"Tita Celeste!" Agad na sinalubong ng yakap ni Cassie ang kaniyang tiyahin. Matapos siyang sunduin ni Luther sa kanilang mansiyon ay dumiretso na sila sa bahay nito. Naabutan niya rin doon ang kaniyang Tito Miguel. Ang mag-asawa ay kapwa masaya na muling makita ang dalaga. "Good to see you again, Cassie. Sa wakas ay natapos na rin ang lahat ng paghihirap mo. Totoong malaya ka na ngayon," masayang sabi ni Celeste. "Kaya po ako naging malaya ay dahil sa tulong ninyo ni Tito Miguel. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng naitulong niyo sa akin, hindi ko po alam kung paano ko kayo mababayaran sa mga nagawa ninyo para sa akin," ani ng dalaga. "Pamangkin kita, mahal kita at wala akong ibang hangad kung hindi ang mapabuti ka. Huwag mong isipin ang mga bagay na iyon, hindi kami nanghihingi ng

