bc

Ada's Point of View

book_age12+
8
FOLLOW
1K
READ
independent
dare to love and hate
versatile
comedy
sweet
bxg
humorous
lighthearted
enimies to lovers
secrets
like
intro-logo
Blurb

Adelaida ‘Ada’ Concordia comes from a family of doctors and nurses. Buong pamilya niya, maging mga pinsan ay konektado sa Medisina ang mga kursong tinapos. Tanging siya lamang ang naiiba dahil Journalism ang kursong kinuha niya, siyang dahilan kung bakit palagi na lamang siyang tampulan ng tukso. Lumaki siyang halos ipamukha sa kaniya ng lahat sa paligid na isa siyang batik sa pamilya ng mga Concordia.

Dahil sa kagustuhang mapatunayan ang sarili, agad na bumukod ng tirahan si Ada nang maka-graduate. Sinikap niyang gumawa ng landas patungo sa kaniyang pangarap na maging isang broadcaster. Ngunit palagi na lang siyang pumapalpak. Nauutal siya sa harap ng camera, at kung ano-anong ang mga nasasabi niya na hindi naman dapat. Dumagdag pa ang mapambuksang childhood friend at masugid na manliligaw ng bestfriend niyang si Shenina na si Sultan, na naging instant crush niya sa una pa lamang nilang pagkikita nito.

Dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay lalo nang bumaba ang tiwala at tingin ni Ada sa sarili. May mga pagkakataong gusto na niya halos sumuko, kung hindi dahil sa suporta ni Shenina. Soon, she realized that her heart is not really into broadcasting. Gusto lang niyang makita sa TV at sumikat para may maipamukha sa lahat ng nangungutya sa kaniya, pero ang totoo, ang puso niya ay nasa pagsusulat. So she started to write romance stories, which later on give her satisfaction and feeling of supremacy. Pero sapat ba ang kasiyahan at kakontentuhan ni Ada sa pagsusulat para mapatunayan ang sarili sa kaniyang pamilya? Will they all look at her as a better person now that she’s into writing? What is the real basis of success for them to accept her, as what she is?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
OO, ang binabasa mo ngayon ay posibleng isang karaniwang love story. Ang hindi karaniwan ay kung paano ko ito nakita sa buhay ko at kung ano ang ginawa ko para angkinin ang love story na ito. Bakit? Tulad ng mga gasgas nang kuwento, ang love story na ito ay hindi orihinal na sa akin. Korek. Nakiki-love story lang ako he-he-he. Oy, don’t judge me yet, alamin mo muna ang aking kuwento. Sa huli, saka mo ako awayin kung sa tingin mo ay hindi tama ang aking ginawa. My name is Ada, short for Adelaida Concordia. Isa akong nobelista, humahabi ng kuwento to entertain my readers. I use Bellatrix in my novels. Ang kahulugan daw kasi nito ay isang babaeng mandirigma, thus my pen name. Literal na nagtatago ako sa pangalang yan dahil hindi ko naman puwedeng ikuwento kahit kanino ang aking trabaho. Why? Sa mabilis na paraan ay ipaliliwanag ko kung bakit. I came from family of doctors. As in. Mula sa lolo at lola ng mommy at daddy ko hanggang sa mga kapatid ko, all of them were into medicine. Kung hindi doctor o nurse ay physical therapist at pharmacists. Korek ulit. May mga animal doctors din, sa mga pinsan ko naman iyon. Now, tell me how I can be proud of myself. How can I tell the world that I am a novelist? Isang nobelistang sumulpot sa isang pamilyang ang dugo ay dinadaluyan ng medisina. All my life, pinaniwala ako ng parents ko na mahusay ang maging doctor. Indeed. But the thing is that for me, there is nothing interesting into it. Hindi ko makita ang spark na sinasabi nila. Hindi ko na-e-enjoy ang ospital. Takot ako sa dugo. I hate just the mere sight of their patients, hopeless…helpless…looking terrible. Ayoko nang ganoon. I only get depressed. I still remember how I told my bestfriend and boarder Shenina, my opinions on this profession. “Hindi naman siguro ganoon, Ada. Look, kailangan nating lahat ang doctor. Kung wala sila, siguro ay naubos na ang tao sa mundo.” “But I don’t believe they are all there to help people. ‘Yung iba, gaya-gaya syndrome lang. Kung impluwensiya lang ng pamilya ang dahilan kaya sila andun sa mundo ng medisina, aba’y hindi tama. They need to get out of the field as much as possible. Hindi nila dapat gamitin ang medisina para lang kumita ng pera.” “Hey, are you okay? May pinagdadaanan ka ba at ganyan kang magsalita tungkol sa profession ng pamilya mo?” “Well, I’m not talking about my family here. I’m talking about people in the field of medicine, in general.” “At sila na nga iyon, hindi ba?” I snorted. Ayokong magpahalatang na-corner ako ni Shen. My bestfriend happens to be very clever when it comes to me and my moods. Alam na alam niya ang tinutukoy ko kaya naman kahit ilang beses akong magkaila, I know she knows what’s going on my mind. In short, hindi ako kumuha ng medicine. Nagalit ang parents ko. Siyempre naman. Sabi nila, ano ang mararating ko kung Journalism ang kukunin ko. It will be just a waste of time and money daw. Siguro nga ay likas na matigas ang ulo ko at hindi ko pinansin ang mga opinions nila. Ganoon ang tingin nila, e ano naman sa’kin? Ako naman ang mag-aaral. Ako naman ang gagawa ng sarili kong buhay. So I took the direction I wanted and that started my journey. NAPATILI ako nang biglang lumindol at mahulog ako sa sahig. Tsk. It took 15-20 seconds before I figured out what really happened. It was not an earthquake, obviously. Inis kong tiningnan ang swivel chair ko; natanggal na naman ang isang turnilyo sa ilalim. Bumigay ang sandalan at nawalan ako ng balanse, kaya ako bumagsak. Again. Patamad akong gumapang papunta sa direksiyon kung saan tumilapon ang turnilyo. Kinuha ko iyon at saka ako patamad na tumayo. “Bumili ka na kasi ng bago.” Napalingon ako kay Shen. Kasama ko siya sa apartment kung saan ako tumutuloy mula nang mag-enrol sa Polytechnic University of the Philippines. She’s taking up Education naman. “Kapag may natira sa allowance ko saka ako bibili,” sagot ko. Hindi na siya kumibo. Tumingkayad sa harap ng aparador niya at saka kinuha ang sandamakmak niyang magazines. Wala na kasing pagkasyahan ang mga iyon dahil sa dami naming babasahin sa loob ng silid maging sa sala. Nagkataon kasing pareho kaming bookist ng babaeng ito. “May bago ang Quattro Tagalog Online Stories, have you heard?” “Anong bago?” tanong ko naman. Ang Quattro Tagalog Online Stories ay isang online source ng mga romance stories. Nakita ko iyon noong nagsisimula pa lang akong magsulat. I was searching for tips on how to write novels when I landed on their website. Naging interesado ako agad kahit sa tingin ko ay kakaunti pa lang ang readers doon. At least, may mga readers. Siguro, nasa ten lang that time base na rin sa bilang ng iba’t-ibang pangalang nakita ko sa comment section ng isang kuwento roon. Agad kong kinontak ang admin named Cris. I bluntly asked him what to get from posting stories on his website. What would I get? I mean, hindi ganoong kadaling magsulat. It will take time, real time to finish one complete story. Madali namang magsimula eh. Ang tanong, matatapos mo ba iyon? At kung matatapos, calculate the time you spent in writing that piece and you would be surprised it took you a month or so. So I was asking kung ano ang mapapala ko doon. At tulad ko, prangka din ang admin. He said, “Wala…for now. You will just write for your readers but in time, you will definitely get something.” I was thinking na monetary aspect ang pinag-uusapan namin doon so I did submit my first novel. In short, he posted it on his website and I gained comments. Many comments actually that I almost lost count. After a few days, doon ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. The admin was not talking about monetary benefits; he was pertaining to the fulfillment a writer would get once his story is flooded by readers’ comments and praises. And so I did get those. I was overwhelmed. Iyon kasi ang unang pagkakataon na mapo-post somewhere ang kuwento ko. Sanay na akong ako lang o ang kaibigan at boarder kong si Shen ang nagbabasa ng mga iyon at ngayong umaani iyon ng komento at papuri, masayang-masaya ako. ‘Yung pinagpaguran ko, may nakaka-appreciate, kumusta naman, world?! Kinuwento ko agad iyon kay Shen na number one reader ko din ng kung anu-anong pinagsususulat ko. She also joined the said group and you know what, ang group na dati ay almost ten lang ang members, eherm…thousand na po ngayon. Hindi lang naman kasi kuwento ang makukuha mo sa Quattro, marami pang iba at ang pinakagusto ko ay ang pamilyang nabuo roon. Kaya feeling ko, aabutan na ng pagdadalawang kulay ng buhok ko ang pagiging miyembro ko ng Quattro. I swear. “Hindi ka na ba active sa Quattro at hindi mo alam?” tanong ni Shen. “Hindi ako naka-visit last week eh. Alam mo na, disiplina. Kapag nakausap ko ang mga Q-ties, hindi na ako makakasulat.” Q-ties ang tawag sa lahat ng member ng naturang group. Natawa si Shen. “Grabe naman kasi kayong magkuwentuhan. Kapag lumalabas nga kayo, feeling ko ay hindi ka na uuwi eh.” It was true. Pamilya ko nga kasing maituturing ang Quattro at kahit hindi ko nakikita ang lahat in person, nandoon pa rin ang invisible bond na nabubuo among us. No stir. “So hindi mo pa nga alam ang latest.” “Eh kung sinasabi mo na sa akin e ‘di ang saya. Wala nang tanungan, ‘di ba?” Natawa siya ulit at kapag ganoong tumatawa si Shen, matatawa na lang din ako. Nakakahawa kasi siyang tumawa. Buhay na buhay ang peg. “Tumatanggap sila ng synopsis para ipasa sa isang malaking international platform. Parang Stary ang pangalan, if I remember it right. ‘Yung ma-a-approve nilang kuwento, iyon ang ipinapasa nila doon sa platform na iyon. Nagkakaroon daw ng mga exclusive at non-exclusive contracts ang mga writers, pero nasa Quattro pa rin sila as Q-ties. Lahat ng shorties nila o mga stories na maiikli lang, iyon daw ang naka-post sa Quattro. “That’s great, huh. Papasyalan ko nga mamaya at baka sakaling makakuha din ako ng contract diyan. Sobrang tagal ng evaluation sa traditional publishing. Pati tseke ko, pahirapan din ang release e nasa kanila naman ang delays,” napapailing na sabi ni Ada. Shenina smiled. Sa mga sumunod na sandali ay busy na siya sa kanyang mga magazine.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook