"Kumusta ka? Ayos ka lang ba? May sugat ka ba? Natamaan ka ba? Hoy, Phoenix Eadmaer Koznetsov, sumagot ka! Umuwi ka dito ngayon din! Kung hindi, di ka talaga makakapasok ng bahay." Bulyaw ko sa kabilang linya.
Napasinghap ang tao nasa kabilang linya. "Y-You can't do that to me, darling."
"Huh! Subukan mo ako, Eadmaer." Banta ko.
Palakad-lakad ako sa sala habang kausap ko ang hinayupak na si Nix. Abot langit ang pag-alala ko sa kanya. Kung nacomatose ang masamang damo na si Dark, baka mas malala pa ang natamo ng asawa ko. Anak ng tinapa talaga.
Sinabi ko na nga ba. Last na talaga 'to. No r-fle and sn-per anymore.
Mabilis na huminga si Nix sa kabilang linya, at ramdam ko ang kaba sa boses niya. "Darling, calm down. I’m fine. Just a little scratch, promise. You don’t need to worry."
Napapikit ako habang pinipigilan ang galit at pag-aalala. Anak ng tinapa talaga! Akala niya, sa isang ‘konting galos’ lang natatapos 'to? Sinabihan ko na siya nang paulit-ulit, pero ayaw talaga tumigil sa mga kalokohan niya.
"Nix," ang seryoso kong sabi, "kapag hindi mo talaga itinigil 'yang mga mission mo, maniwala ka, hindi ka makakapasok ng bahay. Kahit matulog ka sa front yard!"
Narinig ko ang marahas nitong buntong hininga na tila hindi niya nagugustuhan ang sinabi ko. Aba dapat lang. "I know you're worried, but you need to understand that this is part of my life. However, I vow both of you—Athena, this is really the last one. I’ll do my best to be a ‘good boy’ from now on."
Napabuntong-hininga ako. Ilang beses ko na bang narinig 'yan? Pero kahit gaano ako magalit, alam kong mahirap rin para sa kanya na basta-basta na lang tumigil.
"Sige, tatanggapin ko 'yan. Pero isang galos pa, Nix, at ako na mismo ang papatay sayo. Maliwanag?"
"Crystal clear, darling," sagot niya, at narinig kong huminga ng malalim. "I’m on my way home. I’d rather not be locked out of my own house."
"Excuse me? Bahay ko rin yun, Mr. Koznetsov."
"Right, Mrs. Koznetsov......I missed you, darling."
Mabilis nawala ang inis ko sa kanya dahil sa tanginang malambing na boses na yan. Napapikit na lang ako sa inis dahil ang bilis kong bumigay. Kaya siguro ang lakas ng loob ng lalaking 'to. Dahil alam niya kung paano ako palambutin at pakalmahin. Palibhasa rin kasi alam na alam kung paano ako kunin. Isang ngiti, isang kanta, isang yakap, isang sorry, wala....umiikot na ulit yung mundo ko sa kanya.
Napairap ako sa kawalan.
Napakamot na lang ako sa ulo habang napapangiti ng konti, kahit ang totoo, gusto ko pa rin siyang sigawan. Anak ng tinapa talaga, bakit ba kasi sobrang kulit niya? Pero alam ko rin na hindi ko kayang magtagal ng galit sa kanya. Ganun ako karupok pagdating sa kanya.
"Bilis-bilisan mo, Nix," mahina kong sabi, pilit pinipigilan ang ngiti sa mga labi ko. "Kung may makita akong kahit gasgas lang, maniwala ka, mapapalo kita pagdating mo rito."
Narinig ko ang bahagyang tawa niya. "I’ll keep that in mind, darling. I’m almost there. Just a few more minutes, and I’ll be home with you and Athena."
"Anong with you and Athena? Hoy! Nasa bahay pa rin ako ni Cassandra. Kasama ko pa ang apat na bata at nasa backyard sila. Isasama ko na lang sila papuntang Bukidnon, Nix. Baka magtatagal si Cassandra sa Maynila. Kilala ko ang babaeng yun. Hindi niya maiwan si Dark na ganun ang kalagayan."
"Did the Quadruplets know what happened to their father?"
"Oo. Sinabi ni Cassandra bago siya sumama ni Grey. Nataranta eh. Naintindahan ko naman pero ang mga bata, nag-alala ako sa kanila at baka malunod sa lungkot at pag-alala."
"I understand. Okay, let's temporary stay in Bukidnon. We will build vacation house there. We can build in Virgo and Enia's land."
True to his words, pagsapit ng gabi narinig ko na ang pagkatok sa pinto. Tumayo ako agad at iniwan muna ang mga bata sa mesa at binuksan ito, at nandun nga siya, si Nix, may konting sugat sa braso at ilang galos sa mukha pero nakangiti sa akin nang malapad.
"Hey, darling." sabi niya, sabay kaway na parang wala lang nangyari.
Hindi ko mapigilang umiling, ngunit bago pa ako makapagkomento, dumako ang mata sa taong nasa likuran niya. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil gabi na.
"Tita Lory, sino po yan? Si nanay po ba yan? Ay, di pala yun kumakatok. Tatawag lang yun ng pangalan." Rinig ko mula kay Zuhair na may bahid na lungkot sa boses.
Napabuntong hininga ako, bago ko sinagot ang tanong niya ay mahigpit kong niyakap ang asawa ko. "Sa susunod, huwag mo na akong bibigyan ng ganitong kaba, okay?"
Naramdaman kong yumakap siya pabalik, at dinig ko ang mahinang bulong niya sa tenga ko. "Yes, ma'am. No more missions."
"Good." Aniko at tinapik ang likuran niya.
Tumingin ako sa kasama niyang lalaki. Hindi ko naramdaman na tumingin ito sa amin ni Nix. Mukhang may sarili siyang mundo.
"Let's go inside, darling."
Mabilis akong kumalas sa yakap at pumasok kami sa loob. Pagpasok namin, agad dumiretso ang kasama ni Nix sa sofa at pagod itong umupo. Umawang ang labi kong makilala ito. Nalaglag ang mata ko sa kaliwang braso niya. Nakabenda ito.
"Damn! Fvck! I'm dead." Bulong nito.
Bumulong ako kay Nix. "Bakit problemado yang si Virgo?"
"His wife... He will face the wrath of his wife if she will know that..." Bulong din nito at pasimpleng tinuro ang nakabenda niyang braso.
Napatango-tango ako. Akalain mo yun? Takot pala ito sa asawa niya? Double identity pero parehas takot sa nag-iisang asawa.
Iniwan namin ang problemadong Virgo sa sala at nagtungo sa kusena. Pagdating namin ay hindi pa rin tapos kumain ang apat. Nanlaki ang mga mata ni Zebe habang sumubo ng kanin nang makita niya ang Tito Phoenix nila.
Mabilis umalis sa kinauupuan si Zuhair at yumakap sa bewang ni Nix. "Tito Phoenix, asan bar-l ko? Sabi mo, bibigyan mo ako?"
Mabilis kong sinamaan ng tingin si Nix nang marinig ko yun kay Zuhair. Nakita ko ang pagngiwi ng labi niya kahit seryoso ang mukha.
"Ah, I think..you can ask your tatay."
"Tatay is still comatose, Tito Phoenix." Si Zephyr na nakakunot ang noong uminom ng tubig.
Tahimik lang sa tabi nito si Zeus. Pero madilim ang mukha. Pinaglalaruan nito ang kanin kaya nilapitan ko siya.
"Zeus, bad yan. Ayaw mo na bang kumain? Busog ka na ba? May gusto ko ba? May sasabihin ka ba?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Tumingin ito sa akin at mabilis umiling. Di ko alam kung para saan yung iling. Sa dami ng tanong ko di ko alam saan dun ang ayaw niya.
"I miss nanay." Malamig at mahinang sabi nito pero sapat na marinig naming lahat.
Mabilis kumalas ng yakap si Zuhair kay Nix at nilapitan ang kuya. Bumaba rin si Zebe sa upuan at para daluhan ang kuya. Nakatitig lang si Zephyr sa katabi niya pero halata sa mga mata niya ang pag-alala.
Pinigilan kong hindi mapaluha sa narinig ko kay Zeus. Mahigpit kong pinisil ang balikat niya, hinaplos ang likod ng mga bata, at huminga nang malalim. Hirap din ako sa sitwasyon nina Cassandra at Dark, pero sa ganitong oras, kailangan kong maging matatag para sa mga bata.
"Tita Lory, kailan uuwi si nanay?" tanong ni Zebe, habang nakahawak sa kamay ko.
"Darlings, your mom loves you so much. She's taking care of your dad right now. Uuwi si nanay niyo kasama ang tatay niyo na malakas na at masigla." Pilit kong ngumiti sa kanila para mabawasan ang kanilang pag-alala at kalungkutan nila.
Nagkatinginan ang magkakapatid, halatang nag-aalala, ngunit nagniningning pa rin ang pag-asa sa kanilang mga mata.
Lumapit si Nix, at marahan niyang pinisil ang balikat ni Zeus. "Hey, champ," bulong niya. "Your mom is a strong woman, and she’s doing everything she can to make sure your dad gets better. You want to see my princess, Zeus? Then, fix yourself and I'll bring you to my princess."
Ang kaninang malungkot na atmospera ay napalitan ng kakaiba. Gusto kong sapakin si Nix pero nung nakita kong napatingin sa kanya si Zeus habang ang dalawa na si Zephyr at Zebe ay nagtatakang nakatitig sa isang bata na humahalakhak. Sa sobrang lakas nito ay nakuha nito ang atensiyon ni Virgo.
Biglang tumikhim si Virgo mula sa pinto ng kusina, at kahit matamlay ang itsura niya, nagawa pa niyang ngumiti nang bahagya sa mga bata lalo na kay Zuhair. "You laugh like a psych-path, kid."
Napahinto sa pagtawa si Zuhair at sinamaan ng tingin si Virgo."Oh tapos? Naku, Tito Virgo, magdasal ka na may bandage ka pa naman. Sana palayasin ka ni Tita Enia."
Nalukot ang mukha ni Virgo. "Di ko nagustuhan ang salitang yan, batang hamog."
Mapang-asar na tumawa si Zuhair. "Ehhhh! Takot pala kay Tita Enia."
Bago pa sila magrambulan sa harap namin ay hinila ni Nix si Virgo palabas ng kusina. Rinig na rinig ko kung paano itatapon ni Virgo sa ilog ang nag-iisang Zuhair na ngayon ay nakangiti lang.
"Where's Athena, Tita Lory?"
Napatigil ako sa tanong ni Zeus, at napangiti sa kalaunan. "She is waiting for us, Zeus. She is in a safe place."
Bahagyang tumagilid ang ulo nito at dumilim ang mukha. Napakurap-kurap ako.
"With who?"