C41- Joan

2423 Words

Limang na araw na ang nakalipas buhat nang mangyari iyon. At magmula niyon ay hindi pa kami nagkikita ni Harry. Pinagbawalan ko kasi siya na pumunta ng bahay dahil kung hindi siya susunod ay lalong ayaw ko siyang kausapin. Isang linggo kasi ang sinabi kong mag-cool off muna kami. Nagpaalam rin kasi siya na ilang araw siyang mawawala dahil may aasikasuhin daw siyang negosyo sa ibang bansa. Ayoko mang patagalin ang tampo ko ay humaba na dahil nga umalis siya noong isang araw at baka raw isang linggo siyang mawawala. Sus, nagpapamiss lang naman siya! Pero no. Hindi ako madadala sa pag-eemote niya. Itsura niya, makapanghusga siya sa akin pero kung makamukbang siya sa akin, akala mo wala ng bukas. Leche. "Ma, anong nangyari?" tanong ko nang makitang nag-iinuman sina Papa at Linta sa may sala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD