"I have decided, hindi muna ako babalik ng La Isla Virginia. Mauna ka ng umuwi, may importante pa akong bagay na aasikasuhin dito sa Maynila," sabi ni Luther. Gabi na noon at napag isip-isip niya na kapag umuwi siya ay mapapalayo siya kay Cassie. Kailangan niyang mahanap ito sa lalong madaling panahon. "Pe-pero, Sir, nakahanda na ang mga gamit n'yo," tarantang wika ni Cassie. "Hayaan mo na lang 'yan d'yan, ako na ang bahalang mag-ayos niyan. Matulog ka na, maaga ka pang gigising bukas. Alas sais ng umaga ay nasa FGOC na ang chopper na maghahatid sa'yo sa isla," pahayag ng binata. Hindi nakaimik si Cassie, desidido na si Luther na magpaiwan kaya lang ay ayaw niyang umalis na hindi ito kasama. Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay hinarap ang kaniyang amo. "Hindi ako babalik nang is

