"Bitawan ninyo 'ko!" Malakas kong sigaw at pinilit kong makawala sa pagkakahawak ng mga kaibigan ko. Tinodo ko pa ang buong lakas ko pero balewala lang sa kanila. Ano, ba naman kasi ang lakas ko kumpara sa apat na tao. Magkabilaan pa ang hawak nila sa akin. "Bitawan niyo sabi ako, mga bwesit!" gigil kong hiyaw at halos magwala na ako nang makitang paalis na si Joan kasama ang epal. "Love!" tawag ko nagsusumamong boses sabay pigsi. "Bro, that's enough. Hayaan mo muna siya," mahinahong sabi ni Gavin na lalong sumikip ang dibdib ko. "Love!" sa halip ay sigaw ko muli at parang ang sarap manggulpi ng mga kaibigan ngayon. Kung titingnan, para na akong baliw ngayon. Pero wala na akong pakialam. Dahil ang importante sa akin ay maiuwi ko si Joan. Gusto kong kasama siya sa palagi kahit hindi n

