bc

My Canadian Daddy ( Rescue Me)

book_age16+
10
FOLLOW
1K
READ
family
love after marriage
dominant
submissive
goodgirl
brave
drama
bxg
friendship
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Sypnosis

Anung gagawin ni Travis kung ang babaeng hinahanap niya for almost fifteen years ay matagal na palang niyang nakakasama at ang malala pa nito ay magiging asawa na ito ng kanyang kaisa isang pinsan.

Ang babaeng alam niya na kinamumuhian ng kanyang pinsan at ilang araw na lang ay ikakasal na ang dalawa. Paano niya maililigtas ang babae sa mga kamay ng kanyang pinsan na alam niya ang dahilan kung bakit siya nito pakakasalan.

At sino si Stefanie Scott Wilson at Sofie na kanyang kababata,

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 "Kuya huwag mo akong iwan...."hinding hindi makakalimutan ni Travis ang mga eksena nuon araw na iwan niya si Sofie, sa bahay ampunan. Halos magkasing edad lang naman sila ni Sofie. Pero dahil sa mas matangkad Siya dito kaya tinatawag siya na Kuya. Sampong taon na ang nakakalipas pero hindi pa siya nakakadalaw dito. Kamusta na kaya ito? May mga umampon na kaya sa kanya. Pitong taon siya nuon natagpuan siya ng mga tunay niyang mga magulang sa bahay ampunan. Ang nanay niya ay pilipina na nabuntis ng kanyang ama na isang Canadian. Dahil sa inggit ng kaibigan matalik ng kanyang ina dahil siya ang minahal ng Daddy niya at lalo na ng malaman nito na ipinagbubuntis na siya ng Mommy niya. Kaya ng isinilang siya ay  dinukot Siya nito sa ospital at dinala sa bahay ampunan. At sinabi na patay na siya nagbayad ito ng patay na sanggol upang ipakilala na anak ng Mommy niya. nalaman nila ang lahat, ng hindi na kinaya ng konsensiya ng kaibigan ng Mommy niya ang ginawa nito, dahil mas lalong minahal ng Daddy niya ang kanyang ina. At hindi nito kailanman iniwan ang nanay niya kahit pa ng malaman nila na hindi na ito maaaring mag kaanak pang muli. Dahil sa naoperahan ito nuong ipinanganak siya nagkaroon ng komplikasyon sa kanyang matris kaya tuluyan na rin itong tinanggal. Malinaw pa rin sa kanyang memorya kung paanu nito hawakan ang kanyang kamay upang pigilan siya na huwag niya itong iwan. "Kuya huwag mo akong iwan." Umiiyak na sinabi ni Sofie ito habang hawak nito ng mahigpit ang kanyang kamay. Pero bago siya tuluyan magkahiwalay ni Sofie, niyakap niya ito at nangangakong babalik siya upang kunin siya nito. Pero sampong taon na ang nakalilipas hindi niya pa rin ito nababalikan. "Siya pa rin ba ang iniisip mo." Boses ng pinsan niyang si Steve ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan mula sa malalim na pag iisip. Pinsan buo niya si Steve kapatid ng Daddy niya ang Mommy nito. Mag kasing edad lang din sila ni Steve. Kahit mas matanda pa si Steve sa kanya ng ilang araw lang naman. Nandito sa Canada ang Daddy niya ng isilang siya. Kaya mabilis lang sa kaibigan ng Mommy  niya ang planong dalhin siya sa bahay ampunan, mabuti na lang at walang umampon sa kanya nuon. "Oo hindi ko maiwasan, hindi siya isipin lalo na at ipinangako, ko sa kanya na babalikan ko siya, ngunit sampong taon na ang nakalilipas hindi ko man lang siya nabalikan kahit man lang dinalaw." Malungkot na sagot niya sa pinsan. "Ayus lang iyan, hindi bale kapag nasa tamang edad kana at pwede ng bumiyahe mag isa balikan mo siya duon." Sagot ni Steve na umupo na rin sa bench na kinauupuan niya. Marunong magtagalog si Steve dahil na rin sa kanya at sa Yaya nilang pilipina. Pati na rin ang mga pinsan ni Steve sa fatherside ay marunong din magtagalog dahil sa ang mga Yaya ng kambal ay pilipina. Kasalukuyan silang nasa loob ng eskwelahan hinihintay nila ang kanilang sundo.nang makita nilang paparating ang kambal sila Dominic at Christopher pinsan buo ni Steve sa fatherside. "Hey, tawag ni Christopher." Sa dalawa na nakatingin lang sa kambal. "What's up" sagot ni Steve. "I have a news, did you saw the new transferee?" Tanong nito sa dalawa. At nagkatinginan naman sila Travis at Steve. "No..no.." halos magkasabay pa na sagot ng dalawa sabay iling. "Anyway maybe tomorrow, she will start going to school, as I saw her in the registration office this morning. I knew that she's new here." Kampanteng sagot nito. Si Dominic naman ay abala sa pagtitipa nito sa kanyang laptop. Na nakaupo na rin sa kanyang tabi." What are you doing?" Hindi maiwasan tanungin nito ang katabi dahil masyado itong nakapokus sa kanyang ginagawa. Sasagot pa lang ito ng marinig na nila ang sagot ni Christopher, "he is submitting his form for swimming competition this summer." Sinabi nito sabay kuha ng Pringles na kinakain ni Steve. Mahilig si Dominic sa swimming competition, ilang beses na ba itong nanalo hindi na nga halos mabilang maging sa paaralan man o sa labas ilang Pera at trophy na ang naiuwi nito at napanalunan. Nuon nakidnap nga ito nuon magbakasyon sila sa Tanzania nakatakas siya dahil sa pagtalon niya sa ilog. Hindi naman nagtagal ay dumating din ang kanilang mga sundo, halos magkakaibigan na rin ang kanilang mga tagamaneho parang katulad din ng kanilang mga Yaya nuon. Kanya kanyang sakay na silang apat sa kanilang mga sasakyan. Nasa loob na siya ng sasakyan ng makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ina. Sinasabi nito gagabihin sila ng uwi ng kanyang ama dahil sa may dadaluhan ang mga ito na handaan. Pagdating niya sa bahay ay kaagad siyang umakyat, pagkatapos magbihis at pumunta siya sa study room  hinanap ang pangalan ng bahay ampunan. Kung saan sila nagkakilala bi Sofie. magbakasakali siya na may makita siya na mga larawan o kahit anu na makakapagbigay ng impormasyon sa kanya tungkol kay Sofie. Tutal wala naman ang mga magulang niya at malaya siyang maghalungkat. Naaalala niya nuon bata pa siya madalas na nakakatanggap ang mga magulang niya ng Christmas card mula sa bahay ampunan. Nang minsan tinanong niya ang kanyang mga magulang tungkol dito. Ang sagot nila ay dahil daw simbolo ito ng pasasalamat ng Bahay ampunan sa donasyon pinapadala nila. Matagal na kasi ito. Kaya Hindi niya alam kung Meron pa ang bahay ampunan na iyon. Dahil minsan narinig niya ang pag uusap ng kanyang mga magulang tungkol sa pagkasunog nito. Isa pa nahihiya siyang magtanong sa kanyang mga magulang tungkol dito. At magmula nuon ay hindi na muling nakatanggap pa ang kanyang mga magulang ng card mula dito. That is seven years ago. Abala siya sa paghahalungkat ng tumunog ang kanyang cellphone. Hinayaan niya lang itong tumunog haggan sa natigil din, pero hindi naman  nagtagal tumunog ulit ito. Sinagot niya ito ng hindi man lang tinitignan kung sino ang tumatawag. "Hello." Naiiritang sagot niya dahil sa halos magkalahating oras na siyang naghahalungkat wala pa rin siyang makita kahit lumang kard. Tapos inaabala pa siya ng tawag nito. "Is this the way, when you answer my call." Sinabi ng nasa kabilang linya na halos mabitawan niya ang cellphone.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
897.0K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Debt Exchange (Tagalog)

read
972.8K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

OSCAR

read
248.5K
bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook