Narinig kong napamura sa tabi ko si Nix. Tinapik ko ang balikat niya habang hindi inalis ang tingin sa dalawang bata na nagyayakapan. Kita ko sa yakap nila na miss na miss nila ang isa't-isa. Nakalimutan bigla ni Zeus ang pag-alala at pagmiss niya sa kanyang nanay dahil kay Athena.
Kanina pa sila ganyan kahit nasa backyard na kami ng bahay ni Enia. Hinanap ng mga mata ko si Zebediah at nakita ko siyang kausap si Azyl sa ilalim ng punong balayong. Nakaupo ito sa picnic carpet at may suot na sumbrero rin. Sa tabi nila may isang basket na puno ng iba't-ibang prutas.
Nang makuntento ako sa dalawang bata ay hinanap ko ang iba pa. Nakita ko si Zuhair at Zephyr kausap si Virgil na tila ipinakilala sa mga ito ang kanyang kabayo. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakikita kong nagiging komportable na ang mga bata sa kanilang bagong kapaligiran. Nakakatawa pa ngang isipin na si Virgil ay tila nakahanap ng paraan upang aliwin ang dalawang lalaki, pinapakilala ang kanyang kabayo sa kanila.
Napansin kong tumatawa si Zuhair habang tinatangkang abutin ang kabayo, at si Zephyr naman ay nakatingin nang maingat, tila nag-iisip kung dapat ba niyang pagkatiwalaan si Virgil.
"Tita, pwede ba kaming sumakay?" tanong ni Zuhair, na kakunot ang noo nito habang naghihintay na papayag ako. Pero sorry bata, mapapatay ako ng nanay mo.
Napabuntong-hininga ako bago sumagot. "Siguro mamaya, Zuhair. Siguraduhin muna natin na handa ka na. Magaling ka na mangangabayo."
Ang may pusong bato na si Virgil ay nagpakawala ng isang malambing na ngiti, sinabayan ng mabilis na yuko sa amin ni Nix bago niya hinimas ang kabayo, na tila sinasanay ito sa presensya sa mas bata pa sa kanya. Mukhang sanay na ito sa mga batang nagpapalapit, isang mahinahong hayop na handang tumanggap ng bagong mga kaibigan. Napansin kong hindi malayo ang tangkad nilang tatlo.
Narinig kong muli ang boses ni Athena, na ngayon ay kinukulit na si Zeus na tumakbo sa damuhan. Halos magkarera sila, at nakita kong muling nagningning ang mga mata ni Zeus. Parang pansamantalang nawala ang bigat ng mga iniinda niya. Tumawa siya habang hinahabol si Athena, at ang ingay ng kanilang tawanan ay sumasabay sa ihip ng hangin.
Kung masaya ang nasa paligid namin kabaliktaran naman ang katabi ko. Nilingon ko siya. Tama nga ang hinala ko. Hindi siya natutuwa sa nasaksihan niya.
Napailing ako. "Pagbigyan muna si Zeus, Nix, kita mo oh! Si Athena lang ang nagpangiti sa malamig na yelong batang yan. Jusko porsanto! Nakita ko na ang hinaharap, Nix."
"And I will not let that happen, Darling. I'll do everything to ru-n Zeus future. That kid!"
Napangiti ako nang bahagya kahit ramdam ko ang tensyon sa boses ni Nix. Iba talaga ang protective instinct niya kay Zeus. Alam kong hindi ito madali para sa kanya na makita ang anak na may espesyal na atensyon sa sinuman, lalo na’t alam niya ang mga komplikasyon ng kanilang buhay. Pero mahirap itanggi ang saya sa mga mata ni Zeus, kakaibang saya na ngayon ko lang nasilayan sa kanya mula nang makilala niya si Athena.
Iba talaga ang anak ko. Ang bata-bata pa pero mukhang may nagbabakod na. Jusko! Natatakot ako at nababahala pero kinikilig na rin. Eh! Di ko naman kase maiitanggi na bagay sila. I mean, my goodness! Paano pa kaya kapag lumalaki na sila? Paano kung mas malala pala itong si Zeus magtago ng sekreto? I mean, hindi natin alam ang future kaya hindi mawala sa isipan ko yan. Sana naman hindi umabot sa punto na gayahin kami lalo na't pinalibutan ang dalawa ng mga sekreto. Yung hide and seek kung baga.
"Huwag ka naman masyadong maging kontrabida sa love life ng anak mo, Nix," biro ko, sabay kurot sa braso niya. "Bata pa sila. Kung sabagay, sino ba namang hindi maiintindihan ang side mo, no? Kaya lang, bigyan mo naman siya ng chance na makaramdam ng kaunting kaligayahan. Sa ngayon. Sa susunod itapon mo ang batang yan pabalik sa itlog ni Dark."
Napabuntong-hininga si Nix, tila nagpipigil ng ngiti ngunit nananatiling may tensyon sa kanyang mukha. "Copy that, darling."
"Naku, Enia, naging crowded na bahay niyo dahil sa amin. Wag kang mag-alala patapos na rin ang vacation house namin." Assured ko sa kanya.
Tumawa lang ito habang pinupunasan ang mga plato havang nagpatuloy ako sa paghuhugas ng pinggan. Tapos na kaming maghapunan at ang mga bata ay naglalaro sa iisang kwarto. Nandun si Frozina para bantayan sila dahil baka magrambulan na naman. Enemy kase si Zuhair at Azyl parehas na mataas ang pride. Ang anak naman ni Enia ay natulog na sa kabilang kwarto.
"Ayos lang no'. Masaya nga ako dahil nandito kayo. Then, may playmates ang mga anak ko." Anito.
Napakurap-kurap ako. "Matanong ko lang. Bakit di nagpapakita sayo si Virgo?"
Napahinto ito at sumimangot. "I'm mad. Really mad. Bahala siya. Naiinis ako sa kanya eh at alam niya kung paano ako mainis."
Napatitig ako sa kanya. Hinahanap ko kase ang sinabi niyang inis sa mukha niya pero hindi ko makita. Oo nga't nakasimangot pero yun lang talaga ang nakita ko. May ganun pala? Di ko ramdam ang inis at galit daw niya pero si Virgo, ramdam na ramdam niya. Kahapon pa yun hindi pumasok sa bahay nila dahil nga galit ang asawa niya. Si Virgil at ang anak niyang babae lamang ang lumalapit sa kanya.
Pero kahit ganun ay hinahatiran pa rin ito ni Enia ng damit at pagkain. Si Virgil ang inuutasan niya tapos ipapatanong pa niya kung may kailangan pa ba ang papa niya.
Napangiti ako sa nakita kong kilos ni Enia. Alam kong galit siya kay Virgo, pero halata namang hindi niya kayang tiisin nang husto ang asawa. Kahit pa pilit niyang ipinapakita ang pagiging ‘galit’ niya, hindi niya maiwasang alagaan pa rin si Virgo. Lihim akong napailing. Kung sa bagay, sa tagal nilang magkasama, parang automatic na ang pag-aalaga kahit naiinis pa.
"Kung sabagay, ako rin galit na galit kay Nix. Umuwi ba namang may galos. Syempre, sino ba ang hindi mag-alala sa asawa?" Nakasimangot kong turan.
Napatango-tango siya. "I know, right? They know we are worried about them pero sige pa rin ng sige. I told him na last na talaga yan and after that, wala na. Finish na. He's done rin naman kase eh. Pero nadagdagan inis ko sa kanya nang may natanggap ako but let's not tackle about it. Ayokong mastress."
Napatigil ako saglit ngunit kalaunan ay nagpatuloy na rin. Medyo curious kase ako sa sinabi niya. Alam kong may ibig sabihin yun. So, mali kami ni Frozina? Na akala namin hindi niya alam ang tungkol sa trabaho ni Virgo? Pero ano raw? Natanggap? Mas lalo tuloy akong nacurious.
Matapos namin maghugas ay dumiretso kami sa sala. Doon ko rin nakita si Frozina na nagcecellphone. Tahimik na rin ang mga bata at mukhang tulog na ang mga ito. Sumulyap sa amin si Frozina at muling itinuon ang atensiyon sa phone. Ako naman ay kinuha ko na rin ang phone ko para kumustahin si Cassandra.
Ilang buwan na rin mula noong nagising si Dark at nakaalala na. Kaya wala si Phoenix dito dahil sinamahan ang gago. Pinuntahan daw nila si Cassandra na alam kung anumang araw ay manganganak na. Nag-alala talaga ako.
Kumunot noo ko nang hindi nagreply si Cassandra. Nagkibit-balikat lang ako dahil baka kasama niya ngayon si Dark. Ang rupok niya naman. Kung sabagay, buntis yun eh.
Naisipan kong tawagan si Nix pero bago ko pa mapindot ang number 1 ay may matinis na ingay mula sa labas ng bahay ang narinig namin. Mabilis akong napatakip sa tenga. Ano yun?
Nasagot lang ang tanong ko nang may narinig kaming boses.
"Mic test. Mic test. 123456.."
Dahan-dahan akong napakurap-kurap at binaba ang mga kamay. Nagkatinginan kaming tatlo habang si Frozina ay napataas ng kilay. Si Enia naman ay tila malalim ang iniisip.
"I'm nervous..."
Rinig ulit namin. Sinong hindi eh gumamit ng mic? Para akong nabingi kanina.
Napalingon ako kay Enia nang may binulong itong pangalan. Hindi ko ito marinig kaya kumunot ang noo ko. Sinundan namin ng tingin si Enia na lumapit sa bintana at binuksan ang kurtina. Doon, nakita namin ang tatlong lalaki nakatingala sa bintana.
Sabay ng pagdungaw ni Enia ay agad kumanta ang nag-iisang Virgo.
Woah, my love, my darling
I've hungered for your touch
A long, lonely time
And time goes by so slowly
Umawang ang labi ko marinig ang malamig ngunit malambing na boses ni Virgo. Nagkatinginan kami ni Frozina at dali-daling sumilip sa pintuan upang makita ang nasa labas.
And time can do so much
Are you still mine?
I need your love
I need your love
Godspeed your love to me
Kinakilabutan ako bigla hindi dahil sa takot pero sa kilig at excitement na rin. Nakakakilabot ang bawat salin ng kanyang boses sa hangin—may halong kirot, pagmamahal, and longing. Hindi ko napigilang mapangiti habang nakatingin sa kaniya. Si Virgo, hindi ko akalaing may ganitong side rin pala siya bukod sa palabiro sa iba ngunit seryoso at malambing pagdating sa pamilya.
Nakita kong sumilip sa isa pang bintana ang dalawang bata na si Zuhair at Zephyr. Nakasimangot ito at nagkukusot ng mga mata. Napansin kong tumigil sa paghinga si Enia, kitang-kita sa kanyang mga mata ang pagdadalawang-isip, ngunit hindi maitatanggi ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.
Si Frozina naman ay humahagikgik sa gilid ko. Halatang kinikilig din siya sa nakikita. "Shaks, kinikilig ako. Sana all my Virgo na kakantahan ka nang ganito sa harap ng bahay."
Lonely rivers flow
To the sea, to the sea
To the open arms of the sea, yeah
Lonely rivers sigh
"Wait for me, wait for me"
I'll be coming home, wait for me
Nilingon ko siya at doon ko nakitang vinevideohan niya pala ang harana ni Virgo.
Napailing ako't muling tumingin sa mag-asawa.
Woah, my love, my darling
Habang kinakanta ni Virgo ang mga linya, hindi ko mapigilang makaramdam ng kilig para kay Enia. Kitang-kita ang kanyang gulat at pagka-awkward habang ang mga kapitbahay ay sumisilip mula sa kani-kanilang mga bintana. Ang dalawang kasamahan ni Virgo ay tila may hawak pang mga pailaw, nagbibigay ng dramatikong liwanag na nagbigay-buhay sa eksena. Katabi ni Nix ang isang speaker habang si Dr. Montero ay may nakasabit na manila paper sa katawan na may sulat na hindi ko masyadong mabasa mula sa kinatatayuan ko.
I've hungered, hungered for your touch
A long, lonely time
And time goes by so slowly
And time can do so much
Are you still mine?
I need your love
I, I need your love
Godspeed your love to me
Biglang nagliwanag pa ang paligid nang sumulpot si Virgil dala ang isang bouquet. Lumapit ito sa papa niya na may halong kaba at ngiti. Nakita ko kung paano nanginginig na kinuha ito ni Virgo at lumapit kay Enia, kahit na alam niyang may galit pa ito sa kanya. Sinubukan niyang iabot ang bulaklak habang umaawit, na para bang ang bawat liriko ay pakiusap na patawarin siya.
Si Enia naman ay tila hindi makapaniwala sa nangyayari. Kahit na nakakunot ang noo niya, bakas sa kanyang mukha ang bahagyang ngiti na hindi niya maitago. Si Frozina ay napatawa at sabay na sumandal sa akin. Kilig na kilig ang siraulo.
Nang matapos ang kanta, nagkaroon ng ilang segundong katahimikan, na tila nagbigay daan sa pagsasaayos ng damdamin ni Enia. Pagkatapos ng isang matinding buntong-hininga, napayuko si Enia habang ang mga mata niya ay may bahagyang bakas ng luha. Pero, imbes na magalit, tumango ito at pinapasok si Virgo.
Halos mapahalakhak ako makitang napalunod si Virgo dahil sa kaba at tuwa. Nagkatinginan kami ni Frozina at sabay na natawa ulit sa nasaksihan.
Ngunit natigil ang tawanan namin nang magsalita si Zuhair.
"Ang panget ng boses ni Tito Virgo." Lukot ang mukha nito.
Mabilis napatingin si Virgo sa bata at sinamaan ito ng tingin. "I can hear you, kid."
Napasinghap si Zuhair, na tila nagulat sa biglaang pagtutok sa kanya ni Virgo. Agad siyang nagtago sa likod ni Zephyr, na parang walang kasalanan. Pero hindi ito pinansin ni Virgo; sa halip, ngumisi lang ito at bumalik sa pagbibigay ng buong atensyon kay Enia.
Napailing na lang ako at napatingin kay Nix na nakatitig pala sa akin. Binigyan niya ako ng makahulugang tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Ano na naman kaya ang tumatakbo sa utak ng hinayupak na 'to?