Eloisa
"Endi naman midahan-dahan, eh! Mihilo na nga, eh!" reklamo ni Noa kay Kahel nang sa wakas ay tumigil na ang kotse sa basement ng Hotel Khallisa Baguio branch.
Talagang tinotoo ng mokong ang sinabing pupunta kami ng Baguio. We left Manila early in the morning. Sinundo niya kami ni Noa sa apartment. Dahil inaantok pa si Noa kanina ay kinailangan nigang buhatin. Wala tuloy kaalam-alam si Noa kung nasaan na ba kami. Basta nagising na lamang siya kanina noong nasa Marcos H-way na at panay ang overtake ni Kahel sa malalaking truck.
"Eh 'di huwag ka nang sumama sa susunod? Ikaw rin. Ako lang baby ng nanay mo kapag hindi ka sumama sa mga lakad namin," hamon ni Kahel kay Noa.
Halos lumaki ang butas ng ilong ni Noa sa inis. "Endi naman ikaw baby! Big na ang Tatanas, eh!"
Kahel quenched his eyes. "Itong Kupidong may sungay na 'to."
"Oh, huwag mo nang patulan. Ang aga-aga, eh," suway ko.
Pasimpleng inirapan ng mag-ama ang isa't isa. Nai-stress tuloy ako dahil sabay na sabay pa nga!
Kahel ran his fingers onto his midnight black hair. "Let's go to our suites and rest. We'll shop for clothes once the mall opens."
Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba kakain lang ng taho?"
"Kakain nga, but since we're already here, let's explore the area. I need some inspiration. My creative brain is getting dry," sagot niya.
Nahilot ko na lamang ang sintido ko. I seriously have to review my contract. I don't think this is still part of my job description.
Sinalubong kami ng hotel manager. She assisted us to our suites in the highest floor. Unang beses ko lamang makapapasok sa actual room ng Hotel Khallisa ngunit mukhang totoo ang chismis. Dahil unang tapak pa lamang sa hotel room, mararamdaman mo na ang kakaibang awra ng lugar.
It makes me feel good. Home perhaps. Like I finally found shore after years of paddling with uncertainty.
Napabuntonghininga ako habang pinagmamasdan ang loob ng silid. Looks like Sir Khalil has so much love for Ma'am Khallisa that it took up space in every Hotel Khallisa's room.
Kanoa ran towards the balcony. Kaagad ko siyang sinundan at pinagmasdan noong inilapat niya ang kanyang maliliit na palad sa glass railing ng veranda.
"Wow! Midami puno, mommy!" manghang-mangha niyang sabi.
I smiled as I caressed his hair. "Ang ganda-ganda dito, anak 'no?"
Tumangu-tango siya. "Mommy, kipag big na ang Noa? Magbibili din house sa dito po."
"Gusto mo ba rito, anak?"
"Opo kisi endi miinit po. Endi na magpagod ang mommy magpaypay sa Noa po kapag wala po kuwente po. Endi na pipawis pelagi ang mommy po," he said innocently.
Parang may mainit na palad na humaplos sa aking puso. Look at my sweet boy? Ang liit-liit pa niya pero iniisip na niya ako.
I suddenly remembered how my Dad almost kicked my tummy when I refused to abort Noa. Either palalayasin niya ako noon o papatayin ko ang baby ko. I chose to leave our home despite me not knowing anything about life.
Napahugot ako ng hininga kasabay ng paghaplos ko sa ulo ni Noa. I made the right choice. Kasi kung hindi ko piniling buhayin si Noa, wala sana akong sweet na anak ngayon.
"Anak? Pasensya ka na kung hindi ka palaging napoprotektahan ni mommy mula sa mga nambu-bully sa'yo, ha?" Medyo humapdi ang sulok ng mga mata ko. "Pagpasensyahan mo na rin si mommy kung . . . kung tayo lang dalawa?"
Noa smiled at me. "Mommy, Noa ahpi kisi love ng mommy pelagi po."
Tuluyan na akong naluha. Tumalungko ako sa kanyang harap at niyakap siya. I even pecked gentle kisses on the side of his head before I sniffed.
Maraming sumubok manligaw kahit may anak na ako pero ni minsan, hindi ko inisip na magpapasok ng lalake sa buhay ko. Siguro dahil takot ako na baka hindi mahalin si Noa nang gaya ng pagmamahal ko. He's so precious and he loves me in his innocent way. I will never trade my son's love for someone else's.
"Halika muna sa loob, anak. Malamig pa rito sa labas," aya ko bago pa ako maging emosyonal nang husto.
Noa didn't argue with me. Sumama siya sa loob at nanood na lamang ng TV. Nagpadala naman si Kahel ng breakfast sa room namin kaya pagkatapos kumain ay tinamaan ako ng antok. Ang lamig naman kasi. Kakaiba ang lamig. Napakanatural. Hindi gaya ng lamig na ibinubuga ng AC.
Dahil sa lamig at kabusugan ay nakatulog ako habang nanonood si Noa ng Paw Patrol. Nang magising ako ay hapon na at wala na si Noa sa silid.
Nataranta ako. Dali-dali akong bumangon at lumabas para hagilapin siya. I even checked Kahel's room but they're not there anymore so I called his phone.
It took three rings before he picked up the phone. Maingay ang background na tila nasa pampubliko siyang lugar.
"Boss? Si Noa hindi ko makita—"
"Mihina naman mag-dwive, eh!"
Napakunot ako ng noo nang marinig iyon. "Si Noa ba 'yon?"
I heard a sigh. "Yeah. Ang sarap ng tulog mo kaya hindi na kita ginising. He's getting bored so I brought him with me. We had strawberry taho at the park. I didn't like it. Neither did Noa. Anyway, nainggit siya sa mga nagbibisikleta. I let him drive the small one but there are too much irresponsible drivers here that I almost punched someone because he kept hitting Noa's bike so I ended up hiring the bigger bike where we both could fit but . . ." He sighed. "I don't know how to properly use this thing, love. Can you come here, please?"
Napaawang ang aking mga labi. Did he just call me love while asking me a favor? At bakit ang lambing ng pagkakasabi?
My cheeks burned. Bakit ako kinilig?!
I inhaled a sharp breath. "Magta-taxi ako papunta diyan."
"Thanks. You're the best. Are you sure you don't wanna get married?"
I rolled my eyes. "I'm pretty sure I'd rather stay as your assistant."
He chuckled softly on the other line. Lintik! Ang gwapo tumawa ng mokong!
"Alright. Come rescue us then."
"Wait for me," sagot ko na lang saka na pinatay ang tawag.
I went to the bathroom to wash my face and brush my teeth. Nang matapos ay sinuklay ko ang buhok ko ngunit nang maibaba ang brush ay mayroon akong napagtanto.
Dali-dali kong kinuha ang phone ko at nag-surf sa internet. I checked the results and realized that maybe my son inherited his dyslexia from Kahel. It says here that some dyslexia patients have a hard time riding a bike. Ang pinagtataka ko lang ay marunong naman magmaneho ng kotse si Kahel. In fact, he's really good at it.
I made a mental note to throw him some questions later. Maybe I could confirm whether he's dyslexic, too without actually asking him directly.
Sakay ng taxi ay nagtungo ako sa biking lane ng Burnham Park. Pinasadahan ko ng tingin ang lugar hanggang sa natagpuan ko ang mag-ama sa bandang gitna. They're not moving and Kahel is looking so pissed with all the other bikers hitting their bike with orange paint.
Dali-dali akong lumapit sa kanila saka ko tinapik si Kahel sa braso. His expression turned ashamed as if he knew it's emasculating to let me drive the bike.
"I'll push it," nahihiya niyang presinta.
Umiling ako. "No. Kaya ko 'tong imaneho kahit nakasakay kayong dalawa. Basta dito ka sa inner side para hindi masyadong mabigat ang side wheel," sabi ko.
Bumuntonghininga siya bago hiyang-hiya na naupo sa loob ng tribike. Excited naman si Noa. Tila malaki ang tiwala na kayang-kaya ko ngang imaneho ang bike.
"Yey! Maandar na! Mommy, migaling pelagi sa evwiting!" Noa cheered with his fists in the air. Tuwang-tuwa na sa wakas ay umusad na rin ang bisikleta.
Kahel smiled. Maya-maya ay inakbayan niya si Noa saka sinabi ang mga salitang nagpagising sa mga lintik na bubuyog sa aking tiyan.
"She's definitely our hero, Noa." He looked at me with a hint of fascination in his eyes. "And we're both lucky to have her in our lives . . ."