamig na hangin ng gabi. Sumilip ako sa paligid at nakita kong walang iba kundi siya lang ang naroon para sa akin. Nakakapagtakang makitang niisang mga armadong lalaki ay wala na. Walang duguan na dapat sasalubong sa amin. Yung nakahiga o ano pa dyan. Tahimik ang paligid, tanging yabag lang ni Phoenix ang naririnig habang bitbit niya ako papunta sa sasakyan. Hindi ko alam kung bakit parang may parte ng puso ko ang nagsimulang tumibok nang mas mabilis.
Pero hindi ako pwedeng magpadala. Matapos ang lahat ng sakit, hindi ko kayang basta na lang magpatawad, lalo na kung hindi ko pa alam ang buong katotohanan.
Nang makarating kami sa sasakyan, dahan-dahan niya akong binaba sa upuan ng pasahero, at maingat niyang sinarado ang pinto. Pumasok siya sa driver's seat at sandaling napatitig sa akin bago pinaandar ang makina. Tahimik lang kami habang tumatakbo ang sasakyan sa madilim na kalsada.
Sumandal na lang ako sa upuan at pinikit ang mga mata. Pagod na pagod ang katawan ko. Gutom na rin ako. Hindi ko alam kung alam ba niya dahil wala akong planong ipaalam sa kanya ang kalagayan ko ngayon. Kaya ko ang sarili ko.
"You're mad." Mahina at malamig nitong sabi.
Gusto kong umirap at magsalita pero tikom ang bibig ko. Bahala siya sa buhay niya.
"Lorena Athenarose Ganlasa, talk to me." He demanded.
Dahil sa inis ko ay napadilat ako at sinuntok siya sa braso dahilan para mahinto niya ang kotse sa gitna ng kalsada. Muntik na akong mauntog dahil sa biglaang pagpreno habang siya naman ay gulat na gulat itong napalingon sa akin.
"Ano?! Putang-nang ulol ka! Wag na wag mo ako madedemand dyan. Masakit ang katawan ko at gutom na gutom ako. Kung galit ka sa nangyari, huh, mas galit ako. Bakit? Ikaw ba nak-dnap? Ikaw ba ang heartbroken sa ating dalawa? Napipilitan ka nga dyan na sagipin ako. Dapat hinayaan mo na lang akong mam-tay dun hinayupak ka!" Galit kong sigaw sa kanya at napasandal sa upuan habang nagtaas baba ang dibdib dahil sa sobrang galit.
Nanlaki ang mga mata ni Phoenix sa bigla kong pagsabog. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat, pero sandali lang iyon. Nabalot ng lungkot, takot at pagsisisi ang kanyang mga mata, kahit inaasahan niya ang mga salitang binitiwan ko. Pinunasan ko ang mga luhang hindi ko napigilang tumulo. Hindi ko dapat pinapakita ang kahinaan ko sa kanya, pero hindi ko na rin kayang magpanggap.
Dahan-dahan niyang nilagay ang kamay niya sa kamay kong nasa hita at tumingin sa akin ng matagal.
“Darling,” mahina niyang tawag, at may kung anong bigat sa kanyang boses. “I know I messed up. I'm fvcking late. I fvcked up. I failed you but we will talk and settle everything. I won't let that woman and those people behind these shvts mess between us. Hmm? Let's go to the hospital first and I'll feed you there."
Gusto kong bawiin ang kamay ko, pero sa tono ng boses niya at sa lalim ng titig niya, may kung anong humahawak sa akin na hindi ko maintindihan. Galit ako, oo. Pero ang sakit at pagod na nararamdaman ko ay tila nagiging mas mabigat sa bawat sandaling naririnig ko siyang nagsisisi at nangako.
"Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa’yo, Phoenix," mahina kong sagot habang pilit na tinitignan ang bintana, para hindi makita ang sinseridad sa mga mata niya.
"Nix, darling. Call me Nix."
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy. "Lahat ng ito… Ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako sa sitwasyong 'to. Paano mo ipapaliwanag ang lahat ng ‘to, ha? Una, yung nakabuntis ka, pangala..."
"I never impregnate any woman, darling. If I have one, ikaw yun. No other woman. And yes, it's my fault that I brought you this nightmare. I will vow to you that I will hvnt and bvrn them alive, darling. I messed up because I tried to keep you away from all of this, thinking it was for the best. Now, I realize that keeping you in the dark only brought you more pain."
Napatigil ako. Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maninibago sa sinabi niya. Hindi ko alam kung totoo ba ang mga pangako niyang narinig ko, o kung isa na naman itong kasinungalingan na ikukubli niya sa malamig niyang tingin.
"Hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sa'yo, Phoenix. Kung totoo man ang sinasabi mo. Bakit may babae at buntis pa? Sinasabi pa niyang ikaw ang ama. Tapos, tapos ito pa.." tanong ko, pilit pinapanatili ang malamig na tono kahit na ramdam kong tumitibok nang mas mabilis ang puso ko.
Hinawakan niya ang kamay ko nang mas mahigpit, ang mga mata niya lumalambot sa paraan na bihirang-bihira kong makita.
"Darling," bulong niya, ang boses niya mababa but puno ng pagkadominante, "I know I’ve given you every reason to doubt me. I can’t erase the pain I’ve caused, but listen carefully. Wala akong ibang babaeng pinatulog sa tabi ko. Ikaw ang una, at ikaw rin ang huli. That doubt, erase it from your mind. Let's get you to the hospital because, believe me, I won't let you d-e. You’re mine, and you will stay by my side. Forever."