Eloisa
Hindi ko alam kung napansin ba ni Kahel na hingal-aso na ako kapapadyak ng bisikleta. Bigla na lang kasi niyang hinawakan ang braso ko para agawin ang atensyon ko.
"Stop the bike," he said with conviction. Muntik akong matawa. Ano 'yon? Broke version ba ng stop the car?
"Anong stop the bike? Nasa gitna tayo ng traffic!" asik ko.
Lumingon-lingon si Noa sa paligid. "Mommy, wananaman car-car po. Bike lang, bike. Wana twraffic."
I turned my gaze to Noa. "Anak, traffic ang tawag sa movement ng mga sasakyan. Kahit ano pang klaseng sasakyan. Kapag naman naiipit sa rami ng sasakyan at mabagal ang usad, traffic jam ang tawag doon."
Nalukot nang husto ang noo ni Noa. "Ayaw Noa ng Jam po, eh. Endi naman misalap 'yon po, eh."
"Puro pagkain nasa isip mo. Ayaw mo naman," Kahel murmured before he drifted his gaze back to me. "Just stop the bike, alright?"
I rolled my eyes and just did what he wants. Nang maitigil ko ang bisikleta ay bumaba si Kahel. He fixed his coat and then went behind the tribike. Litong-lito ko naman siyang pinakatitigan hanggang sa nagtama ang aming tingin.
"Anong ginagawa mo?" I asked.
"I'll push it," aniya.
"Ay, abuti lalang minunong den kilamdam," dramatikong sabi ni Noa. May nalalaman pang pag-angat ng mga palad sa ere na animo'y milagro ang desisyong ginawa ni Kahel!
Kahel scoffed. "Dapat nga nagtutulak ka rin? Lalake ka rin naman."
Pinandilatan ko ng mga mata si Kahel. "Sige, papatol na naman." Inirapan ko siya. "Hindi ka man lang ba natatakot ma-kidnap? Hindi ka man lang nagbitbit ng bodyguard?"
He started pushing the bike. "Nah. Humihingi pa lang sila ng ransom, binubomba na ang hideout nila." He smirked. "Don't worry. You guys are safe with me."
Safe nga. Sa semilya mo lang hindi.
Hindi ko pa siya nasasagot ay bumaba na si Noa ng bike. "Anak, anong ginagawa mo?"
"Mommy, push den kisi boy den. Minunong den kilamdam."
"Diyos ko, Noa saan mo ba natutunan 'yang makiramdam-makiramdam na 'yan?" I shook my head. Siguradong hindi sa tatay! Parang walang pakiramdam 'tong isa, eh!
Imbes na sila itong nag-e-enjoy sa biking experience at ako lang ang rescuer, bumaliktad ang sitwasyon! They ended up pushing the bike so I wouldn't have a hard time! Tumigil lang kami noong may bumangga sa bike at muntik akong matamaan. Inis na inis si Kahel kaya kahit hindi pa tapos ang oras ay ibinalik na niya ang bisikleta.
"Tara na ba sa hotel?" tanong ko.
Noa pointed the Burnham Lake. "Mommy, isakay din sa—" Kumunot nang husto ang noo ni Noa. "Mommy, ipagod na si Jawibee. Minorish na."
Bumuhanglit ng tawa ang lintik na si Kahel. "He's right. Pati si Spongebob, mukhang ilang hugasin na ang pinagdaanan. And that one, does that suppose to be Ariel from The Little Mermaid? Mukhang lumunok ng bareta."
Hinampas ko sa braso si Kahel. "Ikaw, masyado ka! For sure kung sino mang gumawa sa mga 'yan, hindi kumikita ng milyun-milyon sa pagpipinta."
"Right." He pursed his lips trying to suppress his laughter. "Sorry. It was just really funny."
"Mommy, ayaw na migsakay sa boat. Misakit eng Jawibee baka magsila ang boat," ani Noa. Mukhang natakot na.
"Let's just go to Ililikha. I'd like to study the place," suhestyon ni Kahel ngunit nagreklamo si Noa na masakit na ang mga binti niya.
I ran my fingers onto Noa's hair. "Hindi na kayang maglakad?"
Umiling si Noa. "Isasakit na po, eh. Mi-ouch na?" Itinuro niya si Kahel. "Kisi siya, mommy eh."
Bumuntonghininga si Kahel. Maya-maya ay tumalungko siya sa harap ni Noa na tila pinasasakay ang anak namin sa likod niya. Noa was hesitant at first but Kahel promised not to drop him.
Tila may mainit na palad na humaplos sa aking puso nang pinasan nga ni Kahel si Noa. Kahit na nagsusungit si Noa kay Kahel, alam kong may bahagi ng puso ng anak ko na nananabik sa mga ganitong bagay.
Sa mga bagay na tanging tatay lang ang kayang magbigay gaano ko man siya kamahal.
Mabagal lamang ang aming lakad. Kung hindi titingnan kami ay para kaming isang pamilya. Noa looks happy and comfortable on Kahel's back. As if despite being annoyed with his own Dad, Kahel still finds peace in Kahel's presence.
Napabuntonghininga ako nang mahina. Kung malaman kaya nilang magtatay sila, magiging close kaya sila? I wonder.
"Look at that bookshop? I heard it has a lot of antiques and paintings inside." Kahel smirked as he looked at me. "We should drop by later. Madadaanan din naman natin kapag pumunta na sa parking lot."
Tinaasan ko siya kunwari ng kilay. "'Yong antiques ba ang titingnan mo oh 'yong naghe-hena na maganda sa harap?"
He scoffed. "Why? Jealous?"
"In your dreams, boss."
He laughed softly. "Ah, you really do love your job, huh?"
"Syempre. Dahil sa trabaho ko, nabibili ko na ang mga gusto ng anak ko. May aircon na rin sa kwarto namin kaya hindi na siya palaging inuubo dahil natutuyuan siya ng pawis sa gabi."
I saw his eyes glistened with admiration. "You really do everything for Noa, hmm? Didn't you even consider asking his Dad for financial support?"
"Oh, I did."
"And what did he say?"
Binigyan ako ng trabaho . . .
I pursed my lips. Syempre hindi ko iyon pwedeng sabihin sa kanya kaya iniba ko na lang ang usapan hanggang sa nakarating kami sa Session.
Dahil araw ng Linggo ay sarado rin ang Session Road. Sakto namang madaraanan namin iyon dahil patungo kami sa Ililikha. Noa saw the street mascots and insisted to say hi to each of them.
"Baymax!" tuwang-tuwa na tawag ni Noa sa naka-mascot kaya lang sa rami ng nagpapakuha ng larawan ay hirap na hirap sumingit si Noa.
"Teka, anak! Baka maipit ka! Noa!" tawag ko ngunit talagang ayaw magpapigil ng anak ko.
"Eshusmi po! Misasabi lang sa Baymax po—eshusmi! Eshusmi lang sabi po, eh!"
Parang maiiyak na si Noa dahil hindi talaga makasingit. Sinubukan ko na siyang pigilan sa pagsiksik sa sarili niya ngunit talagang nagpupumiglas dahil gusto talagang makalapit sa mascot. Akala yata niya ay tunay na Baymax iyong gusto niyang lapitan kaya halos gawin niya lahat makalapit lang.
Kahel let out a frustrated groan before he pulled Noa away from the bunch of people squeezing his tiny body. Binuhat niya si Noa saka siya ang nakipagsiksikan. Nang nahirapang sumingit ay inis na inis siyang sumigaw.
"Alright, people! I'll give everyone a thousand peso! Just give us some f*****g privacy here because this kiddo will not stop until he gets a picture with this man in a weird bubbly suit!"
Nasapo ko nang tuluyan ang aking noo. Seriously? He's going to spend that much money for privacy?!
Akala ko ay pang-uto lang niya iyon sa mga tao ngunit nang maglabas siya ng pera at nagpaulan ng tig-iisang libo ay napaawang na lang ang aking mga labi. Lalo pa akong nataranta nang alukin niya rin ng malaking halaga iyong naka-mascot ng Baymax para lamang sumama sa amin!
"Boss! Diyos ko, ano bang ginagawa mo?!"
He sighed. "I seriously don't know anymore." He grabbed Baymax by the hand then crossed thr street while he's still carrying Noa in one arm. "Let's go get some coffee and have a little chat, Mr. Big Balloon."
Nahilot ko na lamang ang aking sintido. Ibang klase talaga ang mga trip sa buhay ng isang ito!