bc

DARE TO LOVE ME

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
mystery
small town
like
intro-logo
Blurb

Meet Amber Elisha Romualdez Fortuna, 18 years old, mula sa mayamang angkan ng mga Romualdez at Fortuna. Mula sa kanyang pagkabata ay mayroon na siyang lihim na pagtingin sa kanyang kababatang si Jacob Ramirez, isang anak ng yumao nilang katiwala at driver. Nakahanap siya ng paraan upang mas mapalapit sila ng binata. At dito nga mas naging malalim ang kanilang samahan. Ngunit tila may balakid na parating upang sila ay paghiwalayin. Paano na lang ang kanyang nararamdaman para sa binata? May pagkakataon pa ba ang kanyang pag-ibig kung pamilya na niya ang kanyang kalaban? Tunghayan natin ang kanilang istorya. At alamin kung paano nila haharapin ang kani-kanyang suliranin sa pag-ibig.

chap-preview
Free preview
1. ANG PROYEKTO
"AMBER, sino ang nabunot mo?" narinig niya ang tanong ng bestfriend niyang si Venice nang makalabas sila sa classroom. Nagpalinga-linga muna siya sa buong paligid bago sumagot. "Si Jacob," mahina niyang sagot. Bigla namang sumilay ang ngiti ng kaibigan sa narinig. "Nice naman, mukhang magbabago na ang ikot ng mundo ninyo ah," pang-aasar nito. "Ano ba'ng pinagsasabi mo d'yan? Syempre 'di ako papayag na mangyari iyon ," naiinis niyang sabi. "Naku, naku ! Amber, mala-lagot ka kay Ma'am Bianca kapag hindi mo ginawa ang ginagawa niya sa atin,"pananakot naman ng kaibigan. Nagkibit-balikat na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad. "Kung ako lang ang masusunod, Nice, mas gusto ko pang magkaroon ng tres kaysa gawin yang kabaliwan na 'yan. At hindi ako papayag na magkabaliktad ang mundong tinatayuan namin ng Jacob Ramirez na 'yon." Muli namang natawa si Venice sa inasal niya," Oh, siya nandyan na ang "alipin" mo,"bulong nito sa kanya habang papalapit ang isang binata. "Hayaan mo lang siya, bu-buntot na naman iyan sa akin," bulong niya. "Galingan mo na lang sa pag-papaka- good girl mo sa kanya, para makapasa ka." Pagkasabi niya 'non ay nagmamadali na itong umalis. Bago pa man niya mahabol ang kaibigan ay nasa tabi na niya ang binata. "Akin na po ang bag ninyo, Princess,"pagsisimula ni Jacob. Tuwing uwian at maging sa pagpasok sa eskwela ay ito na ang nagdadala ng kanyang mga gamit. "Huwag na, kayak o naman itong buhatin eh," wika niya sa mataray na tono. Tulad nga ng ibinilin sa kanya ni Venice, kailangan niyang pagaanin ang mga gawaing ipinapagawa niya kay Jacob. Nang sa ganun ay nakapasa siya sa Personality and Values Development na asignatura. Gustuhin man niyang kiligin sa t'wing tinatawag siya ng binata ng "Princess" ay hindi niya magawa. Sapagkat ang dating nito sa kanya ay isang panunuya at ipinamumukha lamang nito sa kanya na kailanman ay hindi siya magugustuhan ng lalaking minamahal niya. Na kailanman hindi magiging sila dahil sa estado ng buhay nila. "Sigurado ka ba, Princess?" "Oo naman. I'm fine with this." "Pero mabigat kasi 'yang bag mo eh." "Sabi ko nga na kaya ko diba?" nakataas ang tono niya sa pagsasalita. Hindi na nagsalita si Jacob. Tahimik na lamang siyang sumunod sa dalaga papuntang parking lot. Ipinagbukas niya ito ng pinto upang makasakay saka siya umikot patungo sa driver's seat. "Pwede ba tayong dumaan sa mall saglit?" tanong ni Amber. "Sige. Basta 'wag ka lang magtatagal ha. At baka magalit sa akin ang Daddy mo," pagsang-ayon naman ni Jacob. "Hindi naman tayo magtatagal. May kailangan lang akong bilhin. Promise," nakangiting sagot niya sa binata. "DAD, sige napo. Puntahan ninyo na po ako rito , kulang lang po talaga yung pera ko, eh. I really want to buy that dress," sabi ni Amber habang kausap niya ang kanyang ama sa telepono. "Magkano ba ang damit na iyon?" tanong ng kanyang ama. Sinabi naman niya ang presyo. "Praktikal pa ba na bilhin natin ang damit na iyan?" "Sige na, please. Malapit na ang birthday ko. I want a new dress,"naglalambing nitong sagot. "Pero anak, you already have one right? Ayaw mo ba sa dress na 'yon?" pagtatanong nito. Dahil sa only child at unica hija , lahat ng gusto niya ay ibinibigay ng kanyang magulang. Liban na lamang kung ito'y hindi na praktikal. Bukod sa damit na nagustuhan nito ay wala na siyang ibang hinihingi sa mga ito. Maraming nagsasabing spoiled brat siya, kahit na ang totoo ay hindi naman. Alam niya kung kailan niya dapat hingiin o hilingin ang mga bagay-bagay at kung kailan dapat mag-give up. "Sige na, daddy please", muli nitong paglalambing. "O siya, I'll be there maybe 30 minutes. Dapat si mommy na lang tinawagan mo eh. Ikaw talaga," pagsang-ayon ng ama. "Yehey! Thanks Dad. Mom, is super busy eh. See you. Take care Dad,"sagot ng dalaga at tinapos na ang tawag. Pagbalik niya sa bench ay natagpuan niya ang binatang walang ganang nakatitig sa kanya. Alam niyang gutom at pagod na ito. "Princess, pwede bang dito muna tayo?. Dito na lang natin hintayin ang Daddy mo. Kanina pa tayo naglilibot eh," pagrereklamo ng binata sa kanya. "Hindi pa ako pagod eh. Tsaka, 30 minutes pa yun si Dad. Ang tagal pa nun," sagot naman niya. "Pero kanina pa tayo naglilibot. Ang dami na nitong pinamili mo e," muling tugon nito. "Don''t worry parating na din yun si Daddy. Sige na please. Lakad pa tayo," pagsusumamo niya sa binata. "S-sige na nga," pagsang-ayon nito. Agad namang sumunod ang binata sa daang tinatahak ni Amber. Buong akala niya ay sa mga mamahaling cosmetic stall o kaya'y sa mga boutique sila muling pupunta. Nagulat siya ng huminto ang dalaga sa tapat ng isang Italian Restaurant. "Tara, alam kong gutom ka na din. Kain na lang tayo," naka-ngiting tugon ni Amber sa kanya. Naupo na sila at nagsimulang um-order ng makakain. Namataan naman ng dalaga na hinahawi ni Jacob ang kanyang brown-colored hair. Gustung-gusto niyang makikita itong hinahawi ang buhok. Napaka-cool kung titignan ito. Gusto man niyang purihin ito ay di niya magawa. Kailangan niyang maging kontrabida sa buhay nito upang tapunan siya ng pansin. Halos kalahati ng populasyon ng mga kababaihan sa sa kanilang paaralan ay halatang may pagtatangi rin dito. Gwapo naman kasi ito. His pair of brown eyes matches his hair. He also has this distinct smile na talagang makakalusaw ng puso ng sinumang babaeng makakasilay dito. Idagdag pa na matalino rin ito. Sa kabila ng ginawa niyang pagma-maldita, mayroon siyang sikretong siya lamang ang nakaka-alam. Hindi niya ito masabi-sabi sa kanya, maging sa nag-iisang bestfriend niyang si Venice. Jacob was her one and only crush. O kung susumahin ay mahal na niya ito sa sobrang tagal ng panahon. Mas matanda ito sa kanya ng isang taon. Dahil naghinto ito sa pag-aaral dahil sa pagkamatay ng ama nito. Ang ama nito ay naging driver ng kanyang Daddy. Namatay ito ng saluhin ang balang dapat ay tumama sa kanyang daddy. At bilang utang na loob sa pagiging mabuti at loyal ng ama nito ay pinag-aaral ito sa parehong eskwelahang pinapasukan niya. Nasa parehong taon na sila sa kolehiyo. Ngunit magkaiba ang kanilang kursong kinuha. Business Administration ang kinuha niya samantalang Accountancy naman ang kinuha nito. May ilang subjects lang silang magkapareho. Si Jacob na yata ang pinaka-mabait na nakilala niya . Alam niyang matalini ito kaya tuwing may hindi siya maintindihan sa aklat na binabasa ay ito ang kanyang takbuhan. Kapag nais niyang mag-stay sa duyan sa garden ay ito ang niyayaya niya. Maging sa mga panahong wala siyang makalaro sa pagro-role play ng mga manika niya, kahit na alam niyang napipilitan lamang ito. Hinahangaan niya ang bawat katangian nito. Ngunit kailangan niyang pigilan ang sarili dahil sa siya ay bata pa. At bukod pa doon ay alam na alam niyang kailanman ay hindi siya nito ituturing na espesyal o kahit maging isang kaibigan man lamang. Minsan ay narinig niya ang pag-uusap nito at ng ama. Nasa ika-apat na baitang na sila noon at madalas pa silang magkakasama pa. Kung may gugustuhin man daw si Jacob na mahalin, huwag raw ang katulad niyang mayaman. Sumang-ayon naman si Jacob sa payo ng papa nito. Mabilis siyang umalis ng marinig ito. Noon ay wala siyang alam sa mga sinabi ng ama ng binata. Ngunit kalaunan ay naunawaan na niya. Ang tulad niyang nasa nakaririwasang pamilya ay hindi nararapat sa isang dukhang katulad niya. Iyon ang tumimo sa murang isip ni Jacob. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit mula nang araw na iyon ay hindi na nakipaglaro sa kanya ang bata. Noon, bago pa man tumulo ang nagbabadya niyang luha ay nasa tabi na niya ito, ngunit unti-unti ng nagbago ang lahat. Natatandaan pa niya noon ang sinabi ng binata ng nasa ika-anim na antas na sila sa elementarya. "Jacob, bakit di ka na lumalapit sa akin para makipaglaro?" tanong ni Amber "Kasi hindi na pu-pwede. Hindi tayo dapat magkasama na naglalaro ng mamahalin mong mga laruan," sagot naman ni Jacob. "Pero, magkaibigan na naman tayo ah. Bakit hindi pwede?" tanong niya sa malungkot na tono. "Mali ka. Kailanman ay hindi kita maaaring maging kaibigan o higit pa. Maaari mo akong lapitan o hingan ng pabor pero hindi tayo maging magkaibigan." "Pero...", malungkot niyang tugon "Magkaiba tayo ikaw ang prinsesa at ako ay ang iyong tagapaglingkod - alipin. 'Yan ang tatandaan mo,"sambit ni Jacob. Nang matapos na siyang magsalita ay umalis na siya at hindi na muling nakita ni Amber sa buong maghapon na iyon. Simula din noon ay hindi na sila makikita na magkasama, maliban na lamang kung ito ay inutusan ng kanyang ama. At ngayon, na tila nagbigay ng pagkakataon ang tadhana, ay nasa isang paaralan na lamang sila ay nabuhayan siyang muli ng pag-asa na maging kaibigan niya ito. Dahil isa sa mga dahilan kung bakit niya ito kasama sa isang paaralan ay upang bantayan siya nito. Pinakiusapan ito ng daddy niya na alagaan siya at tulungan sa mga gawaing pampaaralan. At hindi rin naman lingid sa kanyang kaalaman na napipilitan lamang ang binata na sumunod sa kung saan man ito pumupunta. Bukod tangi lamang na siya ay sinisimangutan nito habang sa iba ay magiliw siyang nakikitungo. Hindi naman niya magawa ang magtanong kung mayroon ba siyang nagawang masama para maging iba ang trato nito sa kanya. Pinagdamot na niya ang kanyang pagiging kaibigan, maging ang ngiti nito'y hindi na niya masilayan. "Bakit hindi pa tayo umuwi, Princess?" tanong ni Jacob. "Hihintayin pa natin si Daddy. Papunta na yon. Nabusog ka ba?" magiliw niyang tanong. "Ah. Ayos lang naman,"tipid na ang sagot ng binata. Minsan ay iniisip din niya na tigilan na lamang ang pagma-maldita. Ngunit alam niya ito lang ang paraan upang pansinin siya nito. Hindi siya nito kinakausap. Sasagot lamang ito sa tuwing nagtatanong ang dalaga. Ng lumipat ito at naging kaklase niya ay sinimulan na niya ang pagtataray dito. Alam niyang maaari siya nitong kamuhian ngunit ipinagwalang-bahala na lamang niya ito. Mas iniisip niya na mabigyan siya nito ng pansin. At nagbabakasakali din siyang gumawa ng hakbang ang bata upang huwag na niya itong tarayan pa. Dahil ibinilin siya ng kanyang ama sa pangangalaga ni Jacob, ginawa niya itong alipin. Ito ang ibinigay niyang kapalit sa hindi nito pagpapaunlak sa pakikipag-kaibigan niya. Ang maging alipin niya. "Ang tagal naman yata ni Dad. Dapat kanina pa 'yon nandito ah," tugon niya. "Baka nagkaroon ng emergency at hindi na nakaalis," sagot naman ng binata. "Pero sabi niya susunod siya. Paano na 'yong dress ko? Maghintay pa tayo," malungkot niyang pakiusap. "Isang oras na tayo mahigit naghihintay. Itigil mo na yang katigasan ng ulo mo. Tara na umuwi na tayo," nagpupumilit nito. "Okay." Wala ng nagawa ang dalaga dahil pagod na din siya sa ilang oras na paghihintay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
46.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
323.9K
bc

Ang lihim ni Prof [SSPG]

read
23.8K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

Mang Julio (SSPG)

read
61.9K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
182.8K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook