“HOY, kausapin mo naman ako. Kanina pa ‘ko daldal nang daldal dito ah.”
Sa halip na kausapin ay tinalikuran ko si Shen. Naiinis kasi ako sa kanya dahil sa mga sinabi ni Sultan. Feeling ko, ako ang topic nila kapag nag-uusap sila at feeling ko rin, nakakatawa ang pinag-uusapan nila kapag ako na ang topic.
“Hoy, Ada, ano ba!”
No choice. Hawakan ba naman ng luka ang takip ng kaldero at ipukpok ang sandok doon nang makailang ulit. Wala pa akong balak na mabingi. “Ano ba!” paangil kong sagot. Itigil mo nga iyan!” Inagaw ko sa kanya ang kaldero pati na rin ang sandok at saka ako tuluy-tuloy na pumunta ng kusina. Kasunod ko naman si Shen.
“Ano ba kasi ang nangyari at parang may volcanic erruption dito?”
“Naiinis ako…” Itinaob ko ang kaldero sa tabi ng mga nakataob ding kaserola sa lababo at saka ko isinabit ang sandok sa sabitan na nasa itaas niyon.
“Sa akin?”
“Oo.”
“Aba’y kadarating ko lang ah!”
“Kadarating mo nga lang kaya ako ang huramap sa weird mong manliligaw! Bakit ba kasi ngayon ka lang?” Tinalikuran ko ulit siya at saka ako nagtuloy sa sala. Kasunod ko pa rin ang luka.
“Manliligaw---oh my…si Sultan!”
Alam kong marami siyang manliligaw kaya para isipin niyang si Sultan ang tinutukoy ko sa adjective kong ‘weird,’ well, nasigurado ko nang aning nga ang lalaking iyon. Hindi ako sumagot kaya na-confirm na niya ang hinala niya.
“Dito siya tumuloy kanina?!”
“Mismo…” matamlay kong sagot. Naupo ako sa sofa at saka ko itinaas ang aking mga paa sa ibabaw ng center table. Kinuha ko ang isang throw pillow at saka iyon inilagay sa tiyan ko. Isinandal ko ang ulo ko sofa at saka ako pumikit. Nasa ganoon akong posisyon nang maramdaman kong lumundo ang sofa at maupo si Shen. Hinampas niya ako sa hita kaya napadilat ako.
“Ano’ng ginawa niya rito?”
“Wala…nang-inis…”
“What?!”
“Kailangan mo ba talagang sabihin sa kanya na wala akong boyfriend at nobelista ako, Shen?”
Guilt flooded Shen’s face. Hindi niya magawang magkaila at dahil sa inis ay nagawa ko siyang irapan.
“Alam mo namang hindi ko iyon gustong ikuwento sa iba. It’s my personal life and—”
“I know, I know. Hindi ko naman iyon ikinuwento sa kanya para panghimasukan ang buhay mo, Ada. Nabanggit ko lang iyon nang sabihin niyang hahanap siya ng irereto sa’yo.”
“Isa pa ‘yan! Bakit kailangang magreto! Wala akong lovelife dahil gusto ko! Kontento ako sa buhay ko! Masaya akong mag-isa at magsulat ng mga kuwentong gusto ko!”
“Pero hindi ba at mas marami kang maisusulat kung marami kang karanasan, friend?”
“Hindi ko kailangan ang mga iyon para lang makapagsulat, Shen! Ito ang buhay na pinili ko kaya kung puwede sana, huwag niyong isipin na miserable ako, okay!”
“Pero bakit nga kasi?”
“Dahil nga gusto ko!” pinal kong sabi. “Saka puwede ba, huwag ako ang gawin ninyong topic ng Sultan kabayo na iyan kung wala na kayong mapag-usapan, okay! I hate to know that there are people talking about me when I turn my back.”
“Friend, hindi naman sa ganoon…huwag mong masamain ha. I just told him that because he kept on insisting na ireto sa’yo si Mac.”
“Mac who???” Inis na inis na ko talaga.
“O kaya daw ay si Jarred…”
“Ano ba, Shen! Tumahimik ka na nga!” sawata ko sa kanya.
“Pero alam mo, ang cute ni Dale. Ang ganda ng dimples niya at saka…ang lalim!”
“Naiinis na ‘ko, Shenina ha!” I gave her a warning look that made her stopped.
“Okay, okay…hindi na.”
Marahas akong tumayo at bahagya lang siyang nilingon. “Basta ayoko nang pag-usapan ang bagay na iyan mula ngayon, okay. Kung hindi, magagalit na ‘ko talaga sa’yo…”
“Okay…”
Tumalikod na ‘ko at tinungo ang silid namin ni Shen pero nagsalita siya bago ko pa mabuksan ang pinto.
“Are you sure, girl?
Gigil na gigil na iniwan ko na lang siya at dumiretso na ako sa aming silid.
TATLONG beses akong napabuntong-hininga pero hindi ko pa rin mapagdesisyunan kung pagbubuksan ba ng pinto si Sultan o hindi. Kanina pa ito nasa pinto ng apartment at panay ang ‘pa-tao po’.
“Ada! Ada, yuhoo! Sultan here!”
Sultanin mo’ng mukha mo! Buwisit ka!
“Ada! Are you there?”
Wala! Umalis ka na, impakto ka!
“Ada, I know you’re there! Open the door, please!”
Tinakpan ko ang tainga ko para hindi ko siya marinig pero muntik na akong mahulog mula sa upuan nang bigla siyang lumitaw sa bintanang nasa harap ko. Malakas akong napasigaw at napatayo.
“It’s me, Sultan. Open the door, Ada…”
“Bakit ba? Wala dito si Shen at—”
“Alam ko. Ikaw ang sadya ko, okay. Please, papasukin mo na ‘ko…”
Napakunot-noo ako. “Ano’ng sinabi mo?”
“Papasukin mo na ‘ko…”
‘Yung una…”
“Alam ko…”
Grrrrr….. “Alam mong wala dito si Shenn!?”
“Yap.”
“Then why are you here?”
“Ikaw nga ang ipinunta ko rito…”
Saglit akong natigilan…
“Ikaw nga ang ipinunta ko rito…” “Ikaw nga ang ipinunta ko rito…” “Ikaw nga ang ipinunta ko rito…”
Napalinga ako nang may marinig akong ibong nag-aawitan sa paligid. Nang mapasulyap ako sa throw pillow kong Tweety bird, pakiwari ko ay lalong naging pilyo ang pagkakangiti niyon…saka bakit iyong Hello Kitty wall clock namin, tumingkad yata? Ang light ay naging…fuschia pink???
“A-ako?” tanong ko na nakadiin pa sa dibdib ang kanan kong kamay.
Ngumiti nang pagkatamis-tamis si Enrique este Sultan kaya naman lalo nang bumilis ang pagdaloy ng dugo sa mga ugat ko. Bago ko pa namalayan ay wala na siya sa bintana at naroon na ulit sa pinto, katok na naman nang katok. Wala sa loob akong napalapit roon.
“Thank, God,” usal ni Sultan nang pagbuksan ko ng pinto. Ang lalim ng buntong-hininga nito.
“May…may kailangan ka ba?” Tumikhim ako dahil pakiwari ko ay ako lang ang nakarinig ng tanong kong iyon.
“Kumusta ka na?” tanong rin nito sa halip na sagutin ang tanong ko.
“Sinabi ko nang wala si Shen ha…” Tinalikuran ko siya. Hindi ko kasi kayang tagalan…ang panginginig ng mga tuhod ko…
“Sinabi ko rin na ikaw ang sadya ko, hindi ba…”
Hayan na naman…nag-aawitan na naman ang mga ibon. Sumasayaw na naman ang mga kurtina. Nag-a-acrobat pa ang mga dahon…Ang guwapo naman niya…bakit ganoon? Ang guwapo talaga…
“Ada? Ada…”
“Ha?”
“Sabi ko, baka naman puwedeng pumasok. Ang init ng araw sa balat e.”
Mabilis akong napaatras upang bigyan siya ng daan. “Sorry. Halika, pasok ka.”
Iginiya ko siya sa sofa at pinaupo saka ako naupo sa katapat na upuan.
“Bakit ka nariyan?” tanong ni Sultan na ikinabigla ko. Inginuso pa nito ang sofa set na kinauupuan ko.
“B-bakit?”
“Ang layo mo naman…puwede bang dito ka sa tabi ko?” Ngumiti na naman ang hombre.
“Okay na ‘ko dito. Ah…ano ba’ng sadya mo?”
Natigilan ako nang sa halip na sumagot ay tumayo siya at naupo sa tabi ko. Hindi ko makuhang mag-react sa ginawang iyon ni Sultan. Basta ang alam ko, hindi na ako halos makahinga sa buhol-buhol kong emosyon.
“Ayaw mong tumabi sa akin kaya ako ang tatabi sa’yo…”
Mapapangiti na sana ako kung hindi ko naalala ang sinabi niya nang una kaming magkita. Daig ko pa ang nabuhusan ng malamig na buko juice at madali akong natauhan.
“Lumayu-layo ka nga sa akin! Mamaya, akusahan mo na naman akong nag-pi-flirt diyan! Hiyang-hiya naman ako sa balat mo!” Binirahan ko iyon ng tayo at doon naman ako naupo sa kinauupuan niya kanina. Ang kaso, mabilis ding tumayo si Sultan at tumabi na naman sa akin. “Ano ba!”
“Sorry na nga, Ada. Hindi ko naman sinasadya iyong sinabi ko. Alam mo iyon, minsan sa kagustuhan kong makagawa ng conversation—”
“At my expense, ganoon?”
“Kaya nga sorry na. Hindi na mauulit iyon, promise.”
“Dapat lang!” taas-noo kong sabi. “O, ano ang sadya mo?” Sa wakas ay nahimasmasan ako. Unti-unti ko nang nakakasanayan ang presence ni Sultan.
“May gusto sana akong sabihin sa’yo…”
Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin pero tanging ngiti lang ang ginawa nito. Haplos nito ang batok na tila nahihiya.
“Ada…”
“Yes?”
“Noong makita kita, alam ko nang…alam ko nang ikaw na ‘yung matagal kong hinahanap. Ikaw ‘yung…” Pumitik ito sa hangin bago napatuloy. “ Ikaw ‘yung sagot sa mga dasal ko gabi-gabi.”
Natulala ako, ilang saglit na hindi alam ang isasagot sa sinabing iyon ni Sultan.
“Ada…”
“Sultan…”
“Please…please, Ada…”
“Sultan…”
“Tulungan mo naman ko, please…Ikaw lang ang makakatulong sa akin para mapansin ako ni Shenina. Pleaae, Ada….tulungan mo ‘ko.”
Napayuko ako at napatingin sa flooring ng apartment namin ni Shen. Kitang-kita ko…totoong-totoo…unti-unting nag-c***k ang sahig at lumakad ang bitak niyon patungo kay Sultan…
“Ada…”
Hindi ako nag-angat ng paningin. Busy ako sa panonood sa puso kong tumalon sa sahig at ngayon ay gumagapang, wasak at mahina na ang t***k.
“Ada…”
“Labas…”
“Ada, please…sige na naman oh…parang awa mo na.”
“Lumabas ka na hanggang tao pa ang tingin ko sa’yo, Sultan.”
“Ikaw na lang ang pag-asa ko kay Shenina…”
“Shesheninahin kita ‘pag narito ka pa rin pagbilang ko ng lima, Sultan.”
“Ada…”
“Isa…”
“Ada naman…huwag namang ganyan…”
“Dalawa…”
Napatayo si Sultan. “Maayos naman kitang kinakausap. Bakit ganyan ang trato mo sa akin?”
“Tatlo….”
“Ada!”
“Apat, Sultan! Apat na!” gigil kong bulyaw sa kanya. Natakot marahil dahil mabilis na itong tumalikod at lumabas ng pinto. Nang sumarado ang pinto ay nanlumo ako.
“Lima, Ada…lima na. Wala na si Enrique…” Ang sakit naman sa pride. Kaya nga ba ayokong umasa. Kaya nga din siguro hindi ako nagkaka-crush sa opposite s*x dahil sa ‘fear of rejection.’ Ano ngayon itong nangyayari sa akin?
Tumayo ako at tinungo ang pinto. Ikinandado ko iyon at saka marahas na nagpakawala ng malalim na paghinga.
“Noon lang Lingo ay hindi kita kilala, Sultan. Magli-Lingo na ulit kaya malilimutan na kita!”