"Finally! Kuya Dale is coming home." Napalingon ako kay Devon nang bigla na lang niyang sabihin 'yon. At kitang-kita ko kung gaano siya kasaya nang sabihin niya iyon. "Talaga, Devon?" Excited ko rin na tanong. "Yup! Tumawag siya kay Mom kagabi. Akala nga namin ay ayaw niya nang umuwi." "Kailan naman?" tanong ko. "I don't know kung kailan. Basta sinabi niya na uuwi na siya this month." "Ngayong buwan na?" Mangha kong tanong. "U-huh." Ngayon pa lang excited na akong sabihin ang balitang ito kay Bes. Finally, magiging busy na ulit si Bes. Pero teka! Available pa kaya siya? Baka kasi may asawa na siya. Bihira lang kasi magkwento si Devon sa akin. "Buti pumayag ang asawa ng kuya mo na dito na sila titira?" Diretso kong panghuhuli para malaman ko agad ang sagot kung single pa ba ang

