"Hindi na yata masara 'yang bibig mo simula nang dumating ka dito." Napatigil ako sa pagpindot ng phone at nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang pamumunang iyon mula sa pamilyar na boses. And there, dalawang magkasalungat ang mukha ang nakatutok sa akin. Darwin and Shawn. Salubong ang kilay ni Darwin nang tumingin sa akin habang ngising aso naman ang isa. "Kung nakakadilig ng tama, bakit kailangan isara? Right, Bro?" Nakangising sabad naman ni Shawn kay Darwin. "Ikaw lang naman ang hindi ngumingiti kahit quota ka na araw-araw." Dugtong pa nito bago sumayaw-sayaw. Halatang kababa lang ng langit ng mga ito dahil kanina pa ako dito nakaupo pero ngayon ko lang sila nakita. "Does it bother you?" Balik-tanong tanong ko sa kanya. Masamang tumingin siya sa akin at kay Shawn. "Whate

